Proyekto Sa Araling Panlipunan
Proyekto Sa Araling Panlipunan
Proyekto Sa Araling Panlipunan
Araling
Panlipunan
Problema:
Overpopulation
Problema talaga ang overpopulation,
dahil nagiging bunga ng
overpopulation sa Pinas ay ang
kahirapan. Dahil dito marami ang
hindi nabibigyan ng pagkakataong
makatrabaho. At dahil kung hindi sila mabigyan ng pagkakataon na
makahanap ng trabaho ay mawawalan sila ng kanilang pang araw araw
na pangangailangan, katulad ng kanilang mga pagkain, kaya’t problema
talaga ang overpopulation.
Korapsyon
Ang korapsyon ay isang problema rin sa
kahirapan dahil ito'y tumutukoy sa
pagnanakaw sa pondo o kaban ng bayan. Kaya’t ang nagiging bunga
neto ay lubos na paghihirap ng mga mamamayan dahil napupunta sa
bulsa ng mga namumuno ang kaban at pondo ng pamahalaan na dapat
para sa mga mamamayan at para sa pag-unlad ng bayan at nagiging
mababa ang kalidad ng edukasyon dahil sa korapsyon ang mga
pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at iba't
ibang pasilidad.
Recommendation:
Isa sa mga naisip kong rekomendasyon ay ang gumawa ang
pamahalaan ng batas na itatanggal sa puwesto at ipakulong ang
sino mang korupt sa iba’t ibang sector ng pamahalaan, dahil kung
walang korap walang mahirap.
Sa usapang Overpopulation, ang aking rekomendasyon sa
pamahalaan ay ang pagpapatupad ng Three-Child Policy o Two-
Child Policy upang mabawas-bawasan at makontrol ang
populasyon dito sa Pinas.
At sa huli, bigyan ng kwalidad na edukasyon ang bawat mamamayang
Pilipino, mahirap man o mayaman. Dapat lahat ng mamamayang Pilipino ay
mayroong edukasyon upang makakahanap sila ng magandang trabaho at
magkakaroon ng magandang buhay sa hinaharap.