Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Mindanao State University

General Santos City


COLLEGE OF EDUCATION

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN IV


GRADE 4- QUARTER 1
School: Mindanao State University - General Santos City
Teacher: Shaira C. Talisic
Time Duration: 50 minuto
Strategies used: Multimedia Approach - Powerpoint Presentation
The Missing (A)Piece
SYE: Share Your Experience
Sing and Dance: Eroplanong Papel
Name That Riddle
Inside – Outside (rap battle o awitin)
Malikhaing Gawain: GRASPS MODEL
inquiry Discussion - Viewpoint
Individual Seatwork
Show and Tell
KNEWspaper Mosaic
Integration: Values, Literacy, Literature/English, MAPEH
l. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang pangunawa sa pagkakakilanlan ng bansa
Pangnilalaman ayon sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa.
B. Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy
ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng bansa.
C. Mga Kasanayan sa Makabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga ng
Pagkatuto magagandang tanawin at pook-pasyalan sa bansa. AP4AABIg-h-
10
D. Mga Layunin  Maiisa-isa ang magagandang tanawin at pook-pasyalan
sa bansa.
 Mailalarawan ang mga katangian ng magagandang
tanawin at pook-pasyalan sa bansa.
 Matutukoy ang kahalagahan ng magagandang tanawin at
pook-pasyalan sa bansa bilang bahagi ng likas na yaman
nito.
ll. Paksang Aralin Magagandang Tanawin at Pook-Pasyalan bilang Yamang Likas
Abaka ng Bansa karbon
bakal
lll. Mga sanggunian Kto12 Curriculum
goma Guidekapok korales
Kto12Learner’s Material IV
sinarapan perlas sulphur
Teachers Guide Grade IV
Googlechromite tanso enerhiyang
Youtube geothermal
Kagamitan Panturo:  Powerpoint Presentation
 LCD and laptop
 Video clips
 Cut outs and Manipulatives
 Tarpapel
 Mga larawan
 Rubrics

IV. Pamamaraan

A. Balik aral sa nakaraang Multimedia Approach- Powerpoint Presentation


aralin o pansimulang aralin
Sagutan Mo:
Basahin ang sumusunod na mga likas na yaman ng bansa. Isulat
ang mga ito sa tamang kolum sa talahanayan. Gawin ito sa
notbuk.

Yamang Lupa Yamang Mineral Yamang Tubig

B. Paghahabi sa layunin ng Paglalapag ng mga pamantayan at batas sa klase:


aralin
1. Alisin ang mga kalat sa mesa.
2. Umupos ng maayos.
3. Maging masunurin at magalang.
4. Makinig ng mabuti sa guro.
5. Makilahok sa lahat ng Gawain at aktibidad na iniatas ng
guro.
THE MISSING (A)P-IECE?:
Maglagay ng puzzle pieces sa bawat upuan ng
mag-aaral. Ang mga puzzles pieces na ito ay makakabuo ng
isang larawan ng mga lugar. Apat na lugar ang maaaring mabuo
mula sa mga ito.
Bigyan ng labing-limang minuto ang mga mag-
aaral na hanapin at buuin ang mga puzzle pieces.
Bigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na
mag-bahagi ng mga obserbasyon o mga napapansin mula sa
nabuong larawan.

Gabay na tanong:
1. Ano ang iyong napapansin sa larawan?
2. Alam mo ba kung ano ito?
C. Pag-uugnay ng mga SYE: Share Your Experience
halimbawa sa bagong aralin
1. Sino ba sa inyo dito ang mahilig mag-bakasyon?
2. Gaano kalayo na ba ang inyong narating?
3. Ano ang mapapansin mo habang kayo ay naglalakbay?
*Hikayatin ang partisasyon ng mga mag-aaral na magbahagi
sa klase.*

Sing and Dance


Eroplanong Papel
Awitin ni; Shaira Talisic

1, 2, Hi. Hello! (4x)


Saan tayo patungo?
Kahit saan; doon, dito
Samahan niyo kami, ako!
Sakay nitong eroplano

Kaliwa kanan, taas baba


Umikot ng bahagya
Eto na, malapit na
Luzon!
Visayas!
Mindanao!

Nakarating ka na!

