Esp4 Q3 ST#2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST 2

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

Naipagmamalaki/napahahalagahan
ang nasuring kultura ng iba’t ibang
EsP4PPP-
pangkat etniko tulad ng kuwentong 50% 10 1-10
lllc-d-20
bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at
iba pa.

Nakasusunod sa mga
batas/panuntunang pinaiiral tungkol sa (EsP4PPP -
IIIe - f–21) 50% 10 11-20
pangangalaga ng
kapaligiran kahit walang nakakakita

Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE IV – ESP
SKAI KRU
SUMMATIVE TEST NO. 2
GRADE IV – ESP
SKAI KRU

Pangalan:__________________________________________________ Grade and Section:_________

I. Iguhit ang masayang mukha ( 😊 ) kung ang gawain ay nagpapakita ng pagmamalaki o


pagpapahalaga sa kultura ng pangkat etniko at malungkot na mukha ( ☹ ) kung hindi. Gawin ito sa
sagutang papel.
________1. Kumain si Christoper ng Durian kahit di kaaya-aya ang amoy nito.
________2. Piniling lutuin ni Sally ang ginataang gulay na ipinagmamalaki ng mga Bicolano kaysa
Pochero.
________3. Pinagtawanan ni Khail ang mga batang nakabahag habang naglalaro ng basketbol.
________4. Inaawit ni Gerald ang Manang Biday kahit siya ay isang Kapampangan.
________5. Bumili si Charles ng Piyaya na gawang Ilonggo upang ipasalubong sa kaniyang kamag-
anak.
________6. Itinapon ni Chelsey ang Bakol na ibinigay ng kaniyang kaibigang Ivatan.
________7. Hiningi ni Juliet ang resipi ng Kare-kare upang gayahing iluto sa kaniyang tahanan.
________8. Iginuhit ni Karl ang dekorasyong Sarimanok kahit siya’y Bikolano
________9. Tumulong si Marie sa paghahanda ng Tibuk-tibuk, isang ipinagmamalaking kakanin ng
mga Kapampangan.
________10. Kahit hindi isang Subanen, nagsanay si Dang upang matutunan ang paghahabi ng basket
gamit ang rattan.
II. Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____11. Ano sa sumusunod ang batas na nagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran
ang dapat ipasunod sa ilog na malinis?
a. Huwag magtapon ng basura
b. Tumawid sa tamang tawiran
c. Iwasan ang pagtapak sa damuhan
_____12. Ano sa sumusunod ang batas na pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran
ang pinaiiral sa mga parke?
a. Manatiling tahimik sa lahat ng oras
b. Tumawid sa tamang tawiran
c. Iwasan ang pagpitas ng mga halaman at bulaklak
_____13. Anong batas sa pagpapaganda ng kapaligiran sa inyong paaralan ang dapat mong sundin?
a. Manatiling tahimik sa lahat ng oras
b. Iwasan ang pagtapak sa damuhan
c. Basura Mo, Pakibulsa Mo
_____14. Ano ang hindi mo dapat gawin bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili
ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran?
A. Sumunod sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.
B. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak ng basura.
C. Paghihiwa-hiwalay ng nabubulok na basura at pagresiklo ng mga patapong bagay.
_____15. Madalas ninyong nararanasan ang pagbaha sa inyong lugar. Ano kaya ang dahilan kung bakit
nangyayari ito?
a. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.
b. Maling paraan ng pagtatapon ng basura na bumabara sa mga kanal.
c. Tinatakpan ng mga tao ang mga estero o kanal.
_____16. Naglalakad ka pauwi galing sa paaralan nakita mo ang iyong kamag-aral na namimitas ng
bulaklak sa parke kahit may karatula na nakalagay na “Bawal Pumitas ng Bulaklak”. Ano ang
iyong gagawin?
a. Pababayaan ko siya sa kaniyang pamimitas.
b. Babawalan ko siya at sasabihin na mali ang kaniyang ginagawa.
c. Sasamahan ko siya sa pamimitas ng bulaklak.
_____17. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran maliban sa isa.
a. Paglahok sa Clean and Green Project sa inyong barangay.
b. Pagsama sa pag-aalis ng basura sa ilog na programa ng inyong barangay.
c. Pagsuporta sa pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.
_____18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran?
a. Pagtatanim ng mga puno, gulay at halaman sa bakuran.
b. Pagtatapon ng basura sa ilog tuwing madaling araw.
c. Paglilinis ng kapaligiran tuwing may nakakakita lamang.
_____19. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng may disiplina sa pangangalaga sa kalikasan
kahit walang nakakakita?
a. Si Janelle na nagwawalis sa loob ng silid-aralan tuwing nakatingin lamang ang kaniyang
guro.
b. Si Jan na araw-araw nagdidilig at nagtatanim ng halaman sa hardin ng paaralan kahit hindi
siya ang dapat gumagawa niyon.
c. Si Lerish na namumulot ng basura dahil nakikita ng punong-guro.
_____20. Alin sa mga barangay ang hindi nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran?
a. Barangay Masinop na sama-sama sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
b. Barangay Malinis na tulong-tulong sa paglilinis ng kanal at kapaligiran para sa paghahanda
tuwing tag-ulan
c. Barangay Pag-asa na nagtatambak ng kanilang basura sa bakanteng lote.

ANSWER KEY:

1. 😊 11. A
2. 😊 12. C
13. C
3. ☹
14. B
4. 😊 15. B
5. 😊 16. B
6. ☹ 17. C
7. 😊 18. A
8. 😊 19. B
20. C
9. 😊
10. 😊

You might also like