Golden Gate Colleges Departamento NG Elementarya P. Prieto ST
Golden Gate Colleges Departamento NG Elementarya P. Prieto ST
Golden Gate Colleges Departamento NG Elementarya P. Prieto ST
DEPARTAMENTO NG ELEMENTARYA
I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang...
A. Naiisa-isa ang mga alituntunin ng pamilya.
B. Naihahambing ang alituntunin ng sariling pamilya sa alituntunin ng sariling
pamilya ng mga kamag-aral.
C. Naipakita ang pagpapahalaga sa pagtupad sa mga alituntunin ng sariling
pamilya at pamilya ng mga kamag-aral.
Pagdadasal
Pagbabatian
Pagtatala ng liban sa klase
Pagtatala ng mga alituntunin na dapat tandaan bago mag-umpisa
ang klase.
A. Paunang Pagtataya
Balik Aral:
Balikan ang nakaraang pinag-aralan tungkol sa Kuwento ng
Aking Pamilya. Magtawag ng mga mag-aaral na nakakaalala sa
nakalipas na pinag-aralan. At sagutan ang mga nakahandang
tanong o gawain tungkol kwento ng aking pamilya.
B. Panlinang na Gawain
Ang guro ay may ipapakitang mga larawan na nasa kani-kanilang libro at
maghahanda ang guro ng mga tanong pagkatapos nila itong
pagmasdan.
C. Paglalahad
Gusto mo bang malaman ang sekreto kung bakit maayos ang Pamilya B
kaysa Pamilya A.
Mayroon silang mga alituntuning sinusunod ng bawat kasapi ng pamilya.
Mayroon din ba kayong alituntunin sa inyong pamilya?
D. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
E. Paglalahat
a. Ano-anong alituntunin or rules ang sinusunod sa inyong pamilya?
b. Bakit kailangang magkaroon ng mga alituntunin ang pamilya?
c. Bakit mahalagang sumunod o tumupad tayo sa mga tuntunin?
d. Ano kaya ang mangyayari kung hindi susunod o tutupad sa tuntunin ang
mga kasapi ng Pamilya?
Tandaan:
Ang pagsunod sa mga tuntunin o rules ay makakatulong sa pagkakaroon ng
maayos na pamumuhay ng pamilya.
F. Pagtataya
Kulayan ang masayang mukha kung ang nasa sitwasyonng babasahin ng iyong guro
ay sumusunod sa mga alituntunin sa pamilya at ang malungkot na mukha naman
kung hindi.
G. Karagdagang Pagsasanay
Bilugan ang titik ng sagot na sa tingin mo ay nararapat gawin ng isang kasapi ng
pamilya tulad mo.
H. Kasunduan
Gawin ang nasa pahina 148-149
Piliin mula sa kahon ang alituntunin ng pamilya sa tingin mo ay angkop sa bawat
sitwasyong babasahin ng iyong tagapagturo sa bahay.
Isulat sa linya ang titik ng tamang sagot.
GURONG KOORDINEYTOR