ARTS2M1 (Unang Markahan)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

2

Arts
Unang Markahan – Modyul 1:
Sining na kay Ganda
Arts – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Sining na kay Ganda
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Joann T. Del Rosario
Editor: Nelson Oliva
Tagasuri: Saturnino D. Dumlao
Tagaguhit: Danilo M. Dela Rosa
Tagalapat: Marita S. Geronimo
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, Ph.D
Nestor P. Nuesca, Ed.D
Felegina F. Bugay
Jose C. Tala, Ed.D
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Region III

Office Address: Matalino St.,Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
2

Arts
Unang Markahan – Modyul 1:
Sining na kay Ganda
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts-
Baitang 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Sining na kay Ganda!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay
ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Arts Baitang 2 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Sining na
kay Ganda!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na


dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman
mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

iii
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka


ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong
matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng


gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayain Ito ay gawain na


naglalayong matasa o
masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay


Gawain sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga


Pagwawasto tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat


ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng
modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa


paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag


lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

vi
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,


makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa kaugnay sa
mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng malawak


na imahinasyon, pagiging malikhain, talentado at
mahusay sa iba’t ibang larangan tulad ng masining na
paglikha. Patunay rito ang ilan sa mga tanyag na pintor
na gumamit ng iba’t ibang pamamaraan na talaga
namang maipagmamalaki ng ating bayan dahil ang
bawat likhang sining ng mga taong ito ay sumasalamin sa
makulay na kultura at kaugalian ng mga Pilipino.

Matututuhan mo sa modyul na ito kung sino-sino ang


mga tanyag na Pilipinong pintor at ang kani-kanilang
estilo sa pagguhit.

1
Subukin

Pagkilala sa mga likhang sining.Lagyan ang mga


sumusunod na likhang sining ng kung likha ng tanyag
na Pilipinong pintor at kung hindi.

_____1. _____2.

_____3 _____4.

_____5.

2
Aralin

1 Sining na kay Ganda!

Sa araw – araw nating paglabas ng ating tahanan,


iba’t ibang sining ang ating masisilayan. Pagmasdan mo
lamang ang iyong kapaligiran ay mapupuno na ang
iyong mata ng samu’t saring ganda. Maging likha man ito
ng kalikasan o tao, ito’y karapat dapat na ipagmalaki at
pagyamanin.

Balikan

Tukuyin ang sumusunod na lugar na makikita sa


komunidad. Piliin sa kahon ang tamang sagot.

_______________1.
paaralan

ospital
_______________2.

bahay
_______________3. pamahalaan

parke
_______________4.
simbahan

_______________ 5.

3
Tuklasin

Naranasan mo na ba ang maglakbay-aral? Ang


lakbay-aral ay ang pagpunta sa iba’t-ibang lugar. Isa
itong istratehiya sa pag-aaral na kung saan bawat lugar
ay may aral at sa bawat hakbang ay may natutunan.

Basahin natin ang kwento at alamin ang mga aral


na natutunan ng mga bata.

Ang Lakbay-Aral
Kuwento ni Joann T. Del Rosario

Masayang gumising ang batang si Zia. Ngayon kasi


ang kanilang lakbay-aral sa kanilang komunidad. Dali-
dali siyang naghanda patungo sa kanilang paaralan.

“Mga bata, handa na ba kayo sa ating lakbay-


aral?”tanong ni Gng.Diaz na kanilang guro sa ikalawang
baitang.“Opo Madam”, sabay-sabay na sagot ng mga
bata.

4
Una nilang pinuntahan ay ang munisipyo ng
Olongapo.
“Wow! Ang laki at ang ganda pala ng ating
munisipyo.”wika ng mga bata.
“Sino ang makikita natin sa lugar na ito?”tanong ng
guro.
“Ma’am si Mayor Rolen Paulino Jr. po, ang ating
punong lungsod.” malakas na sagot ni Zeyn.
“Magaling! Tama si Zeyn. Dito ang opisina ng ating
punong lungsod” paliwanag ni Gng. Diaz.