Class Activity: Gawaing Pangkalahatan


1. Atasan na gumawa ng mga eroplanong papel ang mga
mag-aaral sa loob ng klase. Bibigyang ng guro ng
pasaporte ang bawat mag-aaral; bilang tanda ng
partyisipasyon sa aktibidad.

2. Ihanda ang larawan iba’t ibang tanawin at pook pasyalan


na makikita sa bansa.
3. Tandaan: Huwag muna ipakita ang nilalaman ng larawan.
Maaraing ilagay ito sa loob ng envelope at ipadikit ito sa
sahig ng silid-aralan.

4. Habang inaawit ang kanta, hikayatin na apakan (nakapaa)


ang bawat envelope nakadikit sa sahig. Kapag natapos na
ang kanta ay iwawagayway ng mga mag-aaral ang
eroplano.
D. Pagtatalakay ng bagong Matapos awitin ang kantang Eroplanong Papel,
konsepto at paglalahad ng buksan ang nilalaman ng envelope. Ipadikit ang mga nakuhang
bagong kasanayan #1 larawan sa pisara. Hikayatin na ibahagi ng mga mag-aaral ang
lugar na narating at ilarawan ang mga katangian nito.
Magbibigay linaw at magbibigay ng karagdagang gawain ang
guro sa klase.
E. Pagtatalakay ng bagong Name that Riddle
konsepto at paglalahahd ng
 Hahatiin ng guro ang klase sa apat at bubuo sila ng
bagong kasanayan #2
pabilog mula sa kanilang upuan.
 Sa bahaging ito ay tatalakayin ang konsepto sa
pamamagitan ng pagsagot ng mga bugtong o riddles.
 Ang bawat tamang sagot ay katumbas ng dalawang
puntos. Ang may pinakamababang puntos na makukuha
ay aawitin ang kantang Eroplanong Papel habang
tumatalon.
 Habang nasasagot ng mag-aaral ang mga bugtong ay
papalawakin ng guro ang impormasyon tungkol sa mga
magagandang tanawin at pook pasyalan bilang yamang
likas ng bansa.

Ang mga bugtong o riddles na gagamitin:


1. Hagdan sa Hilaga. Mataas patungong langit. Magtanim
ay di biro kung inaawit.
Sagot: Banaue Rice
Terraces sa Ifugao

Source:https://traveler.byunique.com

2. Ako ay perpekto. Hango mula sa kwento ang pangalan


ko. Nagsimula sa letrang M. Ano ako?
Sagot: Bulkang Mayon/ Mt. Mayon sa Albay
Source: achividaryan.wordpress.com

3. Ang elisi ko ay malapad.


Kaharap ko ang dagat. Sa lakas
ng hangin, ang tahanan niyo’y kaya kong pailawin.
Sagot: Bangui Windmills sa Ilocos Sur

Source: https://www.tripadvisor.com.ph

4. Pino at maputi ang aking katangian. Dagsa ang tao,


maraming dayuhan. Tuwing tag-init ako’y hit na hit.
Sagot: Boracay Beach sa Aklan

Source:
https://www.lonelyplanet.com/philippines/the-visayas/boracay

5. Sa tag-ulan ay berde. Sa tag-araw ay tsokolote. Daan-


daan ang dami, maliliit, malalaki.
Sagot: Chocolate Hills sa
Bohol
Source: https://www.zenrooms.com/blog/post/chocolate-hills-bohol/

6. Ang tubig sa lupa’y babagsak. Hindi ulan, sa bundok ang


pinagmulan. Matatagpuan sa bayan ng Iligan.
Sagot: Talon ng Maria Cristina/ Maria Cristina Falls
sa Iligan

7. Matarik kung kikilalanin, patok sa hiking. Dekorasyon sa


paanan ay waling-waling. Bundok kung ito’y ituring.
Sagot: Bundok Apo/ Mt. Apo sa Lalawigan ng Davao
at Hilagang Cotabato

Source:
https://cdn.britannica.com/17/166817- 050-1BDC8905/Mount-Apo-island-
Mindanao-Philippines.jpg

8. Kay Dr. Jose Rizal ako ipinangalan. Kulungan man pero


naituring niyang tahanan. Matatagpuan sa bayan ng mga
matatapang.
Sagot: Rizal Shrine sa Zamboanga del Norte

