Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7
Pananaw ng mga kalalakihan sa Konsepto ng Seenzone Laput, Jethro
Bullecer, Ma. Fatima ABSTRAK Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw
ng mga mag-aaral na kalalakihan ng Veritas Parochial School sa konsepto ng “Seenzone” bilang “motivation” o “drive”. Sa kabuuan, Ang mananaliksik ay nakapanayam ng labing tatlong mag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paraan ng pananaliksik partikular ang pagtatanung-tanong at pakikipagkwentuhan upang makuha ng mananaliksik ang tunay na nararamdaman ng mga kalahok at ito ay mas naaayon sa kamalayang Pilipino. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng henerasyon ngayon kung ano ang konsepto ng “Seenzone”, ano ang naging bunga at epekto nito sa mga kalahok at kung paano ito nakaapekto sa kanilang buhay. Ang problema sa pag-aaral na ito ay kung bakit may mga lalaki na hanggang sa pampribadong pagmemensahe na lang sila nakikipagusap sa kababaihan sa kadahilanang nga ba na natotorpe sila sa halip na tanggapin ang mga dagok sa pagmamahal at sa ganoon ay makuha nila ang kanilang kagustuhan. Iisa at positibo ang mga damdamin na naging resulta sa pagkuha ng datos sa mga kalahok lalo na sa mga karanasan at epekto nito sa mga kalahok. Ito ang napiling pag-aaral ng mananaliksik dahil nais niya mausisa ng lubusan at kung hindi man ay malaman niya kung totoo nga na mayroong “Seenzone” sa panahong kinakatayuan nating lahat na nahuhumaling sa iba’t ibang teknolohiya sa ating kapaligiran. Mga susing salita: Seenzone, Kalalakihan, Komunikasyon, Panliligaw Ang mabilis na pag-usad ng social networking o SNS ay nararanasan ng higit na ilang taon na pumupukaw na sa pangkalahatang kultura at ang pagpapadali ng buhay sa pang-araw araw ng iba’t ibang tao sa mundo. Ang SNS ay nagbibigay ng iba’t ibang pagkakataon at pamamaraan sa mga tao na kung papaano sila nakikipagusap sa pamamagitan ng paggamit ng internet, mapa cellphone man ito o PC. Ang SNS ay nagbibigay ng oportunidad na mapadali ang paggawa ng sariling propayl at makagawa at makakilala ng mga bagong kaibigan (Cruz, 2010) Ang SNS at ang komunikasyon gamit ang internet ay nagiging tanyag para sa mga kabataan (Allen, Evans, Hare, Mikami, & Szwedo, 2010) Sa pagdaloy ng mabilis na pagbabago sa ating kultura at pang lipunan na aspeto at alinsunod sa teknolohikal na rebolusyon, ang kakanyahan ng social networking ng pagiging mukha ng internet ay nanatiling katanungan pa din sa ating mga kaisipan (Cruz, 2010) Isa sa mga pangunahin at mabuting epekto ng Social Networking ang mas pagiging bukas isip ng mga kabataan sa pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa nito na kahit hindi kakilala at mapadami ang kaibigan sa social networking ay tuloy pa rin ng tuloy sa pag dagdag subalit sa pagusbong ng mundo ngayon ay minsan nagiging sanhi naman ng kagalitan ang mga ito halimbawa na lamang sa pakikipag paramihan ng kaibigan na kung saan ay hindi maiiwasang humantong sa pagkainit ng ulo o sa karahasan. Parte na rin ito ng masamang epekto sa kadahilanang na nakakaimpluwensya na rin iyong mga kaibigan mo sa social networking sa mga ikinikilos mo. Minsan pa ang kabataan ngayo'y nagiging mas mapanghusga, marahil ay dahil narin sa kanilang mga nakikita sa social networking na kalayaan sa pagpapahayag kahit minsa'y nakakasakit na o minsa'y lumalampas na tayo sa hangganan ng pagpapahayag ng ating sarili kung saan nakasasakit na tayo ng damdamin ng ibang tao (Binauhan. 