Ap 8 LM New

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

2020

2020
LEARNING MODULE
Araling G8 | Q1
Panlipunan

Heograpiya
at Sinaunang
Kabihasnan
sa Daigdig

Modyul 1: Heograpiya At Mga Sinaunang


Kabihasnan Sa Daigdig
ARALIN 1: HEOGRAPIYA NG DAIGDIG
Panimula at mga Pokus na Tanong

Minsan ba ay naiisip mo na may iba pang planeta bukod sa daigdig na maaaring mabuhay
ang tao at iba pang nilalang? Kung mayroon, ano-ano kaya ang mga pisikal na katangian nito?
May pagkakatulad ba ito sa ating kasalukuyang daigdig? Bagamat may mga pagsisikap na
makatuklas ng bagong tirahan ng tao, higit na mahalaga sa kasalukuyan ang mapangalagaan ng
tao ang kaniyang nag-iisang daigdig.

Sa modyul na ito, pagtuunan ng pansin ang katangiang pisikal ng daigdig at ang


interaksyon ng tao sa kaniyang kapaligiran. Mahalagang maunawaan mo ang mga nabanggit na
konsepto upang maipakita ang pangangalaga at pagpapahalaga sa ating daigdig. Sa pagtatapos
ng modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang tanong na ito: Bakit magkakaiba ang paraan
ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig?

Katuturan ng Heograpiya

May dalawang paraan sa pagbibigay ng kahulugan ng heograpiya. Una, ang


etimolohikal na kahulugan o ang pinagmulan ng salita. Ang heograpiya ay mula sa
dalawang salitang Latin na “geo” – ibig sabihin ay mundo at “graphein” – ibig sabihin ay
magsulat. Kung uunawain, nangangahulugang ang heograpiya na magsulat tungkol sa
mundo. Ang isa pang paraan ay ang konseptuwal. Sa paraang ito, ang heograpiya ay
nangangahulugang pag-aaral ng katangiang pisikal, ang ugnayan ng kapaligiran at ng mga
nilalang, at mga penomena na nagaganap sa daigdig. Ang unang gumamit ng salitang
heograpiya ay si Erathosthenes.

Bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang heograpiya. Tumingin ka sa iyong


paligid, ano ang iyong nakikita? Ang mga gusali, mga halaman, hayop, anyong tubig, anyong
lupa, maging ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong kamag-aaral, sa iyong kaibigan, at sa
malalayong kamag-anak ay bahagi ng heograpiya. Sabi nga ang “heograpiya ay buhay.”
GAWAIN
Suriinat Ipaliwanag

Basahin ang sumusunod na pahayag sa unang kolum. Lagyan ng tsek ang


kolum na umaangkop sa iyong sagot. Isulat mo ang iyong paliwanag sa huling
kolum.

Mga Pahayag Sang- Hindi Paliwanag


ayon Sang-
ayon

1. Ang heograpiya ay tumutukoy


lamang sa lokasyon ng iba’t
ibang bansa.

2. Makatutulong ang heograpiya sa


pag-unawa ng pagkakaiba-iba ng
mga tao sa daigdig.

3. Mahalaga ang heograpiya sa pag-


aaral ng kasaysayan.

4. Ang ekonomiya ng bansa ay


naiimpluwensiyahan ng heograpiya
nito.

5. May kaugnayan ang heograpiya sa


pagkakaiba-iba ng pamumuhay ng
tao sa daigdig.
TANDAAN

Limang Tema ng Heograpiya


Lokasyong Absolute na gamit ang
mga imahinasyong guhit tulad ng
latitude line at longitude line na
Lokasyon: Ito ay tumutukoy sa
bumubuo sa grid. Ang pagkrus ng
kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. dalawang guhit na ito ang tumutukoy
sa eksaktong kinaroroonan ng isang
May dalawang lugar sa daigdig.
pamamaraan sa pagtukoy
Relatibong Lokasyon na ang batayan
ay ang mga lugar at bagay na nasa
Lugar: Ito ay tumutukoy sa mga katangiang paligid nito. Halimbawa nito ay mga
nagtatangi sa isang pook sa iba. anyong lupa at tubig, mga
estrukturang gawa ng tao.
Katangian ng kinaroroonan tulad ng
May dalawang klima, anyong lupa at tubig, at
pamamaraan sa pagtukoy yamang likas.
Katangian ng mga taong naninirahan
tulad ng wika, relihiyon, densidad ng
Rehiyon: Ito ay bahagi ng daigdig na tao, kultura at mga sistemang
pinagbubuklod ng mga magkakatulad na politikal.
katangiang pisikal o kultural.
Kapaligiran bilang pinagkukuhanan ng
pangangailangan ng tao; gayundin
Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: Ito ang
kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang naman, ang pakikiayon ng tao sa mga
taglay ng kaniyang kinaroroonan pagbabagong nagaganap sa kaniyang
kapaligiran
May tatlong uri
Paggalaw: Ito ay ang paglipat ng tao mula ng distansiya ang isang lugar
sa kinagisnang lugar tungo sa ibang lugar;
kabilang din dito ang paglipat ng mga
bagay at likas na pangyayari tulad ng
hangin at ulan. (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar? (Time)

Gaano katagal ang paglalakbay?


(Psychological) Paano tiningnan

Makikita sa dayagram ang pagpapakahulugan sa limang tema ng heograpiya. Sa


tapat ng bawat kahulugan ay ang uri at halimbawa ng bawat tema.
INFOGRAPHIC: LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA

Lokasyon
Absolute: Nasa pagitan ng 116° Lugar
40', at 126° 34' Silangang Klima: Tropikal
Longhitud at 4° 40' and 21° 10'
Hilagang Latitud. Anyong
Lupa:
Relatibo: Ang Pilipinas ay nasa
Timog Silangang Asya. Mt.
Napapalibutan ito ng Taiwan at Mayon
Japan sa Hilaga, Karagatang
Pasipiko sa Silangan, Indonesia
sa Timog at West Philippine Sea
sa Kanluran. Anyong
Tubig:

Palawan
Underground
River
Rehiyon
Ang Pilipinas Paggalaw
ay kabilang sa Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
Association of
South East Ang Hagdan- Hagdang
Asian Nations Palayan ay isang patunay ng
(ASEAN) pakikiaayon ng mga Pilipino
sa kanilang kapaligiran.
GAWAIN Tukoy-Tema

Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ang bawat sitwasyon sa ibaba ay
patungkol sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. Isulat ang
sagot sa inilaang patlang.

1. May tropikal na klima ang Pilipinas.

2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi


Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil


napapalibutan ang bansa ng dagat.

4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New


Zealand upang magtrabaho.

5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

6. Ang napakaraming tao sa Tokyo, Japan ang nagbigay-daan upang higit


na paunlarin ang kanilang sistema ng transportasyon, maging ng
pabahay sa kalungsuran.

7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ang nagpabilis sa mga tao na


magtungo sa mga bansang may magagandang pasyalan.

8. Ang Islam ay ang ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng


Saudi Arabia.

9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ


silangang longhitud.

10. Spanish ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.

11. Maraming Pilipino ang nandarayuhan sa Amerika upang magtrabaho.

12. Agrikultura at pangingisda ang pangunahing kabuhayan sa China.

13. Ang mga bansa sa Timog Amerika ay halos magkakatulad ng wika.

14. Mula India, lumaganap ang Budhismo sa Timog-silangang Asya.

15. Ang Angel Falls sa Venezuela ay itinuturing na pinakamataas na


talon sa buong mundo.

You might also like