Mahabang Pagsusulit

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Ikaapat na Markahan

Pangalan ___________________________________ Baitang at Pangkat _________________


Petsa ________________________ Lagda ng magulang ________________
I. Piliin sa loob ng kahon ang tauhan na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.

Don Diego Prinsesa Leonora Donya Maria Blanca


Don Juan Ang Manggagamot Ibong Adarna
Don Pedro Leproso Donya Juana
Serpyente Haring Fernando Donya Isabel
Haring Salermo Lobo arsobispo

____1. Siya ang pangalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya rin
tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong adarna.
____2. Ang makapangyarihang ibon na nakatira sa puno ng Piedras Platas na matatagpuan sa
Bundok Tabor. Tanging ang magandang tinig niya ang lunas sa karamdaman ng hari.
____3. Ang magandang prinsesa ng Armenya na nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan.
Sya ang naging kabiyak ni Don Pedro.
____4. Siya ang anak ni Haring Salermo na tunay na iniibig ni Don Juan.
____5. Ang hari ng Kahariang Reyno delos Cristales na nagbigay ng matinding pagsubok kay
Don Juan. Sya ang ama ni Donya Maria Blanca.
____6. Panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.Sya ay nagtungo sa
kabundukan upang hanapin ang ibong nakapagpapaga ling sa karamdaman ng amang hari.
____7. Matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong kay Don Juan.
____8. Malaking ahas na pito ang ulo na nagbabantay kay Donya Leonora.
____9. Siya ang tanging nakabatid sa sakit ni Haring Fernando.
____10. Prinsesa ng kahariang Armenya na kapatid ni Donya Leonora at ang nakatuluyan ni
Don Diego.
II. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat
sa patlang ang tamang sagot.

mapahamak ikamamatay kawawa limang


palihim kabayo isang lumpo
pakumbaba may sakit tatlong

11. Ibig na ipahanap ni Haring Fernando ang mga anak kay Don Juan subalit siya ay natatakot
nab aka pati ito ay __________________________________.

12. Lumapit ng __________________ ang prinsipe sa ama upang payagan siyang hanapin ang
ibon at mga kapatid.
13. ______________ taon nang hindi nagbabalik ang magkapatid.

14. Kung may masamang mangyayari sa anak na si Don Juan, _________________ ito ng hari.

15. Kung hindi papayagan si Don Juan ng ama, aalis siya ng __________________.

16. Hindi gumamit ng ___________________ ang prinsipe sa paglalakbay.

17. Ang baon ng prinsipe ay _____________ tinapay.

18. Ang matandang tinulungan ni Don Juan ay leproso, sugatan at parang _______________.

19. May ______________ tinapay na natitira si Don Juan sa kanyanglalagyan at ito ay kanyang
inilimos sa matanda.

20. Ugali ni Don Juan kahit noong bata pa siya ang maglimos sa _______________.

III. Piliin at bilugan ang salita na makabubuo sa diwa ng pangungusap.


21. Ang adarna ay nagbago ng _________at umawit nang matamis at sinimulang isalaysay ang
nangyari kay Don Juan.
boses kulay balahibo bihis
22. Si Don Pedro ay__________kay Don Juan dahil hindi siya ang nakahuli sa Ibong Adarna.
natuwa nainggit nalungkot nagalit
23. ______________ni Don Diego ang planong pagpatay kay Don Juan pero napagkasunduan
naman nil ani Don Pedro na bugbugin na lamang si Don Juan.
naituloy napagpaliban naibalita napigilan
24. Ang balahibong inilabas ng Ibong Adarna ay ____________kaya nanggilalas ang mga
taong kaharap niya sa palasyo.
pangit nagniningas namumula naninilaw
25. Pinabantayan ni Haring Fernando sa kanyang mga ___________ ang ibong adaran nang
hindi ito makaalis.
kagawad guwardiya anak sundalo
IV. Piliin sa hanay B ang salitang tinutukoy sa hanay A. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
_____26. Magtaksil; hindi tapat a. nagnuynoy
_____27. Malaman; mabatid b. matatap
_____28. Nakuro-kuro c. napaghulo
_____29. Nag-uusap nang malalim d. nagniig
_____30. Nag-iisip nang Mabuti at malalim e. maglilo
tungkol sa anumang bagay
MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
Ikaapat na Markahan