2013) Ang ilang SNS ay naghahatid ng mabilisang pagpapadala ng mensahe katulad ng facebook na kilala sa larangan ng SNS dahil sa paghatid nito ng pagdiskubre at paggabay sa atin na nakapaloob sa mundong kinatatayuan natin ngayon at email katulad ng yahoo messenger na kung saan ay naghahatid ng agarang pribadong mensahe sa iyong gustong padalhan at mababasa mo din dito na agad kung binasa na ito ng pinagpasahan mo ng mensahe. Para naman sa THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II 69 kabataan ngayong henerasyon, ito ay nagbibigay importansya na kung saan malalaman niya na binalewala siya o pagpapawalang halaga sakanya ng pinagpasahan niya ng mensahe (Ahn,2010) Ayon kay Lenhart at Duggan (2014),talagang malaki at positibo ang naging epekto sa panliligaw lalo na sa mga pangmatagalang pagsasama ng magkarelasyon at kung susuriin man ay nasa 74% sa gumagamit ng SNS ay di hamak na mataas ang impact habang ang nasa 20% naman ay nagdulot ng negatibong epekto ang paggamit ng SNS sa cellphone at habang ang 6% ay nasa pagitan lamang ng dalawang panig. Malaking tulong din ang nagawa ng cellphone at SNS lalo na sa panliligaw dahil pinadali nito ang paglalahad ng damdamin nito sa kanyang karelasyon sa pupwedeng magdulot ng kasiyahan at mas pinaigting pagsasama. Ayon din kay Lenhart na ang henerasyon ng kabataan ngayon na 57% ay bukas sa SNS na nagbubukas sakanila upang magkaroon ng bagong kaibigan, ang kalalakihan ay mas madaling makahanap ng karelasyon na pumapatak sa 61% habang ang kababaihan ay nasa 39% tyansang makahanap ng karelasyon sa pamamagitan ng SNS. Dahil din sa kabataan na palaging gumagamit ng SNS katulad ng facebook, twitter, at yahoo messenger, nabubuo ang iba't ibang konsepto na kung saan nilalagyan nila ng laman o kahulugan kahit hindi pa naman sila ganoong kasigurado kung tama ang kanilang nararamdaman at naiisip. Ang ekspresyon ay mga salita, pagpapahiwatig o ang komunikasyon ng pansariling paniniwala o opinyon ng tao, organisasyon at iba pang grupo na naglalahad ng saloobin upang mas madaling maalala at maibagay ito sa henerasyon nakapaloob dito. Sa larangan ng social media, partikular sa facebook, maraming kabataan ngayon ang bumubuo ng kanya kanyang konsepto para sa kanilang profile. Katulad na lamang ng konsepto sa social networking na facebook na seenzoned. Ang pagbibigay ng konsepto o pagpapahayag ay isa lamang sa iba'tibang paraan ng pagpapakita ng pangkaraniwang kahulugan para sa lahat ng gumagamit ng facebook o anumang uri ng social media. Sa mabilis na paglawak ng kaisipan ng pilipino at pagtangkilik nating mga pilipino sa modernong komunikasyon ay kaugnay nito ang pagpili ng bawat miyembro ng social networking na kung sino nga ba ang nararapat mangibabaw at bigyan pansin.(Hard,2014) Sinikap ng mananaliksik na masagutanang layunin ng pag-aaral sa pamamagitan ng mga katanungan patungkol sa “Seenzone”. Una ay gusto malaman ng mananaliksik ay kung anu-ano ang pananaw ng mga kalahok sa konsepto, ikalawa ay kung ano ang mga karanasan nila sa “Seenzone” at ang naging epekto nito sa mga kalahok. Seen zone Ayon kay Ramos (2013), ito ay nakasaad kapag nagchat ka sa crush mo, ngunit ang makikita mo lang sa chat box mo ay “seen”. Ano nga ba ang ideyang ito? Ito ay isang bagay na makikita mong lumalabas sa chat or sa conversation niyo ng kausap mo. Kung saan nakasaad dito kung nabasa or nakita na ng kausap mo ang pinadala mong mensahe, kasama na rin dito ang oras kung kailan nya nabasa. Nakita mo nang nabasa nya ang pinadala mong mensahe. Ang masaklap lang ay ilang oras, araw, linggo, buwan at taon na ang lumipas eh inaamag na 'yung liham mo, wala ka pa ring nakukuhang reply. Dahil dun sa ideya na ito ng Facebook ay napagtanto mo na binalewala ka ng taong iyon. Makabagong panahon ng ligawan at pagbabago sa dating mga nakaugalian sa panliligaw Ayon kay Yapchiongco (2014), Ang makabagong panliligaw ay ibang iba sa mga dating kaugalian na nakasanayan