Pagtalakay Sa Filipino 10

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Alegorya ng 

Yungib
ni Plato(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

MABISANG PANIMULA
1. Pasaklaw na Pahayag - May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungosa liwanag na umaabot sa
kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata" at ang kanilangmga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila
makagalaw" hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo.

Pagbubuod :Ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe.

Pagtatanong - At matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilangginagawa at mamuhay
katulad ng kanilang gawi' so" ang sabi niya.

Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at mabuhay sa
kahabag-habag na kalagayan.
Tuwirang Sinabi - Isang pilosopong griyego na nagngangalang ,omerang nagpahayag na
Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.

Panlahat na Pahayag - Kapag nilapitan niya ang liwanag" ang kaniyang mga mata aymaaaring masilaw at
hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sakasalukuyan - ang katotohanan.

2. Paglalarawan – Pagmasdan May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na
umaabot sa kabuuan nito.

Sila’y naroroon mula pagkabata" at angkanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila
makagalaw" hadlang itosa pagkilos pati ng kanilang mga ulo .

Sa di kalayuan" sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab" sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may
daang papataas. kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito" maihahalintulad ito sa isang
tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.

4. Pagsalungat - ngayon" balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kungsakaling ang mga bilanggo ay
maging malaya at di maaabuso sa kanilang pagkakamali.Sa una aykung ang isa sa kanila ay mapalalaya
at biglang tumayo ay lumingon" lumakad attumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito
mismo angmagpapalungkot sa kaniya.

Gayun din hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino
lamang.

PAGSUSURING PANGNILALAMAN
1. Tema o Paksa - Edukasyon at katotohanan

Mga Tauhan - kung babasahin ang Alegorya ng Yungib ay ang mga tauhan sa sanaysay ni Plato ay tayong
mga tao o yung taong nasa kweba noon inihambing niya lang yung mga tao noon sa sanaysay niya na
mistulang alipin at takot Makipagsapalaran sa labas ngyungib.

2.Tagpuan - Ang tagpuan ng Alegorya ng Yungib ay sa kuweba sapagkat naroroon angmga bilanggo.

3.Balangkas ng mga Pangyayari - Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawani Plato upang
masaksihan nating mga tao ang hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.Ang punto
ng may akda ay nagpapahiwatig siya upangmaipakita niya ang isang anyo na dapat nating mabatid o hindi
mabatid tungol sa atingkalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan sa yungib na
maylagusan patungo sa liwanag na sila!y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang puntoniya ay
nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo Dahil inaabuso nating mga
tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisipna sa araw araw ay nakakaranas tayo
ng mga suliranin at problema sa buhay
.
kulturang Masasalamin - Ito ay hango sa mga tao sa panahon ni Plato" mga taongwalang alam at mga
taong hindi kumikilos upang hanapin ang katotohanan at karunungan. Sa kabilang banda" ito rin ay tungkol
sa mga iilang tao noon na ginagamit angkatalinuhan at kalakasang intelektwal upang manipulahin ang
karamihan ng kanilangnasasakupan.

Pagsusuring Kaisipan
1. Mga kaisipan - Ang paksa ng Alegorya ng Yungib ay ang epikto ng Edukasyon at kakulangan nito sa lipunan.
Inilalahad din dito ang kamangmangan ng tao at ang kawalannitong makita ang katotohanan at
karunungan.Ang mga paraan ng pagmamanipula ngmga pinuno na kulang sa pilosopikong kaisipan ay
inilalarawan din sa sanaysay na ito.Isinalintulad dito ang lipunan na parang tabing na pinagtatanghalan ng
mga tau-tauhan omga papet kung saan ang mga mangmang na mamamayan ay prang taong nakakadena
at hindi makakakilos.

Estilo ng Pagkasulat - Ang ginamit na istilo ng pagkasulat ay malikhain $ahil gumamit

Alegorya Ng Yungib  (buod)

Ayon kay Plato, ang ating buhay ay tila nasa loob ng isang kuweba na nakatanikala at nakaharap sa dingding ng
yungib. Tanging ang mga anino lamang sa labas ng kuweba ang ating nakikita dahil sa apoy na nagpapaliwanag sa
ating likuran. Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at tinaguriang “Alegorya ng Yungib.”  
Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga tao ang hirap o
suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.

Ano ang punto ni Plato?