Pangalan ___________________________________ Baitang at Pangkat _________________


Petsa ________________________ Lagda ng magulang ________________
I. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung sang-ayon ka sa ipinapahayag na kaisipan ng
pangungusap at ekis (x) kung hindi ka sang-ayon.
(Aralin 5: Pagtataksil ng Dalawang Magkapatid)
____1. Naisip ni Don Pedro na kahiya-hiya sila ni Don Diego kung malalaman ng kanilang ama
na si Don Juan ang nakahuli sa Ibong Adarna.
____2. Kaagad na pumayag si Don Diego sa balak ng panganay na kapatid na patayin si Don
Juan.
____3. Pinagtulungang bugbugin ng dalawang magkapatid si Don Juan para lamang makuha
ang Ibong Adarna.
____4. Ipinagtanggol ni Don Juan ang kanyang sarili subalit malalakas ang kanyang mga
kapatid kaya natalo siya.
____5. Tuwang-tuwa si Haring Fernando nang dumating si Don Juan sa Berbanya dala ang
Ibong Adarna.
____6. Nagdamdam nang labis si Reyna Valeriana nang malamang hindi kasama si Don Juan.
____7. Umawit kaagad ang Ibong Adarna kaya gumaling agad si Don Fernando.
____8. Napakaganda ng Ibong Adarna nang makita ito ni Haring Fernando.
____9. Ayaw umawit ng Ibong Adarna dahil hinihintay niya ang pagdating ni Don Juan.
____10. Umaasa ang Ibong Adarna na buhay pa si Don Juan at gagaling din ito.
(Aralin 8: Ang Bundok ng Armenya)
____11. Napakaganda ng bundok Armenya, pati mga tanawin nito ay kaaya-aya at ang mga
punungkahoy ay sagana sa mga bunga.
____12. Maraming mababangis na hayop ang naggala sa bundok ng Armenya kaya hindi
makalibot ang magkakapatid.
____13. Nahikayat ni Don Pedro si Don Juan na sumama sa kanila at doon manirahan sa
bundok ng Armenya.
____14. Maligayang namuhay sa bundok ng Armenya ang mga magkakapatid hanggang
maisipan nilang pasukin ang isang bundok na hindi pa nila napupuntahan.
____15. Tumanggi si Don Diego sa naisipan ni Don Pedro kaya hindi sila natuloy sa pagpunta
sa nasabing bundok.
____16. Natuklasan nila ang isang balon at naghangad si Don Pedro na matuklasan ang
hiwaga nito na siya naming nangyari.
____17. Si Don Juan ang nagsikap na makita ang hiwaga ng balon at nagtagumpay naman
siya.
____18. Nainggit na naman si Don Diego kay Don Juan kaya napilitan siyang putulin ang lubid
habang nasa ilalim ng balon si Don Juan.
____19. Hindi tumanggi si Don Pedro sa alok ng matanda na kailangan siyang bumaba ng
balon nang Makita niya ang hiwaga nito.
____20. Hindi na nakaahon ng balon si Don Juan kaya naisip ng dalawang kapatid na may
masamang nangyari sa kanilang kapatid.
II. Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang nakahilis ayon sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
nalumbay natuyo nag-isip nahulaan sinugatan

______________ 21. Binusbos niya ng kutsilyo ang kanyang pulso.


______________ 22. Nagnuynoy siya nang malalim kung paano iyon malulutas.
______________ 23. Nagpaghulog ng matanda ang pakay niya.
______________ 24. Lubhang namanglaw ang mga tao sa kanyang sinapit.
______________ 25. Nangabahaw ang kanyang mga sugat matapos gamutin.
IV. Iguhit ang tagpuan (Kabundukan ng Armenya at Mahiwagang Balon) batay sa paglalarawan
sa akda at magbigay ng detalye tungkol sa inyong ginuhit.

