MARAMIHANG PAMIMILI Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Kailan ipinanganak si Jose Rizal?
a. Hunyo 9, 1861 b. Hunyo 19, 1861 c. Hulyo 9, 1861 d. Hulyo 19, 1861 _____2. Ito ay bahagi ng barko na kung saan ang mga pasahero ay tumitigil upang panoorin ang karagatan habang sila ay naglalakbay, a. Upuan b. kubyerta c. Daungan d. Barko _____3. Ang mananayaw na kalaguyo ni Don Costudio. a. Penchang b. Bali c. Huli d. Pepay _____4. Ang mag-aaral na walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa kanyang paligid. a. Pecson b. Sandoval c. Isagani d. Macaraig _____5. Ang tumulong kay Huli upang makalaya si Basilio. a. Hermana Penchang b. Hermana Bali c. Donya Victorina d. Tiya Isabel _____6. Ang nagpahiram ng pantubos kay huli bilang kapalit ng kanyang pagiging katulong. a. Hermana Penchang b. Hermana Bali c. Donya Victorina d. tiya Isabel _____7. Isang kastilang mag-aaral na nakikiisa sa mga Pilipinong mag-aaral na maitayo ang Akademya ng Wikang Kastila. a. Pecson b. Sandoval c. Isagani d. Macaraig _____8. Ang mayamang mag-aaral na nangunguna sa pagnanais na makapagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. a. Pecson b. Sandoval c. Isagani d. Macaraig _____9. Ang anak ng isang mayamang mangangalakal na pinakasalan ni Paulita Gomez. a. Quiroga b. Isagani c. Placido Penitente d. Juanito Pelaez _____10. Ang amerikanong nagpapalabas ng ulong pugot. a. Mr. Leeds b. Quiroga c. Ben Zayb d. G. Pasta _____11. Ang intsik na naghahangad na magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. a. Mr. Leeds b. Quiroga c. Ben Zayb d. G. Pasta _____12. Ang mamamahayag na Kastila na hindi patas ang kanyang pagsulat ng balita. a. Mr. Leeds b. Quiroga c. Ben Zayb d. G. Pasta _____13. Ang manananggol na Pilipino na tumangging tumulong sa mga mag-aaral. a. Mr. Leeds b. Quiroga c. Ben Zayb d. G. Pasta _____14. Ang kastilang opisyal ng pamahalaan na nagpapalagay na siya lamang ang nag-iisip sa Maynila. a. Simoun b. Basilio c. Don Costudio d. Ben Zayb _____15. Ang ama ni Kabesang Tales na lolo ni Huli. a. Tata Selo b. Placido c. Don Costudio d. Kabesang Tales _____16. Ang ama ni Huli, naghimagsik dahil sa pangangamkam ng mga pari sa lupang kanyang pinaghirapan. a. Tata Selo b. Placido c. Don Costudio d. Kabesang Tales _____17. Asawa ni Don Tiburcio de Espadana at tiyahin ni Paulita. a. Hermana Penchang b. Hermana Bali c. Donya Victorina d. Pepay _____18. Ang bunsong anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio. a. Paulita b. Huli c. Pepay d. Penchang _____19. Ang pamangkin ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani. a. Paulita b. Huli c. Pepay d. Penchang _____20. Ang paring may kakaibang ugali sa ibang kaparian at iginagalang ni Isagani. a. Padre Camorra b. Padre Irene c. Padre Florentino d. Padre Fernandez _____21. Siya ang paring amain ni Isagani. a. Padre Camorra b. Padre Irene c. Padre Florentino d. Padre Fernandez _____22. Siya ang tumulong sa mga mag-aaral na maitatag ang akademya ng Wikang Kastila. a. Padre Camorra b. Padre Irene c. Padre Florentino d. Padre Fernandez _____23. Ang kura-paroko ng kumbento ng Tiani na nagtangkang pagsamantalahan si Huli. a. Padre Camorra b. Padre Irene c. Padre Florentino d. Padre Fernandez _____24. Siya ang Vice Rector ng Unibersidad ng Sto. Tomas. a. Padre Fernandez b. Padre Florentino c. Padre Sibyla d. Padre Salvi _____25. Ang Fransiscano na dating kura sa San Diego. a. Padre Fernandez b. Padre Florentino c. Padre Sibyla d. Padre Salvi _____26. Isang matalinong mag-aaral na taga Tanauan Batangas na nabigo sa kanyang inaasahang Sistema ng edukasyon. a. Simoun b. Basilio c. Isagani d. Placido Penitente _____27. Ang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita. a. Simoun b. Basilio c. Isagani d. Placido _____28. Ang anak ni sisa, na nakapag-aral ng medisina sa tulong ni Kapitan Tiyago. a. Simoun b. Basilio c. Isagani d. Placido _____29. Ang pangunahing tauhan at ang mayamang mag-aalahas. a. Simoun b. Basilio c. Isagani