AP 6 Ikatlong Markahan Aralin 7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Aralin Panlipunan 6

Ikatlong Markahan
Aralin 7

I. LAYUNIN:
1.4.2 Naiipaliwanag ang dahilan ng colonial mentality pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Naiisagawa ang pagpapalitang kuro tungkol sa pagkakaroon ng colonial
mentality.
Naiibahagi ang ideya tungkol sa pagkakaroon ng colonial mentality.

II. NILALAMAN:
Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Colonial Mentality ng mga Pilipino Pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

III. KAGAMITAN PANTURO:


A. Sanggunian : AP6SHK-IIIab-1 Pilipinas sa
Makabagong
Henerasyon 3, ph.117, Bansang Pilipinas,
Lahing Pilipino 3 ph. 75
B. Iba pang kagamitan : laptop, tsart, illustration board, larawan,
graphic organizer, video clip

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
2. Balik Aral

Ano ang kahulugan ng Colonial Mentality? Magbigay ng isang sitwasyon


na nagpapakita ng pagkakaroon nito.

3. Panimulang Pagtataya
Isulat ang D kung ang pahayag ay dahilan ng pagkakaroon ng Colonial
Mentality at HD naman kung hindi.
1. Nagbibigay ng kasiyahan sa isang tao sa pamamagitan ng pagbili ng
mamahaling gamit na pwede niyang ipagmalaki sa mga kaibigan.
2. Pagbili ng mga imported na bagay o produkto ng mga dayuhan.
3. Pag-impluwesiya ng mga dayuhan sa wika, relihiyon at kaugalian.
4. Paggamit ng wikang Tagalog sa pakikipag-usap sa kapwa.
5. Pagtangkilik sa sariling produkto.

Susi sa Pagwawasto
1. D 2. D 3. D 4. HD 5. HD

B.
Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak

Brainstorming

Mahilig ka ba sa mga bagay na imported o produktong yari sa ibang


bansa? Bakit? Bakit Hindi? Ipaliwanag.

Ano ano ng mga bagay na nais mong gayahin sa mga banyaga? Bakit?
Ipaliwanag.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin o Paglalahad ng Aralin


Pagpapakita ng guro ng isang video clip o larawan tungkol sa Colonial
Mentality.

Sanggunian: https://www.slideshare.net/jamietumala25/isip-kolonyal
Ano ang iyong ideya sa pagkakaroon ng Colonial Mentality ng mga Pilipino?
Ibahagi sa klase.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Kolonyal na Mentalidad
Ang mga Pilipino ay may mayamang kultura na nagsimula
pa bago dumating ang mga Kastila. Ang mga sinaunang Pilipino ay
may magagandang tradisyon at pag-uugali noon na maaaring
nailipat sa kasalukuyang henerasyon o tuluyan nang nawala sa
lipunan. Sa kabila nito, nananatiling mayaman ang Pilipinas sa
“Colonial Mentality”

Ang Pilipinas ay nakikilalang isang bansa na naging


kolonidad na ng iba’t ibang bansa. Nagsimula ito sa mga Espanyol
at sumunod ang Amerika, pati na rin ang mga Hapon. Dahil sa mga
bansang ito ay naapektohan din ang ating kultura. Ang tawag dito
ay “Colonial Mentality”. Ito ay isang pagbabago sa mentalidad ng
isang bansa ukol sa kultura nito. Ang pagbabago sa kulturang ito ay
ang paggagaya sa kultura ng bansang namamahala sa bansang
naging konolidad. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang ito.
Makikita sa ating kultura ngayon ang maraming pagbabago. Ang
mga pagbabagong ito ay maaaring maging masama o makakabuti
para sa atin dahil sa pananakop ng iba’t ibang bansa.

Halimbawa ng Isip Kolonyal ang isyu ay ang patuloy na


pagiging isip kolonyal ng mga Pilipino sa pagtatangkilik sa kultura
ng ibang bansa halimbawa na lamang ang Korea. Pananamit,
pagsasalita, pagkain, style ng buhok, musika – lahat ito ay ginagaya
na ng mga Pilipino sa mga kanilang idolong Koreano, samantala
ang ating kultura, tradisyon, musika ay patuloy nang kinalimutan at
pinabayaan na lamang. Kinakain ng ibang bansa ang ating kultura at
patuloy na nalalason ang ating isipan dito. Ang ugat nito ay ang
malayang pakikipagkalakalan sa ibang bansa matapos ang digmaan.

