2.3 Dula 6
2.3 Dula 6
2.3 Dula 6
3: Modyul 6
IKALAWANG MARKAHAN
Panitikan: Dula
Teksto: Editoryal
Wika: Pangatnig at Pang-ugnay na nanghihikayat
Pansining mabuti ang mga nasa larawan. Ano ang nilalaman nito?
AMOR O. MARGIN
Guro III
Alaminos Integrated National High School
Distrito ng Alaminos
Ikalawang Markahan| 1
Paunang Pagtataya :
T U K L A S I N natin!
Klasmeyt,
Magandang araw! Bago tayo magsimula,
subukan mo munang sagutin ang mga tanong
sa ibaba! Galingan mo!
2. (Ayon sa, Ukol sa, Labag sa) kanilang kalooban ang hindi makapasok sa
paaralan.
3. (Dahil kay, Dahil sa, Para sa) kahirapan kaya nalabag ang kanilang karapatan sa
edukasyon.
4. Nagsisikap (na, ng, sa) lang silang maghanapbuhay upang maisubo sa bibig.
5. Nilalabanan ng ibang katulad nila ang kahirapan (para, kung, kaya) nag-aaral sila
pagkatapos ng trabaho.
Panimulang Gawain :
Ikalawang Markahan | 5 L I N A N G I N natin!
Mahusay klasmeyt!
Ngayon naman ay magbasa muna tayo!
Kilala mo ba sila? Ilarawan ang kanilang karakter sa napanood mong palabas. Gamitin
ang mga salitang totoo, tunay, talaga, pero o subalit sa pagbuo ng pangungusap
.
Paksang Aralin :
P A U N L A R I N natin!
Ikalawang Markahan | 5
Ang galing mo klasmeyt!
Ngayon naman ay simulan nating paunlarin pa
ang iyong kaalaman tungkol paggawa ng editorial.
EDITORYAL
Ikalawang Markahan| 1
Bahagi ng Editoryal
INTRODUKSYON –
nakilala din bilang simula ng editoryal. Sa bahaging ito
ipinakikilala ng sumulat ang paksang kanyang tatalakayin.
EKPLORASYON –
na siyang pinakakatawan ng editoryal. Sa bahaging ito iniisa-isa
ang mga detalyeng magbibigay ng buhay sa pagtalakay sa
paksa.
KONKLUSYON –
na siyang pinakawakas ng editoryal. Sa bahaging ito nilalahad o
binubuo ng sumulat ang kaisipang iniisa-isa. Nag-iiwan din ng
gintong muni, hamon, pagsubok ang sumulat sa kanyang
mambabasa sa bahaging ito.
Pangtanig
ito ay bahagi ng salitang nag-uugnay ng isang salita o kaisipan
sa isa pang salita o kaisipan sa isang pangungusap.
http://- pilipinotagalog.Blogspot.com/2011/10/angpangugnay.html#.U4UIGyguyno
Rex Supplemental Lessons
Pangwakas na Pagtataya :
I L I P A T natin!
Ikalawang Markahan | 5
Klasmeyt,
Binabati kita! Malapit mo nang matapos ang
huling yugto ng modyul na ito.
Basahing mabuti ang teksto sa ibaba. Suriin ang pakakalahad batay sa paraan ng
pahihikayat nito.
Bakit nga ba napaka-pabaya ng mga Pilipino sa kalikasan. Simpleng batas lang laban
sa pagsisiga ng dahon at papel, hindi masunod. Katwiran ng mga lumalabag sa Clean
Air Act, kailangan daw ‘yon para umalis ang mga lamok. Mali! Kung takot sila sa
insektong nagdadala ng dengue virus, hanapin at alisin nila lahat ng pinag-iipunan ng
tubig na maaring pag-itlogan. Kung magsiga sila, ang usok ay magdudulot o
magpapalala sa sakit sa baga.
Bawal dumumi at magdumi sa mga batis, ilog, at lawa. Ang tubig ay inumin at panlinis
ng katawan at damit -- hindi basurahan. Pero inaabuso ito ng mga ayaw magkabit ng
septic tank at water treatment facility, maging mahirap na bahayan man o malaking
pabrika. Kaya napipilitan lahat bumili ng tubig -- na mahal.
Ikalawang Markahan| 1
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2018
Bumuo ng sariling editoryal gamit ang mga pang-ugnay na totoo, tunay, talaga,
pero, subalit at iba pa. Salungguhitang angmga pang-ugnay na ginamit sa talata.
1. Anti-Bullying
2. Pagmamahal sa Likas na Yaman
3. Edukasyon tungo sa Magandang buhay
Klasmeyt,
Ang husay mo! Natapos mo nang
matiwasay ang buong aralin! Ipagpatuloy mo
lang ang maganda mong nasimulan. Magkita
tayong muli sa susunod. Ingat!
Ikalawang Markahan | 5