Grade 7 - 1ST QTR Exam-Final-2018-2019

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
R E H I Y O N XI
SA N G A Y N G L U N G S O D N G D A B A W
LUNGSOD NG DABAW

ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahang Pagsusulit
SY 2018 - 2019

PANGKALAHATANG PANUTO. Basahing mabuti at intindihin ang mga tanong sa bawat bilang. Itiman ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Masasabing malaking bahagi ng hangganan ng Asya mula sa iba pang mga kontinente ay mga anyong
tubig dahil halos napaliligiran ito ng mga dagat at karagatan. Alin ang HINDI ginagampanan ng mga
dagat at karagatang ito?
A. likas na depensa C. nagdudulot ng panganib
B. rutang pangkalakalan at paggagalugad D. pinagkukunan ng yamang-likas

2. Sa pagkakaroon ng iba’t ibang anyong-lupa sa Asya, unti-unting nahubog ang kabihasnang Asyano.
Bakit?
A. Bawat uri nito ay ginagamit, nililinang at patuloy na naghahatid ng pakinabang sa mga Asyano.
B. Pinagtayuan ito ng mga pabrika ng iba’t ibang produkto.
C. Ang mga bundok ay ginawang libangan ng mga turista.
D. Ginawang sakahan ang lahat ng anyong-lupa.

3. Bakit ang mga baybay-ilog ng Tigris-Euphrates, Indus at Huang Ho ay napakahalaga sa kasaysayan ng


daigdig?
A. Nagsisilbi itong lunduyan ng sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig.
B. Nagsisilbi itong tanggulan kung may pagsalakay ng kalaban.
C. Nagsisilbi itong irigasyon sa mga lambak nito.
D. Ang mga mangangalakal ay dito dumadaan.

4. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Matatagpuan ang hangganan nito sa hilaga,
timog, silangan at kanluran. Ano ang hangganan ng Asya sa silangan?
A. Dagat Bering patungong Karagatang Pasipiko kasama ang Hapon at Taiwan
B. Kabundukang Ural hanggang Dagat Kara at Karagatang Artiko
C. Dagat Timor hanggang karagatang Indian at Dagat Arabian
D. Dagat Pula patungong Dagat Mediterranean at Dagat Itim
5. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon batay sa paghahating heograpikal. Paano isinasagawa ang
paghahating ito?
A. Isinasaalang-alang ang sukat nito.
B. Ayon sa klima at behetasyon na naranasan ng bansa
C. Depende sa antas ng pagsulong at pag-unlad ng bansa
D. Gamit ang batayang pisikal, kultural, historikal at political
6. Ang Asya ay nahahati sa iba’t-ibang rehiyon. Saang rehiyon matatagpuan ang Pilipinas?
A. Silangang Asya B. Timog-Silangang Asya C. Hilagang Asya D. Kanlurang Asya
7. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan at Silangang Asya. Kumpara
sa ibang rehiyon, bakit ang hilaga at kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay?
A. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasan sa larangang historikal,
kultural, agrikultural at sa klima.
B. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal.
C. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.

8. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng
malawak na damuhang grasslands. Tinatayang ang sangkapat (1/4) ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin
sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang mataas na malalim ang ugat na matatagpuan sa ilang
bahagi ng Russia at maging sa Manchuria?
A. Steppe B. Prairie C. Savanna D. Tundra
9. Ang mga hanay ng kabundukan ang nagsisilbing hangganan ng mga kontinente. Anong kontinente ang
inihihiwalay ng Bundok Ural sa Asya?
A. Europa B. Aprika C. Hilagang Amerika D. Australia

10. Ang mga bansang may klimang tropikal ay nakararanas ng tag-init at tag-ulan na panahon. Anong
rehiyon ang may ganitong uri ng klima?
B. Hilagang Asya B. Silangang Asya C. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya

11. Hindi palagian ang klima sa rehiyong ito. Bihira at halos hindi nakararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi nito
at kung umuulan man, ito’y bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat.
Anong rehiyon ang may ganitong uri ng klima?
A. Timog Asya B. Kanlurang Asya C. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

12. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at
topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima at sa
Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian sa
Timog-silangang Asya?
A. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
B. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
C. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.
D. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob
ng isang taon.

