ANG BATANG LANSANGAN Isang Pagsusuri Sa Akdang "IMPENG NEGRO" Ni Rogelio Sikat
ANG BATANG LANSANGAN Isang Pagsusuri Sa Akdang "IMPENG NEGRO" Ni Rogelio Sikat
ANG BATANG LANSANGAN Isang Pagsusuri Sa Akdang "IMPENG NEGRO" Ni Rogelio Sikat
ANG BATANG LANSANGAN: Isang Pagsusuri sa Akdang “IMPENG NEGRO” ni Rogelio Sikat
A. PAMAGAT NG AKDA:
B. MAY-AKDA:
Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng
Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng
Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting
Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor
ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng
Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila
Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.
Ang kwentong ‘’IMPENG NEGRO’’ ay sumibol nang magwagi siya ng gantimpalang Palanca
noong 1962 sa Filipino.
D. PAKSAIN SA AKDA:
Pangyayari sa Akda
1. Nagsimula ang kwento sa paglalahad ng nanay sa mga kadalasang nagyayari kay Impeng. Si
Impeng ay isang binatilyong laging napapaaway dahil sa pangungutya at pang aalipusta sa
kaniya. Nariyan din ang paglalahad sa tinitirahang tahanan ni Impeng na inilahad sa kwento.
Makikita o mababasa din ang gawain o hanap buhay ni Impeng siya ay isang agwador. Siya ay
isang maitim na anak ng isang babaeng may iba't ibang asawa ang kanyang mga kapatid ay di
niya kakulay kayat dito palang ay malalaman mo na ang katayuan o katangian ng ina mayroon sa
pamilya nila.
2. Sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan niya kay Ogor nalaman niyang kaya nitong ipaglaban ang
kanyang sarili na hindi siya dapat tinatapaktapakan ng mga tao dahil lamang sa kung anong
kulay at uri ng ina mayroon siya. Pinatunayan niya na di dapat nilalalaitlait at kinukutya ang mga
katulad niya.
3. Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa pamilya niya malalaman kung anong uri ng pagkatao
mayroon sila ng kanyang pamilya. Sa pamamagitan din ng paglalahad ng may akda sa katangian
ni Impeng doon makikita kung bakit siya inaapi at kinukutya ng kanyang mga nakakasalamuha sa
lipunan. Sa pang-aapi ni Ogor nagawa niyang ipaglaban ang kanyang sarili nagawa niyang
ipaghiganti ang pamilya dahil sa mga pang aapi at pangungutyang natatanggap niya. Ibinuhos
niya ang sama at galit ng loob sa pamamagitan ng mga dagok na binitawan niya sa kasagupaang
si Ogor.
4. Sa pamamagitan ng kanyang mga dagok napasuko niya si Ogor na nangungutya sa kaniya. Hindi
niya mapaniwala ang lahat sa nagyari kayat ganun na lamang ang katahimikang naganap.
Nakadama siya ng galak habang may mga luha sa kanyanv mga mata na tinutuyo pagtitig ng mga
matang nasa kaligiran niya. Nadama niya ang bagong mayroon sa sarili ang tuklas na iyon ay ang
pagiging matibay at matatag niya.
5. Natamo niya na siya'y tila mandirigma na matatag na nakatindig sa pinagwagihang
larangan.Nasaktan man si Impen ay napatunayan niya ang kanyang kakaibang lakas.
Iugnay ang mga pangyayari sa akda sa panahon kung kalian ito sumibol (ipaliwanag)
1. Sa panahon noong hanggang ngayon ay marami paring mga ganitong pangyayari na ang ina ay
maraminng nagging asawa na mayroong iba’t ibang lahi dahil na rin sa kahirapan
2. Sa panahon na ito ay makikita natin na marami paring mga batang nag-aaway sa kalye at dahil
na rin sa pangungutya at ang iba naman ay ipanagtatanggol lang ang kanilang sarili laban sa mga
nangungutya sa kanila.
3. Talamak parin ito hanggang ngayon dahil na rin sa discrimanasyon. Inaapi ang ilang mga tao
dahil sa mga mali nilang nagawa o dahil na rin sa katayuan nila sa buhay.
4. Masasabi mo talaga na nagtagumpay ka kapag napaglaban mo ang iyong sarili sa mga taong
umaapi sa iyong sarli at sa iyong pamilya. Ito ang nagpapatibay sa mga batang laki sa hirap at
palaging kinukutya ng mga kasamahan nito.
5. Simula noon at hanggang nayon ay alam naman natin ang pakiramdam kapag nagtagumpay ka
sa pagtangkol sa iyong sarili at pamilya. Nakakaramdam tayo ng lakas at ginhawa dahil hindi na
tayo tumatakas sa mapang-api na mundo na ginagalawan natin.