Session Guide - Pandiwa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MGA ASPEKTO NG PANDIWA

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. MGA LAYUNIN

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin na ito, makakaya mo nang:

 Nagagamit ang tamang salitang kilos / pandiwa sa pagsasalaysay ng


mga personal na karanasan.
(LS1CS/FIL-PS-PPB-BL/MB-19)
o Natutukoy ang kahulugan ng pandiwa
o Nasusuri ang mga aspekto ng pandiwa; at
o Nakagagawa ng pangungusap gamit ang ang mga aspekto ng pandiwa.

II. PAKSA AT ARALIN:

A. Paksa: Mga Aspekto ng Pandiwa


B. Sanggunian: https://noypi.com.ph/pandiwa/
C. Kagamitan: PowerPoint Presentation at Activity sheets

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

a. Pagbati/panalangin/attendance check

b. Pagganyak: Ipaawit ang awiting

“Kung ikaw ay masaya”

Kung ikaw ay masaya tumawa ka. (Hahaha!)


Kung ikaw ay masaya tumawa ka. (Hahaha!)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka. (Hahaha!)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla, kung ikaw ay masaya tumawa ka!
(Hahaha!)
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka. (padyak!)
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka. (padyak!)
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka. (padyak!)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla, kung ikaw ay masaya pumadyak
ka! (padyak!)

Kung ikaw ay masaya pumalakpak. (Clap!ClapClap!)


Kung ikaw ay masaya pumalakpak. (Clap!ClapClap!)
Kung ikaw ay masaya pumalakpak. (Clap!ClapClap!)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla, kung ikaw ay masaya
pumalakpakpak! (Clap!ClapClap!)

Kung ikaw ay masaya gawin lahat (Ha ha ha), (Padyak), (Palakpak)


Kung ikaw ay masaya gawin lahat (Ha ha ha), (Padyak), (Palakpak)
Kung ikaw ay masaya gawin lahat (Ha ha ha), (Padyak), (Palakpak)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla, kung ikaw ay masaya gawin lahat
(Ha ha ha), (Padyak), (Palakpak)

B. Paglalahad

1. Panlinang na Gawain (Activity)


Panuto:
 Pagmasdan at isulat ang ginagawang kilos sa bawat larawan na aking
ipapakita.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.
2. Pagtatalakayan (Analysis)

 Anu-anong kilos ang ipinakita sa mga larawan?


 Sa palagay mo ano ang tawag sa mga salitang kilos?
Sagot: PANDIWA
 Ang Pandiwa ay salitang nagbibigay-buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito ng
kilos o galaw ng isang tao, hayop o bagay.
-
 Binubuo ito ng salitang-ugat at mga panlapi
 Salitang-ugat- Ito ay ang payak na anyo ng isang salita o ang
pangunahing salita na nagsasaad ng buong diwa
Halimbawa: pikit aral sayaw
laro luto kanta
aral talon kain
 Panlapi- Ay isang kataga o mga kataga na kinakabit sa unahan, gitna, o
hulinan ng isang salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita na
iba na ang kahulugan.
Halimbawa: na, ma, nag, mag, um, in, at hin
Salitang-ugat: Panlapi: Pandiwa
kain um kumain
laba nag naglaba
tawid um tumawid
luto mag magluto
ani hin anihin
Ngayong umaga ang pinaka –aralin natin ay tungkol sa ASPEKTO NG PANDIWA

 Ano ba ang ibig sabihin ng aspekto?

ASPEKTO
- Nagpapakita kung kailan nangyari, nangyayari o ipagpapatuloy pa ang kilos.
- ang tawag sa panahon ng pagkakaganap ng kilos.

TATLONG ASPEKTO NG PANDIWA

 Ang Pandiwa ay may tatlong aspektong nagpapakita kung kalian naganap, nagaganap, o
magaganap ang kilos na ipinahahayag nito.