Kabundukan ng Armenya

DETALYE:

Mahiwagang Balon

DETALYE:
MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
Ikaapat na Markahan

Pangalan ___________________________________ Baitang at Pangkat _________________


Petsa ________________________ Lagda ng magulang ________________
I. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa Ibong Adarna. Lagyan ng bilang 1-10 ang bawat
patlang.
____ Nang bumalik si Don Juan sa balon upang balikan ang singsing, pinatid ng magkapatid
ang lubid.
____ Nang sila ay pauwi na sa Berbanya, naalala ni Donya Leonora ang kanyang singsing.
____ Halos pumutok ang dibdib ni Don Pedro sa inggit kay Don Juan.
____ Nabighani si Don Pedro sa kagandahan ni Donya Leonora.
____ Ibinalita ni Don Juan sa kanyang mga kapatid kung paano niya tinalo ang higante at ahas.
____ Nagkaroon ng malaking pagdiriwang sa Berbanya dahil sa kasal nina Donya Juana at Don
Diego habang si Don Juan ay nagdurusa sa Bundok Armenya.
____ Humiling si Donya Leonora sa hari ng Berbanya na siya ay bigyan ng pitong taon na
mamuhay nang mag-isa at iliban muna ang pagpapakasal kay Don Pedro.
____ Sinabi ng magkapatid na hindi nila natagpuan ang kanilang kapatid na si Don Juan.
____ Nalungkot na naman ang hari nang hindi matanaw si Don Juan sa pagbabalik ng
magkapatid.
____ Pinagbilinan ni Donya Leonora ang lobong engkantada na gamutin si Don Juan.
II. Basahing mabuti ang sumusunod na saknong. Piliin at isulat sa patlang ang titik na
nagpapaliwanag sa bawat saknong.
a. Siya ay humihingi ng patnubay sa Maykapal at panalangin para sa kagalingan ng kanyang
amang hari.
b. Piliin si Maria Blanca sapagkat siya ang pinakamaganda sa tatlo.
c. Ang Ibong Adarna ay talagang sa punongkahoy dumarapo.
d. Dahil gusto na niyang makauwi, wala siyang ginawa kundi maglakad nang maglakad.
e. Nagdesisyon na siyang umuwi sa sariling pamilya sapagkat sobra na ang pagkalungkot na
nadarama dahil sa matagal nilang pagkakahiwalay.
f. Ang Ibong Adarna ay nagsimula nang magpalit at magbago ng ng kulay pagdapo sa
punongkahoy.
g. Piliin si Maria Blanca sapagkat siya ay may kagandahang daig pa ang talang maningning.
h. Ipinakikita niya ang kanyang pagiging madasalin.

____11. “Yaong landas na matuwid at ligtas po sa panganib, O, ama kong iniibig kasihan ka rin
ng langit.”
____12. “Niyari sa kalooban muwi na sa kanyang bayan, puso niya’y nalulumbay sa malaong
pagkawalay.”
____13. “Nag-inot na nang paglakad, kabundukan ay tinahak, bagtasa’y hinahanap nang
makarating agad.”
____14. “Pagdapo sa punongkahoy namayagpag na ang ibon, balahibong unang suson
hinuhos ‘na di nalaon.”
____15. “Sa tatlo’y iyong piliin si Maria Blancang butihin ganda nito’y tantunin daig pa ang
talang maningning.”
III. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung sang-ayon ka sa ipinapahayag na kaisipan ng
pangungusap at ekis (x) kung hindi ka sang-ayon.
(Aralin 14: Pagliligtas ng Lobo kay Don Juan)

