Ap10 Q2 LC7 SLM7

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

10

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 7:
Mga Isyu
- sa Paggawa

( )
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Self-Learning Moduule
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Isyu sa Paggawa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Jick E. Octavio, Maria Ivy G. Vallente, Glenda N. Dinoy at Cherry Ann J.Gevero
Editor: Racquel O. Regidor
Tagasuri: Judith B. Alba
Tagaguhit: Patrick Ebuetada
Tagalapat: Joel P. Andres Jr, Maylene F. Grigana
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CEO VI - Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang -ug – REPS, ADM
Johnny Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Donna S. Panes, PhD CID Chief
Elizabeth G. Torres – EPS, LRMS
Judith B. Alba – EPS, ADM Coordinator
Judith B. Alba – EPS, Araling Panlipunan
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of –
Education SOCCSKSARGEN Region
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: [email protected]
10

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan –
Modyul 7:
Mga Isyu sa Paggawa

)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul para sa araling mga Mga Isyu sa Paggawas
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

iv
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Self-Learning Module (SLM)
Modyul ukol sa Mga Isyu sa Paggawa
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming


paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

v
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan
sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian. Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang


anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng sumusunod: Mababang Pasahod,
Kawalan ng seguridad, Job Mismatch at Kontraktuwalisasyon.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin, ito ay ang mga:

• Aralin 1- Isyu sa Paggawa


• Aralin 2- Idinulot ng Globalisasyon sa Paggawa
• Aralin 3- Hamon at Suliranin sa Paggawa
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naisa-isa ang mga hinaharap ng iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon


sa paggawa ng mga Pilipino
2. Natutukoy ang maraming idinulot ng globalisasyon sa paggawa, at
3. Nasusuri ang mga kasanayan para sa ika 21-siglo.

Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.

1. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng pangingibang bansa o


pagmigrate ng mga Pilipino?

a. Makapag-aral sa mga tanyag na unibersidad sa ibang bansa


b. Matuto ng makabagong kasanayan at kakayahan
c. Makapaghanapbuhay na may mataas na sahod
d. Makapagbisita at makapaglibang sa mga makasaysayang pook. Ito ay
tumutukoy sa pagkakaroon ng kaibahan sa klima?

2. Isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang makita o


mapasukang trabaho.
a. Underemployment c.Unemployment
b. Employment d.Brain drain

7
3. Isang kondisyon kung saan may trabaho ang isang manggagawa pero hindi
tugma sa kanyang tinapos na kurso.
a. Underemployment c. Unemployment
b. Employment d. Brain drain

4. Marami sa mga pamilya ng OFWs ay nakakaranas ng pangungulila sa kanilang


kaanak na humahantong sa pagkawasak nito. Paano kaya sila matutulungan?
a. Makisimpatya sa kanila.
b. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa
kanila.
c. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kaanak.
d. Bigyan sila ng sulat isa-isa.

5. Malimit hindi nababanggit ang epekto ng migrasyon paggawa sa tatanggap o


nagpapadala ng lakas paggawa. Alin sa mga pahayag na ito ang nagsasaad na
nakakabenepisyo ang papapadala at pagtanggap ng migranteng manggagawa?
a. Ito ay isang one-way flow na pabor sa bansang nagpapadala.
b. Ang migranteng manggagawa ay isang asset sa nagpapadala at
tumatanggap na bansa kahit saan man sa mundo.
c. Ang mga migranteng manggaggawa ay pasanin ng tumatanggap na
bansa.
d. Napeperahan

6. Suriin ang larawan na nasa ibaba. Paano nakaapekto ang globalisasyon sa


lokal na kultura ng mga bansa lalo na sa mga bansang papaunlad pa lamang
tulad ng Pilipinas?

a. Ang pandaigdigang migrasyon ay nakakapagdudulot ng brain drain sa


mga bansang papaunlad pa lamang.
b. Ang pandaigdigang kalakalan ay nakakapagsusulong ng kamulatan sa
ibat-ibang kultura.
c. Ibat-ibang uri ng hanapbuhay ang napupunta sa mga bansang
papaunlad pa lamang.
d. Ang mga katutubong kultura ay hindi na mawala dahil sa pag-iisa ng
kultura ng mga bansa sa daigdig na bunga ng globalisasyon.

8
7. Dahil globalisasyon, marami ang nagiging kakompetensiya ng mga karaniwang
kalakal ng mga maliliit na negosyante. Bilang economic adviser ng Pangulo,
ano ang maimumungkahi para matulungan sila?
a. Hayaan silang magbenta kahit saan nila gusto.
b. Huwag silang magbayad ng buwis upang lumaki ang kita sa negosyo.
c. Gumawa ng programang maglalaan ng karagdagang pondo upang
makipagsabayan sa mga dayuhan.
d. Gumawa ng anunsiyo na hayaan na lamang magnegosyo ang mga
dayuhan sa kanilang lugar.