noong dating panahon at dahil sa pag-usad ng ekonomiya, siyensa at teknolohiya, nagkaroon na din ng malaking pagbabago sa mga patakaran, ritwal, at mga inaasahan sa isang pagliligawan. Mayroon na tayong iba’t ibang uri ng panliligaw sa pamamagitan ng social media katulad ng yahoo messenger, facebook, twitter, tinder, instagram, at iba pa. Sa pag unlad ng panahon ngayon, nagkakaroon ng malaking pagbabago sa ugali at pananaw ng mga tao lalo na sa mga kabataan. Ang dating mga nakaugalian ay tinuturin ng makaluma at hindi na angkop sa modernong panahon. Baduy, “old school” at korny na ang dating moda ng panliligaw (Yapchiongco, 2014) Impluwensiya ng teknolohiya sa ligawan THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II 70 Ayon kay Yapchiongco (2014), dahil moderno na ang teknolohiya ngayon ang mga telepono, hindi na uso ang pag-akyat ng lalaki sa bahay upang manligaw ng pormal. Pwede na manligaw gamit ang Facetime o Skype. Hindi na kailangan mamasahe ng lalaki o manghiram ng auto sa kanyang mga magulang upang makadalaw sa babae. Swerte ng mga lalaki ngayon dahil nakakatipid sila ng husto. Pero di kaya parang lugi naman ang mga babae ngayon? Napakalaki talaga ng impluwensiya ng teknolohiya sa henerasyon ngayon. Marami na kasing paraan ng interaksyon ngayon na wala pa noong nakaraang dekada. Bukod sa telepono o smart phones, nandiyan din ang social networking, instant messaging at video calling. Pagbubuo Ang panliligaw, partikular ang paggamit ng modernong pamamaraan nito ay talaga nga naman nakagawian na lalo na ang kabataan ngayon na mabilis mapukaw ng teknolohiya lalo pa’t kung ito ay kaaya aya sa lipunan o kung ito man ay naaangkop sa madla Talagang malaki ang epekto ng social media ngayon sa kabataan dahil dito nagsisimula ang pagkakaibigan na pwedeng humantong sa pagiibigan. Madali na din masaktan ang kabataan ngayon lalo pa’t may mga nabubuong mga ekspresyon na malakas makaimpluwensya sa kabataan sapagkat sila ay madaling makuha ang kanilang loob at hindi hamak na bata pa at hindi pa gaano kayabong ang kanilang mga nalalaman sa social networking sites at binabase nila ito sa mga nauuso ngayon halimbawa na lamang ng “Seenzone” na napakalaki ang naging epekto sa kabataan lalo na noong nailagay na sa facebook messenger ito na nagbunga ng sari saring opinyon at ideya patungkol dito, karamihan ay sinasabi na ang isang tao ay makakakita ng mensahe na kung saan ay babasahin lamang ito at hindi tutugunan ito na parang binaliwala o pinagpawalang halaga ka ng pinaglihaman mo. Ang konseptong seenzone sa social media ay mas nakakatulong upang mas madaling makilatis kung binasa ito ng pinagpasahan ng mensahe. Ito rin ang pinagkukuhanan ng ideyang pagkabaliwala at pagpapawalang halaga sayo ng isang tao sa kadahilanang wala silang interes sayo o ayaw lang talaga sayo. Dahil dito, naisip ng mananaliksik na gumawa ng isang pag- aaral tungkol sa pananaw ng kalahok sa konsepto ng “Seenzone” Ayon kay Binauhan (2013), ang ”Seenzone” ay maihahalintulad sa pagwawaksi dahil ang rejection ay ang pinakamasaklap na pakiramdam sa buong mundo dahil masakit mareject ng taong minamahal mo. Kahit anong pilit mo sa kanya marereject ka kase ayaw nya. hindi ba tao lang tayo may puso at damdamin. Minsan na nga lang magmahal marereject pa. Bakit ba tayo narereject?may mali ba sa atin o may isang bagay tayo na ayaw nila talaga kahit wala naman tayong ginagawang mali at ginawa na naten ang pinakamakakaya natin pero narereject pa rin tayo. Ang sama naman ng tao na nangrereject sa atin. May dahilan din kung bakit nagagawa nila ang ganun bagay. Tulad ng may mahal silang iba, may karelasyon pa, wala pa sa tamang panahon at oras, at and pinakamasakit ay iyong talagang