0% found this document useful (0 votes)
355 views

Epp5 Worksheet

Uploaded by

Em V. Cruz
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
355 views

Epp5 Worksheet

Uploaded by

Em V. Cruz
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 10

BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.

Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN 5
Name: ________________________________________ Level and Section: _______
Date of submission: ____________________________ Quarter : _________________

LEARNING ACTIVITY SHEET

Topic/s: Naipapaliwanag ang kahulugan ng produkto at serbisyo

Natatalakay ang kaibahan ng produkto sa serbisyo
Naihahanay ang mga produkto at serbisyong nakikita sa pamilihan.

Reference: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Publisher: Trinitas Publishing Corp.
Author/s: Victor N. Mendoza,Arnold Faustino, Kareen Faye Sale
Page/s: Kabanata 1: Aralin 1

Background Information for Learners (Brief Discussion)

Ano ang Produkto?
Ang produkto ay isang bagay na iniaalok upang maibenta. Maari itong maging pisikal at virtual o cyber
form.
Pisikal na Produkto- ito ay nahihipo, nasasalat, o nahahawakan.
Virtual o cyber form- walang pisikal na katangian o kaya ay wala sa pisikal na form.
Ano ang Produksiyon? Produksiyon ang tawag sa paggawa o paglikha ng mga produkto at serbisyong
nagdudulot ng kasiyahan o tumutugon sa pangangailangan ng mga mamimili. Mayroon apat (4) na salik ang
produksiyon:
1. Lupa
2. Paggawa
3. Kapital
4. Namumuhunan o ENTREPRENEUR.

Kategorya ng Produkto
1. Produktong Pangkonsyumer. Produktong pisikal na tumutukoy sa gamit pang indibidwal sa pansarili o
pampamilyang pangangailangan. Halimbawa: Pagkain, damit, muwebles,electronic products,
laruan,beddings at toiletries.
2. Produktong Pangnegosyo. Produktong ginagamit sa negosyo.

Equipment- makina sa opisina, kagamitan sa pagmamanupaktura o kasangkapang ginagamit sa iba’t ibang

produkto.
Teknolohiya-aplikadong agham na nauugnay sa mga makabagong imbento o gadget.
Serbisyo- uri ng mapagkakakitaang Gawain, aktibidad o proseso na walang pisikal na anyo.

Mga Uri ng Estratehiyang Panserbisyo para sa Promosyon ng Negosyo.

1. Referrals- mabisang paraan para ibenta ang produkto o serbisyo sa pamamagitan ng pagiindorso o
referral.
2. Edukasyon- isang paraan upang makapag-alok ng produkto o serbisyo ay ang pagbibigay ng edukasyon
sa mamimili.
3. Demonstrations- Ang mga konsyumer ay maaring nag aatubiling subukan ang isang serbisyo dahil hindi
papala sila sigurado kung ano ang magiging pakinabang nito sa kanila.
PAGSASANAY 1 : GAWAIN:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at bilugan ito.

1. ______________ ang tawag sa mga produkto nahihipo, nasasalat, at nahahwakan g mamimili.

a. Pisikal na produkto c. Cyber form
b. Serbisyo d. Retail
2. Ang kendi ay isang halimbawa ng _____________.
a. Pamilihan c. pera
b. Serbisyo d. produkto
3. __________ ay mga bagay na nahihipo o nahahawakan (tangible).
a. Pera c. produkto
b. Serbisyo d. pamilihan
4. Ang pagkukumpuni ng sasakyan ay isang halimbawa ng __________________.
a. Pera c. produkto
b. Serbisyo d. pamilihan
5. