Komunikasyon
Komunikasyon
Komunikasyon
ANG KOMUNIKASYON
Ang Komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin na "Communis" na nangangahulugan
na karaniwan o panlahat. Ito ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na
kadalsang ginagawa sa pamamagitan ng mga karaniwang simbolo. Ayon kay Judee
Burgoon, isang Propesor ng Komunikasyon sa Pamantasan ng Arizona sa Estados
Unidos, ang komunikasyon raw ay isang simbolikong gawi ng dalawa (2) o higit pang
tao. Ayon naman kay Atienza, ang komunikasyon raw ay maka-agham at maka-sining
sapagkat ito ay may sinusunod na mga proseso at teknik. Batay naman sa depinisyon
ni Saundra Hybels, isang manunulat, ang komunikasyon raw ay isang proseso ng
pagtatransmit ng signal. Ayon naman sa Webster, ang komunikasyon raw ang
pagpapahayag, pagpapabatid, o pagbibigay ng impormasyon. Ayon naman
kay Clarence Barnhart, ang sumulat ng "American College Dictionary", ang
komunikasyon raw isang pagpapahayag, sa pamamagitan ng pagsenyas, pagsulat at
pagsalita. Sinabi naman ni Verdeber noong 1987 na ang komunikasyon ay paghahatid
ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining upang maging mabisa at
mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang kapwa,
anuman ang paksang inaakala niyang mahalagang mapag-usapan.
May pitong (7) antas ang Komunikasyon, at ito ay ang mga sumusunod:
Intrapersonal na Komunikasyon
Interpersonal na Komunikasyon
Komunikasyong Pang-maliit na Grupo
Interkultural na Komunikasyon
"One-to-Group" na Komunikasyon
Pangkaunlarang Komunikasyon
Pangmasang Komunikasyon
Barayti Ng Wika
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang
simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay
nailalabas o napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o
malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at
iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri
ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at
kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng
heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat
ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
Kahulugan at mga Halimbawa
1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita
na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika
na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang
namumukod tangi at yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio
“Hoy Gising!” ni Ted Failon
“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
“I shall return” ni Douglas MacArthur
“P%@#!” ni Rodrigo Duterte
2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang
salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung
tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:
Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
Mga halimbawa ng Dayalek:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako
4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko
sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging
bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo
tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain
Province
Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
Kalipay – tuwa, ligaya, saya
5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito
ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga
nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
Palikuran – banyo o kubeta
Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
Pamingganan – lalagyan ng plato
Pappy – ama/tatay
Mumsy – nanay/ina