AP 9 - Q2 - Mod2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 9
Change is Coming! - Mga Salik na
Nakaaapekto sa Demand

Ikalawang Markahan
Modyul 2

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa
demand sa pang araw-araw na pamumuhay.
PAANO GAMITIN ANG
MODYUL
Larawan mula sa: https://www.nicepng.com/maxp/u2e6y3r5e6q8y3q8

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
Larawan mula sa: https://clipartstation.com/checklist-clipart-3-2/

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

1
INAASAHAN
Larawan mula sa: https://www.pinclipart.com/maxpin/hohRJ/

Nahahati ang araling ito sa tatlong (3) paksa na nakabatay sa isang most
essential learning compentency (MELC):
1. Mga Salik na Nakaapekto sa Demand ng Mamimili
a. Presyo
b. Di-Presyo
2. Epekto ng mga Salik na Presyo at Di-Presyo sa Kurba ng Demand
a. Paggalaw sa Iisang Kurba
b. Paglipat ng Kurba
3. Pagbabago sa Presyo at Dami ng Demand

Pagkatapos pag-aralan ang modyul, inaasahan na matamo ang mga


sumusunod na layunin:
1. Nailalahad ang iba’t ibang mga salik na nakaaapekto sa demand ng
mamimili;
2. Naihahambing ang tuwirang epekto ng pagbabago ng salik na presyo at
di-presyo sa kurba ng demand ng mamimili;
3. Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa presyo at dami ng produkto
dulot ng mga salik na nakaaapekto sa demand ng mamimili; at
4. Nailalapat ang kaalaman sa konsepto ng demand at mga salik nito tungo
sa pagiging isang matalino at rasyonal na mamimili.

Simulan natin ang iyong paglalakbay upang mapalawak pa


ang iyong kaalaman ukol sa Mga Salik na Nakaaapekto sa
Demand. Tiyak akong ikaw ay handa na at nasasabik nang
sagutan ang Unang Pagsubok.

UNANG PAGSUBOK

Larawan mula sa: https://www.clipartkey.com/view/hhTohR_test-clipart-multiple-choice-test-multiple-choice-questions/

Sa bahaging ito, subukin ang iyong paunang kaalaman bago tayo tumungo
sa mga paksang tatalakayin. Layunin nitong masukat ang antas ng iyong
kahusayan at kahandaan sa paksa tungo sa mas epektibong pag-aaral.

Gawain: Thumbs Up o Thumbs Down?


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang
THUMBS UP sa patlang kung sa iyong palagay ang sinasaad na pahayag ay tama
samantalang THUMBS DOWN naman kung ang pahayag ay mali.

2
_____________1. Ang salik na presyo ang higit na may malaking epekto sa
pagkonsumo ng mga konsyumer.
_____________2. Nakaaapekto ang mga salik na di-presyo sa kurba ng demand sa
pamamagitan ng paggalaw nito sa iisang kurba.
_____________3. Isinasaad ng substitution effect na kapag tumaas ang presyo ng
isang produkto, ang konsyumer ay maghahanap ng produktong pamalit na mas
mababa ang presyo.
_____________4. Ang pagpapairal ng rasyonal na pagpapasya ang nagbibigay
paliwanag kung bakit nais ng isang konsyumer ang pagbaba ng presyo ng kanyang
kalakal na bibilhin.
_____________5. Kapag tumataas ang kita ng isang konsyumer magbubunga ito ng
pagtaas sa kanyang pagkonsumo sa lahat ng uri ng produkto.
_____________6. Mayroong epekto ang presyo ng produktong magkaugnay sa
magiging demand ng isang konsyumer kaya dapat na isaalang-alang ang pagsusuri
sa relasyon ng mga produkto sa pamilhan.
_____________7. Ang pagtaas ng bilang ng populasyon ay nakapagpapalipat sa
kurba ng demand pakaliwa na magbubunga ng pagbaba sa presyo ng produkto.
_____________8. Isa sa katangian ng isang matalinong mamimili ay ang pagiging
mapamaraan sa paghahanap ng pamalit o alternatibo sa produktong nais bilhin
upang mas makatipid.
_____________9. Complementary goods ang tawag sa mga produktong mas binibili
ng tao kapag ang presyo ng ibang produkto ay patuloy sa pagbaba.
_____________10. Nakaapekto ang pagbabago ng salik na di-presyo sa demand
curve sa pamamagitan ng paglipat ng kurba nito pakanan o pakaliwa.

Magaling, natapos mo nang sagutan ang mga katanungan.


Maaari mo nang hilingin sa iyong tagapagdaloy na suriin at
iwasto ang iyong gawain. Pagbati, ipagpatuloy mo pa ang
iyong pagkatuto!

BALIK - TANAW
Larawan mula sa: https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/box-question-mark-image-vector-13735934

Magkasama tayong tutungo sa bawat yugto ng iyong pagkatuto. Tinitiyak


ko na ikaw ay magagalak sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman tungkol sa sa
mga salik na nakaaapekto sa demand. Ramdam ko na ang iyong kasabikan at
kahandaan. Tama ba? Simulan na natin…

Gawain: Rebus Puzzle


Panuto: Sukatin ang antas ng iyong kaalaman tungkol sa nakaraang aralin na
ating tinalakay. Sa tulong ng rebus puzzle, ibigay mo ang pinakawastong sagot
batay sa hiningi ng bawat patlang.

3
Rebus Puzzle No.1

CD man car wave


Rebus Puzzle No. 2

man CD rose

cow ox CD
Rebus Puzzle No. 3

bath ring CD man


Rebus Puzzle No. 4

pray NY
Rebus Puzzle No. 5

cat ring car bus

Sagot sa Rebus Puzzle Kahulugan

1. “___________________________”

2. “___________________________”

3. “___________________________”

4. “___________________________”

5. “___________________________”

4
Mga Pagpipilian:
A. isang grapikong paglalarawan sa demand
B. nagpapahayag ng di-tuwirang relasyon ng P at Qd
C. dami ng produktong handa at kayang bilhin ng konsyumer
D. saklaw nito ang pagsusuri sa maliit na yunit ng ekonomiya
E. independent variable na nagdidikta sa magiging dami ng demand
F. gamit sa pagsusuri ng mga ekonomikong variable na ang ibig sabihin ay
“other things being equal”

MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-mrwef
Ako’y labis na natutuwa sa ipinamalas mong kagalingan sa pagsagot sa
maikling pagsasanay. Ito ay nangahuhulugan na mas handa ka nang matuto ng
iba pang mga paksa tungkol sa Ekonomiks.

Matapos mong mapag-aralan ang konsepto ng demand at kung paano nito


nailalarawan ang kahandaan at kagustuhan ng isang konsyumer sa dami at presyo
ng produktong nais bilhin, maari nating sabihin na ito ay isang human behavior.
Likas sa bawat tao ang pagbabago sa pag-uugali at kilos batay sa sitwasyon.
Samakatuwid, tiyak na maiimpluwensyahan ang plano ng pagkonsumo ng
mamimili dahil sa iba’t ibang mga salik o factors.
• Ano ang mga salik na nakaaapekto sa demand?
• Paano nito naiimpluwensyahan ang pagpapasya ng isang mamimili?
• Kailan masasabing kaaya-aya o hindi ang idinulot nito sa konsyumer?

Sabay nating tutuklasin ang kasagutan sa mga katanungang nasa itaas.


Ikaw ba ay handa na? Simulan na natin!

Aralin MGA SALIK NA

2 NAKAAAPEKTO SA DEMAND

Ang aralin na ito ay naghahangad na mapaunlad nang lubusan ang iyong


kasanayan at kaalaman sa pagsusuri ng mga kaganapan sa ating pambansang
ekonomiya tungo sa matalinong pagpapasya sa mga pang-ekonomikong gawain.
Nakatuon sa mga salik na nakaaapekto sa demand ang nilalaman ng
modyul na ito. Nakaayon din sa pamantayang itinakda ng Kagawaran ng
Edukasyon ang lahat ng nilalaman at pagkasunod-sunod ng mga paksa. Ito ay

5
naglalaman ng mga teksto, larawan, kompyutasyon, mga graphs at iba pang
sources mula sa internet na nakatutulong sa mabilis na pag-unawa sa paksa.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

Presyo at Di-Presyong Salik


Mahalagang malaman mo ang mga salik na nakaapekto sa demand
sapagkat magagamit mo ang kaalaman ito tungo sa mas matalinong pagpapasya
kung paano mo gagamitin ang iyong limitadong salapi sa pagbili ng mga kalakal sa
pamilihan.
A. Presyo – ang halaga ng isang kalakal ay may epekto sa magiging dami ng
produktong bibilhin ng isang konsyumer. Kapag mataas ang presyo ng
produkto, mas kaunting produkto ang nais at kayang bilhin ng mamimili
samantalang kapag mababa ang presyo nito ay mas tataas ang pagnanais at
kakayahan ng isang konsyumer na makabili ng produkto.