Sanggunian: https://mhuang16.wordpress.com/2014/12/08/colonial-mentality/

Gawain 1
Bakit nagkakaroon ng kolonyal na mentalidad ang mga Pilipino?
Nabibilang ka ba sa kanila? Bakit? Bakit Hindi? Ipaliwanag.

Gawain 2

Pangkatang Gawain

Pangkat I

Ipaliwanag ang mga dahilan ng colonial mentality pagkatapos ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naging dahilan ng malaking pagbabago.

Pangkat II

Magbahagi ng ideya tungkol sa pagkakaroon ng colonial mentality ng mga


Pilipino.

Pangkat III

Ipakita sa pamamagitan ng isang dula ang mga dahilan ng pagkakaroon ng


colonial mentality ng mga Pilipino.

Rubriks para sa Pangkat III

Pamantayan 3 2 1
Naipakita ang
Naipakita ang Hindi naipakita
kaganapang
kaganapan na ang nararapat na
Nilalaman kailangang palabasin
kailangang kaganapan para
ngunit hindi sapat ang
palabasin. sa dula.
ideya ng palabas.
May 3 o higit pa
Lahat ng kasapi ay May 1-2 na kasapi ang
na kasapi ang
nakilahok sa hindi nakibahagi sa
Partisipasyon hindi nakilahok
pagbuo ng pagbuo ng
sa gawain ng
konsepto. pagtatanghal.
pangkat.
Angkop ang
ginawa ng pangkat Angkop ang ginawa Hindi angkop sa
sa sitwasyon at ng pangkat sa sitwasyon ang
Kaangkupan
naaayon sa sitwasyon na ginawa ng
nakatalagang nakatalaga. pangkat.
gawain.

Pangkat IV
Magsagawa ng pagpapalitang kuro tungkol sa pagkakaroon ng colonial
mentality. Ipahayag ang inyong pananaw ukol dito.

Talakayan:

Mga Gabay na tanong:


1. Ano ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng colonial mentality ng mga
Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Ano ang ugat ng pagkakaroon ng colonial mentality?
3. Bakit pagkatapos ng digmaan ay lumaganap ang mentalidad na ito?
4. Paano ka makatutulong sa pagputol ng colonial mentality?
5. Ano ang iyong damdamin sa pagkakaroon colonial mentality? Ibigay ang
iyong kuro-kuro ukol dito.
6. Paano mo maipagmamalaki ang mga kaugalian, pananamit, musika at
kultura ng Pilipino?

E. Paglinang sa Kabihasaan
Think-Pair-Share
Ibahagi ang iyong ideya tungkol sa colonial mentality noon at ngayon.
Kapanayamin ang iyong kapareha tungkol dito at ibahagi ang inyong
kasagutan sa klase.
F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.
Kung ikaw ay papipiliin ng mga bagay na iyong gustong matanggap,
alin ang pipiliin mo, gawang Pilipino o gawang Amerikano? Bakit?
Ipaliwanag.
G. Paglalahat ng Aralin
Ano ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng colonial mentality? Ano
ang ugat nito? Ipaliwanag.

H. Pagtataya ng Aralin

Isulat ang KOLONYAL kung ang pahayag ay dahilan ng pagkakaroon ng


Colonial Mentality at PILIPINO naman kung hindi.

1. Malayang pakikipagkalakalan sa ibang bansa.


2. Pagtangkilik sa produktong gawa ng mga Pilipino.
3. Pananakop ng Espanyol, Amerika at Hapon sa Pilipinas.
4. Paggaya sa idolong banyaga gaya ng pananamit at hitsura ng mga ito.
5. Pananatiling buhay ng mga kulturang minana sa mga ninuno sa
pamamagitan ng pagbabahagi nito sa kabataan.

Susi sa Pagwawasto
1. Kolonyal 2. Pilipino 3. Kolonyal
I. 4. Kolonyal 5. Pilipino

Karagdagan Gawain para sa takdang aralin at remedyasyon

Takdang Aralin:

Magbigay ng isang sitwasyon na nagpapakita ng epekto ng colonial mentality


sa mga Pilipino. Iulat ito sa klase.

Remedyasyon:

Ipahayag ang iyong ideya o saloobin sa pagkakaroon ng kolonyal na


mentalidad.

Inihanda ni:

ANALIZA R. SERWELAS

You might also like