2Q 1st Summative Test

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III- Central Luzon
City Division of San Jose del Monte
SAN JOSE DEL MONTE HEIGHTS HIGH SCHOOL
(Pangalawang Markahan)
First Summative Test in EsP 7
I. Multiple Choice: Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel. Ang anumang uri ng bura ay hindi pinahihintulutan.

1. Alin sa mga sumusunod ang may pinakaangkop na paglalarawan sa salitang tungkulin?


a. Mga gawain na nararapat tuparin o tupdin ng isang indibidwal sa bawat yugto ng kanyang buhay.
b. Mga pangaral na bukam-bibig ng mga magulang sa kanilang mga anak.
c. Mga alituntunin na dapat sundin ng isang mag-aaral.
d. Mga sinumpaang pangako ng isang indibidwal.
2. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng isang nagdadalaga at nagbibinata, maliban sa:
a. Tungkulin sa sarili c.Tungkulin bilang tagapagtanggol ng
lipunan
b. Tungkulin bilang konsyumer ng ‘media’ d.Tungkulin bilang kapatid
3. Angking talento ni Jasper ang pagsulat ng Lathalain. Sa katunayan, marami na siyang naiuwing
medalya sa larangang ito. Ganunpaman, sa kabila ng kanyang galing, patuloy pa rin ang kanyang
pagbabasa, pagsasaliksik upang mas lalong mahasa ang kanyang talento. Sa pamamagitan ng
ganitong gawain, ipinapakita ni Jasper na tinutupad niya ang kanyang tungkulin sa
_________________.
a. Konsyumer ng ‘media’ c. Pamayanan
b. Sarili d. Kalikasan
4. Napagkasunduan ng magkakaibigang Noemi, Miyuki at Jhaila na sisimulan na nilang magtapon ng
basura sa tamang basurahan, paghihiwalayin rin nila ang mga nabubulok at hindi nabubulok na basura
at higit sa lahat, hihikayatin nila ang iba pa nilang kamag-aral na gayahin ang kanilang ginagawa
upang sa gayun ay magkaroon nang maayos at malinis na kapaligiran. Ang magkakaibigan ay
tumutupad sa kanilang tungkulin sa ______________.
a. Kalikasan c. Mananampalataya
b. Mamamayan d. Sarili
5. Tuwing sasapit ang Sabado at Linggo, bago manood ng palabas sa telebisyon si Oliver, tinutulungan
muna niya ang kanyang ina sa mga gawaing-bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan at paglilinis ng
bahay. Anong tungkulin ang tinutupad ni Oliver?
a. Tungkulin bilang mananampalataya c. Tungkulin bilang kapatid
b. Tungkulin bilang anak d. Tungkulin sa pamayanan
6. Ang _________ ay nilikha ng Diyos na kanyang kawangis at ang mga ito ay tinawag NIYANG “obra
maestra”.
a. Tao b. hayop c. halaman d. teknolohiya
7. Ang tao ay may tungkuling ____________., ___________________ at ________________ ang isip
at kilos-loob.
a. Sanayin, paunlarin at gawing ganap c. kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing
ganap
b. Kilalanin, sanayin at gawing ganap d. wala sa nabanggit
8. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran, samantalang ang kilos-loob ay:
a. Kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos
b. Kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. Kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
d. Wala sa nabanggit
9. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.
10. Ayon kay Santo Thomas de Aquino, ang kilos-loob ay naaakit sa:
a. Katotohanan b. kabutihan c. karangyaan d. katalinuhan

II. Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang tamang
sagot sa kahon.

Konsiyensiya Pangkalahatan Walang hanggan Kamay at katawan


Isip Likas na Batas-moral Tama puso
Kilos-Loob Mali Obhektibo

__________________1. Ito ay isang katangian ng Batas Moral na tumutukoy sa katotohanan--katotohanan


na hindi likha o imbensyon ng tao. Ito ay ang katotohananng nagmula sa Diyos.
__________________2. Ito ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ang prinispyo nito ay: Likas sa tao ang
gumawa ng mabuti at umiwas sa masama.
__________________3. Nagmula sa salitang Latin na “cum” at “Scientia” na ang ibig sabihin ay mayroong
kaalaman o with knowledge sa salitang Ingles.
__________________4. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
__________________5. Ito ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita. Ito
ang ginagamit sa pagsasakatuparan ng kilos.
__________________6. Ito ang uri ng konsiyensiya na kung saan hinuhusgahan nito ang tama bilang tama
at bilang mali ang mali.
__________________7. Katangian ng batas moral na kung saan saklaw nito ang lahat ng tao sa lahat ng
lugar at sa lahat ng pagkakataon.
__________________8. Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama at siyang may kakayahang
isakatuparan ang nasa isip.
__________________9. Ito ay uri ng konsiyensiya na kung saan ang paghusga ay nagiging mali kung
ginagawa nitong tama ang mali at ang mali ay ginagawang tama.
__________________10. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao. Dito
hinuhubog ang personalidad ng isnag tao at ang lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago.

III. Enumerasyon: (Kahit hindi magkakasunud-sunod)


1-3. Anu-ano ang tatlong nilikha na may buhay ng Diyos?
4-5. Dalawang katangian ng Likas na Batas moral
6-10 Tungkulin ng isang nagdadalaga at nagbibinata
Good luck & God bless! 😊
-RJCG

You might also like