Source: https://www.tupanggala.com/wp-
content/uploads/2018/08/Rizal- Shrine_00.jpg

Tunay na kahanga-hanga ang magagandang


tanawin at pook-pasyalan sa ating bansa. Sa pagpunta sa mga
pook na ito, tayo ay nalilibang at masayang nagpapasalamat
dahil biniyayaan tayo ng mga yamang ito. Kaya, tungkulin ng
bawat mamamayang tulad mo na pangalagaan at panatilihin ang
kagandahan ng mga tanawing ito.
Itanong ang mga sumusunod:

1. Nalibang ba kayo sa pagsagot ng mga bugtong?


2. Anu-ano ang mga magagandang tanawin at pook-
pasyalan bilang yamang likas ng bansa? Magbigay pa ng
ibang halimbawa.
3. Bilang isang mamamayan ng bansa, paano mo
mapapanitili ang ganda at hugis ng mga tanawing ito?
4. Gaano kahalaga ang mga yamang likas tulad ng mga
pook-pasyalan sa isang bansa?

F. Paglilinang sa Kabihasnan Malikhaing Gawain: GRASPS MODEL


Bilang selebrasyon ng ika-40 na Foundation
Anniversary ng UNESCO World Heritage Convention, Inatasan
ang bawat pangulo ng iba’t ibang bansa sa buong mundo na
ipakita ang mga pamamaraan na ginagamit upang lubhang
makilala, mapangalaan at mapanatili ang mga magaganda
tanawin at pook-pasyalan sa bawat bansa.
Dahil dito, hinikayat ng Pangulo ng Pilipinas ang
lahat na makilahok sa paggawa ng sariling promosyon sa
pagpapaunlad at pagpapanatili ng mga pook-pasyalan bilang
yamang likas ng bansa. Ayon sa pangulo, ang mga nagawang
promosyon ay isusumite sa official page ng Kagawaran ng
Turismo at maaaring mapili ang iyong promosyon at maipakita
sa darating na pagtitipon sa 40th Foundation Anniversary ng
UNESCO.

GOAL: Gumawa ng sariling promosyon ng mga magagandang


tanawin at pook-pasyalan bilang yamang likas ng bansa.
ROLE: Mga kalahok sa paggawa ng promosyon
AUDIENCE: Pangulo ng Pilipinas; Kagawaran ng Turismo at
mga Representante ng bawat sa pagtitipon sa 40th Foundation
Anniversary ng UNESCO. (Guro)
SITUATION: Ipakita ang mga pamamaraan na ginagamit upang
lubhang makilala, mapangalaan at mapanatili ang mga
magaganda tanawin at pook-pasyalan sa bansa.
PRODUCT/PERFORMANCE: Gumawa ng sariling
promosyon tungkol sa mga pamamaraan na ginagamit upang
lubhang makilala, mapangalaan at mapanatili ang mga
magaganda tanawin at pook-pasyalan sa bansa. Ito’y maaring
pagguhit, isang awitin, sayaw, tula, drama at iba pa.
STANDARDS & CRITERIA FOR SUCCESS:
Rubriks para sa Promosyon
KATEGORYA 10 8 5 KABUUAN
G PUNTOS

Pagkamalikhain/ Kakaiba ang Di gaanong Hindi angkop at


Orihinalidad ginawang nakitaan ng nagawang
presentasyon. Bago kaugnayan sa estratehiya sa
at pasok sa panlasa nagawang paglalahad ng
ng mga manonood. konsepto ng konseptong
presentasyon. napili,

Organisasyon ng Ang pagkakaayos Di gaanong Kailangang


mga ideya ng mga ideya ay nabigyan ng baguhin at
lohikal, malinaw at buhay o emphasis dagdagan ang
organisado. ang mag ideya. mga ideyang
Nalilimutan ang nabuo.
mga
mahahalagang
impormasyon na
dapat ipahayag.