____16. Kumuha ng tubig mula sa balon ang engkantadang lobo upang ipahid sa mga sugat ni
Don Juan.
____17. Sa kanyang paglalakbay pabalik ng Berbanya, nakasalubong niya ang isang mabangis
na hayop.
____18. Ginising ng Ibong Adarna si Don Juan sa pamamagitan ng isang awit.
____19. Ipinayo ng Ibong Adarna na limutin na niya si Donya Leonora.
____20. Sa kaharian ng Bundok Tabor niya makikita ang babaing kanyang hinahanap.
(Aralin 15: Paghihinagpis ni Donya Leonora)

____21. Limang taon ng nag aantay si Donya Leonora kay Don Juan.
____22. Araw-gabing naghihinagpis si Donya Leonora sa loob ng kanyang silid.
____23. Hiniling ni Leonora kay Haring Fernando na siya’y mapag-isa ng tatlong taon dahil sa
isang panata.
____24. Si Donya Juana na lamang ang inaasahan ni Donya Leonora na siyang dadalaw sa
kanya kung sakaling hindi nabuhay ng lobo si Don Juan.
____25. Habang si Donya Leonora ay naghihinagpis, patungo naman sa Armenya si Don Juan.
IV. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
Isulat sa patlang ang titik ng iyong sagot.

a. kaulayaw f. alinlangan k. galit


b. kapanglawan g. mahinhin l. hinagpis
c. kalungkutan h. madasalin m. mamatay
d. kasama i. hangad n. pangamba
e. kabastusan j. tukso o. kasiyahan

____26. Walang ginawa si Leonora kundi umiyak sa loob ng kanyang silid. Kaurali ang kanyang
pagdurusa sa paghihintay kay Don Juan.
____27. Inisip na lamang ni Don Pedro na isang kagaspangan kung ibubunton niya ang
kanyang galit sa larawn ni Don Juan.
____28. Tatlong taong dala-dala ni Leonora ang agam-agam na baka patay na si Don Juan.
____29. Ipinangangako ni Don Pedro kay Leonora na magpakasal lang siya sa kanya at
mawawala ang lahat ng kanyang kalumbayan.
____30. Itinuring ni Leonora na lilo si Don Pedro sa kanyang kapatid na si Don Juan.
____31. Hinihintay ni Leonorang matimtiman ang pagbabalik ni Don Juan.
____32. Ang pita ko lamang ay bigyan mo pa ako ng ikalawang pagkakataon.
____33. Pinili pa niyang mautas sa kamay ng mga kaaway dahil sa kanyang paninindigang
ipinaglalaban.
____34. Punong-puno ng himutok ang puso ni Donya Leonora.
____35. Umaasa pa rin si Donya Leonora na siya ay hahanguin ni Don Juan sa gitna ng hilahil.
MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
Ikaapat na Markahan

Pangalan ___________________________________ Baitang at Pangkat _________________


Petsa ________________________ Lagda ng magulang ________________
I. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa Ibong Adarna. Lagyan ng titik A-G ang bawat
patlang.
____1. Pinagbuti ni Don Juan ang pagkukubli habang naghihintay sa pagdating ni Maria Blanca
sa banyo upang maligo.
____2. Sa ginawang pagpapakumbaba ng prinsipe, ang galit ni Maria Blanca ay napalitan ng
habag at sa kalauna’y naging pag-ibig.
____3. Matapos ang isang oras, humarap si Don Juan kay Maria Blanca at humingi ng patawad
sa ginawang kalapastanganan.
____4. Galit na galit si Maria Blanca sa nangyari sa kanya.
____5. Ninakaw ni Don Juan ang damit ni Maria Blanca sa sobrang paghanga.
____6. Dumating ang tatlong prinsesa sa banyo ng kaharian na nakagayak-kalapati.
____7. Dahil sa pag-ibig, ipinagtapat ni Maria Blanca ang lihim na pinakaiingatan - ang kanilang
kapangyarihan.
II. Kunin ang sagot sa loob ng kahon upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat sa patlang
ang sagot.