13. Ang Asya sa ngayon ay dumaranas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran, tulad ng nagaganap sa Aral Sea
sa Hilagang Asya na kilala bilang bilang pang-apat na pinakamalaking lawa sa buong mundo. Ngunit mula taong
1989 hanggang 2003. Ang Aral Sea ay lumiit nang lumiit ang sukat mahigit sa apat na beses, at humantong sa
pagkakahati sa dalawa- ang Large Aral Sea at Small Aral Sea.
Ano ang implikasyon nito?
A. Ang kontinente ng Asya ang may pinakamabilis na antas ng paglala ng mga suliraning pangkapaligiran
kumpara sa ibang mga kontinente sa daigdig.
B. Ang suliraning tulad nito ay lubhang nakakaalarma, kung kaya’t kailangan ang pagtutulungan ng bawat
bansa sa buong daigdig upang harapin ang mga hamon ng kalikasan.
C. Ang pagbaba ng lebel ng Aral Sea, ang pagkasira ng mga pastulan at pagkatuyo ng mga lupa, at polusyon sa
tubig ang mga naitalang pinakamalalang suliraning pangkapaligiran sa Hilaga/Gitnang Asya.
D. Malaki ang epekto sa buhay ng maraming tao ang pagbabago ng kalagayan ng kalikasan, kung kaya’t dapat
maging aktibo ang iba’t ibang samahang pangkalikasan sa bawat rehiyon na bumuo ng mabisang solusyon
para dito.

14. Habang patuloy ang pagtaas ng populasyon sa Asya, patuloy din ang matinding pangangailangan ng espasyo
para gawing tirahan o subdibisyon. Alin sa mga sumusunod na suliraning pangkapaligiran ang naidulot ng
pangyayaring ito?
A. pagkasira ng biodiversity C. polusyon sa hangin at tubig
B. problema sa solid waste D. global warming

15. Batay sa resulta ng pananaliksik ng mga eksperto, itinatayang nasa apatnapung porsento (40%) ng populasyon ng
rehiyong Asya ay namumuhay sa mga lungsod. Ang mabilis na pagtaas ng antas ng urbanisasyon sa Asya ay
nakapagdudulot ng labis na epekto sa kapaligiran nito. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa ibaba na
bunsod ng urbanisasyon ang lubhang napakasalimuot at ito ay epekto ng lahat ng usaping pangkalikasan?
A. problema sa solid waste C. pagkawasak ng kagubatan
B. polusyon sa hangin at tubig D. pagkasira ng biodiversity
16. Ang mga bansa sa kontinenteng Asya ay nagtataglay ng iba’t ibang likas na yaman. Ang mga sumusunod
ay mga uri ng likas na yaman MALIBAN sa isa.
A. yamang-gubat B. yamang-mineral C. yamang-lupa D. yamang-pisikal
17. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay sagana sa mga likas na yaman. Dahil dito, ang mga bansang Asyano ang
nagsislbing pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na panustos sa mga pagawaan ng mauunlad na bansa.
Ano ang epekto nito sa mga bansang Asyano?
A. Umuunlad ang kabuhayan ng mga Asyano.
B. Nasisira ang kapaligiran ng mga bansa sa Asya.
C. Napapakinabangan ng mga Asyano ang mga likas na yamang taglay ng kanilang bansa.
D. Halos nauubos ang mga likas na yaman sa mga bansa sa Asya at hindi ang mga Asyano ang nakikinabang sa
mga ito.

