ESP8 - LAS - q1w6 - Ang Kahalagahan NG Komunikasyon Sa Pagpapatatag NG Pamilya - v1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Mga Gawaing Pampagkatuto

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Unang Markahan, Ika- 6 na Linggo
Pangalan: Petsa:
Baitang atPangkat:

AngKahalagahanngKomunikasyonsaPagpapatatagngPamilya

I. KasanayangPampagkatuto
1. Nahihinuha na:
a. ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay
nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.
b. ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng
komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
c. ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at
maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa.(EsP8PBIf-3.3)

2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at


pagpapaunladngkomunikasyonsapamilya.(EsP8PBIf-3.4)

II.Layunin
1. Nauunawaan na ang bukas na komunikasyon ay daan upang maging mabuti ang
ugnayan ng buongpamilya.
2. Napahahalagahan ang iba’t-ibang uri ng komunikasyon sapagkat ito ay nakatutulong
sa pag-unlad ngpakikipagkapwa.
3. Naipakikita ang mga hakbang tungo sa pagkakaroon at
pagpapaunlad ng komunikasyon sapamilya.

III. Konsepto ngPagpapahalaga


Ang komunikasyon ay bahagi ng pagkatao ng isang indibidwal. Una niya itong
natututuhan sa kanyang pamilya at nahuhubog din ang kanyang kasanayan sa komunikasyon
o pakikipag-ugnayan.
Ang komunikasyon ay ginagamit sa pakikipagkapwa. Ito rin ang paraan upang
maipahayag ang nararamdaman, nasasaisip, at mga nais gawin ng isang tao. Ang
komunikasyon ay maaaring pasalita, di-pasalita o virtual. Ang pasalita ay ginagamitan ng
mga salitang berbal o pasulat, samantalang ang di-pasalita ay ang gawi, senyas o simbolong
ginagamit upang ipahayag ang saloobin o damdamin at iniiisip ng isang tao.
Narito ang mga hadlang para sa mabuting pakikipagkapwa at pakikipag-ugnayan.
1. Pagiging umid o walang kibo. Ang pagiging umid ay tinatawag naman nating pagbabakod
ng sarili. Karaniwang ang ganitong tao ay nahihirapang palaguin ang kanyang sosyal na
relasyon sapagkat ayaw nilang magpahayag ng kaisipan at saloobin, gayundin, ayaw
nilang tumanggap.
2. Ang mali o magkaibang pananaw. May mga taong sarado ang pananaw at hindi
tumatanggap ng ideya o suhestiyon mula sa iba sapagkat ipinapalagay niyang higit siyang
mas magaling kaysa sa kanila na nagdudulot ngpagkapahiya.
3. Pagkainis o ilag sa kausap. Normal sa atin na minsan ay may mga nakakausap tayo na
kinaiinisan natin ang paraan ng kanilang pananalita at kaysa humantong sa diskusyon, ay
makabubuting umiwas na lamang sa ganitongsitwasyon.
4. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o diribdibin. May mga tao rin na mas
pinipiling kimkimin ang saloobin upang hindi makasakit ng kapwa. Ang iba naman ay
nakakapagsinungaling para lang hindi masaktan ang iba at hindi masira angrelasyon.

Ang Mga Sumusunod ay Paraan Upang Mapabuti ang Komunikasyon:


1. Pagiging mapanlikha o malikhain (creativity). May mga masakit na katotohanan na kapag
nasambit ng ating dila gamit ang tama at magaang salita ay nagiging maluwag sa
taongtumatanggap.
2. Pag-aalala at malasakit (care and concern). Mayaman man o mahirap, mababa man o
mataas ang posisyon – dapat ay matutong humingi ng paumanhin kung ikaw ang
nagkulang onagkamali.
3. Pagiging hayag o bukas (cooperativeness/openness). Napakahalaga ng bukas na
komunikasyon lalo na sa pamilya. Anumang gusot o problema ay madaling maayos kung
ang bawat miyembro ay magiging bukas sa paglilinaw at pagsasaayos ng mgasuliranin.
4. Atin-atin (personal). Ito ay ang mga sikretong usaping hindi na kailangan pang malaman
ng ibang tao sapagkat maaaring ito ay daan upang hindi magkaroon ngkaguluhan.
5. Lugod o ligaya. Mahalaga na makita ng kausap ang lugod habang nakikipagtalastasan
upang magkaroon ng kapayapaan sa pagbabahagi.

Ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao ayon kay Martin Buber ay
tinatawag na “diyalogo.” Hindi ito pagkumbinsi sa kapwa na sa dulo ng pag-uusap ay
naglalayong magkaroon ng parehong pananaw. Ito ay nagsisimula sa sining ng pakikinig;
bukas ang pandinig, at bukas ang puso upang ang nais sabihin ng kapwa ay maunawaan.
Halika, ating nang tuklasin: Tunay na komunikasyon ating subukin!

2
IV.MgaGawain
Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot kung anong hadlang sa mabuting
komunikasyon ang ipinahihiwatig ng bawat sitwasyon. Piliin sa kahon ang iyong sagot.

Pagiging umid o walangkibo C. Ang mali o magkaibang pananaw


Pagkainis o ilag sakausap D. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o diribdibin

1. Hindi ka na kumibo noong sinabihan ka ng masakit na salita ng kaklase mo na


di ka pa gaanong kilala dahil alam mong masasaktan mo rin siya kapag kumibo
ka pa imbes na ipakilala mo kung sino katalaga.
2. Hindi kayo magkapareho ng channel na gustong panuorin ng iyong
nakakatandang kapatid. Sabi ng kuya mo na siya ang dapat masunod dahil mas
matanda siya saiyo.
3. Madalas kayong magtalong magkapatid. Isang araw nagtalo kayong muli dahil
hindi siya nagpaalam na ginamit niya ang sapatos mo. Hindi mo na kinausap ang
kapatid mo tungkol dito dahil iniisip mong walang patutunguhan kung diringgin
mo pa ang paliwanagniya.
4. Masama ang loob mo sa iyong ina dahil pinagalitan ka. Ngunit ikaw ay
nanahimik nalang dahil natatakot kang makapagbitiw ng masakit na salitang
maaaring dibdibin ng iyongina.
5. Pinagsabihan ka ng iyong guro na nag-aalala siya sa iyong maling pag-uugali,
ngunit hindi ka kumikibo kaya hindi mo naipaliwanag ang iyong saloobin.
6. Tikom ang iyong bibig noong nasaktan ka sa narinig mong panunukso mula sa
iyong kaklase. Kahit masama ang loob mo, minabuti mong ilihim ang tunay na
saloobinmo.
7. Magkasulangat ang opinyon ninyong magkaibigan tungkol sa usaping politika.
Iginigiit mo ang gusto mong manalong kandidato at ganun din naman ang iyong
kaibigan. Dahil dito, kayo ay nagtalo.
8. Hindi ka pinayagan ng magulang mo na sumama sa isang Educational Tour.
Hindi mo na ipinaliwanag sa magulang mo ang pagnanais mong sumama dahil
iniisip mong hindi ka nila mauunawaan at lalo ka pangmapagalitan.
9. May sama ng loob sa iyo ang iyong kaibigan dahil sa naikuwento mo sa iba ang
kaniyang sikreto. Hindi ka na niya kinakausap mula noon, dahil natatakot siyang
makapagbitiw siya ng masakit na salita sa iyo dahil kilala ka niya na
isangmaramdamin.
10. Dahil sa ikaw ang Treasurer ng inyong klase, hinusgahan ka ng iyong kaklase
na ginastos mo raw ang inyong Class Fund. Kahit sobrang sama ng loob mo,
tumahimik ka na lamang at hindi ipinaliwanag ang saloobinmo.

Gawain 2
Panuto: Punan ang hanay ng mga paraan para sa mabuting komunikasyon na angkop sa
bawat bilang sa hanay ng sitwasyon.

Sitwasyon MgaHakbangnaGagawinPara
Mapaunlad angKomunikasyon
1. Kinausap mo ang nakatampuhan mong
kaibigan noong hindi ka na galit sa kanya at
sa lugar na kayo
lamang dalawa.
2. Humingi ng paumanhin sa iyo ang iyong guro
dahil sa nabulyawan ka niya dala ng
kaniyangsobrang
pagod.
3. Ipinagtapat mo sa iyong magulang
naikawaynakakuhangbagsakna
marka sa inyong pagsusulit.
4. Hindi mo ikinukuwento kahit sa magulang mo
ang mga sekreto na ipinagkatiwala sa iyo ng
matalik
mong kaibigan.
5. Masigla at masayang ibinahagi mo sa iyong
kaibigan ang iyong natanggap naregalo.

