Panimula - Pananaliksik
Panimula - Pananaliksik
Panimula - Pananaliksik
Department Of Education
Region V(Bicol)
Ipinasa nina:
Ipinasa kay:
Guro sa asignatura
KABANATA 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL
PANIMULA
Sa paglabas ng kompyuter at pagkonekta nito sa internet, nabuksan din ang iba't ibang
tsanel ng impormasyon upang mapanatili ang ating mga gawain at mapabilis ang pagkatuto at
pag-aaral.
Masasabing mas mahabang oras ang inilalan ng mga estudiyante sa ngayon ang
pumupuntang computer shop para buksan ang kanilang account, maglaro ng online games,
kaysa sa pagbisita ng silid-aklatan at igugol ang bakanteng-oras para mabasa ang mga aklat at
mag-aral. Kadalasan naman, nawawalan na ng ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil
kahit sa oras ng talakayan ay hawak-hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng
kanilang account sa iba't ibang sites. Ang iba naman,dahil sa mga impormasyong kanilang
nasasagap mula sa Binibisitang sites, Alan na mila ang tinuturo kaya't hindi makuha-kuha ang
atensyon ng mga estudyante.
Ang social networking at maraming naidudulot na kabutihan subalit maaari ding magdulot
ng kasamaan kung pagmamalabisan. Ang Social Networking at bunga ng karunungan na kaloob
ng Panginoon kaya nararapat na gamitin sa mabuti at maayos na pamamaraan.
2.Bilang o porsyento ng mga sumagot sa mga maaaring imaging epekto ng social media sa pag-
aaral?
SAKLAW AT DELIMITASYON
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang kahalagahan at pakinabang ng pag-aaral na ito ay hindi lamang nakatuon sa iisang tao
kundi sa mga makakabasa ng pananaliksik na ito. Mabibigyang pagpapahalaga nito ay ang mga
sumusunod;
MAG-AARAL
Malaki ang maitutulung ng pag-aaral na ito sa kanila upang magkaroon ng lubos na kaalaman
kung ano ang mga pangunahing epekto ng social media sa kanilang pag-aaral nang sa gayon
gamitin nila ito ng maayos sa kanilang pag-aaral para maabot nila ang kanilang mga pangarap sa
buhay.
MAGULANG
Ang karunungan ng bawat tao ay nagsisimula sa tahanan at ang unang humuhubog nito ay
ang magulang, ito ang pinakamahalagang gampanin ng isang magulang. Ang pag-aaral na ito ay
magbibigay gabay sa dapat tungkulin ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Mahalagang
malaman ng mga magulang ang epekto ng social media sa kanilang mga anak. Upang maayos
na mabantayan at kung maaari ay limitahan nila ang mga anak sa pagamit ng mga Social
Networking Sites.
GURO
MAMAMAYAN
MANANALIKSIK
Ito ang mapagkukunan ng mga datos o tala ng mga pag-aaral na may kaugnay dito upang
mas mapadali o mapagaan ang kanilang gawain. Maraming nilalaman ang pag-aaral na ito na
maaaring magamit ng iba sa pagpapatuloy o pagrerebisa ng ibang pananaliksik na
nangangailangan ng pagpapatibay o pagsasaayos upang mas mapaganda ang pananaliksik.
KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA
Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban(2014), ang Social Media o Social
Networking Sites ay is a sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa pagtuturo sa
kanilang mga estudyante. Maaaring nagbigay ito ng oportunidad sa mga guro upang komunikta
sa kaniyang mga Mag-aaral. Sinasabing hindi lamang sa mga mag-aaral mayroong advantage o
mabuting epekto ang Social Media kundi maging sa mga guro.
Batay sa pag-aaral ni Fionama noong 2008 ang Social Media katulad ng Facebook ay isang
daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan. Isa na dito ay ang maaaring
magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon dahil sa
paggamit nito. Isa ring dulot ng Social Media ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng
impormasyon. Ito ay maoobserbahan kahit sa grupo ng pangkat sa paaralan, dito nagpapahatid
ng mga mahahalagang impormasyon ang pangulo sa klase ukol sa mga mahahalagang paalala sa
mga kamag-aral. Ang mga naturang impormasyon ay naipapahatid ng mas mabilis at sa mas
madaling paraan. Naging malaking tulong talaga at kaagapay sa mga mag-aaral ang Social
Media sa ating mga pamumuhay bilang estudyante.
Ayon sa Internet World Stat.,(2012) ay umabot na sa 33, 600,000 ang Internet users mula
sa Pilipinas at 29,890,900 sa mga ito ay mayroong Facebook account. Halos 33% ng populasyon
sa Pilipinas ang nakikinabang sa mga sari-saring impormasyon mula sa Net.
Ayon sa Gethooked360.com, 40% ng Facebook users sa Pilipinas ay mula sa 18 hanggang
24 taong gulang, 26% mula sa 25 hanggang 34 taong gulang at 15% mula sa 13 hanggang 17
taong gulang noong taong 2013. Sinasabi rin sa kanilang datos na 46% sa mga user ay babae at
43% naman ang mga lalaki.
Ayon naman sa Wearsocial.net noong 2013, ang kabuuang oras sa isang araw ng mga
internet users sa Pilipinas ay gumagamit ng Laptop at Desktop ay 6.2 hours at ang nag-oonline
naman sa Net ay 2.8 hours. Apat na oras naman ang kabuuang ginugugol ng mga Pinoy sa Social
Networking Sites kada araw.
KAUGNAY NA PAG-AARAL
Sinulat ni Ali Kingston Mwila(2013) na ang social media sa estudyante at mga eksperto ay
nakababahagi at nakakapag-ugnay sa kapareho nilang hilig at makapaglagay ng saloobin at
opinyon sa mga isyu. Isa pang positibong epekto ng social media sites ay mapag-isa ang mga tao
at makamit ang kanyang nais.
Ang pagkahumaling sa social media isa sa negatibong epekto into. Pagkawala sa atensyon
at pokus sa isang partikular na gawain ay dahilan ng paggugol ng labis na oras sa paggamit nito.
Nakabase ang mga estudyante sa teknolohiya at internet imbis na sa normal na pagkatuto tulad
ng pagsisiyasat sa mga libro at iba pang referensiya.
Ayon sa mga eksperto, nakakaapekto ang madalas na internet access sa kalusugan sa ating
utak. Nagdudulot ito ng "sleep deprivation" o dahilan upang hindi tayo makatulog sa gabi. Sa
kabilang banda, nagiging dahilan ito sa pagkakaroon natin ng maikling pasensya o pokus sa
isang bagay.
Ayon sa pag-aaral ni Wasta Fari(2010), ang Facebook ay isa sa pinakasikat na website dahil
sa patuloy na gumagamit into. Nalaman ni Fari na ang mag-aaral na lubos na nahuhumaling sa
facebook ay nawawalan ng ganang gumawa ng takdang aralin dahil sa malaking oras na
ginagamit ng mag-aaral sa facebook ay sapat na upang maubus ang dapat nang nakalaan sa
mga extra-curricular na aktibidad sa paaralan.