1 - Mga Pangunahing Relihiyon Sa Buong Mundo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Secondary: Expanding One’s World Vision

Mga Pangunahing Relihiyon Sa


Buong Mundo

March 2006
Jointly developed by the DepED BALS and the Save the Children Federation under the ASCEND-Mindanao, a
program made possible with the generous support of the American People through the USAID.
Mga Pangunahing Relihiyon sa Buong Mundo
Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN

1. Natutukoy ang iba’t ibang sanhi ng pagkakaroon ng tinatawag na


digmaan ng mga relihiyon
2. Naipaliliwanag ang epekto o resulta ng digmaan ng relihiyon
3. Naibibigay ang sariling saloobin tungkol sa hidwaang panrelihiyon
4. Naipapamalas ang pagtitimpi sa pakikipag-usap tungkol sa relihiyon

II. PAKSA

A. Aralin 2 – Mga Taong May Iba’t Ibang Pananampalataya p.23-31


Pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay: pagtitimpi o
pagpapahayag ng emosyon at saloobin

Kagamitan : metacards

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral

Ipatala sa kahon ang mga kahulugan ng mga pahayag sa


mga katapat nito sa kaliwa.

K r i s t i y a n o Si Hesus ang nag-


iisa at walang
kamatayang Diyos

Nilikha ni Allah
u s i m ang lahat ng
M l bagay sa daigdig.

Si Yahweh ang
H u d nag-iisang tunay
y o
na Diyos.

2
Si Brahman ang
H i n d u kataas-taasang
espiritu ng sansinukob

B Abutin ang liwanag at


u d d h i s t kalayaan mula sa
kamangmangan,
pagnanais at
pagdurusa sa
pagbabalik ng buhay.

2. Pagganyak

Ipabasa ang istorya ng “Anim na Bulag” sa modyul pahina


25 hanggang 26.

Itanong:

a. Bakit hindi magkaintindihan ang anim na bulag?


b. Paano mo ito maiuugnay sa usapin o hidwaang panrelihiyon?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

• Ipabasa ang mga paniniwala ng iba’t ibang relihiyon sa


modyul pahina 4.

• Ipaliwanag ang pangunahing mensahe ng binasa.

2. Pagtatalakayan

Itanong:

Bakit kaya humahantong sa digmaan ang pagkakaiba-iba sa


relihiyon?

3
Gamitin ang “concept map”sa pagtatalakayan.
Halimbawa:

ibang
interpretasyon sa
bibliya

iba ang kultura at


iba ang sinasamba o Sanhi ng tradisyon
sinasampalatayanan pagkakaiba
sa relihiyon

panghihikayat ng Katapatan sa
mga sasapi o pananampalataya
magiging kasapi

3. Paglalahat

Itanong:

Anu-ano ang ang dapat gawin upang maayos ang mga


hidwaang panrelihiyon?

Mga posibleng sagot


a. Pahintulutan ang iba na maisabuhay ang kanilang
paniniwala.
b. Iwasan ang madamdaming pag-uusap tungkol sa
relihiyon.
c. Pahalagahan ang mga paniniwala at kaugalian ng iba’t
ibang ralihiyon.
d. Isaisip na iisa ang layunin ng mga relihiyon, katulad ng
pagkakaroon ng tiwala sa Dakilang Lumikha, pagiging
makatao at maka-Diyos.

4
4. Pagpapahalaga

Itanong:

Paano mo gagamitin ang iyong relihiyon sa


pagpapalaganap ng kapayapaan sa iyong komunidad?

5. Paglalapat

Pangkatin ang mag-aaral ng tig-aanim ang bawat pangkat.


Ipa-role play ang pangunahing mensahe ng kuwentong “Anim
na Bulag”. Ipakita kung paano mapapalaganap ang
kapayapaan?

Sa pagpoproseso ng “role play” ipalabas ang saloobin ng


mga mag-aaral tungkol sa relihiyon. Palabasin din ang
kahalagahan ng pagtitimpi ng damdamin sa pakikipagtalo.

IV. PAGTATAYA

Ipaliwanag ang mga pahayag na sumusunod:


1. Hindi mo kinakailangang maniwala sa mga itinuturo ng ibang relihiyon.
2. Mahalaga ang pagtitimpi at magandang saloobin para maiwasan
ang hidwaang panrelihiyon.
3. Ipakita ang saloobin tungkol sa relihiyon hindi upang manlait
kundi upang mapanatili ang pagkakasundo.
4. Karapatan ng bawat tao na maisagawa o maisabuhay ang kanyang
paniniwalang panrelihiyon.
5. Igalang ang ibang relihiyon kahit hindi tumutugma sa mga itinuturo
ng sariling relihiyon.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Makisali sa mga usaping panrelihiyon sa inyong barangay. Ipakita


ang saloobin at pagtitimpi sakaling maging mainitan ang pag-uusap.

You might also like