Sunod na pinuntahan ng mga bata ay ang


Olongapo Museum. Habang binabagtas nila ang daan
patungo sa museo ay may pumukaw sa paningin ni
Lenzy. “Ma’am iyon po ba ang Ulo ng Apo?” tanong ni
Lenzy. “Tama ka Lenzy, iyan nga ang Ulo ng Apo na
sumasagisag sa Olongapo.”paliwanag ng guro.

Narating nila nang maluwalhati ang museo. Maayos


na pumila ang mga bata. Pagpasok sa loob ay napansin
kaagad nila ang ibat-ibang estatwa ng mga tao. Ito ay
parang totoo at gumagalaw. Nakita rin nila ang hitsura
ng Olongapo noon.
“Ganito pala ang Olongapo noon.” sabi ni Zia.
“Oo nga, wala pang matataas na gusali at hindi pa
sementado ang mga daan.” sagot naman ni Zeyn.
Nakakita rin sila ng iba’t-ibang pinintang larawan na
nagpamangha sa kanilang paningin.
“ Ang ganda naman ng mga larawang ito! Buhay na
buhay at parang totoo!” sabi ni Lenzy.

5
“ Oo nga, maraming hugis at kitang-kita ang
kapusyawan at kadiliman ng kulay na nagpaganda ng
larawan”, sabat ni Zia.
“ Tingnan ninyo mayroon pa doon! Ibang istilo
naman ng pagguhit ang ginamit.” masayang sabi ni
Zeyn.
“Tama mga bata, ang mga pintor na gumawa ng
mga iyan ay may iba’t-ibang istilo ng pagguhit”,
nakangiting wika ng kanilang guro na kanina pa pala
nakamasid sa kanila.

Huling pinuntahan ng mga bata ay ang Marikit Park.


Dito ay nasilayan nila ang ganda ng parke na isa sa
pinagmamalaki ng Olongapo. Mayroon ditong palaruan,
maraming puno at mga bulaklak, at mayroon din na mga
upuan kung saan maaaring magpahinga. Masayang
naglaro ang mga bata.

Umuwi sila nang may ngiti sa labi, dala-dala ang


masayang karanasan at mga natutunan sa kanilang
lakbay-aral.

Ayon sa kuwentong binasa mo, pare-pareho ba ang


istilo ng mga pintor sa pagguhit? Bakit?

6
Suriin

Pagmasdan ang mga likhang sining ng dalawang


tanyag na Pilipinong pintor na nasa ibaba. Sagutin ang
mga katanungan ukol dito.

Mauro Malang Santos, Fernando C. Amorsolo,


“Woman Fruit Vendor” “Palay Maiden”

1. Ano ang napansin mo sa larawan?


_________________________________________________

2. Magkaiba ba ang likhang sining ng mga ito?


_________________________________________________

3. Paano ito nagkaiba?


_________________________________________________

7
Ang pintor ay isang tagapinta. Ito ay pambihirang
kakayahan dahil kailangan nito ng artistikong talino,
matalas na mata at matatag na kamay.

Sa pamamagitan ng kanilang malikhaing pag-iisip ay


naipapahayag nila ang kanilang saloobin. May kanya –
kanyang istilo ng pagguhit ang mga pintor.

Ilan sa mga kilala at tanyag na pintor sa ating bansa


ay sina :
 Mauro Malang Santos - gumuguhit ng mga bagay
mula sa kanyang imahinasyon.

Mauro Malang Santos, “Untitled” Mauro Malang Santos, “Fiesta”


 Fernando C. Amorsolo – gumagamit ng
konseptong “ Still Life” o pagguhit ng mga totoong
tao o bagay na makikita sa kapaligiran.

Fernando C. Amorsolo, Fernando C. Amorsolo,


“Tinikling sa Barrio” “Planting Rice”

8
Pagyamanin

Lagyan ng hugis puso kung ito ay tanyag na


Pilipinong pintor at bilog naman kung hindi.

_______1. Mauro Malang Santos

_______2. Rolen Paulino Jr.

_______3. Fernando Amorsolo

_______4. Manny Pacquiao

_______5. Rodrigo Roa Duterte

Isaisip

Marami tayong mga tanyag na Pilipinong pintor. Sila


ay may kanya-kanyang istilo sa pagguhit. May mga pintor
na ang ginuguhit ay mga bagay na nakikita nila sa ating
kapaligiran tulad ng mga tao, bagay, hayop at iba pa.

