MATERYAL

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Paksa: MAHALAGANG SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGTUTURO NG

FILIPINO SA KALIGIRANG AKADEMIKO: MGA MATERYAL

MGA AWTENTIKONG KAGAMITAN

· ADDS/PATALASTAS

· PAHAYAGAN

· BROCHURE

· MAGASIN

· BIO-DATA

· PAALALA

· RESIPE

· BABALA

· DAYALOGO

v Ayon kay Peacock (1997) – Ang mga materyales ay ginagawa upang matugunan
ang ilang adhikaing panosyal sa pag-aaral ng lingguwahe sa kamunidad. Sa
pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ekposyur ang mga bata sa pag-aaral ng
wika, gamit ang AKP (Awtentikong Kagamitang Panturo). Madaling magkaroon
sila ng pagkatuto at kamalayan sa mga bagay sa kanilang komunidad sa ginagamit
nila sa pang-araw-araw na pakikisalamuha.

v Ayon naman kay Morley (2001) – awtentikong kagamitan ay makabuluhan at


nagbibigay ng motibasyon sa mag-aaral sa matalinong pagkatuto, nagagawa rin
nitong ihayag ang tunay sa nilalaman at istruktura ng lengguwahe.

DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGAN NG GURO ANG MGA MATERYAL/


INSTRUSYUNAL NA KAGAMITAN;

• Kalinawan ng aralin

• Pagpapanatili ng atensyon

• Pagpapanatili ng memorya

• Pagkamalikhain
KATANGIAN NG EPEKTIBONG INSTRUKSYUNAL NA KAGAMITAN

Hango kay Tomlison (1998), may dalawang pangunahing katangiang dapat


taglayin ang anumang kagamitang ihahanda ng guro para sa pagtuturo.

1. MAY IMPAK– kailangan masaling ang kuryusidad, interes at atensyon ng mga


mag-aaral upang masabing nagkakaroon ng impak sa kanila ang mga kagamitang
ginamit.

Natatamo ang impak sa pamamagitan ng mga sumusunod na aspekto:

a. orihinalidad – pagiging bago o kakaiba.

b. pagkakaiba-iba – My baryasyon sa iba’t ibang pagkakataon

c. kaluguran – kahali-halina sa mata o paningin tulad ng paggamit ng


mga makukulay sa presentaston, larawan at iba pa.

d. kawilihan – pumupukaw ng interes ng mga mag-aaral.

2. MAY BUNGA - inihahanda ang mga instruksyunal na kagamitan hindi upang


magamit lamang sa pagtuturo. Inaaasahang makatulong ito sa buong proseso ng
pagtuturo-pagkatuto at inaasahang magbunga ito ng isang kasanayang inaasahan
ng guro sa simula pa lamang ng kanyang pagpaplano.

MGA PANUNTUNAN AT DAPAT TANDAAN

v Lahat ng instruksyunal na mga kagamitan ay pantulong sa pagtuturo. Hindi nito


hinahalinhan ang guro. Ang mga materyales na ito ay natutulong sa pagtuturo ng
guro sa silid-aralan upang maging kawili-wili, kasiya-siya at kalugod-lugod ang
pag-aaral ng mga mag-aaral.

v Piliin ang instruksyunal na kagamitang pinakaangkop at pinakaakma sa iyong


mga layunin.
v Kailangang gumamit ng barayti ng mga kasangkapan at kagamitan. Napapanatili
ng mga ito ang interes ng mga mag-aaral sa pagtanggap ng kabatiran sa iba’t
ibang paraan.

MGA AWTENTIKONG KAGAMITAN

v ADDS/PATALASTAS

Ø Isa sa mahalagang kasangkapan sa pakikipagkalakalan na ginagamit upang


maabot, ipag-bigay-alam, hikayatin ang mga prospek na pumili ng
institusyin o mga produkto o serbisyo nito. (Ordinario, Santis, at
Fernandez, 2018).

Ø Isang paraan upang maipakita sa madla ang kanilang produktong


pinagmamalaki, ginagamit din ito upang makilala ang prudukto at
tangkilikin ito.

Ø Gumagamit ng angkop sa wika at mga salita upang mahikayat ang mga


mamimili at maihatid ang mensaheng hatid ng isang patalastas.

v PAHAYAGAN (DIYARYO/PERYODIKO)

Ø ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at


patalastas, kadalasang nakaimprenta sa mababang halaga.

Ø ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalsan itong


inilalathala ng araw-araw o lingguhan.
URI NG PAHAYAGAN

BROADSHEET

Ø Ang pinakamalaking pormat ng


pahayagan.
Ø Nailalarawan sa pamamagitan ng
mahabang patayong mga pahina
(karaniwang 22 pulgada o 560
milimeters)

TABLOID

Ø Sinasabing ang tabloid ay pang masa


dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t
ilan ditto ay Ingles ang midyum.
Ø Masyadong binibigyang-diin ang
tungkol sa sex at karahasa kaya’t
tinagurian itong “sensationalized
journalism.” Bihira lamang maibalita
MAAARING ILAGAY SA PERYODIKO/PAHAYAGAN:
ang magagandang kaganapan sa ating
• bansa.
Ulat panahon

• Tudling ng Pagpapayo

• Mga tala ng mga palabas sa pelikula at teatro, shopping mall, restoran,

• Pangulong tudling

• Mga balitang showbis

• Mga palaisipan, krosword, sudoku, at mga oroskopyo

• Pampalakasan
• Mga biro at katatawanan

• Lathalain

• Mga balitang pangdayuhan/balitang pandaigdig

• Pangmukhang pahin

v BROCHURE

Ø Naglalaman ng mga larawan at mga materyal o produkto na maaring


ibenta. Ito ay parang maliit at manipis na aklat o magasin na nagtataglay
ng maraming larawan at impormasyon tungkol sa isang produkto o kaya
naman isang lugar, tao at iba pa. Ito ay may kamahalan di tulad ng isang
simpleng dyaryo. Ito ay may ibang klase ng papel na ginamit at makulay
ang mga pahina nito.

v MAGASIN

Ø Peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kwento,


larawan, anunsyo at iba pa. Kalimitang pinopondohan ng mga patalastas.
Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.

Ø Ito ay may sukat na mas malaki kasya aklat ngunit mas malilit kaysa
pahayagan.

Ø Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso


ng mga sikat na tao sa bana.
v BIO-DATA
Ø Naglalaman ng pangunahing impormasyon tungkol sa isang tao
halimbawa ay ang kanyang pangalan, kaarawan, tirahan, lugar ng
kapanganakan, edukasyon at kaalaman.

v PAALALA

Ø Ginagamit upang bigyan-diin ang mga mahahalagang impormasyon na


ipinatutupad. Ito ay paalala ng dapat gawin ng tao.

Mga Halimbawa:

1. Panatilihin ang katahimikan sa loob ng bahay-aklatan.

2. Bawal pumasok ng hindi naka uniporme.

3. Bawal pumasok ng walang ID.


v BABALA

Ø May pagkakapareho sa anunsiyo na nagsasaad ng impormasyon ngunit ito


ay nagsasaad ng mga dapat at di dapat gawin sa isang lugar lalo na sa mga
pampublikong lugar.

Ø Ginagamitan ito ng mga simpleng simbolo ngunit ang ilan ay pasalita.

v DAYALOGO

Ø Diskurso ng dalawa o marami pang tao o tauhan. Madalas na ito ay


makikita sa mga isinulat at iginuhit gaya ng comics.

Ø Tawag ito sa mga pamapanitikan na limbag gaya ng drama, script at mga


dula.

You might also like