Ang dokumento ay tungkol sa pangwakas na pagtataya sa Filipino 8. Naglalaman ito ng maraming katanungan tungkol sa mga salita at pahayag na may kahulugang iba sa literal na kahulugan, mga hakbang sa pananaliksik, at mga bugtong at salawikain.
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0 ratings0% found this document useful (0 votes)
161 views
Summative Grade 7
Ang dokumento ay tungkol sa pangwakas na pagtataya sa Filipino 8. Naglalaman ito ng maraming katanungan tungkol sa mga salita at pahayag na may kahulugang iba sa literal na kahulugan, mga hakbang sa pananaliksik, at mga bugtong at salawikain.
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 3
DITO NA PO KAYO MISMO SUMAGOT 😊
PANGWAKAS NA PAGTATAYA SA FILIPINO 8
Pangalan: ___________________________ Iskor: ____________ Baitang at Seksyon: ___________________ Petsa: ____________ Maramihang Pamimilian. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng iyong kasagutan at isulat ito sa patlang. _____1. Ito ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang makasakit ng damdamin. a. eupemismo b. hyperbole c. metapora d. personipikasyon _____2. Ang eupemismo ay gumagamit ng _________ para di-tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap. a. mabilis na salita b. mahirap na salita c. malalim na salita d. matalinghagang salita _____3. Sa halip na sabihing “namatay”, gamitin ang ________________. a. nagpantay ang paa b. sumakabilang buhay c. sumakabilang bahay d. a at b _____4. Siya ay isang maamong kordero. Ito ay nangangahulugang ___________ a. Siya ay amo. b. Siya ay maawain c. Siya ay mabait na tao d. Siya ay tagapagbantay. _____5. Ang dalagang anak ni Aling Sara ay di-makabasag pinggan, ang pahayag na ito ay nangangahulugang _____________. a. Ang dalaga ay maalaga. b. Ang dalaga ay mahinhin. c. Ang dalaga ay naghuhugas ng pinggan. d. Ang dalaga ay tagapag-alaga ng kanyang kapatid. ______6. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Mahihinuha mong si Bai bilang kapatid ay ______. a. Walang tiwala sa kaniyang kapatid. b. Nais niyang samahan ang kaniyang kapatid. c. Nag-aalala sa maaaring mangyari sa kaniyang kapatid. d. Hindi maganda ang pakikitungo at relasyon sa kaniyang kapatid. ______7. Ang Dalaga ng Buhong na Langit ay tumakas at nagtago mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Bilang isang dalaga, mahihinuha mong ______. a. May galit ang Dalaga ng Buhong na langit sa Binata ng Pangumanon. b. Natatakot ang Dalaga ng Buhong na Langit sa Binata ng Pangumanon. c. May ibang nangingibig sa Dalaga ng Buhong na Langit at natatakot siya rito. d. Nais paglaruan ng Dalaga ng Buhong na Langit ang damdamin ng Binata ng Pangumanon. _____8. Sistematikong paghahanap ng mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. a. pagbabalita b. pananaliksik c. panayam d. pagtatanong _____9. Isa sa hakbang sa pananaliksik na tuloy-tuloy ang pagsulat ng kaisipan o ideyang dumadaloy sa kaisipan. a. balangkas b. pangangalap-tala c. pagwawasto at pagbabasa d. pagsulat ng burador _____10. Hakbang sa paghahanap ng mga impormasyon at pagsulat para sa pananaliksik na karaniwang ginagamitan ng index card, ano ito? a. balangkas b. pangangalap-tala c. piliin ang paksa d. pinal na balangkas _____11. Dito naipapakita ang mga dahilan kung bakit nais isagawa ang pananaliksik. a. balangkas b. paglalahad ng layunin c. pangangalap-tala d. pagsulat ng pinal na pananaliksik _____12. Ito ang huling hakbang sa pananaliksik. a. piliin ang paksa c. pagwawasto at pagrebisa b. pinal na balangkas d. pagsulat ng pinal na pananaliksik _____13. Ito ay hakbang sa pananaliksik na binibigyang pansin ang pagsasatama ng mga naisulat na nilalaman ng pananaliksik. a. paglalahad ng layunin c. pagsulat ng pinal na pananaliksik b. pagwawasto at pagrebisa d. pinal na balangkas _____14. Ito ay hakbang sa pananaliksik na kung saan kailangang planuhin