d. Placido _____30. Ito ang katumbas ng tinatawag ngayong konstabularyo sa tungkuling pangangalaga sa kapanatagan at kaayusan. a. Guwardiya sibil b. Tanod c. Pulis d. Sundalo _____31. Tinatawag itong tanyag na pook at lansangang kinalalagyan ng malalaking tindahan sa Maynila. a. Anlouage b. Escolta c. Sabana d. Ubando _____32. Ito ang itinuturing na pangunahing tagpuan sa nobela ni Rizal. a. San Antonio b. San Nicholas c. San Andres d. San Diego _____33. Ang tinatawag na daong ng pamahalaan. a. Ilalim ng kubyerta b. Bapor Tabo c. Ibabaw ng Kubyerta d. Barko _____34. Dito matatagpuan ang mga indio, Intsik at mga mestiso. a. Ilalim ng kubyerta b. Bapor Tabo c. Ibabaw ng Kubyerta d. Barko _____35. Ang tanging ginang na nakaupo sa pangkat ng mga kalalakihan. a. Donya Victorina b. Huli c. Hermana Penchang d. Hermana Bali _____36. Ang nag-ala Ulises nang ito ay tumakas sa kanyang asawa. a. Don Tiburcio b. Padre Camorra c. Don Costudio d. Padre Salvi _____37. Siya ang paring mukhang artilyero. a. Padre Salvi b. Padre Florentino c. Padre Sibyla d. Padre Camorra _____38. Siya ang nakakaalam ng alamat ni Donya Geronima. a. Padre Salvi b. Padre Florentino c. Padre Sibyla d. Padre Camorra _____39. Inihanda ng ___________ ang kweba upang tirhan ng babae. a. Paring Dominico b. Paring Franciscano c. Arsobispo d. Artilyero _____40. Ang tinutukoy na Vice Rector na dumadaing na nalulugi ang negosyo ng korporasyon ay si _________. a. Padre Salvi b. Padre Sibyla c. Padre Salvi d. Padre Camorra _____41. Hinarang ng Guardia Civil ang kutsero dahil nakalimutan nito ang kanyang ________. a. Sedula b. lisensya c. ilaw ng kalesa d. pitaka _____42. Ang santong nabuhay nang matagal dahil walang Guardia Civil ay si _________. a. Melchor b. Gaspar c. Baltazar d. Juan _____43. Ang tanging malungkot sa prusisyon dahil napapagitnaan ng mga Guardia Civil. a. San Jose b. Mahal na Birhen c. Matusalem d. Rolando _____44. Namamasukan bilang __________ si Basilio upang makapag-aral. a. Mistiko b. guro c. Katulong d. drayber _____45. “Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa o kapatid.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag? a. Mahilig manakot ang pamahalaan. c. Nagbubulag-bulagan ang pamahalaan. b. Makapangyarihan ang d. Natatakot ang ama, asawa o kapatid sa pamahalaan. pamahalaan. _____46. “Ang kabaitan ay di tulad ng mga brilyante na maisasalin sa iba. Ito ay likas sa tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag? a. Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao. b. Ang kabaitan ay tulad ng isang brilyante. c. Likas sa tao ang kabaitan. d. Ang ugali ay yaman ng tao na maaaring ipamana sa iba _____47. “Ang sabi ng ilan, ang magnanakaw ay maaaring Espanyol, ayonsa iba, Tsino, ang iba naman, Indiyo.” Ano ang ipnahihiwatig nito? a. Hindi Mabuti ang kumuha ng pag-aari ng iba. b. Lahat ay maaaring mapaghinalaang magnanakaw. c. Hindi alam kung kailan darating ang magnanakaw. d. Sila ang magnanakaw, ang ibang lahi ay hindi. _____48. “At sapagkat ang bayan ay tulad nga ng bangkay na wala nang magawa, pinalala ko ang kabulukanm dinagdagan ko ang lason upang mamatay ang lawin na siyang nanginginain,” anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag? a. pagmamalabis b. pagsasatao c. pagwawangis d. pagtutulad _____49. Ipinaglalaban nina Isagani ang Akademya ng Wikang Kastila dahil sila ay uhaw sa karunungan. Nangangahulugan na sila ay__________. a. Nag-aalinglangan c. nasasabik na matuto b. nakapagpapahayag ng saloobin d. napapahamak sa kanilang pasya _____50. Sa itaas ng kubyerta ay naroroon ang mga Europeo, mga prayle at matataas na tao at sa ilalim ng kubyerta ay makikita ang mga Pilipino, mga kalakal at ang mainit na makina. Ang dalawang pangkat ng mga manlalakbay ay sumisimbolo sa __________. a. pagkakaiba ng mga Pilipino at Espanyol b. kahirapan ng buhay ng mamamayan c. pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Espanyol d. pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino