F7Q1M1 Kuwentong Bayan Idea

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Filipino

7 Kwarter 1 Modyul
1
Kuwentong-bayan

 
 
 

BAITANG 7 Filipino
Kwarter 1 Modyul 1

   

LEARER’S MATERIAL
I Alamin

Grade Level Standard: Pagkatapos ng Ikapitong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang


kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang
pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang
rehiyunal upang maipagmalaki ang sariling kultura, gayundin ang iba’t ibang kulturang
panrehiyon
Ano ang iyong inaasahan sa modyul na ito?
Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahang makamit mo ang mga
sumusunod:
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Mindanao.
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang
proyektong panturismo.
Kasanayang Pampagkatuto :
1. F7PN-Ia-b-1 - Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinag
mulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan(MELCs)

2. F7WG-Ia-b-1 - Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga


patunay. (MELCs)

3.F7PT-Ia-b-1 - Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng


salita ayon sa gamit nito
 
I Suriin
Gawain 1
Ibigay ang iyong sariling opinyon hinggil sa hugot lines na nasa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
 

 
Gawain 2
Naka-relate ka ba sa mga hugot lines? Mabuti kung ganoon, dahil iyan
ay may kaugnayan sa ating tatalakayin sa araling ito.
 
1. Anu-anong mga pangyayari sa iyong buhay ang maaari mong iugnay
sa mga hugot lines?
Una
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____
 

Ikalawa
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____
 

2. Paano mo ito hinarap? Ipaliwanag.


______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
____
D Subukin
 
Ngayon, susukatin natin ang iyong nalalaman tungkol sa paksang
iyong pag-aaralan sa modyul na ito. Handa ka na ba? Tara, simulan na
natin.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong sa ibaba
pagkatapos ay isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
 
1. “Ano ang nararapat kong gawin?” usisa ng sultan. Ano ang kasalungat
ng salitang nakasalungguhit?
A. pagtatanong C. pag-iimbestiga
B. pagsisiyasat D. walang pakialam
2. Nagulat ang sultan sa magarang damit ni Pilandok. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang magara?
A. maganda C. malinis
B. maayos D. makulay
3. “Mag-iiwan ako ngayon ng isang kautusang ikaw muna ang
pansamantalang hahalili sa akin” sabi ng sultan kay Pilandok. Ano ang
ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap?
A. susunod C. tutulong
B. sasama D. papalit
4. Ito ay kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-
tanging salaysay ng kanilang lugar.
A. maikling kuwento C. epiko
B. kuwentong bayan D. alamat
5. Ano ang masasalamin sa isang kuwentong bayan?
A. tradisyon C. kultura ng isang lugar
B. paniniwala at kaugalian D. lahat ng nabanggit
 

 
 
 6. Pinatutunayan lamang ng St. Agnes' Academy na ito ay isang tunay na
Benedictine School dahil sa kanilang ginawang pagtulong sa mga
nasalanta ng bagyong Yolanda. Anong pahayag na nagbibigay patunay ang
nabanggit?
A. nagppahiwatig C. may dokumentaryong ebidensiya
B. nagpapakita D. taglay ang matibay na konklusyon
7. Sadyang maraming Pilipino ang mahusay sa kahit anumang larangan.
Pinatutunayan ito ng mga palabas ng 100% Pinoy nina Jiggy Manicad at
Kara David. Anong pahayag na nagbibigay patunay ang nabanggit?
A. nagpapahiwatig C. pinatutunayang detalye
B. may dokumentaryong ebidensiya D. taglay ang matibay na
konklusyon
8. Sa pangungusap na “Naging malaking inspirasyon sa mga Pilipino ang
pagdating ni Pope Francis” ayon sa survey ng SWS. Anong pahayag na
nagbibigay patunay ito?
A. nagpapahiwatig C. may dokumentaryong ebidensiya
B. nagpapakita D. taglay ang matibay na konklusyon
9. Anong salita o mga salita ang nagpapakita ng makatotohanan at
maaaring makapagpatunay sa isang pahayag?
A. kapani-paniwala C. nagpapakita
B. may dokumentaryong ebidensiya D. taglay ang matibay na
konklusyon

I. Kapani-paniwal
II. Hinuha
 
III. May Dokumentaryong Ebidensiya
IV. Nagpapahiwatig
 
10. Aling salita sa kahon sa itaas ang HINDI nagbibigay ng mga patunay?
A. I C. III
B. II D. IV
 

 
 11. Saan nagmula ang kuwentong-bayan na pinamagatang , “Nakalbo ang
Datu”?
A. sa Bisayas
B. sa Luzon
C. sa Mindanao
D. sa ibang bansa
12. Anong kaugalian at kalagayang panlipunan ng taga-Maranao ang
mahihinuha mo sa mga tauhan at pangyayari sa kuwentong-bayan na
“Naging Sultan si Pilandok”?
A. Pagiging isang huwad na pinuno ng nasasakupan
B. Ang panlilinlang sa kapwa sa ngalan ng kayamanan at
kapangyarihan
C. Ang mga mahihirap ay ginagawang alipin at maaaring ipakulong
ng taong nasa katungkulan
D. Tanging mga dugong bughaw o mga may kaya sa buhay lamang
ang naninirahan sa malalaking bahay at pinapayagang magsuot
nang magagara at kulay gintong kasuotan
13. Anong katutubong kultura ng mga Pilipinong Muslim ang binanggit sa
kuwentong-bayan na “Nakalbo ang Datu”?
A. Ang polygamy o pag-aasawa ng mga lalaking Muslim ng higit pa
sa dalawa
B. Ang pag-aasawa ng mga datu ng may edad na dahil sa tungkulin
nitong ginagampanan sa lipunan
C. Ang pagiging pihikan sa pagpili ng makakasama sa buhay kaya
kalimitan sa mga lalaking Muslim ay tumatandang walang asawa
D. Ang paniniwalang kailangang magkaroon ng anak ang isang la
laking Muslim na magmamana ng lahat ng maiiwang ari-arian nito
14. Ano ang karaniwang pinapaksa ng isang kuwentong-bayan?
A. Ito ay karaniwang pumapaksa sa kabayanihan ng pangunahing
tauhan na gumaganap sa akda
B. Ito ay karaniwang pumapaksa sa mga nuno sa punso, aswang,
kapre, hari at reyna at karaniwan ding kaugnay nito ang isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
C. Ito ay karaniwang pumapaksa sa mga tauhan na nagtataglay ng
mga kakaibang kapangyarihan upang maging mas kaakit-akit ang
akda.
D. Lahat ng nabanggit
 
 
 
 
 15. Mahalaga bang pag-aralan ang kuwentog-bayan ng Mindanao tulad ng
“Naging Sultan si Pilandok” at “Nakalbo ang Datu”? Bakit?
A. Oo, dahil sa pamamagitan nito ay natututo tayong mahalin ang
ating sariling panitikan.
B. Oo, dahil sa pamamagitan nito ay makikilala natin ang
kaugalian, tradisyon at kultura ng mga Pilipinong Muslim na
naninirahan sa Mindanao.
C. Oo, dahil sa pamamagitan nito ay nalaman natin na posible rin
pa lang maging Sultan ang isang mahirap at makapag-asawa ang
isang Datu.
D. Oo, dahil sa pamamagitan nito ay nalilibang tayo at
nakapupulot ng mga magagandang aral na maaari nating isabuhay
sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
D Tuklasin

Bago mo tuluyang basahin ang akda ay tuklasin muna natin kung gaano kalawak
ang iyong kaalaman sa talasalitaan. Handa ka na ba? Simulan na natin.
Gawain 3 (Pagpapayaman ng Talasalitaan)
Hanapin mo sa talaan sa ibaba ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga
nasalungguhitang salita sa loob ng pangungusap.
1. Si Pilandok ay kinagigiliwan ng taga-Maranao.
2. Nanggilalas ang sultan nang makita si Pilandok sa kanyang magarang
kasuotan.
3. “Ililihim po natin ang bagay na ito,” wika ni Pilandok sa Sultan.
4. Hintay, ang sansala ng sultan sa pag-alis ni Pilandok.
5. Pumayag ang Sultan sa ibinigay na hiling ni Pilandok.

Kasingkahulugan Kasalungat
   
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

 
 
Naging Sultan si Pilandok

https://www.google.com.ph/search?
biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&ei=715MW9rVNZWHoASl84OIDQ&q=sultan+at+pilandok&oq=sultan+at+pilandok&gs_l=img.3..

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw


si Pilandok.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa
dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw,
ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na
nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang
isang kumikislap na ginintuang tabak. "Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?"
nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan,"
ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko
at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapagkat nakita ko po ang aking
mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa
akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang
masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan
ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na walang
kaharian sa ilalim ng dagat."
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo
sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto
 

ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim


ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at
itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng
aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang
aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak."
Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok
at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-
isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng
dagat," ang sabi ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-
alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko
sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang
pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang
ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil
ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang
bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at
espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon
ni Pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at
isinakay siya sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang
hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang
sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.
 Gawain 4
Pag-unawa sa Akda
1. Ano-ano ang mahahalagang pangyayaring nakapaloob sa kuwentong bayan na
iyong binasa?
 2. Ilarawan ang pangunahing tauhan batay sa pangyayaring nakapaloob sa
akda.
 3. Kung ikaw si Pilandok, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawang panloloko
upang makuha ang lahat ng kayamanan at pagiging lider ng sultan?
Pangatwiranan.
 4. Maglahad ng pangyayari sa iyong buhay o ng kakilala na katulad ng
karanasan ng mga tauhan sa binasang akda. Ano ang natutuhan mo sa
karanasang iyon?
   
D Pagyamanin

Gramatika at Retorika
 
Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
 
Nagpapahiwatig - tawag sa pahayag na hindi direktang makikita,
maririnig o mahihipo ang ebidensya subalit sa pamamamagitan nito ay
masasalamin ang katotohanan.
Halimbawa:
Ang pagtulong ng St Edward Integrated High School sa mga biktima ng
bagyo ay nagpapahiwatig ng pagiging Catholic School nito.
Nagpapakita - salita ang nagsasaad na ang isang bagay na
pinatutunayan ay tunay o totoo.
Halimbawa:
Ang tulong mula sa iba’t ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong
piso ang nagpapakita sa likas na kabutihang-loob ng tao anuman ang
kulay ng balat at lahi niya.
May Dokumentaryong Ebidensya - ito ay mga patunay na maaaring
nakasulat, larawan o video.
Halimbawa:
Maraming mga liblib na lugar sa Pilipinas ang may magagandang
tanawin at tunay na maipagmamalaki sa buong mundo. Pinatutunayan ito
ng mga palabas ni Drew Arellano sa “Biyahe Tayo”.
Nagpapatunay/Katunayan - ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng
pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
Halimbawa:
Sa katunayan, malaking serbisyo ang dulot ng programa sa telebisyon
sapagkat nakatutulong itong maabot ng pamahalaan ang mga
nangangailangan ng tulong.
Taglay ang Matibay na Kongklusyon - ang tawag sa katunayang
pinalalakas ng ebidensya, pruweba o impormayon na totoo ang
pinatutunayan.
Halimbawa:
Sa totoo lang, tunay na malupit ang mga nakalaban ng SAF 44 at ito’y
ayon sa isang saksi na nakaligtas na nagsabing patuloy silang
pinagbabaril sa ulo kahit na nakataas ang kanilang mga kamay.
Kapaki-paniwala - salita ng nagpapakita na ang ebidensya ay

E Isagawa
Gawain 6
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad na tradisyon, kaugalian at kulturang
nakapaloob sa kuwentong bayan na binasa/tinalakay at sa lugar ng Mindanao
gamit ang Venn Diagram
Gawain 7
Lagyan ng tsek (/) ang patlang bago ang bilang kung ang pahayag ay
nagbibigay patunay at ekis (X) naman kung hindi.
_____ 1. Sa katatapos na laban ni Manny Pacquiao laban kay Lucas Matthysse ay
pinatunayan lamang niya na siya ay karapat-dapat sa kanyang titulo na WBA.
_____ 2. Maraming nasawi at nasalanta ang bagyong Maria sa Japan dahil sa
malakas na hangin at walang tigil na pag-ulang dulot nito.
_____ 3. Ang pagtulong ng China sa Pilipinas ay nagpapahiwatig nang maayos na
samahan ng dalawang pangulo.
_____ 4. Ang tulong mula sa iba't ibang bansa galing sa mga kababayan nating
Pilipino na umabot sa mahigit isandaang milyong piso ay nagpapakita sa likas
nakabutihang-loob ng mga Pinoy saanmang lupalop mapadpad.
_____ 5. Kaliwa’t kanan ang karahasang naibabalita sa ating bansa dahil sa
kampanya kontra droga.
 

E Linangi
n
Bilang pagtatapos ng araling ito, gumawa ka ng isang sanaysay tungkol
sa pagpapatunay na ang kuwentong bayan ay salamin ng kaugalian, kultura at
tradisyon ng isang lugar. Puwede mong gawing gabay ang mga akdang binasa sa
unahang bahagi ng modyul na ito .

E Iangko
p
Sumulat ng isang talatang pagpapatunay tungkol sa napapanahong isyu
ngayon. Gamitin ang ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay.
(Nagpapahiwatig, nagpapakita, may dokumentaryong ebidensya, nagpapatunay o
katunayan, pinatutunayan ng mga detalye, sa totoo lang)
Pumili ng isang paksa lamang sa mga sumusunod:
1. Edukasyon sa panahon ng pandemic (COVID19)
2. Epekto ng pandemic (COVID19) sa buhay ng tao
3. Gamot at bakuna sa COVID19
 
Narito ang pamantayan na dapat mong sundin sa pagsulat ng talata.
Pamantayan sa Pagsulat ng Talata
1. Nilalaman (may kaugnayan sa paksang tinatalakay) - 5 puntos
2. Kaayusan/kaisahan ng mga ideya - 5 puntos
3. wastong gamit ng mga pahayag na nagbibigay ng patunay - 5 puntos
 
Kabuuan - 15 puntos

A Isaisip

3-2-1 REPLEKSYONS

  3 kaalaman na natutuhan ko sa modyul na ito

2 aralin sa modyul na ito na tumatak sa aking isipan

1 aral na natutuhan ko sa mga aralin mula sa modyul na ito na maaari kong


magamit sa tunay na buhay
 
A Tayahin
  Basahin at unawain mong mabuti ang bawat tanong sa ibaba pagkatapos
ay isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutag papel.
 Para sa bilang 1-5
1. Tukuyin kung anong pahayag na nagbibigay patunay ang mga pangungusap
sa bawat bilang.
Sadyang madaming kababayan natin ang naghihirap ang buhay. Pinatutunayan
ito ng mga palabas ng “Reporters Notebook” nina Kara David, Jay Taruc at Jiggy
Manicad ng GMA.
A. nagpapakita C. nagpapahiwatig
B. nagpapatunay D. may dokumentaryong ebidensiya
2. Pagkatapos ng maraming beses na pagsisiyasat at pagdinig sa Senado batay sa
mga ulat at video na isinumite ng mga awtoridad ay wala pa ring napaparusahan
tungkol sa pagkamatay ng SAF 44.
A. nagpapahiwatig C. may dokumentaryong ebidensiya
B. nagpapakita D. pinatutunayan ng mga detalye
3. Sa katunayan nga, malaking tulong ang social media sa mga taong nasa
malalayong lugar dahil ito ang nagsisilbing daan at tulay para maipaabot sa
kanilang mga mahal sa buhay ang kanilang nais.
A. nagpapatunay C. nagpapahiwatig
B. nagpapakita D. taglay ang matibay na konklusyon
4. Maganda ang programang “feeding program” ng DepEd dahil sa totoo lang,
tunay na maraming mga mag-aaral ang natutulungan nito at nababawasan ang
mga batang malnourished ayon sa mga magulang ng mga bata at tagapagpatupad
nito.
A. nagpapakita C. may dokumentaryong ibidensiya
B. nagpapahiwatig D. taglay ang matibay na konklusyon
5. Ang napanood nating video sa pakikipag-usap ni Pangulong Duterte sa pinuno
ng Russia ay nagpapahiwatig ng isang payapang kasunduan ng dalawang bansa.
A. nagpapahiwatig C. may dokumentaryong ibidensiya
B. kapani-paniwala D. taglay ang matibay na konklusyon
Para sa bilang 6-10
6. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasukbit?
A. nakabulsa C.nakatago
B. nakasuksok D. nakalagay
7. “Ako na ikinulong niyo sa hawla ay naririto ngayon”, sabi ni Pilandok. Ano ang
ibig sabihin salitang nakasalungguhit sa pangungusap?
A. kulungan ng hayop C. templo
B. kulungan ng tao D. yungib
8. “Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga
ninuno sa ilalim ng dagat nang ako’y sumapit doon.” ang wika ni Pilandok. Ano
ang kasalungat ng salitang sumapit?
A. dumating C. umalis
B. pumunta D. nagtago
9. Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat
dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Ano ang kasalungat ng salitang
nakasalungguhit sa pangungusap?
A. napagpasyahan C. pinarusahan
B. napag-usapan D. hindi napagkasunduan
10. Anong kultura o kaugalian ng mga Muslim ang masasalamin sa kuwentong
bayang “Naging Sultan si Pilandok”?
A. Ang pagkakaroon ng kapangyarihan
B. Ang paraan ng kanilang pamumuhay
C. Ang pagkakaroon ng sultan bilang pinuno ng kanilang lugar
D. Ang estado ng kanilang buhay na tanging mga mayayaman lamang ang
pinapayagang manamit ng kulay ginto at tumira sa malalaking bahay.
11. Ano ang kulturang masasalamin mula sa kuwentong-bayan na
pinamagatang “Nakalbo ang Datu”?
A. Ang pgbubunot ng puting buhok sa mga Muslim ay nakakabata
B. Ang pagbubunot ng itim na buhok sa mga Muslim ay suwerte sa
pagsasama ng mag-asawa
C. Tungkol sa pag-aasawa ng mga Muslim na lalaki na maaaring mag-
asawa nang dalawa o higit pa basta kayang sustentuhan ang
pangangailangan ng mga ito.
D. Tungkol sa pag-aasawa ng mga Muslim na babae na maaaring mag-
asawa nang dalawa o higit pa basta kayang sustentuhan ang
pangangailangan ng mga ito.
12. Ano ang mensaheng nais iparating ng “Nakalbo ang Datu”?
A. Ang pag-ibig ay walang pinipiling edad
B. Makuntento sa kung ano at sino ka sa buhay
C. May tamang panahon para sa tunay at wagas na pag-ibig, huwag
itong madaliin.
D. Gagawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig at isusuko ang lahat
masunod lamang ito.
13. Ano ang pagkakatulad ng kuwentong-bayan na “Naging Sultan si Pilandok
at “Nakalbo ang Datu?
A. Ito ay parehong kuwentong-bayan ng mga taga-Mindanao.
B. Ito ay tumatalakay sa kaugalian at tradisyon ng mga Pilipinong Muslim.
C. Ito ay parehong may layuning maglibang at magbigay ng aral sa
mga mambabasa.
D. Lahat ng nabanggit
 14. Ano ang mensaheng mapupulot mula sa “Naging Sultan si Pilandok”?
A. Maging tuso sa lahat ng pagkakataon
B. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi
C. Matutong dumiskarte sa oras ng kagipitan at pangangailangan
D. Huwag maging gahaman sa kayamanan at matutong makunteto
kung ano ang meron ka
15. Ano ang masasalamin mula sa tagpuang binanggit at inilarawan sa
kuwentong-bayan na “Naging Sultan si Pilandok”?
A. Masasalamin dito ang lawak ng kabundukan at kapatagan ng mga
Pilipinong Muslim
B. Masasalamin dito ang mga Maranao na nakatira sa paligid ng
lawa ng Lanao at napaliligiran ng anyong tubig
C. Masasalamin dito na pangigisda ang pangunahing pinagku kunan
ng hanapbuhay ng mga Pilipinong Muslim
D. Masasalamin dito ang kayamanang taglay at kasaganahan sa buhay
ng mga taong naninirahan sa Mindanao.
Sanggunian
 
Aklat
 
Padolina, Ma. Teresa C. et. al, (2015) Lunday Wika at Panitikan 7. South Triangle,
Quezon City: Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.
 
Habijan, Erico M. Ph.D. et. al, (2013) Panitik sa Filipino sa Panahon ng
Pagbabago 7. Cubao, Quezon City, Manila: Adriana Publishing Co., Inc.
 
Guimarie, Aida M. (2013) Kalinangan 7. Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other
Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 80-81.
Batikan 7-Unang Markahan
 
 
Internet
 
https://www.google.com.ph/search?
biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&ei=715MW9rVNZWHoASl84OIDQ&q=sultan
+at+pilandok&oq=sultan+at+pilandok&gs_l=img.3..
https://www.facebook.com/f1l1p1n0y/posts/mga-pahayag-sa-pagbibigay-
ng/759036844138867/
 
www.rexinteractive.com
 

 
 
Subukin Gawain Tayahin
Suriin-
D Gawain 1- Sagot ng mga mag- D
A aaral C
Gawain 2- Sagot ng mga mag-
D A
aaral
B Tuklasin D
D KASINGKAHULUGAN B
A Kinatutuwaan B
C Nagulat A
D Itatago C
A Pagpigil D
B Sumang-ayon
D
C KASALUNGAT
Kinaiinisan C
D C
A Nanahimik
Ibubunyag D
B
B Pagpayag D
tumutol B
Gawain 4 at 5 - Sagot ng mga
mag-aaral
Isagawa
Gawain 6 at 7-sagot ng mga
mag-aaral
Linangin- Sagot ng mga mag-
aaral
Iangkop - sagot ng mag-aaral
Isaisip- Sagot ng mga mag-
aaral
Susi sa Pagwawasto

You might also like