Lesson Plan 3
Lesson Plan 3
Lesson Plan 3
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Sangay ng Lungsod ng Lipa
I. Layunin
Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng mga opinyon.
II. Nilalaman
Paksa: Mga Uri ng Pang-ugnay.
Sanggunian: Panitikang Asyano (Baitang9) (pp. 58-60)
Kagamitan: Powerpoint presentation
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid aralan
4. Pagtatala ng liban
B. Pagbabalik aral
(Ang guro ay magtatanong tungkol sa nakaraang aralin)
C. Pagganyak
Ang guro ay may inihandang laro na pinamagatang “Pasa Mo, Kahon Ko”.
May mga kahon na naglalaman ng mga tanong. Kasabay ng tugtog ay pagpapasa-
pasahan ito at kapag tumigil ang kanta, ang sino mang mag-aaral na may hawak
ng kahon ay bubunot at sasagutin ang mga katanungan. Handa na ba kayo?
D. Aktibiti
Suriin ang halaw na bahagi ng dalawang sanaysay at suriin kung alin ang pormal
at di-pormal.
Sanaysay 1
Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo sinanay na tayo sa mga
nilalang na hindi naman natin nakikita: kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak,
multo, at mangkukulam. Mga lamang lupa raw ang tawag ditto. Nagtataka ako
kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas, at luya. Mga lamang lupa rin
naman iyon.
Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng nanay na masarap ang lasa ng gamut
para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentelpen o panis na mantika. Para
mapainom ka, kailangang pagsinungalingang pagkakasarap-sarap ng gamut kahit
pati sila kapag umiinom nito ay nagkakangiwi na rin sa simangot. At may batok
ka galing kay tatay kapag niluwa mo at isuka. Saying ang ipinambili ng gamut.
Sanaysay 2
Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance upang mapanatili nito ang
kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ang nagdidikta sa kaayusan o
pagiging balance n gating kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng
pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira dito sa ating planeta. Hindi lamang
ang mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga
hayop at halaman na kasama nating namumuhay dito ay nangangailangan din ng
mabuting pamumuhay. Kung hindi mapapanatili ang balance ang sistema nito,
maaaring magdulot ito ng mga problema hindi lang sa ating panahon kundi pati
narin sa mga panahong darating. Ayaw nating lahat na dumating ito at magdusa
ang lahat. Gusto nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo
upang tayong lahat na nabubuhay rito ay magkaroon ng maligaya at malinis na
pamumuhay. Sa mga basurang tinatapon ng walang kontrol sa araw araw, dahan
dahan nating sinasara ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating
ginagalawan. Ngunit may panahon pa para magbago an gating nakasanayan.
Maaari pa nating gawan ng solusyon ang lumalalang problema sa basura na likha
ng mga ito.
Tanong:
1. Batay sa anyo at paraan ng pagpapahayag alin ang mauuri mong sanaysay na
pormal? Di-pormal?
(Pagtatalakay ng ibat-ibang uri ng mga pang-ugnay)
E. Analisis
Basahin ang mga pahayag mula sa akdang binasa, isa-isahin ang mga pang-
ugnay na ginamit sa mga pangungusap. (Pagpapabasa)
Mga tanong:
1. Anu-ano ang mga pang-ugnay na ginamit sa mga pangungusap?
2. Sa inyong palagay, maayos bang naipahayag ang mga kaisipan at ideya sa
tulong ng mga pang-ugnay na ginamit?
F. Abstraksyon
Panuto: Salungguhitan ang mga pang-ugnay sa pangungusap at tukuyin kung ito
ay pangatnig, pang-angkop, at pang-ukol.
Halimbawa: Ang kanyang nilutong tinola ay para sa lahat. Pangukol
1. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag isa, magaral, hindi para
mapasailalim sa sino man.
2. Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga
kababayan ang lahat ng mga institusyon namin.
3. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European
na mabago ang pasyang ito ng magulang ko para sa akin.
4. Sa wakas nakita kong muli ang mundo sa labas nang akoy maglabing-anim na
taon.
5. Wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t
nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga
lumang tradisyong hindi maaaring suwayin.
6. Siya rin ang nagbukas ng pinto para sa mga panauhin.
7. Buong lungkot na pinagalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
8. Alam kong maaaring dumating sya ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo
hanggang apat na henerasyon.
9. Ibig na ibig kong makakilala ng isang babaeng moderno, iyong babaeng
Malaya.
10. Samantala kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong
makapag-aral dahil sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon.
G. Aplikasyon
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Panuto: Suriin ninyo ang isang komentaryo at iisa-isahin ang mga pang-ugnay na
ginamit dito. Tukuyin kung ang mga pang-ugnay na ginamit ay pangatnig, pang-
angkop, pang-ukol.
Pangkat 2
Panuto: Magbahagi ng sariling opinyon tungkol sa “Mga Bagay na Aking
Kinatatakutan”. Gamit ang mga Pangatnig na maging, subalit, ngunit, bago,
upang, dahil sa, datapwat,
Pangkat 3
Panuto: “Ang mga Pagsubok sa Buhay”. Gamit ang mga pang-ukol na para sa,
ayon kina, para kay, tungkol sa, na, may, para kay, ayon kay.
Pangkat 4
Panuto: “ Ang Magagawa ng mga Kabataan sa Bayan”. Gamit ang mga pang-
angkop na na, ng, g.
IV. Ebalwasyon
Panuto: Buuin ang mga pahayag mula sa talata gamit ang mga pang-ugnay upang
mabuo ang opinyong inilahad tungkol sa mga kababaihan. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
V. Takdang-aralin
1. Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng 4 hanggang 8 pangungusap tungkol
sa “Paraan ng Pamamalakad ng Pangulong Rodrigo Duterte”. Gumamit ng 10
Pang-ugnay.
Inihanda ni:
MA. TERESA A. PADUA
Gurong Nagsasanay
Iwinasto ni:
MRS. MARIBETH Q. ENRIQUEZ
Gurong Tagapagsanay