Lokasyon at Klima NG Pilipinas
Lokasyon at Klima NG Pilipinas
Lokasyon at Klima NG Pilipinas
Konsepto (Pagbubuod)
Lokasyon ng Pilipinas
Talakayan
Fig. 1
Fig. 1.2
Ting
nan ang mapa sa itaas (Fig. 3). Mailalarawan mo ba ang absolute at relatibong lokasyon
ng Pilipinas?
May dalawang paraan upang matukoy ang kinaroroonan ng isang lugar o bansa:
ang absolute (tiyak) na lokasyon at ang relatibong lokasyon. Ang absolute na
lokasyon ng Pilipinas ay nasa pagitan ng 4º 23’ at 21º 25’ hilagang latitud at 116º 00’
127º 00’ silangang longhitud . Ito ay nasa Hilagang Hating-globo, bahagyang nasa
itaas ng ekwador. Matatagpuan ito sa pagitan ng ekwador at ng Tropic of Cancer.
3 | Pahina
Lokasyon ng Pilipinas
Tunghayan muli ang mapa sa Fig. 1.2. Anong mga bansa ang malapit sa
Pilipinas? Anong mga anyong tubig ang nasa paligid nito?
TRIVIA
Sa ngayon, madali nang malaman ang lokasyon ng
isang lugar gamit ang mobile phone at mga kagamitang
may Global Positioning System (GPS). Ito ay isang satellite
navigation system na nagbibigay ng tumpak
na impormasyong panlokasyon.
Natutunan Ko
Kumpletuhin ang pangungusap.