pangalan pag-ibig panagimpan


bundok tinapay katawan
nagtatawa kamatayan prinsipe
mahika blangka mahika negra

8. Pagkakita ni Haring Salermo kay Don Juan, itinanong nito kaagad ang kanyang___________
9. Ang bayan daw nina Haring Salermo ay kanyang narating dahil sa atas ng_______________
10. Sa__________________nalaman ng prinsipe na ang kanyang iniibig ay nasa kaharian ni
Haring Salermo.
11. Ipinatitibag ni Haring Salermo ang________________upang patagin.
12. Ang gagawing__________________ay kailangang nakahain na sa hapag ng hari para sa
kanilang agahan.
13. Nanamlay ang_________________ni Don Juan sa hirap ng ipinagagawa sa kanya.
14. Ang mga kasangguni ng hari ay__________________dahil alam nilang hindi kayang gawin
ni Don Juan ang mga pagsubok.
15. Sabi ng mga kasangguni, ang hinahanap daw ni Don Juan ay ang kanyang_____________
16. Ang laman ng isip ni Donya Maria Blanca ay ang _____________________
17. Ang dunong ni Maria ay higit pa sa ama sapagkat ang hawak niya ay__________________
III. Pagsunod-sunurin ang mga naging pagsubok ni Haring Salermo kay Don Juan. Isulat sa
patlang ang 1-7.
_____18. Praskong iniingat-ingatan ng hari ay may nakapaloob na 12 negritong maliliit. Ang
mga ito ay pakakawalan ng hari sa laot ng karagatan. Ang mga ito'y isilid muli sa bote nawala ni
isa mang kulang o mapalitan.Kailangang magisnan ito ng hari kinabukasan sa hapag na
kanyang kinakanan.
_____19. Ang bundok na mataas ay tibagin at patagin.Kapag napatag na ay ikalat ang trigong
dala-dala.Itanim ito at sa gabi ding iyon ay patubuin, pamungahin, anihin at gawing tinapay
upang maging pagkain ng hari sa agahan.
_____20. Ang bundok na mataas ay iusog at itapat sa bintana ng hari upang matamasa nito
ang sariwang hangin. Dapat mamasdan ito ng hari pag dungaw sa umaga.
_____21. Ang bundok ay itabon sa gitna ng karagatan at gawing kastilyo. Ang mga simboryo
nito ay kailangang anyong bilog. Ang muog nito’y tayuan ng gulod kung saan nakalagay ang
mga kanyong paglalagyan ng anim na batirya at ang mga kawal ay nakaayos. Gumawa ng
matuwid na daanang mayroong palamuti sa magkabilang panig nito.
_____22. Hanapin ang singsing na nahulog ni Haring Salermo sa ilalim ng dagat at dapat ito ay
magisnan ng hari sa ilalim ng kanyang unan paggising.
_____23. Paamuhin ang mailap na kabayo.
_____24. Alisin ang kastilyo at ibalik ang bundok na siyang dati nitong anyo. Ang bundok ay
ibalik muli sa tapat ng kanyang bintana.
IV. Ayusin ang ginulong mga titik upang mabuo ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit na ginamit sa pangungusap. Isulat ang mga titik sa inilaang patlang.

25. Nagbilin ang Ermitanyo sa agila na dalhin 28. Ang mga prinsesa ay nakagayak
si Don Juan sa Reyno delos Cristal. emperatris.

GAN-TOSU KSNAAOUT

Sagot:________________________ Sagot:________________________

26. Tumambad sa kanya ang kagandahan ng 29. Tila napaglakuan si Don Juan ni Haring
prinsesa. Salermo sa pagsupil sa kabayong mailap.