Retrieved from https://www.untvweb.com/news/price-drop-in-commercial-rice-starts-in-metro-manila-markets/


on May 31, 2020

Ang P at Qd ay may di-tuwirang relasyon ayon sa Law of Demand na


pinagtitibay ng mga sumusunod:
1. Income Effect – isang konsepto na nagsasaad na mas malaki ang halaga
ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Ang pagtaas ng presyo ay
nagpapababa sa Qd samantalang kapag ito naman ay patuloy na
bumababa, tumataas naman ang Qd kahit walang pagbabago sa kita.
Halimbawa: Kung ang presyo ng face masks ay Php 10 at ikaw ay
may salapi na nagkakahalaga ng Php 200, ito ay nangangahulugan na
20 pirasong face masks ang pinakamataas na Qd mo rito ngunit kapag
tumaas ang presyo nito mula Php 10 – Php 20, liliit ang tunay na halaga
ng iyong kita o salapi na magpapababa ng iyong Qd sa 10 piraso na
lamang.
2. Substitution Effect – isang konsepto na nagsasaad na kapag tumaas ang
presyo ng isang produkto, ang konsyumer ay maghahanap ng
produktong pamalit na mas mababa ang presyo. Ang pagtaas ng presyo
ng isang produkto ay nagpapababa sa Qd. Gayundin naman, kapag ito
naman ay patuloy na bumababa, tumataas naman ang Qd.
Halimbawa: Kung ang presyo ng alcohol ay Php 200 at ikaw ay may
Qd na 4 bote, sa pagtaas ng presyo nito sa Php 300 kada bote, ang Qd
mo ay bababa sa 2 bote na lamang. Ito ay nagpapakita na sa halip na
patuloy ang pagtangkilik sa alcohol, mas nanaisin ng mamimili ang

6
humanap ng kapalit nito tulad ng sabon o hand sanitizer na
magbubunga ng pagbaba ng Qd sa alcohol.
3. Law of Diminishing Marginal Utility – isang batas sa pagkonsumo na
nagsasaad na kapag ang tao ay kumonsumo ng magkakaparehong
produkto, ang karagdagang kasiyahang natatamo rito ay patuloy na
nababawasan.
Ang konsepto ng demand ay hindi lamang nakatuon sa kakayahan ng
mamimili na bilhin ang isang produkto ngunit dapat din na isaalang-
alang ang kagustuhan nito bilang batayan sa pagbili. Nakapagbibigay
nang utility o kasiyahan ang pagkosumo ng bawat produkto na siyang
nakaiimpluwensiya sa dami ng demand ng isang konsyumer. Ipinapakita
rin nang demand curve ang pagbaba ng kasiyahan ng isang konsyumer
sa bawat pagtaas ng bilang ng produktong kanyang kinokonsumo.

B. Kita – ang pagkakaroon ng malaki o maliit na kita ng tao ay nakaaapekto sa


demand. Ang paglaki ng kita ay magpapataas ng demand sa isang produkto
samantalang ang pagliit nito ay nakapagpapababa naman ng demand.
Laging tatandaan na ang epekto o salik na ito sa demand ay
nakabatay sa uri ng produkto ayon sa kita ng tao. Mahalagang matukoy
muna ang isang kalakal ayon sa relasyon nito sa kita bago magsuri.
1. Normal Goods – mga produktong tumataas ang demand sa bawat pagtaas
ng kita. Ipagpalagay natin na ang rubber shoes ay isang normal good.
Kapag tumaas ang iyong kita, mas magiging marami ang kakayahang
mong makabili nito. Sa kabilang banda, kapag lumiit naman ang kita mo
ang demand mo rito ay liliit din. Lagi mong tatandaan na ang demand sa
normal good ay may tuwirang relasyon sa kita ng tao.

Retrieved from https://www.theguardian.com/commentisfree/2018/jun/24/parting-a-rich-fool-and-his-money-


childs-play-david-mitchell on May 31, 2020

2. Inferior Goods – mga produktong bumababa ang demand sa bawat


pagtaas ng kita. Isa sa halimbawa nito ay ang mga produktong madalas
bilhin ng mga konsyumer na may limitadong kita o yaman gaya ng
canned goods, instant noodles at iba pa. Ang pagtaas ng kita ay
magdudulot ng pagbaba sa demand sa mga produktong nabanggit dahil
mas nanaiisin ng konsyumer ang mga produktong makapagbibigay ng
higit na kapakinabangan sa kanila.

7
Retrieved from https://www.istockphoto.com/vector/instant-noodle-cup-add-egg-vector-gm629614110-
112085483 on November 12, 2020

C. Panlasa – nakaayon sa kagustuhan o panlasa ng mamimili ang kanyang


magiging demand sa isang kalakal. Anumang pagbabago sa panlasa ng tao
ay tiyak na makaapekto rin sa demand.
D. Dami ng Konsyumer – ang pagtaas ng populasyon at pagdagsa ng mamimili
dulot ng bandwagon effect ay makapagpapataas ng demand. Halimbawa,
ang paglobo ng populasyon sa bansa ay mas nangangailangan ng mas
maraming produktong ikokonsumo ng mga tao.
E. Presyo ng Magkaugnay na Produkto – nakaaapekto ang pagbabago sa presyo
ng kaugnay na produkto sa magiging demand ng isang produkto. Matatawag
itong magkaugnay kung ang isang produkto ay komplimentaryo o pamalit sa
isa’t isa.
1. Complementary Goods - mga produktong binibili rin sa pagbili ng isa
pang produkto. Ipagpalagay na ang asukal at kape ay
magkakomplimentaryo, ang pagtaas sa presyo ng asukal ay
magbubunsod sa pagbaba ng demand sa kape sapagkat magbubunga ito
ng pagbaba sa dami ng demand sa asukal.
2. Substitute Goods – mga produktong pamalit sa isang kalakal at maaaring
magkaroon ng alternatibo. Maituturing na substitute goods ang sampalok
at kamyas. Kapag bumaba ang presyo ng sampalok, ang demand sa
kamyas ay bababa dahil mas nanaisin ng mga konsyumer na bilhin ang
sampalok kumpara sa kamyas.