Ang punto ng may akda sa alegorya ng yungib ay nagpapahiwatig ng pagpapakita ng isang anyo na dapat nating
mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan sa yungib
na may lagusan patungo sa liwanag na sila’y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay nagnanais
na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo at
ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at
problema sa buhay.

Ayon kay Plato


Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin
mula  kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y
matuklasan.Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante.

Ayon kay Aristotle


Ang katotohanan ay nagmumula sa mga bagay na nakikita ng ating mga mata, naririnig ng ating tenga,
nararamdaman, naaamoy at nalalasahan. Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas
sa turo ng guro niyang si Plato. Para kay Aristotle, ang isip ng tao ay maihahalintulad sa isang blankong tableta.
Tinawag niya itong ‘Tabula Rasa’  . Dito isinusulat ang bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses. Ang
kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.
Sa paglipas ng panahon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Bagama’t mali si
Plato, may binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo; ang pagtingin lampas sa realidad na ating
nakikita.  

Sa aninong tinuran ni Plato, hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang mas
makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’ na
iminungkahi ng dakilang si Democritus? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa
quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa
ating agham.

Ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at ito’y buod ng relatibiti ng ebolusyon ng
pakikisalamuha sa iba pang materyal. Ang konsepto ni Plato ay mga lohika na may kaugnayan sa pagtuklas sa mas
malawak at makapagpapalayang realidad.

Alegorya Ng Yungib  (buod)


Ayon kay Plato, ang ating buhay ay tila nasa loob ng isang kuweba na nakatanikala at nakaharap sa dingding ng
yungib. Tanging ang mga anino lamang sa labas ng kuweba ang ating nakikita dahil sa apoy na nagpapaliwanag sa
ating likuran. Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at tinaguriang “Alegorya ng Yungib.”  
Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga tao ang hirap o
suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.

Ano ang punto ni Plato?


Ang punto ng may akda sa alegorya ng yungib ay nagpapahiwatig ng pagpapakita ng isang anyo na dapat nating
mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan sa yungib
na may lagusan patungo sa liwanag na sila’y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay nagnanais
na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo at
ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at
problema sa buhay.
Ayon kay Plato
Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin
mula  kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y
matuklasan.Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante.
Ayon kay Aristotle
Ang katotohanan ay nagmumula sa mga bagay na nakikita ng ating mga mata, naririnig ng ating tenga,
nararamdaman, naaamoy at nalalasahan. Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas
sa turo ng guro niyang si Plato. Para kay Aristotle, ang isip ng tao ay maihahalintulad sa isang blankong tableta.
Tinawag niya itong ‘Tabula Rasa’  . Dito isinusulat ang bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses. Ang
kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.
Sa paglipas ng panahon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Bagama’t mali si
Plato, may binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo; ang pagtingin lampas sa realidad na ating
nakikita.  
Sa aninong tinuran ni Plato, hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang mas
makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’ na
iminungkahi ng dakilang si Democritus? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa
quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa
ating agham.
Ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at ito’y buod ng relatibiti ng ebolusyon ng
pakikisalamuha sa iba pang materyal. Ang konsepto ni Plato ay mga lohika na may kaugnayan sa pagtuklas sa mas
malawak at makapagpapalayang realidad.
Upang higit na makilala si Plato,. naman mababasa ang pagkakakilanlan ni Aristotle.
ANG ALEGORYA NG YUNGIB

Uri ng panitikan:Sanaysay
Lugar:Greece
Isinalin sa filipino:Willita A. EnrijoMula sa “Alegory of the Cave” niPlato

SANAYSAY
Nasa anyong tuluyan
“sanay” at “salaysay”, sanay o eksperto sa isang paksa.
Alejandro G. Abadilla- ang sanaysay ay salaysay ng isang sanay/ nakasulat na karansan ngisangsanaysa
pagsasalaysay.
Ang paksa ay tungkol sa mga kaisipan at bagay bagay na maaring kapulutan ng impormasyon namakakatulong
upang makabuo ng sariling pananaw

BAHAGI NG SANAYSAY
PANIMULA- nakasaad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may akda
GITNA/KATAWAN - iba pang karagdagan
WAKAS- kabuuan ng sanaysay

ELEMENTO NG SANAYSAY
TEMA – isang akda tungkol sa isang paksa
ANYO AT ESTRAKTURA – nakakaapekto sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos napagkakasunod
sunod ng ideya at pangyayari.
KAISIPAN – mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema

ANO ANG KAHULUGAN NG ALEGORYA NG YUNGIB


“Walang Alam “. Ito ang mangyayari sa isang tao kung mananatili lamang siyang walang edukasyon at hindi
nakikipag interaksyon sa kapaligiran.Kung kaya’t  bilang isang  tao kailangan nating matutong tumanggap ng
pagbabago upang maiwasn ang pagiging walang alam . Dapat ding  buksan ang ating mga mata sa tunay na
realidad ng buhay at wag tayong mananatiling walang alam.