1. Perpektibo o Aspektong Naganap


 ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos o naganap na.
 Madalas na ginagamitan ito ng panlaping nag- at mga salitang pampamanahong tulad
ng kanina, kahapon, noong isang buwan o taon.
Halimbawa:
Salitang-ugat: Panlapi: Perpektibo
laba nag naglaba
luto nag nagluto
hugas nag naghugas
- Si nanay ang naglaba ng aming damit kahapon.
 Maaari ring gumamit ng ibang panlapi
Salitang-ugat: Panlapi: Perpektibo
sayaw um sumayaw
pitas in pinitas
tulog na natulog

2. Imperpektibo O Aspektong Nagaganap


 ito ay nagsasaad na ang kilos ay patuloy pa ring ginagawa o nagaganap pa.
 Madalas na ginagamitan ito ng panlaping nag- at inuulit ang unang pantig ng salitang
ugat.
 Gumagamit din ng mga salitag pampamanahong tulad ng:na, ngayon, o sa
kasulukuyan.
Halimbawa:
Salitang-ugat: Panlapi: Perpektibo Imperpektibo
laba nag naglaba naglalaba
luto nag nagluto nagluluto
hugas nag naghugas naghuhugas

- Naglalaba ngayon si nanay ng aming mga damit.


 Maaari ring gumamit ng ibang panlapi
Salitang-ugat: Panlapi: Perpektibo Imperpektibo
sayaw um sumayaw sumasayaw
pitas in pinitas pinipitas
tulog na natulog natutulog

3. Kontempaltibo o Aspektong Magaganap


 ang kilos ay hindi pa nagagawa at magaganap pa lamang.
 Madalas na ginagamitan to ng panlaping mag- at inuulit ang unang pantig ng salitang-
ugat.
 Gumagamit din ng mga salitag pampamanahong tulad ng: mamaya, sa sususnod na, o
bukas

Halimbawa:
Salitang-ugat: Panlapi: Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
laba nag naglaba naglalaba maglalaba
luto nag nagluto nagluluto magluluto
hugas nag naghugas naghuhugas maghuhugas

- Bukas pa maglalaba si nanay ng aming mga damit.


 Maaari ring gumamit ng ibang panlapi
Salitang-ugat: Panlapi: Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
sayaw um sumayaw sumasayaw sasayaw
pitas in pinitas pinipitas pipitas
tulog na natulog natutulog matutulog

Kabuuang Halimbawa ng Aspekto ng Pandiwa


Pandiwa Perpektibong Imperpektibo Kontemplatib
(Naganap) (Nagaganap) (Magaganap)
basa nagbasa nagbabasa magbabasa
aral nag-aral nag-aaral mag-aaral
sayaw sumayaw sumasayaw sasayaw
kanta kumanta kumakanta kakanta
dasal nagdasal nagdadasal magdadasal

3. Abstraksyon (Abstraction)
 Ano ang pandiwa?
 Anu-ano ang tatlong aspekto ng Pandiwa?

4. Paglalapat (Application)

Pangkatang Gawain (Groupings)


Panuto: Isulat ang tamang banghay ng pandiwa sa mga sumusunod na aspekto.
Pandiwa Perpektibo / Naganap Imperpektibo/ Kontemplatibo/Magaganap
Nagaganap pa lang
1.awit
2.salita
3.tayo
4. lakad
5. kain
6.bihis
7.laba
8. ligo
9. takbo
10.buksan
IV. PAGTATAYA
A. PANUTO : Piliin ang wastong pandiwa upang mabuo ang mga pangungusap. Isulat ang titik sa
patlang.

_______ 1. ____________ ako ng buhok sa pagligo ko mamaya.


A. Nagbasa B. Magbabasa C. Nagbabasa

_______ 2. Ang grupo nina Mrs. Gomez ang ________________ ng silid-aralan ngayon.
  A. gagamit B. gumamit C. gumagamit
_______ 3. _______________ ka ba sa opisina mamaya?
A. Papasok B. Pumapasok C. Pumasok

_______ 4. ______________ kami nina Tita Helen noong isang lingo.


             A. Nagkita B. Nagkikita C. Magkikita

_______ 5. Ako ay ___________________ ng sapatos araw-araw.


                  A. naglinis B. naglilinis C. lumilinis

B. PANUTO : Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na Pandiwa.

1. Nagsasalita
2. Maglalaba
3. Binuksan
4. Naligo
5. Kumakain

V. TAKDANG ARALIN

Sumulat ng limang (5) pangungusap na iyong ginagawa araw-araw gamit ang mga salitang
kilos o pandiwa. Bilugan ang mga salitang kilos na ginamit.

INIHANDA NI:
LOVELY L. VILLAR
ALS Teacher

PINAGTIBAY NI:

CORAZON P. ALORO
Education Program Specialist II – ALS
Regional ALS Coordinator

You might also like