at isiping mabuti ang gagawing pananaliksik. a. paglalahad ng layunin b. pangangalap-tala c. pagsulat ng burador d. pinal na balangkas _____15. Ano ang hakbang sa pananaliksik na ayon sa iyong interest at may malawak kang kaalaman? a. balangkas b. bibliograpi c. paglalahad ng layunin d. pagpili ng paksa _____16. Ito ang hakbang sa pananaliksik na tuloy-tuloy ang pagsulat ng kaisipan o ideyang dumadaloy sa kaisipan. a. balangkas b. pagsulat ng burador c. pangangalap-tala d. pagwawasto at pagrebisa _____17. Ito ang hakbang sa pananaliksik na nagbibigay direksyon at gabay sa pananaliksik. a. balangkas b. pagpili ng paksa c. pagsulat ng burador d. pagsulat ng pinal na pananaliksik _____18. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa Global warning? a. Ito ay resulta ng pagsunog ng kagubatan. b. Ito ay makabagong bersyon ng klima ng bansa. c. Ito ay pagtaas ng carbon monoxide at iba pang greenhouse gases. d. Ito ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura. _____19. Kung patuloy na tataas ang temperatura, alin ang kalalabasan nito? a. Malalakas na bagyo ang mabubuo sa karagatan. b. Masusunog ang kalawakan. c. Mamatay ang lahat ng may buhay sa mundo. d. Magkaroon ng kakulangan sa pagkain. _____20. Sa anong paraan pinalawak ang paksa? a. pagliliwanag b. pagsusuri c. pagbibigay-depinisyon d. paghahawig o pagtutulad Pag-ugnayin ang sanhi at bunga. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang. A B _____21. Nahulog ang sasakyan sa kanal A. kapag masisipag ang mga mamamayan _____22. Malinis ang kapaligiran B. sapagkat nakatulog ang tsuper _____23. Hindi nag-aral nang mabuti C. dahil mabigat ang trapiko _____24. Inabutan ng gabi sa pag-uwi D. kaya malakas ang pangangatawan _____25. Umuunlad ang buhay E. kaya nanalo sa patimpalak _____26. Hindi nakinig sa payo ng magulang F. kasi malakas ang buhos ng ulan _____27. Mabuti ang loob G. dahil sa pagsisikap _____28. Kumain ng masustansiyang pagkain H. kaya pinagpala _____29. Nagkaroon ng baha I. bunga nito, bumagsak siya sa pagsusulit _____30. Nag-eensayo palagi J. kung kaya napariwara Piliin ang letra ng tamang sagot sa bugtong at sawikain na nasa ibaba. _____31. Lantang gulay a. sira na ang gulay b. lanta na ang gulay c. sobrang pagod d. sobrang tulog _____32. Makapal ang palad a. makalyo ang palad b. malikhain c. masipag d. matulungin _____33. Maikling landas, di maubos lakarin. a. anino b. daan c. sapatos d. tsinelas _____34. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. a. baso b. batya c. lata d. tabo _____35. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. a. alitaptap b. gamugamo c. paruparo d. tutubi Tukuyin ang kasalungat na kahulugan ng sumusunod. Isulat ang titik ng sagot sa patlang. _____36. pusong mamon a. mabait b. mahinahon c. masama d. maayos _____37. Iba ang tabas ng mukha. a. bilog ang mukha b. maganda ang mukha c. mahaba ang mukha d. makinis ang mukha _____38. pabalat-bunga a. mali b. peke c. tama d. tunay _____39. ibang babae a. asawa b. kaibigan c. kamag-anak d. kinakasama _____40. nagbibilang ng poste a. maraming poste b. may trabaho c. nangangarap d. walang trabaho Isulat ang letrang S kung ang pahayag ay salawikain, SB kung ang pahayag ay kasabihan, B kung ang pahayag ay bugtong. _____41. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula. _____42. Kung ano ang puno, siya ang bunga. _____43. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna. _____44. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising. _____45. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan. _____46. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan. _____47. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin. _____48. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran. _____49. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo. _____50. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.