MGA MATALINGHAGANG SALITA NA MATATAGPUAN SA ALEGORYA NG YUNGIB


• Yungib
• Ang kanilang binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t di sila makagalaw
• Anino
• Liwanag
• kapag lumabas na ang tao sa yungib o mundo ng walang alam makakaramdam siya ng matinding sakit
• Bilanggo
• Matarik at bako bakong daan
• Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita
ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag  ng araw na hatid ng umaga.-
• Makikita niya ang kanyang repleksyon sa tubig
• Bilangguan
MGA SIMBULO SA SANAYSAY AT ANG KAHULUGAN NITO

1. Yungib –Ang kahulugan nito ay mundo  na madilim ng isang tao. Ibig sabihin ang  tao ay likas na walang alam
magmula ng siya ay  pinanganak at matututo lamang siya kapag siya ay naturuan at kanyang maobserbahan ang
mga bagay bagay sa mundo na nakapaligid sa kanya.

2. Ang kanilang binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t di sila makagalaw- Ang ibig sabihin nito ay dapat maging
bukas tayo sa panibagong kaalaman at wag lamang mananatili sa kung anong kultura lamang an gating nakagisnan.
Kapag tayo ay hindi bukas na tumanggap ng mga bagong kaalaman na nanggagaling sa ibang kultura mananatili
tayong nakakadena kung ano lamang an gating nalalaman.

3. Anino-   Ang anino ay ang kamalayan ng isang tao at sumasalamin ito ng  kanyang pagka tao.  Mula pagkabata ay
may sarili ng kaisipan ang tao at dapat niya itong gamitin upang umunlad sapagkat kung siya ay walang alam
tanging ang sarili lamang niya ang  kanyang makikita.

4. Liwanag- Ito ay ang mga kaalaman na maaring matutunan ng tao kapag siya ay handing tanggapin ang mga
pagbabago at harapin ang realidad sa buhay.
 
5. kapag lumabas na ang tao sa yungib o mundo ng walang alam makakaramdam siya ng matinding sakit . Ibig
sabihin pag handa na niyang yakapin ang mundo ng kaalaman hindi niya maiiwasan na makakatagpo  ng mga
mapaghusgang mga tao at mapaglinlang na mundo dahil sa kakulangan niyang umunawa sa mga nangyayari.
Ngunit masakit din para sa kanya ang iwan ang mga dati nya nang nakagawian.

6. Bilanggo-  Ang tao ay magiging bilanggo lamang kung siya ay hindi kumopkop sa mga makabagong karunungan
at ayaw tanggapin ang mga katutuhanang mas maliwanag pa kesa sa kanyang nakikita sa kasalukuyan.

7. Matarik at bako bakong daan-  Kapa gang tao ay yayakap na sa kaalaman, hindi ito madali para sa kanya na
abutin ito. Ibig sabihin marami pa siyang mga pagsubok na kakaharapin bago niya makamtan ang kaalaman.

8. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita
ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag  ng araw na hatid ng umaga.- At kapag
nakamtan na ng tao ang liwanag mas masarap na lasapin ang katalinuhan.

9. Makikita niya ang kanyang repleksyon sa tubig-  Magkakaroon na ng realisasyon ang isang tao kung ano talaga
siya noon at sa kasalukuyan kung lubos na niyang niyakap ang pagbabago at kaalaman. Mapapagnilay nilayan nya
na sa kanyang sarili kung ano ang kanyang layunin sa lipunan na makakatulong upang  magkaroon siya ng sariling
pananaw at malalim na pag unawa sa kultura at kaugalian ng tao sa lipunan
10. Bilangguan- Ito ay ang mundo ng paningin.    Matatagpuan lamang ang mga bagay na maganda at tama kapag
kumilos ang tao sa tama. Kahit siya ay magaling ngunit nananatili siya sa maling gawain, mananatili padin siyang
bulag  .