6. Tinawagan mo ang iyong kaklase na naninira


sa iyo noong hindi na mainit ang ulo mo para
makipag-ayossa
kanya.
7. Humingi ka ng tawad sa iyong nakababatang
kapatid dahil ginamit mo ang kaniyang gamit
ng walang
paalam.
8. Umamin ka sa inyong guro na ikaw ay
nangopya sa inyongpagsusulit.
9. Tinupad ng iyong kaibigan ang kaniyang
pangakong binitiwan niya sa iyo na hindi
niya ipagsasabi ang
lihim mo kahit kanino man.
10. Nakangiti at mahinahong pinayuhan ka ng
iyong ina kaya tumibay ang iyong loob.

Mga Gabay naTanong


Panuto: Ipaliwanag ang mga gabay na tanong:

1. Ano ang tunay na kahulugan ngKomunikasyon?

2. Bakit mahalaga ang Komunikasyon o “Diyalogo”?

3. Paano mo isasabuhay ang tunay na kahulugan ngKomunikasyon?

Gawain 3
Panuto: Bumuo ng isang tula gamit ang acrostic na ito bilang pagsasabuhay ng tunay na
kahulugan ng Komunikasyon.

K-

O-

M-

U-

N-

I-

K-

A-

S-

Y-
O-

N-

Gawain 4
Panuto:IsulatangSsapatlangkungsang-ayonkasapahayagatDSnaman kunghindi.

1. Ang iyong kaklase ay mayroong boyfriend sa kabila ng bata pa siya at ito ay


inililihim niya sa kanyang mgamagulang.
2. Ang taong mayaman ay hindi kailangang humingi ng paumanhin sa taong nagawan
niya ngkasalanan.
3. Nagtampo ang iyong kaibigan nang hindi mo siya nasipot sa inyong tagpuan para
gumawa ng project dahil nag-alaga ka ng iyong kapatid samantalang may
mahalaga namang pinuntahan ang iyong ina. Kinausap mo pa rin siya at humingi
ka ng tawad sakanya.
4. May tsismis kang nabalitaan tungkol sa iyong kaibigan at ito ayhindi mo na
binanggit sa kanya dahil alam mo namang hindi ito totoo at kapag nalaman niya
ay baka sumama lang ang kanyangloob.
5. Humingi ng tawad at nangakong hindi na uulitin ng iyongkaklase ang ginawa
niyang pambubully sa iyo nang nagdaangaraw.
Tinanggap mo ito na naging simula ng inyong pagkakaibigan.
6. Ikaw ay naglalaro ng ML habang ang iyong kaibigan ay nagkukuwento
ng kanyang naging karanasan noong silaay dumalaw sa probinsiya ng
kanyanglola.
7. Isang paraan ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapuwa ay ang matiim na
pakikinig habang siya aynagsasalita.
8. Nagpapaliwanag ang iyong tatay kung bakit ginabi siyang umuwi galing sa
trabaho ngunit hindi ito pinakinggan ng iyongina.
9. Nakabasag ng gamit sa paaralan ang iyong kapatid at ito ay pinababayaran ng
kanyang guro. Magalang niyang sinabi ito sa inyong magulang dahil wala
naman siyang pambayad dito. Ang gamit ay hindi niya sinasadyang matabig
habang sila ay gumagawa ng activity saklase.
10. Nabunggo ka ng taong hindi mo kilala at humingi siya agadng tawad sa iyo
ngunit inirapan mo siya at biglangtinalikuran.

V. Repleksyon

Panuto: Sumulat ng tatlong pagninilay tungkol sa plano mong isagawa upang mapanatili mo
ang mabuting komunikasyon sa iyong pamilya at kapwa.
1.
2.

3.

VI.Sanggunian

Gayola, Sheryll T., et.al. (2015). Modyul para sa mga Mag-aaral sa Edukasyon
sa Pagpapakatao 8. Pag-aari ng Kagawaran ng EdukasyoN

Inihanda ni:
GLENDA D. DOMINGO
May Akda

Binigyang Pansin:

EVELYN P. SOLIS , EdD


EPS – ESP/Guidance/SPED
VII. Susi saPagwawasto
VIII.

You might also like