ayaw sayo ng iniibig mo (Binauhan, 2013) Metodo ng Pag-aaral Disenyo ng Pananaliksik Ang ginawang pag-aaral ng mananaliksik ay isang deskriptibong pag-aaral na gumamit ng makapilipinong pananaliksik partikular ang pagtatanung-tanong at pakikipagkwentuhan. Napili ng mananaliksik ang disenyong ito, sapagkat ito ay akmang akma sa pagkuha ng pananaw ng mga kalahok sa “Seenzone” at upang mas makakalap ng higit na impormasyon sa paggamit ng deskriptibong pag-aaral. Mga Kalahok Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mag-aaral ng Veritas Parochial School partikular ang ikaapat na taon sa sekundaryang paaralan. Napili ng mananaliksik ang mga kalahok na ito sa kadahilanang bukas ang paaralan sa paggamit ng modernong teknolohiya katulad na lamang ng e-tablets at tumatangkilik sila sa modernong pamamaraan ng panliligaw sa THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II 71 kababaihan. Random na pamamaraan ang ginamit ng mananaliksik at nasa 16 hanggang 17 na edad na kalahok na ang nakapanayam ng mananaliksik at ibabase lamang niya ito sa kanilang pagtangkilik at paggamit sa social networking sites. Ayon sa teorya ni Erikson, ang mga nasa ganitong edad pamula 13 hanggang 19 ay kinikilala pa lamang ng mga kalahok sa sarili sa kung papaano sila makikiangkop sa lipunan at kung paano sila tatanggapin ng mga ito. Sa edad na ito ay gumagawa sila ng paraan kung paano sila makikibagay sa kapwa nila, susubukin din ng mga kalahok kung ang nasa tingin nila ay naaayon hanggang sa paglaki nila at dito din sila nagdedesisyon para sa kanilang kinabukasan. Instrumento ng Pananaliksik Ang mananaliksik ay gumamit ng rekorder sa cellphone at talatanungan. Ang talatanungan ay naglalaman ng demograpikong propayl na mayroong pangalan, edad, at taon ng paggamit ng “SNS” nila, ano ang pananaw ng mg kalahok sa nasabing konsepto, ano ang kanilang karanasan at epekto ng “Seenzone” upang makuha ng mananaliksik ang kanilang saloobin Ang mga impormasyong nakalap ng mananaliksik ay ginamit upang gawing basehan sa layunin ng pag-aaral. Paraan ng pagkuha ng datos Una sa lahat, ang mananaliksik ay nakikipagpalagayang loob sa mga kalahok para makuha yung totoo nilang pananaw at makatulong sila kaagad sa mananaliksik sa kabila ng unang pagkakataon pa lamang sila nagkausap at magsama. Ikalawa, ang paraan naman ng mananaliksik ay gumamit ng pakikipagkuwentuhan sa mga kalahok tungkol sa panliligaw at sa mga karanasan nilang pagkabigo sa pag-ibig kasunod nito ay ang pagtatanung- tanong ng mananaliksik tungkol sa konseptong “Seenzone” Ikatlo, pagkatapos malikom ng mananaliksik ang mga datos na nakuha niya sa mga kalahok ay susuriin ng mananaliksik na kung ano ang pananaw nila sa seenzoned at ano ang naging epekto sa kalahok mapapositibo man o negatibo ay balido pa din ito sapagkat ito ay base sa mga naranasan ng kalahok. Pagsusuri ng datos Una ay pinagsamasama muna ng mananaliksik ang mga kasagutan ng mga kalahok ayon sa layunin ng pananaliksik. Pangalawa ay nilagom ang mga kasagutan na magkakatulad ang pahayag upang makabuo ng iba’t ibang temang ayon sa pananaliksik. Presentasyon at Interpretasyon Ang isinagawang pag-aaral ng mananaliksik ay tungkol sa pananaw ng mga kalahok sa konsepto ng “Seenzone” at ito ay base sa makapilipinong pamamaraan na kinailangan ng maingat at masusing pagkalap ng datos. Sa kabuuan mayroong labing-tatlong kalahok ang nakapanayam ng mananaliksik. Demograpikong propayl ng mga kalahok Ang mga kalahok na nasa edad 16 ay 9 o 69% at ang mga kalahok naman na ang edad ay 17 ay nasa 4 o 31%. sa bilang ng paggamit naman ay 4 o 31% ng mga kalahok ay gumagamit na ng SNS taong 2010 pa habang ang 6 o 46 % ng mga kalahok ay gumagamit na ng SNS taong 2009 pa at