MANULDAT ANLANLING

Sagot:________________________ Sagot:________________________

27. Buong liyag na binantayan ng agila si 30. Itinuro ng agila kung saan dapat magkubli
Don Juan. si Don Juan.

SANTI GTMAAOG

Sagot:________________________ Sagot:________________________

/J.G.A/ /13/
MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
Ikaapat na Markahan

Pangalan ___________________________________ Baitang at Pangkat _________________


Petsa ________________________ Lagda ng magulang ________________
I. Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Isulat ang titik sa patlang.

a. Hinanakit b.utusan c. pagbungad d. pagbukas e. lapastangan


f. Hatol g. itinuloy h. sumayaw i. kumalat j. malaking alon sa dagat
k. Hangal l. nanginig m. nabuo n. kidlat o. kulog p. daya

___1. Nang marinig ni Haring Salermo ang sumbong ni Donya Leonora, siya ay nagalit sa mga
balawis at naawa sa nagpakasakit.
___2. Ilang ulit ng ginawan ng lalang ni Haring Salermo si Don Juan upang hindi mapasakanya
ang pag-ibig ng anak.
___3. Ang pag-iibigan nina Don Juan at Donya Maria ay muling nataho at sila ay ikinasal.
___4. Nakakatakot ang daluyong kapag malakas ang bagyo.
___5. Pinipilit ng dalawang uslak na prinsipe na magpakasal sa kanila sina Donya Leonora at
Don Juan.
___6. Nangatal ang aking buong katawan nang makita kong galit si Don Pedro sa sinabi kong
magpapakasal ako kay Don Juan.
___7. Bagama’t isa siyang lakayo, dapat din siyang igalang.
___8. Sa pagsungaw ng bagong kasal sa pintuan, ang lahat ay nagulat.
___9. Tumalatag ang balita na si Donya Leonora ay ikakasal kay Don Juan.
___10. Malaki ang hinakdal ni Donya Maria kay Don Juan sapagkat hindi siya binalikan.
II. Ayusin ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari. Isulat ang bilang 11-20 sa
patlang.
___a. Nang malaman ni Donya Leonora na si Don Juan ay nakabalik na,hinimatay siya sa saya.
___b. Ang lahat ay nagsaya nang dumating na si Don Juan sa kaharian ng Berbanya.
___c. Ipinagtapat ni Donya Leonora sa hari ang lahat ng kasamaang ginawa ng magkakapatid
kay Donya Juan.
___d. Natigilan ang hari sa narinig kay Donya Leonora.
___e. Itinanong ng hari kay Don Juan kung totoo ang isinaad ni Donya Leonora.
___f. Sumang-ayon si Don Juan sa itinanong ng hari.
___g. Nalaman ni Donya Maria ang magaganap na kasalan.
___h. Masaya ang lahat sa palasyo dahil ikakasal na sina Don Juan at Donya Leonora.
___i. Ipinangako ni Donya Maria na maghihiganti siya.
___j. Ipinalabas ni Donya Maria sa tulong ng mga ita ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni
Haring Salermo kay Don Juan.
III. Kung ang karanasang isinasaad ng pangungusap ay kay Donya Leonora, isulat ito sa hanay
A at kung ang karanasan ay para kay Donya Maria, isulat sa hanay B.

Naging tinik ang daan


Tumakip ang sabon at naging matarik na bundok
Nang ilaglag ang kohe, naging dagat ang daan
Iniwan siya sa nayon ng Ermepolis
Tumatangkilik na serpiyenteng mabangis
Singsing ng ama ay sinisid sa dagat
Inutusan ang alagang lobo na sagipin si Juan
Pinigilan ang kanyang kamay ni Don Pedro at gusto ay mapakasal sa kanya
Pitong taong naghintay kay Don Juan
Kinaladkad ng magkapatid na uslak

Hanay A – Donya Leonora Hanay B – Donya Maria


21. 26.

22. 27.

23. 28.

24. 29.

25. 30.

/J.G.A/ /13

You might also like