Ang mensahe ng parabulang pinamagatang "Ang Tusong Katiwala" ay tungkol sa pagpapahalaga sa tiwalang
ipinagkaloob sa iyo. Ang tiwalang ipinagkaloob sa'yo ng ibang tao lalo na ng iyong amo ay dapat alagaan kahit sa
pinakamaliit na bagay o utos man. Mas higit kang pagkakatiwalaan sa malalaking mga bagay kung naipakita mong
mahusay ka kahit sa maliliit na bagay lamang.
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyangnagmamaktol ang kaniyang anak na
lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at
pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhaydahil sa
hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama anganak at tinawag niya papunta sa kusina.
 Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.Walang narinig na ano mang salitaan sa
mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila angnakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa
unang palayok , inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang
inilahok. “Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?” tanong ng
ama. “Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.
Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. “Damhin
mo ang mga ito,” hikayat ng ama. “Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama. Napansin ng anak na ang carrot ay
lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya
na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga. “Higupin mo ang kape,” utos ng ama. “Bakit po?” nagugulumihanang
tanong ng anak.
 Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape. Pare-pareho
itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon. Ang carrot na sa una ay matigas, malakas,
at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan.
Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos
mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito
ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. “Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.
 “Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag
ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.
. “Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O kaya
naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init
ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit
kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban
upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa
kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong
tubig,” paliwanag ng ama.
 “Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo
ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.
 “Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang
idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin
bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?
 “Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama. Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon –
“ako ay magiging butil ng kape...” katulad mo mahal na ama.

NILALAMAN NG ANG TUSONG KATIWALA


:Ang tusong katiwala ay isang parabula tungkol sa isang katiwala na gustong paalisin ng kanyang amo.
ay mayroon man lamang tatanggap sa kaniya. Ang wakas ay natuwa ang amo sa ulat na ibinigay ng katiwala at hindi
na siya sinesante.

KAKANYAHAN NG ANG TUSONG KATIWALA:


Nilustay niya at kinuha ang ari-arian ng kanyang amo. Dinamay niya din ang iba pang taong may pagkakautang sa
kanyang amo, siya ay masamang impluwensiya.
Ang kakayahan ng tusong katiwala ay ang kanyang pagiging tuso sa kapwa.
Nilalaman ng ang tusong katiwala:Ang tusong katiwala ay isang parabula tungkol sa isang katiwala na gustong
paalisin ng kanyang amo.
Elemento ng ang tusong katiwala:Ang mga elemento na matatagpuan sa parabulang "Ang tusong katiwala" ay
tauhan at banghay ng kwento.
Ang tauhan ng parabulang ito ay ang katiwala at ang kanyang amo.
Samantalang ang banghay ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Ang simula ng parabula ay noong ipinatawag ng amo ang kanyang katiwala at magreklamo sa di-umano magandang
pamamalakad nito sa negosyo kung kaya't sesesantehin daw niya ito ngunit kailangan magbigay ng katiwala ng ulat
tungkol sa mga nakaraang transaksiyon nito.
Ang gitna ay noong nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kanyang amo at pinapirma ng kasulatan kung
nakasaad ang kanilang utang na mas maliit kaysa sa aktwal na utang nila upang kung sakali mang masesante siya
ay mayroon man lamang tatanggap sa kaniya.
Ang wakas ay natuwa ang amo sa ulat na ibinigay ng katiwala at hindi na siya sinesante.

kakanyahan ng ang tusong katiwala:


Nilustay niya at kinuha ang ari-arian ng kanyang amo. Dinamay niya din ang iba pang taong may pagkakautang sa
kanyang amo, siya ay masamang impluwensiya.
Ang kakayahan ng tusong katiwala ay ang kanyang pagiging tuso sa kapwa.
-Tungkol sa isang mandarayang katiwala.
-Tinturuan tayo nitong kahit sa maliit na bagay ay dapat tayong pagkatiwalaan at matutong maglingkod sa Diyos na
walang pagpapanggap, sapagkat alam ng Diyos ang nilalaman ng ating puso.
Nilustay niya at kinuha ang ari-arian ng kanyang amo. Dinamay niya din ang iba pang taong may pagkakautang sa
kanyang amo, siya ay masamang impluwensiya.

You might also like