ang 3 o 23% ng mga kalahok ay gumagamit na ng SNS taong 2013 lamang. Pananaw ng mga mag-aaral sa konsepto ng “Seenzone” Labing-tatlong mag-aaral ang nagbahagi ng kanilang saloobin sa konsepto na “Seenzone”. Ang ilan sa mga sumusunod na pahayag ay sinipi ng mananaliksik: “Karamihan ang sasabihin kapag nakarinig ng “Seenzone” ay ang pag ignore sa iyo ng babae pero sa kalagayan ko ay hindi dahil ang “Seenzone” ay isa sa mga dahilan kung bakit tumatag ang aking loob upang udyokin ang babaeng hinahangaan ko.” kalahok #2 “As a student, I’d say that “Seenzone” is one of the major components of being in the state of the “Friendzone”. In order of being in that state you have to undergo through one of the ‘zones’ that is being used by students like us” kalahok #3 THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II 72 “Seenzone. Simple lang yan kung ipapaliwanag. Pero sa mas madaling salita, walang pagasa sa nililigawan” kalahok #5 “Ang seenzone ang nagsisilbing ‘motivation’ ko para lalong suyuin ang babaeng nais kong makasama habang buhay. Subalit bigo ako sa unang hakbang nang maseenzone niya ako di ito naging hadlang para tuparin ang pangarap ko makasama siya” kalahok #6 “Seenzone para sakin ay yung pagkakawalang oras sayo ng tao nais mong makausap at ito ay siguro para sa pangkalahatang aspeto dahil sa katamaran niya siguro na mareply sayo o hindi kaya ay hindi ka talaga type nung minessage mo. Pasok din yan pagdating sa pag private message mo sa crush mo siguro hindi ka lang talaga niya gustong makausap at may iba pang tao siyang kailangan niyang abalahin” kalahok 11 Ang mananaliksik ay namangha at napansin ang mga magagandang pananaw galing kanila kalahok 2, kalahok 6, at kalahok 10 na kung saan ay sinabi nila ang positibong konsepto sa pananaw ng “Seenzone”na nagbibigay “motivation” sa kanila na kung ito man ay ang dahilan ng pagkatatag ng kanilang loob upang mas lumapit sila sa babaeng hinahangaan nila at ito lamang ay isang pagsubok na kailangan nilang tahakin upang malaman ng babae kung hanggang saan ang kakayanin nila o ang limitasyon nila sakanila at siyempre may nagsabi din na “neutral” lamang ang “Seenzone” dahil sa kanyang mga naoobserbahan sa kapaligiran at pang kalahatang tao siya kung sumagot kaya binase niya ito sa ganitong aspeto ng pagkaka”Seenzone”. Karanasan at epekto ng konsepto sa “Seenzone” ng mga kalahok Ang labing-tatlong mag-aaral ay nagbigay ng kanya kanyang saloobin patungo sa epekto ng “Seenzone” sakanila tila nanguna ang mga positibong komento nila patungkol sa “Seenzone”, nagbahagi din sila ng kanilang saloobin ukol sa kung paano nila naranasan ang nasabing konsepto at paano nila ito tinanggap sa aspetong pang-emosyonal. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: "Nagbunga ng kagandahan dahil sa pagkalakas ng loob ko at umalis sa "comfort zone" ko. Hindi ako nagpadaig sa takot na humarap at kinulit ko siya sa facebook at naging kami na ngayon" kalahok 2 "Wala naging epekto ito sa akin. Tinukso ako ng mga kabarkada ko sa kanya at mas naging malapit ako sakanya at mukhang mapapasagot ko pa siya" kalahok 10 "Mas naging thankful ako sa Diyos dahil sinagot niya ang mga hiling ko sa kadahilanang naging kami sa kakasuyo ko sakanya sa loob lang ng limang buwan" kalahok 12 "Open mindedness ang naging epekto nito sa akin. yung taong nangseenzone sa akin ay may magandang relasyon kami na iniigihan namin ang pag-aaral namin alang-alang sa aming magulang imbis na unahin namin ang isa't isa ay kami muna ang dapat naming ayusin" kalahok 13 Ang mga positibong sagot ang pumukaw sa mnanaliksik na kung saan ay ang naging epekto sakanila nito, maraming sinabi na nakatulong ito upang mas makilala nila ang sarili nila, umalis