18. Alin sa mga sumusunod na yaman- mineral ang sagana sa kanlurang Asya?
A. langis at petrolyo B. karbon at nikel C. ginto at pilak D. tanso at bakal
19. Dahil ang Pilipinas ay may tropikal na klima, ang mga sumusunod ay tumutubo MALIBAN sa isa.
A. mangga B. pinya C. trigo D. Palay
20. Sagana sa mga produktong agrikultural ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya, maging sa mga yamang-gubat.
Alin sa mga sumusunod na puno ang pangunahing tumutubo sa mga kagubatan sa rehiyong ito?
A. Rubber tree B. Teak wood C. Pine tree D. Cedar tree
21. Alin sa sumusunod ang HINDI nabibilang sa yamang-lupa?
1. araro, kalabaw, suyod, kariton
2. cacao, abaca, durian, mangosteen
3. gusali, kubo, cottage, bahay
4. gumamela, strawberry, chico, pomelo
A. 1 at 2 B. 1 at 3 C. 2 at 4 D. 1 at 4
22. Ang Japan ay nakaranas ng Winter, Spring, Summer at Fall samantalang ang Pilipinas naman ay wet and dry
season lamang. Aling pahayag ang tamang implikasyon sa pamumuhay ng tao sa larangan ng
agrikultura?
A. Sa isang taon, ang Japan ay apat na beses magpapalit ng pananim.
B. Ang Pilipinas ay magpapalit ng pananim dalawang beses sa isang taon.
C. Ang Pilipinas ay mapalad dahil nagkaroon ito ng klimang tropikal kung saan maaaring makapagtanim sa
buong taon..
D. Ang Japan ay may maraming mapagkakitaan hindi lamang sa larangan ng industriya kundi sa agrikultura
din.
23. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil
pananim ang palay. Bakit?.
A. Maaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, barley at mais.
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
C. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.
D. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
24. Sa pag-aaral tungkol sa pakikiayon ng tao sa kalikasan, bakit gumagamit ng panggatong mula sa
pinatuyong dumi ng mga hayop, katulad ng yak ang mga taga Nepal at Tibet?
A. Mahirap at mahal ibiyahe ang mga likas na panggatong sa kanilang lugar.
B. Ang tao ay marunong umakma o makibagay sa kanilang kapaligiran.
C. Wala silang maaaring mapagkunan ng enerhiya sa pagluluto.
D. Hindi tumutubo ang mga puno sa mga matataas na lugar.
25. Batay sa aralin tungkol sa heograpiya ng Asya, anong paglalahat ang maaaring maibibigay?
A. Masagana ang pananim sa Asya dahil sa mga anyong-tubig at anyong-lupa na angkop sa gawaing pang-
agrikultura.
B. Lahat ng vegetation cover ay may bahaging ginagampanan sa paglinang ng likas na yaman sa Asya.
C. Maraming nag-mountain climbing sa Asya.
D. Maraming mayaman sa Asya.
26. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong-lupa at anyong-tubig. Kung ikaw ay mabibigyan ng
pagkakataong maging lider ng bansa, dapat mo ba itong pangalagaan?
A. Oo, dahil kilala ang bansa sa turismo.
B. Oo, dahil dito nagmumula ang pinagtutustos sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
C. Hindi, dahil mas higit na dapat pagtuunan ng pansin ang kapayapaan sa bansa.
D. Hindi, dahil makaragdag ito sa mga suliraning kinakaharap ng bansa.
27. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Timog, Silangan at Timog-Silangang
Asya dahil sa anong uri ng lupa mayroon ang mga rehiyon na ito?
A. Agrikultural B. luwad C. matubig D. bulubundukin
28. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan ng
ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang
kapaligiran?
A. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon.
B. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning pangkapaligiran at ekolohikal.
C. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at wastong pagpapalaganap sa paggamit ng likas na yaman.
D. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na makaaapekto nang lubos sa
pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig.
29. Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman ang maging katayuan at kalagayang
ekolohikal ng rehiyon ay tiyak na makaaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang
pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang akmang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran
upang umunlad ang kanyang kabuhayan?
A. Ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang kakapusan at kakulangan
ng pangangailangan mula sa limitadong pinagkukunang-yaman.
B. Ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at pagpapalago ng
kabuhayan at paggamit ng mga modernong makinarya sa pagkuha ng mga produkto at kapakinabangan mula
dito.
C. Ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema ng pagpapaunlad ng
industriya o mga gawaing pangkabuhayan na hindi isinasakripisyo ang kalikasan at pinapangalagaan ang
mga ito sa pamamagitan ng mga programa.
D. Ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para sa pagpapatayo at pagpapa-unlad ng mga
industriya, gayundin ang pagpapalawak ng urbanisasyon.
30. Ang pagpapanatili ng tao ng maayos na paggamit sa ating likas na yaman ay nakatutulong upang manatiling
balanse ang kalagayang ekolohikal ng bansa. Ano ang kahalagahan ng ganitong hakbangin?
A. Napalakas nito ang turismo sa bansa.
B. Napangangalagaan nito ang kapaligiran ng bansa.
C. Napananatili nito ang antas na kabuhayan ng bansa
D. Nakatuklas ng mga bagong species ng hayop sa bansa.
31. Ang pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohikal sa Asya ay magiging dahilan sa alin sa mga
sumusunod?
A. Maiwasan ang maaaring pagkaubos ng yamang-likas
B. Magkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa rehiyon
C. Madagdagan ang gastusin ng pamahalaan
D. Liliit ang populasyon ng tao
32. Ang balanseng ekolohiya ay maaaring magambala ng mga sumusunod MALIBAN sa isa.
A. Pagkakaroon ng bagong specie
B. Biglang pagkamatay ng ilang mga species
C. Pag-aayos at pangangalaga sa kapaligiran
D. Natural na panganib o di-kaya’y likhang-tao
33. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa pahayag na, “ may malaking bahaging ginagampanan ang
yamang-tao sa pag-unlad?”
A. Marami ang lilinang sa yamang-likas.
B. Dadami ang yamang-likas kasabay ng pagdami ng populasyon.
C. Uunlad ang yamang-likas dahil marami ang makikinabang.
D. Maaaring kulangin o maubos ang yamang-likas sapagkat ito ay may hangganan.
34. Ang paglaki ng populasyon ng mga bansa ay may magkaibang bahagdan at ito ay dapat mabatid ng pamahalaan.
Alin sa mga pahayag ang tamang dahilan ng pagbatid nito?
A. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya
B. Upang malaman kung bata at matanda ang populasyon
C. Upang maunawaan kung paano bibigyan ng kalutasan ang masamang epekto ng mabilis na paglaki ng
populasyon
D. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagtakda ng angkop na patakaran/programa ukol sa mga epekto ng
mabilis na paglaki ng populasyon
35. Alin sa mga pahayag ang HINDI dahilan ng pagpapahalaga sa yamang-tao?
A. Ang tao ang siyang dahilan bakit kailangan ang bawat isa ay magsisikap mabuhay.
B. Ang tao ang lilinang sa mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
C. Ang tao ang gumagawa para sa pagsulong ng bansa.
D. Ang tao ang gumagambala sa kalikasan.
36. Ang mga kabataan at kababaihan ay pinahahalagahan ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga
sumusunod na programa MALIBAN sa isa.
A. Pagtatalaga ng Women’s Desk
B. Pagbigay-aksyon sa Violence Against Women & Children
C. Pagpapaigting sa pagmomonitor sa anumang gawaing pang-aabuso
D. Pagbibigay ng mabibigat na trabaho sa mga kababaihan at mga kabataan.
37. Si Engr. Dela Cruz ay dating mag-aaral sa isang liblib na paaralan. Nahirapan siyang magbasa ngunit dahil sa
sipag at tiyaga at sa tulong ng kanyang guro sa Grade 1, nagawa niyang magbasa nang maayos hanggang sa
nakapagtapos siya ng pag-aaral. Nagtayo siya ng Reading Center sa kanilang purok at maraming bata ang
natutulungan at hindi na nahihirapan sa pag-aaral. Ano ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng mataas na
bahagdan ng bumasa at sumulat?
A. Mapapataas ang antas ng relihiyon at ispirituwalidad ng mga mamamayan.
B. Malaki ang maitutulong sa pagpapaunlad ng antas ng edukasyon.
C. Mababawasan ang kahirapan ng bansa.
D. Magkakaroon ng katatagang pulitikal.
38. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng isang tao at ng
bansang kanyang kinabibilangan?
A. edukasyon B. kultura C. relihiyon D. pamilya
39. Sa bilis ng paglaki ng populasyon sa kasalukuyan ay nangyayari ang mga sumusunod MALIBAN sa isa.
A. Lalong napangalagaan ang kalikasan upang mapakinabangan ng susunod na henerasyon.
B. Mas malaki ang kinakailangang lupain para sa pagsasaka at tirahan.
C. Nagkakaroon ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman.
D. Lalong lumala ang suliraning pangkapaligiran.
40. Mahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon nito ng populasyon na may mataas na bahagdan ng marunong
bumasa’t sumulat. Ano ang konseptong tinutukoy ng pahayag na, “bahagdan ng marunong bumasa’t
sumulat?”
A. Unemployment rate C. Death Rate
B. Population D. Literacy Rate
41. Paano mo ipapakita na ikaw ay may kontribusyon sa pagsulong at pag-unlad ng lipunan sa kasalukuyang
panahon?
1. Pag-aaral, pagDOTA, pagliban sa klase
2. Pag-aaral, pagtrabaho, pag-unlad ng sarili
3. Pangibang-bayan, pagtulong sa magulang, paaralin ang kapatid
4. Paggising nang maaga, pagpasok asa silid-aralan, pag-uwi tuwing uwian
A. 1 at 2 B. 2 at 4 C. 3 at 4 D. 1 at 4
42. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan. Ano
ang tawag sa pagpapangkat na ito?
A. Etniko B. Nomad C. Katutubo D. Ethnolingguwistiko
43. Alin ang HINDI kahalagahan ng wika sa mga grupong ethnolinggwistiko?
A. Makatutulong sa kanilang pagkakaisa
B. Hindi sila maintindihan ng ibang grupo
C. Magsisilbing pagkakakilanlan ng grupo
D. Magiging batayan sa paghubog ng kanilang kultura
44. Magkaibang etnisidad magkaibang wika. Ang wika ay pagkakakilanlan ng isang pangkat. Ang mga
sumusunod ay mga kahalagahan ng wika MALIBAN sa isa.
A. Napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at kapwa sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan.
B. Pangunahing batayan ang wika sa paghubog ng kultura nga mga etnolingguwistiko.
C. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ng tao ang kanyang damdamin.
D. Ang wika ang dahilan ng di-pagkakaunawaan ng mga tao.
45. Kung magkaiba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, alin sa mga sumusunod ang
nangangahulugang pinakamalaking hamon sa rehiyon?
A. ideolohiyang pulitikal B. pagkakakilanlan C. modernisasyon D. pagkakaisa
46. Bilang isang pinakamalaking kontinente sa buong mundo, tinataglay ng Asya ang iba’t ibang pangkat ng
ethnolinggwistiko na naninirahan sa iba’t ibang rehiyon nito. Alin sa mga sumusunod na pangkat ang HINDI
naninirahan sa rehiyon ng Hilagang Asya?
A. Eskimo B. Paleosiberian C. Ural-Altaic D. Austro-Asiatic