Retrieved from https://jackiekchantal.weebly.com/ on May 31, 2020

F. Pagpapautang – ang pagkakaroon ng access sa pautang ay makapag-


papataas ng demand sa kasalukuyan ngunit makapagpapababa naman sa
hinaharap. Ang pangungutang ay magbibigay ng salapi sa tao na
magpapalakas ng demand nito sa isang produkto. Sa kabiland banda,

8
muling liliit ang demand nito sa mga susunod na panahon dahil sa
pagbabayad nito ng salaping hiniram.

Retrieved from https://webstockreview.net/explore/bank-clipart-lender/on May 31, 2020

G. Ekspektasyon – ang inaasahan ng mga mamimili sa magiging galawsa


presyo at dami ng produkto sa pamilihan dulot ng isang pangyayari o
kaganapan ay nakapagpabago sa demand nito sa isang kalakal. Halimbawa,
ibinalita na mas mataas ang presyo ng manok sa susunond na linggo dahil
sa mataas na gastusin ng mga poultry raisers. Kaya ang demand sa manok
ngayon ay tataas samanatalang ito ay bababa sa susunod na linggo.

Epekto ng mga Salik na Presyo at Di-Presyo sa Kurba ng Demand


Maipapakita ang epekto ng mga salik na presyo at di-presyo ng demand sa
tulong ng pagsusuri sa kurba ng demand nito.
A. Paggalaw sa Iisang Kurba (Movement Along the Curve)
Batay sa graph, makikita ang epekto ng pagbabago ng presyo sa
kurba ng demand. Kapag ang presyo ay bumababa, ang dami ng demand ay
tataas. Sa kabilang banda, kapag ang presyo naman ay tumataas ang dami
ng demand ay mababawasan.

B. Paglipat ng Kurba (Shift in the Demand Curve)


Ipinapakita ng graph ang pagbaba ng demand sa alcohol dulot ng
pagbabago ng isang salik na di-presyo. Ang pagbaba ng demand ay
makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa mula D1
patungong D2. Ang pagbaba ng presyo ng hand sanitizer, pagkakatuklas ng
gamot at bakuna laban sa COVID-19, pagbaba ng kita ng mga tao o pagkalat

9
ng pekeng alcohol sa pamilhan ay ang mga posibleng sanhi ng pagbabagong
ito sa demand curve.

Sa susunod na graph ay mapapansin ang pagpataas ng demand sa


alcohol dulot ng pagbabago ng isang salik na di-presyo. Ang pagtaas ng
demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan
mula D1 patungong D2. Ang paglobo sa bilang ng may COVID-19, pagtaas
ng kita ng mga tao, pagbaba sa presyo ng face mask o panawagan ng
pamahalaan sa madalas na paggamit nito ay ang mga posibleng dahilan sa
paglipat ng kurba ng demand pakanan.

Pagbabago sa Presyo at Dami ng Demand


Ipinakikita ng sitwasyon A ang epekto ng pagtaas ng demand sa alcohol sa
magiging presyo nito. Makabibili noon ang konsyumer ng 10 bote ng alcohol sa
presyong Php 50 ngunit dahil sa pagtaas ng demand dulot ng salik na di-presyo,
mabibili na ito ng mamimili sa halagang Php 60.

10
Sa sitwasyon B naman makikita ang epekto ng pagbaba ng demand sa
alcohol. Kapansin-pansin na mula Php 50 ay naging Php 40 na lamang ang presyo
nito sa daming 10 bote.
Maliban sa presyo ay may iba pang mga salik na di-presyo ang
nakaiimpluwensiya sa planong pagkonsumo ng isang mamimili o demand. Laging
tatandaan na ang epekto ng presyo sa kurba ng demand ay ang paggalaw nito sa
iisang kurba samantalang ang paglipat ng kurba ng demand ay dulot ng mga
pagbabago ng mga salik na di-presyo.
Bilang isang matalinong konsyumer, paano ka tutugon sa mga pagbabagong
dulot ng mga salik na ito na may malaking kinalaman sa iyong pagkonsumo?
1. Maging matalino sa paggasta sa pamamagitan ng paglalaan ng tamang
badyet para sa mga pangangailangan;
2. Maging mapamaraan sa paghahanap ng pamalit o alternatibo sa
produktong nais bilhin upang mas makatipid;
3. Tayahin ang epekto ng mga pagbabago ng mga salik na nakaaapekto sa
demand kung ito ay nakabubuti o hindi bilang isang mamimili; at
4. Kilalanin at suriin ang uri ng mga produktong bibilhin na makatutulong
sa matalinong pagdedesisyon sa paggamit ng salapi.

