Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1
Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap at isulat sa patlang kung
anong antas nito. Gamitin ang titik L kung ang kaantasan ng pang-uri ay lantay, PH kung ito ay pahambing, o PS kung ito ay pasukdol.
____ 1. Si Gary ay ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Bb. Sanchez.
____ 2. Mas magara ang kotse ni Noel kaysa sasakyan ni Manuel. ____ 3. Ang buhok ni Lola Francia ay kasimputi ng balahibo ng tupa. ____ 4. Napansin ko na ang mga anak ni G. Santos ay magagalang. ____ 5. Singtangkad na ni Joni ang kanyang ina. ____ 6. Wala akong gusto sa kanya kahit na saksakan nang guwapo pa siya! ____ 7. Higit na malakas ang Bagyong Yolanda sa Bagyong Luis. ____ 8. Maliit ang kinita ni Ningning sa pagbebenta ng mga sampaguita. ____ 9. Di-gaanong sikat ang aktor na tulad ng kapatid niya na aktres. ____ 10. Hindi ko bibilhin ang alahas kung napakataas ang presyo nito. ____ 11. Bagong-bago ang sapatos na suot ni Martin ngayon. ____ 12. Dapat kumain ka ng masusustansiyang pagkain upang lumakas pa ang iyong resistensiya. ____ 13. Ang magpinsan na Sheila at Sarah ay magkamukha. ____ 14. Maghilamos ka muna bago kumain. Kay dungis-dungis ng mukha mo! ____ 15. Marapat na igalang natin ang EDSA Shrine dahil ang pook na ito ay makasaysayan.