Araling Panlipunan 8: Quarter 1 - Module 2 Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan 8: Quarter 1 - Module 2 Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan 8: Quarter 1 - Module 2 Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan 8
Quarter 1 – Module 2
Heograpiyang Pantao
HIN Pag-aa
DI ri ng P
IPI ama
NA hala
GB an
IBI
LI
Araling Panlipunan – Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 — Module 2: Heograpiyang Pantao
First Edition, 2020
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
of the Government of the Philippines.
Telefax: However,
088 328 0108/ prior0118
088328 approval of the government agency or
office wherein
E-mail Address:the work is created shall be necessary
[email protected] exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.
Management Team
Pablito B. Altubar
CID Chief
Heograpiyang Pantao
This page is intentionally blank
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Salita i
Alamin i
Pangkalahatang Panuto ii
Mga Icon ng Modyul ii
Subukin iii
Aralin 1 1
Ang Daigdig 1
Balikan 1
Gawain: Punan Mo Ko 1
Tuklasin 2
Gawain: Simbolo ng Pananampalataya 2
Suriin 3
Heograpiyang Pantao 3
Wika 3
Relihiyon 4
Lahi/Pangkat-Etniko 5
Mga Pangunahing Lahi ng Tao 5
Pagyamanin 7
Gawain: Crossword Puzzle 7
Isaisip 8
Gawain: Pag-isipan Mo 8
Isagawa 9
Gawain: Modelo ng Kultura 9
Pagtatasa 11
Karagdagang Gawain 13
Gawain: Respeto, Ikwento Mo 13
Susi sa Pagwasto 14
Sanggunian: 15
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Para sa mag-aaral:
Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang mga butil ng kaalaman. Tara na!
Aral na tayo sa gitna ng pandemyang ito.
Alamin
A. Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
kwaderno.
4. Ang mga Negroid ay isa sa mga pangunahing lahi ng tao. Anong katangian kilala
ang lahing ito?
A. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok.
B. Mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.
C. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde ang
buhok.
D. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.
Hanay A Hanay B
1. Kristiyanismo A. relihiyong may
11.67%
2. Budismo B. relihiyong may
11.44%
3. Muslim C. relihiyong may
23.20%
4. Hinduismo D. relihiyong may
31.59%
5. Iba pa E. relihiyong may 15.0%
F. relihiyong may 7.10%
Aralin
Ang Daigdig
1
Balikan
Gawain: Punan Mo Ko
Kumpletuhin ang dyagram. Isulat sa mga bilog ang pitong kontinente ng daigdig.
https://freesvg.org/3d-earth-globe
1
Tuklasin
Tanong:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2
Suriin
Heograpiyang Pantao
Inaalam ng mga heograpong pantao ang mga dahilan kung paano nababago ng tao
ang kapaligiran, kung paano siya nakalilikha ng panibagong lugar na may kahulugan, at
kung paano nababago ng kapaligiran ang paraan ng pamumuhay ng tao. Ang interaksyong
ito ang pangunahing sinusuri sa Heograpiyang Pantao.
Wika
Ang wika ay itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura. Ito ang nagbibigay ng
pagkakakilanlan sa mga tao na kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa
daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Ang mga wikang ito ay napaloob sa
tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan.
Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay
nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
http://denzell.com/wp-content/uploads/2019/01/xlanguages.jpg.pagespeed.ic.AzYk5LfyOz.webp
3
Relihiyon
Ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing-
gabay sa kanilang pamumuhay. Pero kung ikukumpara ito sa kasalukuyan, hindi ito
organisado at mayroong sistematikong mga doktrina. Malaki ang bahaging ginampanan ng
relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan kung ating tingnan
ang kasaysayan ng daigdig. Isa itong malaking salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga
kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga
kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang
relihiyon.
4
Lahi/Pangkat-Etniko
Kung tingnan natin, parang isang malaking mosaic ang daigdig dahil sa maraming
natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang
race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang
pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.
Maraming eksperto ang bumuo ng iba’t ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig,
ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring
magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon gaya ng nangyari sa Estados Unidos noong
Mayo 25, 2020 kung saan napatay si George Floyd, isang negro, habang nasa kustodiya ng
mga pulis dahil sa pagbili ng sigarilyo gamit ang pekeng $20 perang papel. Naging viral ang
video ng huling sandali ng kanyang buhay na siyang nag-udyok ng malawakang protesta sa
ibat’t ibang panig ng bansang Amerika (https://www.nytimes.com/2020/05/31/us/george-
floyd-investigation.html).
Tingnan naman natin ang mga pagbabago sa pagkakaroon ng iba’t ibang lahi ng tao.
Nagkaroon ang daigdig ng tatlong pangunahing lahi ng tao – ang Mongoloid o Dilaw, ang
Negroid o Itim, at ang Caucasoid o Puti. Bagamat di na inuuri ang mga tao ngayon ayon sa
kulay, makakatulong sa pag-aaral ng pinagmulan ng tao ang ganitong klasipikasyon.
Mga Mongoloid. Mayroon ding sangang lahi ang lahing Mongoloid o dilaw na kayumanggi:
mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat. Hugis almond o
singkit ang mga talukap ng mga mata ng mga lahing Mongoloid. Halos bilog ang
hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok at hindi gaanong
mabalahibo ang kanilang balat. Manipis ang mga labí nila at hindi matangos ang
ilong. Laganap ang lahing Mongoloid sa Asya tulad ng mga Pilipino, Tsino,
Hapones, Koreano, Vietnamese, Thai, Tibetan, taga-Myanmar, Mongol, Malaysian,
Indonesian, Singaporean, taga-Hong Kong at karatig-pook. Ang mga Amerikanong
Indian na nabibilang sa lahing Mongoloid ay nasa kapatagang sentral ng Estados
Unidos, mga Eskimo ng Hilagang Amerikanong Arktiko at mga Indian sa Central at
Timog Amerika ay nabibilang din sa lahing ito.
Mga Negroid. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.
Matataas at malalaki ang kanilang pangangatawan. Matatagpuan ang mga purong
Negroid sa kanlurang Sudan at Guinea. Pahaba ang hugis ng kanilang ulo,
5
malalapad ang kanilang ilong at makakapal ang mga labí. Maitim hanggang
matingkad na kulay kape ang kanilang balat. Sa Silangang Sudan naman
matatagpuan ang mga Nilote, mga Bantu na binubuo ng mga Masai, Kikuyu, Zulu,
Swahili at Swazi. Hindi gaanong maitim ang mga nabanggit. Manipis ang kanilang
mga labí at ilong. Kulay tsokolate naman at hindi maitim ang balat ng mga Negroid
at Papuan sa New Guinea at ilang pulo ng Indonesia at Melanesia sa mga pulo ng
Pacific.
Mga Caucasoid. Mapuputing tao ang mga Caucasoid. Napapangkat sila sa Nordic,
Silangang Baltic, Alpine at Mediterranean. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng
kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok at bughaw o berde ang kulay ng mga
mata. Pandak ang mga Alpine, malalaki ang katawan at malalapad ang ulo. Ang
mga Mediterranean naman ay hindi gaanong mapuputi, may kaitiman ang kulay ng
balat at mata, maitim din at mahabang kulot ang kanilang buhok. Kasama rito ang
mga lahi na naninirahan sa rehiyon ng Dagat Mediterranean kasama na ang mga
Arabo. Matatagpuan ang iba sa hilaga at gitnang India. Mga ninuno ng Hammites
subalit nalahian ng Negroid ang mga nakatira sa Egypt, Ethiopia, Somalia at sa
kanlurang Sahara. Matatagpuan din sa Europa ang karamihan sa mga lahing
Caucasoid. Naninirahan ang mga Nordic sa Scandinavia, Ingglatera at Alemanya.
Ang mga Baltic naman ay paninirahan sa silangang Europa tulad ng mga Alpine na
Kinabibilangan ng mga Slav. Kasama rin sa lahing Caucasoid ang mga Polynesian
na nasa Islang Pasifico at New Zealand at ang mga Ainu ng Japan at Veddah ng
timog India.
https://pic.betweenmates.com/img/news/148/difference-between-race-and-ethnicity_1.jpg
6
Pagyamanin
Pahalang Pababa
7
Isaisip
Gawain: Pag-isipan Mo
Basahin ang mga katanungan sa ibaba at sagutin ito. Isulat ang iyong sagot sa isang
buong papel. Magbigay ng halimbawa kung maari.
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na
heograpiya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
8
Isagawa
Pumili ng isang bansa na nais mong bigyan ng malalim na pag-intindi ang kanilang
heograpiyang pantao.
9
Buod
10
Pagtatasa
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.
A. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
papel.
Hanay A Hanay B
1. 1. Lahi A. pinagmulang salita ng "etniko" na nangangahulugang
2. "mamayan"
B. tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao,
3. 2. Relihiyon gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng isang
pangkat
B. Basahin ng mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
11
2. Alin dito ang tumutukoy sa lahi ng mga puti?
A. Caucasoid
B. Budismo
C. Mongoloid
D. Hinduismo
5. Ang mga Negroid ay isa sa mga pangunahing lahi ng tao. Anong katangian kilala ang
lahing ito?
A. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok.
B. Mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.
C. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok.
D. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.
12
Karagdagang Gawain
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
__________________________________________
13
https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jmzwn
Susi sa Pagwasto
B. B.
1. D 1. A
2. F 2. A
3. C 3. B
4. E 4. C
5. B 5. D
14
Sanggunian:
Aklat:
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.
Websites:
Countries of the world, “Continents Map,” Accessed May 28, 2020, https://www.countries-
ofthe-world.com/img/continents-map.png
Google Drive, “Grade 8 DLP First Quarter,” Accessed May 28, 2020,
https://drive.google.com/file/d/1dIkeEgrMEbEx_hEn4XEv0pe-IIGd4hy-/view
LRMDS Portal, “EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig,” Accessed May 28, 2020,
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6035
National Ocean Service, “How many oceans are there?” Accessed May 28, 2020,
https://oceanservice.noaa.gov/facts/howmanyoceans.html
Phys.org, “What are the Earth's layers?,” Accessed May 28, 2020, https://phys.org/news/
2015-12-earth-layers.html
15
Wikimedia.org, “Antartica,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/
commons/thumb/f/f2/Antarctica_%28orthographic_projection%29.svg/256px-
Antarctica_%28orthographic_projection%29.svg.png
16
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: [email protected]