Partisipasyon ng Gumawa at Kasama ang lahat Nabibilang lang


bawat miyembro nakipagtulungan ng kasapi sa ang mga
ang bawat kasapi grupo ngunit may nakikita sa
ng grupo. nakitaang presentasyon.
kalituhan ang ilan
sa kanilang
pagganap

G. Paglalapat ng aralin sa Inside-Outside


pang araw-araw na buhay
Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase.
Gumawa ng isang bilog sa gitna ng silid-aralan. May isang
pangkat na nasa loob at isang pangkat naman na nakapabilog sa
labas ng naunang pangkat. Tungkulin ng bawat kasapi ng
pangkat na pag-masdan ang pangkat na nasa loob. Ang tungkulin
ng pangkat na nasa loob ay ang magtalakay sa mga larawang
ipapakita ng guro. Matapos magampanan ng bawat pangkat ang
tungkulin, magpapalitan naman ito.
*Ang pagtalakay at paglalarawan ng mga ibinigay na larawan ay
idadaan sa rap o awitin.
Itsura ng klase sa aktibidad na Inside-Outside

PANGKAT A

PANGKAT B
H. Paglalahat ng aralin Inquiry Discussion - Viewpoint

1. Anu-ano ang mga magagandang tanawin at pook-


pasyalan bilang yamang likas ng bansa?
2. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pag-
papaunlad at pagpapapanitili ang ganda at hugis ng mga
tanawing ito?
3. Bakit mahalaga ang mga yamang likas tulad ng mga
pook-pasyalan sa isang bansa?

I. Pagtataya ng Aralin Gawain A. Individual Seatwork


Punan ng sagot ang kahon sa talahanayan. Isulat ito sa sagutang
papel.

Magagandang Saan Mga katangian


Tanawin/ Pook matatagpuan?
Pasyalan
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain B. Show and Tell


1. Iguhit sa bond paper ang isang magandang tanawin o
pook-pasyalan na napasyalan mo na ang at ng iyong
pamilya na makikita sa inyong rehiyon o pamayanan.
2. Isulat sa ibaba nito ang dapat mong gawin upang
mapangalagaan at mapanatili ang kagandahan ng
tanawing ito.
3. Ibahagi sa harap ng klase ang iyong nagawa at ang iyong
maramdaman nang una mong makita ang mga tanawing
ito.

J. Karagdagang Gawain para KNEWSPAPER MOSAIC


sa takdang aralin
Pumili ng isang Magandang Tanawin o Pook-Pasyalan bilang
Yamang Likas ng Bansa na matatagpuan sa inyong pamayanan o
rehiyon. Mula dito, gumawa ng 3D newspaper mosaic ng
napiling tanawin. Ilarawan ang mga natatangi nitong katangian
bilang yamang likas ng bansa. Isumite at ilagay ito sa Artwork
Section ng silid-aralan.
Kagamitan sa paggawa ng Mosaic:
Newspaper
Colored Paper
¼ Illustration board
Gunting
Pandikit
Glitter
Ruler
Lapis
Krayola
Pinta

Rubriks sa paggawa ng Newspaper Mosaic


KATEGORYA 20 15 10 KABUUAN
G PUNTOS

Naiuugnay sa Di gaanong Mayroon


tema/konsepto naiugnay sa pagkukulang sa
KAANGKUPAN ang nagawang konsepto ang ilustrasyon na
newspaper nagawang hinihingi ng
mosaic newspaper konsepto. May
mosaic. mga bahagi na
dapat baguhin.

PAGKA- Ang mga material Ang mga Ang mga


MALIKHAIN na ginamit ay material na material na
nabigyan ng ginamit ay ginamit ay hindi
empasis sa nabigyan ng maayos ang
kabuuan. Angkop empasis ngunit sa pagkakalagay at
ang hugis at ang piling bahagi hindi gaanong
sukat. lamang. Angkop nabibigyang
ang hugis at ang pansin sa
sukat. kabuuan

EKSPLANASYON Ang Ang Mayroong


pagkakasunod ng pagkakasunod ng pagkukulang sa
mga ideya ay mga ideya ay di pagsasaayos ng
maayos at ang gaanong naiayos ideya at
nilalaman ay at ang nilalaman nilalaman.
orihinal at hindi lubusang
lohikal. nailarawan ang
orihinalidad.

Prepared By:
SHAIRA C. TALISIC
Student

Checked By:
RUVELYN TAACA
Teacher

You might also like