sa kanilang “comfort zone”, nagpursigi, at mas napabuti nila ang kalagayan nila. Maganda din ang sinabi ni kalahok 12 dahil dinala niya sa usapan ng mananaliksik ang paniniwala niya sa Diyos na kung saan ay mas naging mapagpasalamat siya dito at tinupad ang kanyanag mga hiling upang makamtam niya ang tagumpay na makuha ang parehas na damdamin ng babae sakanya. Ayon kay Binauhan (2013), ang pagkakaroon ng positibong epekto ng “Seenzone” makakatulong sa lalaki upang mas tumaas ang kanilang “Self-esteem” at “Selfworth” sa kanilang sarili dahil mas nagkakakumpiyansa ang mga lalaki na kausapin ang babae at tugunan ang mga kagustuhan nito. Ang karamihan naman sa mag-aaral ay purong positibo ang kanilang mga karanasan at na kung saan nagbunga ng magandang pagsasama ang mga kalahok at ang nang”Seenzone” sakanila, naisakatuparan ang kanilang mga hiling na maging sakanila ang mga babaeng hinahangaan nila at ang pinakahuli ay si kalahok 13 na kung saan ay inuna ang kapakanan ng THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II 73 pamilya partikular sa kanyang magulang na nagtatrabaho para mairaos siya sa magandang buhay. Konklusyon at Rekomendasyon Sa kabuuan, Ang pananaw ng mga kalahok patungkol sa “seenzone” na naayon sa resulta ng pag-aaral ay may iisang damdamin sa pananaw ng mga lalaking mag-aaral sa konsepto ng “Seenzone”. Ang konsepto ay isang pagganyak sa kadahilanang isa lamang itong pagsubok na makakapagsabi kung hanggang saan ang kanyang kakayahan pagdating sa pagseryoso sa isang bagay. Iba’t iba man ang pananaw na nakalap ng mananaliksik, hindi maipagkakaila na tila iisa lamang ang konsepto ng “Seenzone” ay kataga na nagbibigay “motivation” o pagganyak ng tao upang ipagpatuloy gawin ang isang kahit ano man ang mangyari at kahit ano pa ang sitwasyon. Ang importante ay nagawa lahat ng makakaya at hindi ka sumuko. Para sa epekto ng konsepto sa mga kalahok, masasabi na ayon sa mga nakuhang datos, ang pagkakaroon ng konsepto ay may positibong epekto, Positibo dahil para sa nakakarami ay nakakapagganyak ng tao dahil sa pinanghahawakan silang konsepto ng “Seenzone” na kung saan ay ganado at may motibo kang dagdagan ang mga kulang na bagay sa mga sinauna mong ginawa sa babaeng hinahangaan mo. Bukod sa mga nagbuo ng konseptong ito, ganoon din ang naging epekto nito kahit sa kalaunan’y wala ng pag-asa na kung saan ay hindi lang talaga nila sinusubukan yung abot nilang makakaya upang makuha ang matamis na tagumpay. Talagang nagkaepekto ito sa mga lalaking mag-aaral dahil sa unang pagkakilala na negatibo ay nag bunga ng magadang resulta na kung saan ay karamihan sa nakapanayam ng mananaliksik ay nagkatuluyan o naging magkasintahan ang lalaking mag-aaral at ang babaeng gusto nila. Iminungkahi ng mananaliksik na higit na mapaghusay pa ang kanyang pag-aaral ukol sa konsepto sa kadahilanang nais pa ng mananaliksik na higit na maunawaan ang pinagmulan ng “Seenzone” at ang mga mas malalim pang bagay patungkol dito. Ang maiaambag ng mananaliksik na makakatulong sa lipunan ay ang gumawa ng seminars patukoy sa “SNS” na maaaring makatulong sa kabataan na may limitasyon lang ang paggamit ng mga “SNS” pagdating sa panliligaw. Inirerekomenda din ng mananaliksik sa mga susunod na gagawa ng pag-aaral nito na gumamit ng kwantitatibong uri ng pananaliksik upang makuha naman ang ibang perspektibo sa “Seenzone” at sa gayon ay makalikom at mas makatiyak ng makapilipinong pananaliksik sapagkat ito ang naaayon sa kultura ng mga Pilipino at nang sa gayon ay malikom ang mga datos na nais makamit.
Pagsasaliksik Sa Mga Kadahilanang Na Nakakaapekto Sa Magaaral Kung Bakit May Mababang Marka o Bagsak Sa Ilang Asignatura NG Mga Magaaral Sa Kursong Electrical Engineering