Problema Sa Basura
Problema Sa Basura
Problema Sa Basura
Problema sa Basura
Ang mga basura, lalo na ang dumi ng tao at iba pang lusaw at
buo na galling sa mga bahay at barangay na hindi wastong
pinamamahalaan ay isang malubhang panganib sa kalusugan at naghahatid
ng mga sakit na nakahahawa. Karamihan sa mga tao ay nababahala hinggil sa
kapaligiran, marami ang hindi nag-aatubili sa pagtatapon ng basura sa lupa at
pagtatambak ng basura sa ilog. Ang mga basurang pinababayaang
nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga daga at iba
pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang mga
basang basura at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy.
Nagiging daan ito sa maruming kapaligiran at sa pagdami ng problema sa
kalusugan. Ang mga plastic na basura ay isa pang sanhi ng masamang
kalusugan at pagsira ng hangin sa ating kapaligiran.
Ang kawalan ng disiplina ay isang sanhi ng basura, Wala silang pakialam kung
mapuno man ang ilog, estero, kanal at kalupaan ng basura. Wala silang kaalam alam
kung mayroon tayong makukuhang sakit, Alam naman natin na isang sanhi ng
pagbaha ang mga nakakalat na basura. Kaya kung magpapatuloy pa ang kawalan ng
disiplina sa pagtatapon ng mga kalat, maaaring madagdagan ang mga basura at
lumala pa ang mga nararanasan na pagbaha. Isa pa sa mga sanhi ng basura ay ang
walang pakundangang pag tatapon ng mga ginamit na bagay tulad ng plastik, bote,
bagay na sira na at wala ng pakinabang sa hindi tamang tapunan. Malaya tayong
gumamit ng mga bagay ng mauuwi sa basura, ngunit dapat tayong maging
reponsable sa tamang pagtatapon ng basura at paghihiwalayin ang na- bubulok at di-
nabubulok na basura.
Kontaminasyon sa Lupa
Masama sa kalusugan ng mga halaman ang makasipsip ng mga
nakalalasong kemikal sa kanilang mga ugat. Karaniwang sanhi nito ay ang
pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar. Bukod pa dito, sa katunayan, ang
landfill ay isa ring malaking ebidensiya ng polusyon sa lupa dahil ang mga halu-
laong basura na nagpatung-patong ay hindi maitatangging nakakalat din
naman sa isang malawak na lugar.
Mga nagkalat na basura sa kapaligiran ang pangit tignan kung mga basurang
hindi nakatapon sa tamang lugar, ito ay nakasisira sa ating barangay. Tulad ng
mga lata,pampers, mga parte ng isda, baboy, at baka na itinatapon nalang
kung saan-saan ang siyang nakakaapekto rin sa ating mga kanal at sanhi ito ng
pagbabarado at pagbaha.
Tungkulin ng Barangay
Unang Hakbang – Pagbubukod
Ang pag-bubukod ay gagawin sa bahay at iba pang
pinagmumulan ng basura
Hiwa-hiwalay na lalagyan ayon sa uri: nabubulok, di-nabubulok
na pwedeng irisiklo, dapat itapon at special waste
Pag-uugnay ng mga gawain sa programa ng lungsod at
munisipyo.
Ikalawang Hakbang – Koleksyon
Hiwa-hiwalay na pagkolekta o hiwa-hiwalay sa pagkolekta; Hindi
kokolektahin ang hindi nakabukod
Dadalhin ang nakolekta sa MRF.
Ikatlong Hakbang – Pagbalik-gamit
Ipunin ang basura ayon sa uri at Ipakuha ito sa mga
nagkokompost, junkdealer, recycler, atbp.
Maaaring gawin na sa Barangay ang pagreresiklo, pagbalikgamit,
at pagkompost. Ito ay pagkakakitaan ng mga Barangay.
PROBLEMA SA BASURA