LP 9 - Florante at Laura

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Joylyn B.

Asis BSED-IV
Baghay-Aralin sa Filipino 8
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa mga


napakinggang mga pahiwatig sa akda.
2.Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy
sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito.
3.Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa binasa.

II. Paksang Aralin

1. Paksa: Talambuhay ni Francisco Balagtas, Kaligirang Pangkasaysayan, at mga


Tauhan ng Florante at Laura
2. Kagamitan: Laptop, T.V.
3. Sangunia: Pinagyamang Pluma 8 by Alien Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc,
Mary Grace G. Del Rosario

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa


panalangin “Sa Ngalan ng Ama…”

2. Pagbati

Magandang araw mga bata!


Magandang araw po Gng. Joylyn
3. Pagtse-tsek ng liban at hindi
liban

Mayroon bang lumiban sa


klase ngayong araw? Wala po Gng. Joylyn

Sa awa po ng Dios ay mabuti po


Kamusta kayong lahat? kami.
Maigi kung ganun. Masaya ako na
malaman na kayong lahat ay nasa
mabuti.

4. Pagbabalik-Aral

Ano ulit ang ating tinalakay


kahapon? Ay tungkol sa awit na Ako’y
Isang Mabuting Pilipino.

Tama. Ito ay ang awit na Ako’y Isang


Pilipino ni Noel Cabangon.
Ano ang iyong natutunan sa awit?
Dapat nating mahalin ang bayan
at sumunod sa batas, at tulungan
ang mga autoridad para makamit
at mapanatili ang makatarungan
at maayos na lipunan.
Magaling. Dapat maging
responsable tayo at mahalin
natin ang ating bansa.

B. Panlinang na Gawain
1. Lunsarang/Pagganyak

Kung ikaw ay gagawa ng isang


aklat tungkol sa iyong buhay,
ano ang magiging pamagat nito
at ano ang desenyong gusto
mong makita sa pabula? Isulat
ang pamagat sa pabalat ng aklat
sa ibaba, at iguhit ang disenyong
nais mo para sa aklat ng iyong
buhay.

BUHAY
KO
Magaling! Ang iyong pamagat ay
kaugnay sa ating aralin sa araw na ito.

2. Paglalahad

Class, ang magiging aralin natin


sa araw na ito ay tungkol sa
talambuhay ni Francisco
Balagtas, Kaligirang
pangkasaysayan, at mga tauhan
ng Florante at Laura. Sa
katapusan ng araling ito kayo ay
ina-asahang:

1. Mahihinuha ang kahalagahan


ng pag-aaral ng Florante at
Laura batay sa mga
napakinggang mga pahiwatig
sa akda.
2. Matitiyak ang kaligirang
pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa
kalagayan ng lipunan sa
panahong nasulat ito.
3. Mabibigyang-kahulugan ang
matatalinghagang pahayag sa
binasa.

3. Pagtatalakay

Panoorin ang akdang “Ang


Talambuhay ni Francisco
Balagtas”, “Kaligirang
Pangkasanayan ng Florante
at Laura” at ang
“Mahahalagang Tauhan ng
Florante at Laura”.
4. Pagsusuri sa mga
Talakayan

Ngayon ay sagutan na natin


ang mga tanong.

1. Ano ang kalagayan ng bansa


sa panahong sinulat ni Balagtas
ang awit na Florante at Laura?
Ang kalagayan ng bansa sa
panahong sinulat ni Balagtas ang
awit na Florante at Laura ay
dumaranas ang mga Filipino ng
mga pang aapi sa kamay ng mga
dayuhang Espanyol tulad ng
pangangamkam ng mga lupain
sa mga katutubong Pilipino.

Walang maayos na edukasyon


ang mga kabataang PIlipino.
Ang mga nakakapag aral lamang
sa panahon ng Espanya ay yaong
may katungkulan sa pamahalaan
at may malaking ari-arian tulad
ng mga ilustrados at
peninsulares.

2. Ano-ano ang naging layunin


ni Balagtas sa pagsulat niya ng
Florante at Laura?
Ang korido na ito ay ginawa
niyang obra maestra bilang
salamin ng uri ng pamahalaan
mayroon noon ang Pilipinas sa
ilalim ng mga Kastila.

Ikalawa, ang Florante at Laura


ay nagpapaalala ng mga apat na
himagsik at pananaw ni Balagtas
laban sa hindi makataong
pamamahala ng pamahalaang
Kastila sa mga Pilipino.

3. Bakit kinakailangan niyang


gumamit ng alegorya para
maitago ang tunay na mensahe
ng kanyang obra maestra?
Kinakailangan niyang gumamit
ng alegorya para maitago ang
tunay na mensahe ng kanyang
obra maestro dahil kakikitaan ng
pagtuligsa sa pagmamalabis at
kalupitan ng mga Espanyol
gayundin ang pailalim na diwa ng
nasyonalismo.

Tama ang lahat ng inyong mga


sagot.

C. Pangwakas na Gawain

Bigyang-kahulugan ang
matatalinghagang salitang
ginamit sa binasa. Bilugan ang
titik sa tamang sagot.

1. Ang Florante at Laura ay


hitik na hitik sa mga aral at
pagpapahalagang makagagabay
sa pang-araw-araw naing
pamumuhay. Mga sagot
a. Punumpuno
b. Mabungang-mabunga 1. B
c. Mahusay na mahusay 2. B
3. B
2. Si Nanong Kapule ay mula sa 4. A
isang may kayang pamilya kaya 5. A
nagging madali sa kanyang
gawan ng paraang napabilanggo
ang karibal sa pag-ibig.
a. Tanyag
b. Mayaman
c. Mapagmataas
3. Si Balagtas ay binawian ng
buhay noong ika-2o ng Pebrero
taong 1862 sa gulang na sevente
a. Nagkasakit
b. Namatay
c. Nagdusa

4. Sa isang kisap-matay nawala


ang lahat na kanyang
pinaghirapan.
a. Sa sandaling panahon
b. Sa pagkurap ng mata
c. Sa mahabang panahon

5. Itoy isang akda hindi


maibabaon sa hukay kailanman.
a. Makakalimutan
b. Matatandaa
c. Maipagpapalit

IV. Pagtataya
Sa kalahating papel sagutan ang mga tanong.

1. Paano mo makatutulong ang mahusay na paghabi ng mga tauhan sa


isang akda?
2. Sa paanong paraan makatutulong sa mambabasa ang pagkilala muna sa
mga tauhan bago paman simulang basahin ang isang akda? Ipaliwag.
3. Maliban kina Florante at Laura, sino sa mga tauhang nakilala mo ng sa
tingin moy magmamarka nang husto sa kabuoan ng akda? Ipaliwag.

IV. Takdang-Aralin
Isulat sa isang pirasong papel. Sa ating binasa ay napatunayang maging
ang hindi mabubuting karanasan ay maaaring magbunga ng kabutihan.
Maglahad ng mga patunay batay sa mga pangyayari sa sarili mong buhay
na possible ngang mangyari ito.

You might also like