8. Ayon sa POEA (Philippine Overseas Employment Administration) ngayon ay


tinatayang 2,000 araw-araw ang mga Pilipino na umaalis ng bansa sa
pamamagitan ng ang 1600 opisyal na ahensiya sa emigration, at bawat taon ay
umaabot ng 1.3 milyong Pilipino ang nagtutungo ng ibang bansa. Ano ang
maaaring hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang mga
manggagawang Pilipino?
a. Gumawa ng mga polisiyang proprotekta sa mga manggagawang Pilipino
sa ibayong dagat.
b. Tanggapin nang malugod ang mga donasyong ibinibigay ng mga OFW at
OCW sa mga nasalanta ng kalamidad.
c. Maging mahigpit sa mga remittances ng mga Pilipino.
d. Hayaan silang pagmalupitan at makulong sa ibang bansa

9. May okasyon ng pagsasama-sama ng mga ahensya na tumutugon sa mga


problema sa lakas paggawa. Inimbitahan kang maging kritiko sa isang
paligsahan sa pinaka-tumpak na Labor Developmental Plan ng mga presenters.
Paano mo susukatin ang isang matalino at matatag na developmental plan?

a. Dami ng pamamaraan ng paglutas


b. Dami ng mga kasangkot na ahensya at sangay ng pamahalaan
c. Kaangkupan, nilalaman at organisasyon nito
d. Kakapalan, kagandahan at presentasyon nito

10. Ang ating bansa ay mayaman sa mga agrikultural na produkto. Ang ating
pangulo ay nagnanais na paigtingin ang agrikultura ng ating bansa upang
makasabay ang ating bansa sa mga hamon ng globalisasyon. Ikaw ay isang
kawani ng Department of Agrarian Reform, ano ang maari mong maimungkahi
sa pangulo na siyang makakatulong sa pagpapaunlad ng ating agrikultura?
a. Pag-aralin ang mga magsasaka upang lumawak ang kanilang kaalaman
sa pagsasaka.
b. Magkaroon ng pangmatagalang programa para sa magsasaka na
nagbibigay sa kanila ng pondo upang makabili ng sapat na pataba, butil
at makabagong teknolohiya upang maparami ang kanilang ani.
c. Mamahagi ng lupa sa mga magsasaka upang lumaki ang kita nila
d. Bigyan pa ng iba pang hanapbuhay ang mga magsasaka upang
magkaroon sila ng sapat na kita para sa kanilang kabuhayan.

Natapos mo ang unang pagsubok sa araling ito. Huwag kang mag-alala


kung tama man o mali ang iyong naging kasagutan. Sa pagpapatuloy mo sa pag-

9
aaral ng paksang ito mapagtitibay mo ang iyong tamang sagot at maiwawasto ang
maling konseptong nabuo.

Aralin

1 Isyu sa Paggawa

Ang mga problema sa paggawa tulad ng nagbubunyag ng kadena ng mga


sanhi at epekto na nag-uugnay sa pang-ekonomiya, pampulitika at kulturang mga
kadahilanan isang komprehensibong pagsusuri ng mga problemang ito ang maaring
magbigay ng kasangkapan sa mga manggagawa, kaya may pangangailangan na
maunawaan ang istruktural at moral na batayaan ng mga isyu.

Mga Isyu ng Manggagawa

1. Mababang sahod
2. Kondisyon ng Paggawa
3. Hindi Makataong Pagtrato
4. Walang Seguridad sa Trabaho
5. Underemployment
6. Diskriminasyon
7. Kawalan ng Organisadong Unyon

Balikan

1. Ano-ano ang isyu na kinahaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan?


2. Paano nakakaapekto ang mga isyu sa paggawa ng mga manggagawa sa
kasalukuyan?

10
Mga Tala para sa Guro
Maaaring gamiting pantulong ang mga sumusunod:
Video links at mga channel sa TV tulad ng: PTV4, TV5, GMA7
Network, CNN Philippines, ABS-CBN, National Geographic
Discovery Channel, etc. .

Tuklasin

Ano ang mga Isyu sa Paggawa?