11
Para sa online ng mga nilalalaman ng aralin, maaring bisitahin ang mga link na ito:
https://www.slideshare.net/alphonseanunciacion/mga-salik-na-nakaaapekto-sa-demand
https://www.slideshare.net/alphonseanunciacion/m2-a1-demand

MGA GAWAIN
Larawan mula sa: https://www.pinterest.ph/pin/392024342552301210

Gawain 1.1: Video Analysis


Layunin: Matukoy ang mga salik na nakaapekto sa demand at ang kaibahan ng
mga ito sa magiging epekto nito.
Kagamitan: Learning Tablet/Laptop, Ballpen at Papel
Panuto: Sa tulong ng link na https://www.youtube.com/watch?v=xa9bauhvCm4,
panoorin ang maikling video at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Para sa walang
access sa online, maaring suriin na lamang ang graphic organizer na naayon sa
nilalaman ng audio-visual presentation.

12
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

Presyo Di-Presyo
(Paggalaw sa Iisang Kurba) (Paglipat ng Kurba)

Panlasa Kita Populasyon

Okasyon Inaasahan
Presyo ng Kaugnay
na Produkto

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Anu-ano ang salik na nakaaapekto sa demand ng isang mamimili?
2. Alin sa mga salik na ito ang higit na nakaaapekto sa demand ng isang
mag-aaral na katulad mo? Bakit?
3. Paano nagkakaiba ang salik na presyo at mga salik na di-presyo sa
usapin ng epekto nito sa kurba ng demand?

Gawain 1.2: Sari-Suri


Layunin: Masuri ang epekto ng pagbabago ng mga salik na presyo at di-presyo sa
presyo at dami ng demand ng isang produkto.
Kagamitan: Learning Tablet/Laptop, Ballpen at Papel
Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba at tukuyin ang magiging epekto nito sa
kurba ng demand at preyo ng produkto. Bisitahin ang link na https://www.wolfram
cloud.com/objects/demonstrations/ShiftsInTheDemandCurve-source.nb upang maisaga-
wa ang naturang pagsusuri. Para sa offline, maaring gumuhit na lamang ng kurba
ng demand sa bawat sitwasyon na nagpapakita ng epekto ng mga salik ng demand.

Pagbabago Epekto
Sitwasyon Produkto sa Demand Direksyon sa Presyo

1. Umento sa Sahod ng
Manggagawa Sardinas

2. Paparating na Bagyo
sa Bansa Tinapay

3. Pagkakaloob ng Job Leather Bag


Promotion

13
4. Pagbaba sa Presyo ng Electric Fan
Airconditioner
5. Paglunsad ng “Balik Isda
Probinsya Program”

Para sa karagdang kaalaman tungkol sa aralin, maaring bisitahin ang mga link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=Enz6z9jGmsk
https://www.youtube.com/watch?v=M5RWu25M9BI

Binabati kita sa kahusayan at dedikasyon na ipinamalas


mo sa pagsagot sa mga gawaing inatas ko sa iyo. Ito ay
nagpapatunay na kaunting pagsusumikap na lang ang iyong
ilalaan upang lubusang makamit ang mga nabanggit na layunin
sa araling ito. Ipagpatuloy mo ang magandang nasimulan!

TANDAAN
Larawan mula sa: https://www.clipartmax.com/middle/m2H7H7G6d3d3m2G6_freephotos-vector-images-thinking-brain-machine-brain-clipart//

 Ang demand ay nagpapakita ng isang human behavior tungkol sa planong


pagkonsumo na posibleng naaapektuhan ng iba’t ibang mga salik na presyo
at di-presyo.
 Paggalaw sa iisang kurba ang magiging epekto ng pagbabago sa presyo ng
isang produkto sa demand ng isang mamimili.
 Ang presyo at dami ng demand ay mayroong di-tuwirang relasyon alinsunod
sa isanasaad ng batas ng demand.

14
 Nailalarawan ng mga konsepto ng income effect, substitution effect at law of
diminishing marginal utlity ang di-tuwirang relasyon ng presyo sa dami ng
demand.
 Nakaaapekto rin ang mga salik na di-presyo tulad ng kita, panlasa, dami ng
konsyumer, presyo ng magkaugnay na produkto, ekspektasyon, pagpa-
pautang at iba pa sa pagpapasya ng konsyumer sa kanyang planong
pagkonsumo sa pamamagitan ng paglipat ng kurba ng demand pakanan o
pakaliwa.
 Ang normal goods ay ang mga kalakal na tumataas ang demand kasabay ng
pagtaas ng kita samantalang inferior goods naman kung sa pagtaas ng kita
ng tao ay magbubunga ng pagbaba ng demand.
 Ang complementary goods ay mga produktong binibili rin sa pagbili ng isa
pang produkto samantalang maituturing na substitute goods ang mga
produktong pamalit sa isang kalakal at maaaring magkaroon ng alternatibo.
 Mahalagang ilapat ang kaalaman sa mga uri ng produkto tulad ng normal
goods/inferior goods at complementary goods/substitute goods upang mas
makabuo ng isang rasyonal na desisyon hinggil sa mga pagbabago ng salik
na nakaapekto sa demand.
 Ang paglipat ng demand curve pakanan ay magbubunga ng pagtaas sa
presyo ng produkto na nakapagbibigay ng problema sa mga mamimili. Sa
kabilang banda, ang paglipat ng demand curve pakaliwa ay magdudulot
naman ng pagbaba sa presyo ng produktong binibili.
 Maging matalino sa pagbabadyet ng limitadong kita at higit na dapat
isagawa ang paghahanap ng pamalit o alternatibo sa mga produktong may
mataas na presyo upang makatugon sa mga negatibong epekto ng mga salik
ng demand.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-transparent-background-png-clipart-npevr

Para sa bahaging ito, atin pang payayabungin ang iyong kaalaman sa


araling ito sa pamamagitan ng mga gawain na lubusang makapagpapatunay sa
iyong kagalingan sa larangan ng Ekonomiks.

Gawain 2: GCQ - Galing ng Consumer Quotes!


Layunin: Makagawa ng isang campaign slogan o sipi na nagpapakita ng mga
katangian ng isang matalinong konsyumer.
Kagamitan: Learning Tablet/Laptop, Ballpen at Papel

15
Panuto: Mag-isip at lumikha ng isang campaign slogan o sipi na nagpapakita ng
mga katangian at mga dapat gawin ng isang matalinong mamimili sa pagharap nito
sa mga pagbabago ng mga salik na nakaaepekto sa demand gamit ang iyong social
media account tulad ng facebook, twitter o instagram.

Gamitin ang hashtag na


#spendsmartly at #kosyumerific
upang mapalaganap ang mensahe.

Retrieved from
https://www.facebook.com/photo/?fbid=1919281941646
872&set= pcb.1919281444980255
on May 31, 2020

Ang paraan ng pagmamarka ay nakabatay sa rubriks sa paggawa ng isang


online campaign slogan na makikita sa ibaba:
Pinakamahusay May Kahusayan Nalilinang
Criteria
(10) (8) (5)

Komprehensibo, maayos Maayos at sapat ang Kaunti at kinakitaan


at tumpak ang bawat mga impormasyong ini- ng kakulangan at mali
Nilalaman
impormasyong inihayag. hayag. sa mga impormasyong
inihayag.

Kaugnayan sa Malinaw ang mga ideya Akma ang nilalaman ng Hindi gaanong akma
at akma ang nilalaman awput sa paksa. ang ilang nilalaman ng
Paksa
ng awput sa paksa. awput sa paksa.

Labis ang pagkama- Malikhain at kaaya-aya Maituturing na simple


Pagkamalikhain likhain at kaayusan ng ang mga disenyong ipi- ang mga disenyong ipi-
mga disenyong ipinama- namalas sa awput. namalas sa awtput.
las sa awput.

PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Larawan mula sa: https://www.hiclipart.com/free-transparent-background-png-clipart-ogrow

Panuto: Multiple Choice. Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang
pinakawastong sagot. Titik lamang ang isulat.
1. Ano ang tawag sa mga produktong binibili ng magkasama na may
kaugnayan sa isa’t isa tulad ng asukal at kape, medyas at sapatos at
kutsara at tinidor? (Remembering)
A. Complementary Goods
B. Normal Goods
C. Inferior Goods
D. Substitute Goods