Para sa bilang 46, unawain ang nilalaman ng pahayag sa ibaba at sagutin ang kasunod na tanong.

Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan


Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan
Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod
ng damdamin at diwa ng mga mamamayan
Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao
47. Ano ang kahulugan ng pahayag sa itaas?
A. Ang wika ay manipestasyon ng kultura ng tao.
B. Ang tao ay nakikilala sa wika na kanyang binibigkas.
C. Makikilala ang pinagmulan ng tao dahil sa wikang ginagamit.
D. Dahil sa wika nakikilala ang pinagmulan, kultura at pagkatao ng isang indibidwal.
48. Alin sa mga kongklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang
lahi”
A. Ang wika ay may iba’t ibang layunin.
B. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao.
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.

49. Alin sa sumusunod ang HINDI kahalagahan ng wika?


A. Pangunahing gamit sa pakikipagtalastasan
B. Ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin
C. Ginagamit sa pagpapaunlad sa sarili at kapwa
D. Mahalaga sa paglinang ng pinagkukunang-yaman

50. Ano ang pinakamadaling paraan para makilala ng iba kung saang bahagi ng mundo ang iyong
pinanggalingan?
A. wika B. damit C. gawi D. kilos
ANSWER KEY
Aral. Pan. 7
FIRST QUARTER
SY 2018-2019

1. C
2. A
3. A
4. A
5. D
6. B
7. A
8. B
9. A
10. D
11. B
12. B
13. D
14. A
15. D
16. D
17. D
18. A
19. C
20. B
21. B
22. C
23. B
24. B
25. B
26. B
27. A
28. D
29. C
30. B
31. A
32. C
33. A
34. D
35. D
36. D
37. B
38. A
39. A
40. D
41. B
42. D
43. B
44. D
45. B
46. D
47. D
48. D
49. D
50. A

You might also like