Kung ang manggagawa ay tatanggalin sa trabaho (hindi lamang ang mga regular na
empleyado, kasama rin ang mga part-time at ang mga humigit sa 14 na araw ang
pagtatrabaho) ay patakaran na ipagbigay-alam ng may-ari ng kumpanya sa
manggagawa ang gagawing pagtanggal bago ang isang buwan, o kinakailangang
bayaran ang manggagawa ng halagang kita sa 1 buwan (ito ang tinatawag na
Dismissal Notice Allowance).

Gawain 1: Halina’t Tuklasin, Trabaho sa’tin!

PANUTO: Alamin ang mga uri ng trabaho na makikita sa sariling munisipalidad ayon
sa sektor na kinabibilangan. Isulat sa graphic organizer ang mga napag-alaman.

Sektor ng Agrikultura Sektor ng Industriya Sektor ng Serbisyo


Hal. Pagsasaka Hal. Call Center Hal. Teacher
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
Mga gabay na tanong:

1. Ano ang iyong nahinuha sa mga natuklasan na trabaho sa iyong


komunidad?

2. Sa aling sektor ang mas maraming nagtatrabaho? Bakit?

3. Pumili sa kahit anong trabaho, ano ang mga maaaring dahilan ng


mga suliranin sa paggawa?

11
Aralin
Dulot ng Globalisasyon sa
2 Paggawa

Suriin

Bilang kabahagi ng komunidad, mahalagang maging mulat ka sa mga ISYU NG


PAGGAWA.

Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment(DOLE) 2016 upang matiyak


ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang desinteng paggawa (decent
work), na naglalayong na magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa
anuman ang kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa.

Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa

Employment Pillar- Tiyakin ang Paglikha ng Sustinableng Trabaho, Malaya at


Pantay na Oportunidad sa Paggawa, at Maayos na Workplace para sa mga
Manggagawa.

Social Protection Pillar- Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga


sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa “proteksyon” ng
manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at oportunidad.

Worker’s Rights Pillar- Naglalayong palakasin at seguruhing ang paglikha ng


mga “Batas” para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng
mga manggagawa.

Social Dialogue Pillar- Palakasin ang laging “bukas na pagpupulong” sa


pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng
paglikha ng mga collective bargaining unit.

Kalagayan ng mga Maggagawa sa Iba’t-ibang Sektor

Sektor ng Agrikultura

Lubusang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang


naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Nagkakaroon din ng kakulangan
para sa mga patubig at suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda lalo na kapag
may mga nananalasang sakuna sa bansa tulad ng bagyo, tagtuyot, at iba pa.

12
Pagconvert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdivision, malls, at
iba pang gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan, bagsakan ng mga
produkto mula sa TNC’s at ang patuloy na pagliit ng lupain agrikultural at ng mga
kabundukan at kagubatan. Ang pagkakaroon ng Tax incentives sa mga TNC’s,
Degerularisasyon sa mga polisiya ng Estado at pagsasapribado ng mga
Pampublikong Serbisyo.

Mga Industriyang Naapektuhan

Konstraksiyon, Telekomunikasyon, Beverages,Mining at enerhiya

Sektor ng Serbisyo

Mababang Pasahod sa mga manggagawang Pilipino, Malayang patakaran ng mga


mamumuhunan at samu’t-saring suliranin tulad ng overwork, mga sakit na
nakukuha mula sa trabaho lalo sa hanay ng mga maggagawa sa BPO at patuloy na
pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small Medium Enterprises (SME’s)

Eskimang Subcontracting

Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (Principal) ay


kumukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang
isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

Labor-Only Contracting- ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang


gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may deriktang
kinalaman sa mga gawain ng kompanya.

Job-Contracting- ang subcontactor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang


trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor.

Unemployment and Underemployment

1 milyong OFW ang lumalabas ng bansa taon-taon nagsimula ito noong dekada ‘70.
Ang mga OFW ang tinaguriang bagong bayani dahil sa kinikitang ipinapasok nito sa
bansa

Unemployment Underemployment
Ay isang kondisyon kung saa ang mga Ay may trabaho ka ngunit hindi sapat
manggagawa ay walang makita o ang perang sinasahod mo, o kaya’y
mapasukang trabaho hindi tugma ang trabaho na sa kurso
na tinapos mo

“Mura at Flexible Labor”

% isang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang kanilang


kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod
at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

Epekto ng Kontrakwalisasyon

Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benipisyo na tinatamasa ng


mga regular na empleyado

13
Ang Department Order 18-A ng DOLE 2011 ay naghahayag ng patakaran ng
Pamahalaan laban sa pagpapakontrata.

Mga Mahalagang Karapatan

Maraming mahalagang karapatan ng mga manggagawa, subalit ang


pinakamahalagang karapatan ng manggagawa na itinataguyod ng INTERNATIONAL
LABOR ORGANIZATION (ILO) ay ang sumusunod:

Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya
sa paghihimasok ng Pamahalaan at tagapangasiwa

Ikalawa, ang mga manggagagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang


bahagi ng grupo sa halip na mag-isa,

Ikatatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho lalo na ang
mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal
ang trabaho bunga ng pamimilit o “duress”.

Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.


Samakatuwid, mayroong minimum na edad at mga kalagayang pangtatrabaho
para sa mga kabataan.

Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho: Pantay


na sweldo para sa parehong trabaho.

Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at


ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat
walang panganib at ligtas.

Ikawalo, Ang sweldo ng manggagawa ay sapat at karapat dapat para sa


makataong pamumuhay.

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t-ibang anyo ng suliranin at


hamon sa paggawa tulad ng;

1. Mababang Pasahod
2. Kawalan ng seguridad
3. Job-mismatch
4. Kontraktuwalisasyon
Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:

1.Demand ng bansa para sa iba’t-ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa


na globally standard.

2.Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa


Pandaigdigang Pamilihan.

1. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon.


2. Dahil sa mas mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa
kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa
laban sa mga dayuhang produkto.

14
Kakayahan na makaangkop sa globally standard na paggawa.

Skills Educational Level


Basic writing, reading and arithmetic Elementary
Theoritical knowledge and working Secondary
skills
Practical knowledge and skills of works Secondary
Human relation skills Secondary
Work Habits Secondary
Will to work Secondary
Sense of responsibility Secondary
Social Responsibility Secondary
Ethics and Morals Secondary
Health and Hygiene Elementary

Pagyamanin

Pamprosesong Tanong:

1. Sinu-sinong manggagawa ang nakaranas ng hindi pantay na oportunidad at mas


vulnerable sa mga pang-aabuso?
2. Anu-anong hamon sa paggawa na kasalukuyang kinakaharap ng mga
manggagawang Pilipino?

Aralin
Hamon at Suliranin sa
3 Paggawa

Isaisip

Natukoy na natin ang problema at posibleng solusyon sa paggawa, magpasya kayo


kung aling problema ang may solusyon at anong kailangang gawin upang mabago
ito.

15
Isagawa

Maglathala ng mahalagang mungkahi upang malutas ang suliranin sa paggawa,


gamit ang POW TREE
Panuto: Pumili ng mungkahi na makatutulong upang malutas an suliranin sa
paggawa.
Bumuo ng mga notes at ideya para sa bawat bahagi ng TREE
T – Bumuo ng Topic Sentence nan aka pokus sa mga mungkahi para malutas ang
suliranin sa paggawa
R – Mabigay ng 3 dahilan / Reason na sumusuporta sa iyong Topic Sentence.
E – Ipaliwanag ang iyong dahilan o “Explain”
E – Bumuo ng pangungusap na bubuod ng iyon Topic Sentence
Wakasan ng isan kumpletong talata.

Tayahin

Gawain: Imbentaryo ng mga Manggagawa Kompletuhin ang hinihinging


impormasyon ng imbertaryo ng mga maggagawa sa iyong tahanan o sa iyong
pamilya.

Pangalan:_______________________Tirahan:________________________________________

Mekaniks: Punan ng tamang impormasyon ang hinihingisa bawat hanay.

A. Bilang ng mga Manggagawa sa Pamilya o Tirahan:

Pangalan Relasyon Edad Edukas- Natapos na Hanapbuhay Status


yon kurso Regular/
Kontraktuwal

16
B. Benipisyong Natatanggap:

SSS ____________________________ Iba pang benipisyo

Philhealth_________________

C. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho, anong


hanapbuhay ang nais mong pasukan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano-anong uri o kategorya ng manggagawa mayroon sa inyong tirahan o sa inyong


pamilya?

2. Ano-anong uri ng paggawa sila nabibilang?

3. May manggagawa ba sa inyong pamilya o tirahan sa kasalukuyan na


naghahanapbuhay na malayo o walang kaugnayan sa kanyang tinapos na pag-aaral?

4. Bakit may nagaganap na job-skills mismatch?

Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang liham ng pangako para sa inyong mga magulang o kapatid


na naghahanap-buhay.

Liham ng Pangako

Mahal kong ________,

________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Nagmamahal,

________________________________

17
18
Subukin
1. C
2. C
3. A
4. B
5. B
6. D
7. C
8. A
9. C
10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
DepEd AP10LM (Draft)
Kontemporaryong isyu.blogspot.com
Academia.edu/28635459/kontemporaryongIsyu
https://ph.images.search.yahoo.com

19
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul
sa ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng
puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893

You might also like