16
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na paggalaw sa kurba ng
demand? (Understanding)
A. paggalaw sa iisang kurba dahil sa pagtaas ng presyo ng produkto
B. paggalaw sa iisang kurba dahil sa pagbabago ng salik na di-presyo
C. paglipat ng kurba ng demand pakanan dahil sa pagtaas ng bilang ng
mamimili
D. paglipat ng kurba ng demand pakaliwa dahil sa pagliit ng kita ng mga
mamamayan
3. Napansin ni Alden na karamihan sa kanilang mga kapitbahay ay mga
mahihirap at nakatatangap lamang ng maliit na kita o kung minsan ay wala
pa. Ano kaya ang mainam na itinda upang siya ay magkaroon ng malaking
tubo? (Applying)
A. substitute goods gaya ng pantalon at shorts
B. normal goods tulad ng damit, gadgets at sapatos
C. inferior goods gaya ng sardinas, instant noodles at tuyo
D. complementary goods tulad ng iba’t ibang uri ng alahas
4. Habang papalapit ang kapaskuhan, napansin ni Maine na tumataas ang
presyo ng hamon dahil na rin sa pagdagsa ng mga mamimili sa mga
supermarket. Ano ang mahihinuha rito? (Analyzing)
A. tumaas ang presyo nito dahil sa kakulangan sa pamilihan
B. tumaas ang presyo nito dahil sa pagdaraos ng kapaskuhan o okasyon
C. tumaas ang presyo nito dahil ito ang normal na galaw sa pandaigdigang
merkado
D. tumaas ang presyo nito dahil sa paniniwalang ito ay mas masarap
kumpara sa dati
5. Isang saleslady si Grace at kasama sa kanyang trabaho ang madalas ng
paggamit ng lipstick para makatulong sa pagbebenta ng kanyang produkto.
Noong una ay bumibili siya ng isang lipstick sa presyong Php 200. Ang
presyo nito ay bumaba at nakabili na siya ng dalawang pirasong lipstick.
Ano ang mahihinuha sa sitwasyon? (Analyzing)
A. kapag nagmahal ang lipstick mas marami siyang nais bilhin
B. mas gusto ng tao ang pagkonsumo ng magkakaibang produkto
C. nais niya na lumipat nang ibang kalakal dahil sa pagbabago sa presyo
D. nakabili ng mas maraming lipstick kahit hindi nagbago ang kanyang kita
6. Pumunta si Grey sa palengke at nakita niyang nagmahal ang presyo ng
patis. Ano ang mangyayari sa kanyang demand sa produktong asin?
(Analyzing)
A. Bababa C. Pabago-bago
B. Tataas D. Walang Pagbabago
7. Paborito ni Gwen ang pag-inom ng softdrinks, laking gulat niya na
nagkaroon ng mabilis na pagtaas sa presyo nito. Ano ang maari niyang
gawin hinggil sa pagkonsumo niya sa softdrinks? (Applying)
A. mag-ipon ng salapi upang makabili nito
B. magbenta ng softdrinks at samantalahin ang mataas na presyo nito
C. bumili ng marami pang softdrinks sa paniniwalang tataas ang kalidad
D. humanap ng pamalit o substitute upang makaiwas sa mataas na presyo

17
8. Ang salik na presyo ay may malaking kinalaman sa magiging dami ng
deman sa isang produkto. Ang mga sumusunod ay nagpapaliwanag ng di-
tuwirang relasyon ng P at Qd maliban sa… (Understanding)
A. Income Effect C. Law of One Price
B. Law of Diminishing Utility D. Substitution Effect
9. Ano ang epekto ng pagpapautang bilang salik na di-presyo na nakaaapekto
sa demand sa hinaharap? (Analyzing)
A. paggalaw sa iisang kurba dulot ng pagbabago ng presyo
B. paglipat ng kurba ng demand pakaliwa dahil sa pagbabayad utang
C. paglipat ng kurba ng demand pakanan dahil sa natamong karagdagang
salapi
D. walang epekto sapagkat hindi nito maaapektuhan ang kakayahan ng
mamimili sa pagbili ng isang produkto
10. Ibinalita sa radyo ang napipintong pagtaas sa presyo ng mga produktong
petrolyo sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na matinding sigalot sa
Gitnang Silangan. Bilang pagtugon dito karamihan sa mga may-ari ng
sasakyan ay maagang nagpagasolina. Anong salik na di-presyo ang ipinakita
sa sitwasyon? (Remembering)
A. Ekspektasyon C. Pagpapautang
B. Kita D. Panlasa/Kagustuhan

Napatunayan mo sa iyong sarili na ikaw ay karapat-


dapat na hiranging bilang isang tunay na “Batang
Ekonomista!”
Hangad ko na ang mga kaalaman na iyong nakuha ay
iyong isabuhay at ibahagi sa iba upang lalo pang
mapayabong ang pang-ekonomikong aspeto ng ating
buhay. Binabati kita!!!

SANGGUNIAN

Larawan mula sa https://www.pngkit.com/view/u2q8w7y3e6y3a9r5_books-clip-art-4-books-clipart/

Mga Aklat:
 Deped’s Learners Module (2015) Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-Aaral (1st Edition).
Vibal Group, Inc. Pasig City, Philippines.
 Balitao, B. R. et al. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City. Vibal Publishing Inc.
 Nordhaus, William and Samuelson, Paul. (2006). Economics. 18th edition. Boston. McGraw-Hill

Other Printed Materials


 Deped’s Most Essential Learning Competencies (2020)