May mga pintor naman na ang ginuguhit ay mula sa


kanilang imahinasyon. Ang mga ito ay hindi natin
makikita sa ating paligid. Ano man ang kanilang nais na
istilo, nagpapakita pa rin ito ng kanilang husay at galing.

Dapat natin silang ipgmalaki dahil karangalan ito ng


ating bansa.

9
Isagawa

Paghambingin ang katangian at estilo ng dalawang


tanyag na Pilipinong pintor gamit ang diagram sa ibaba.
Pumili ng salita mula sa kahon at isulat sa angkop na lugar
sa diagram.

Pintor imahinasyon Still Life

10
Tayahin
Iguhit ang masayang mukha kung sang-ayon ka
sa isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha
kung hindi.

_____1. Ang bawat pintor ay may kanya-kanyang istilo sa


pagguhit.

_____2. Dapat nating ipagmalaki ang mga Pilipinong


pintor.

_____3. Magkaiba ang likhang sining ni Mauro Malang


Santos at ni Fernando Amorsolo.

_____4. Huwag nating tangkilikin ang mga gawa ng mga


Pilipinong pintor.

_____5. Marami tayong mga tanyag na Pilipinong pintor.

Karagdagang Gawain

Iguhit ang isang lugar na pinakapaborito mong


napuntahan. Kulayan ito nang maayos.

11
Susi sa Pagwawasto

12
Sanggunian
Curriculum Guide sa Music, Arts, Physical Education and
Health - Ikalawang Baitang.p.16

Patnubay ng Guro sa Music, Arts, Physical Education and


Health- Ikalawang Baitang.pp. 124- 125

Kagamitan ng Mag-aaral sa Music, Arts, Physical


Education and Health- Ikalawang Baitang.
pp. 190 -193

Most Essential Learning Competencies (MELC)KG To


Grade 12 S.Y. 2020-2021 sa Arts- Ikalawang
Baitang. pp. 219 - 221

Amorsolo, Fernando.Rice Planting. 1951. Oil on canvas.


24 ¼ x 34in.Mutual Art. Accessed May 19, 2020.
https://www.mutualart.com/Artwork/Rice-
planting/ 428A59033E2BF452

Santos, Mauro Malang. The Fruit Vendors. 2017. Serigraph


20/50. 13 1/2in. x 13 1/2in.Leon Gallery, Makati
City. Accessed May 19, 2020. https://leon-
gallery.com/auctions/lot/Le% C3%B3n-Exchange-
12th-Online-Auction-2019/29/36

13
Amorsolo, Fernando. Tinikling in Barrio.1951. Oil in canvas.
A Small Collection of Fernando Amorsolo’s
Paintings, Posted under Filipino Culture,
Kauswagan articles, November 25, 2012.
https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1372/
a-small-collection-of-fernando-amorsolos-paintings

Amorsolo, Fernando.The Palay Maiden. 1920. Oil on


canvas. 60.3x85.5cm.Ayala Museum, Makati City.
Accessed May 19, 2020.
http://masterpieces.asemus.museum/masterpiece
/ detail.nhn?objectId=10429

Santos, Mauro Malang. Untitled.1997.Serigraph 20/50.


13 1/2 x 19 3/4 in.Salcedo Auctions, Makati City.
Accessed May 19, 2020.
https://www.salcedoauctions.com/item/6753

Santos, Mauro Malang. Fiesta.2002.Oil on canvas. 36 x


36in. Salcedo Auctions, Makati City.
Accessed May 19, 2020.
https://www.salcedoauctions.com/item/6619

Juvida, Raf. Ang Kahalagahan ng Lakbay-Aral, Brainly.PH.


Accessed May 16, 2020.
https://brainly.ph/question/540175

Glosbe Dictionary, Meaning of the word “pintor”.


Sentence No. 11. GlosBe.com. Accessed May 16,
2020. https://glosbe.com/tl
/en/pintor?fbclid=IwAR0s7Z33_N22oOuXh6h_VFFpL
hve6QtuvjgkXER-fWHQ3qXAw6iEjjbI3I
14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like