18
Online Sources:
 https://webstockreview.net/explore/text-border-png/
 https://www.clipart.email/clipart/light-bulb-idea-clipart-transparent-288115.html
 https://www.stickpng.com/img/icons-logos-emojis/question-marks/red-yellow-question-mark
 https://pixabay.com/images/search/thumbs%20up/
 https://clipartlook.com/img-239039.html
 https://www.clipart.email/clipart/trophy-clipart-winner-242238.html
 https://www.ecomparemo.com/info/filipinos-are-said-to-be-third-most-confident-consumers-in-the-
world/
 https://depedbatangas.org/news/k-to-12-implementation-training-workshop-equips-21st-century-
educators/
 https://www.foodnavigator-asia.com/Article/2020/03/27/Stop-COVID-19-hoarding-Indonesian-police-
and-Philippines-government-order-purchase-limits
 https://www.untvweb.com/news/price-drop-in-commercial-rice-starts-in-metro-manila-markets/
 https://www.gmanetwork.com/news/money/personalfinance/288077/analysts-see-stronger-peso-at-39-
1-in-2013/story/
 https://www.mckinsey.com/featured-insights/asia-pacific/how-filipino-consumer-businesses-can-boost-
performance
 https://health.sunnybrook.ca/cancer/mood-doesnt-affect-cancer-outcome/
 https://www.theguardian.com/commentisfree/2018/jun/24/parting-a-rich-fool-and-his-money-childs-
play-david-mitchell
 https://filipinotimes.net/tag/filipino-products/
 https://marketbusinessnews.com/financial-glossary/substitute-goods-definition-meaning/
 https://jackiekchantal.weebly.com/
 https://webstockreview.net/explore/bank-clipart-lender/
 https://www.dreamstime.com/illustration/increase-decrease.html
 https://www.festisite.com/rebus/
 https://clipartstation.com/weighing-machine-clipart-8/
 https://dlpng.com/png/391951
 https://www.facebook.com/photo/?fbid=1919281941646872&set=pcb.1919281444980255
 https://memegenerator.net/instance/67919549/heneral-luna-bayan-o-sarili-pumili-ka
 https://www.thebalance.com/five-determinants-of-demand-with-examples-and-formula-3305706
 https://www.thebalance.com/law-of-demand-definition-explained-examples-3305707
 https://www.thebalance.com/shift-in-demand-curve-when-price-doesn-t-matter-3305720
 https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/01/24/1987362/batas-sa-dagdag-buwis-
sa-alak-e-cigarettes-pirmado-na-ni-duterte
 https://news.abs-cbn.com/news/06/02/20/liquor-ban-sa-maynila-mananatilisa-ilalim-ng-gcq
 http://www.senate.gov.ph/press_release/2020/0201_marcosi1.asp
 https://www.festisite.com/rebus/
 https://sample.solutions/sample-solutions-at-research-and-results-munich/
 https://www.istockphoto.com/vector/instant-noodle-cup-add-egg-vector-gm629614110-112085483

Management and Development Team


Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Eduardo B. Tan / Alex P. Mateo


Writer/s: Alphonse B. Anunciacion
Susi sa Pagwawasto
Larawan mula sa https://www.clipartmax.com/middle/m2i8i8b1H7d3G6N4_lock-clipart-open-lock-lock-unlock-icon-free/

Aralin 1 – Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

Unang Pagsubok Balik-Tanaw Pangwakas na


Pagsusulit
1. Thumbs Down 1. Demand Curve
2. Thumbs Down /A 1. A
3. Thumbs Up 2. Microeconomics 2. B
4. Thumbs Up /D 3. C
5. Thumbs Down 3. Batas ng 4. B
6. Thumbs Up Demand /B 5. D
7. Thumbs Down 4. Presyo / E 6. B
8. Thumbs Up 5. Ceteris Paribus 7. D
9. Thumbs Down /F 8. C
10.Thumbs Up 9. B
10.A

20
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: _____________

Paaralan: _________________ Petsa:____________ Guro sa AP: ________________

Kwarter Blg:2 Modyul Blg.:2 Linggo Blg.: 2

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto at salik


na nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw na pamumuhay. (Week 1-2)
Layunin: Matalakay at makapagbigay ng pagtataya tungkol sa mga pagbabagong
naganap sa demand dahil sa mga salik na nakaaapekto rito sa pamamagitan ng
pagsuri sa kurba ng demand.
Paksa: Mga Salik na Nakaapekto sa Demand

Gawain 1: I’ll Demand a Story!


Gumawa ng isang maikli ngunit komprehensibong kwento tungkol sa isang
produkto sa tulong ng pagsuri sa demand curve nito. Isaalang-alang ang mga
bagay na ito sa pagsusulat.
 Magbigay ng isang salik na nakaapekto sa nasabing kalakal.
 Tukuyin ang pagbabagong naganap sa kurba ng demand.
 Itaya ang magiging epekto nito sa presyo at dami ng demand.
 Magtala ng pinakamainam mong hakbangin upang tugunan ang
nasabing sitwasyon o suliranin.
 Ipamalas ang pagiging malikhain sa pagdibuho ng kwento.

1.
2.

3.

You might also like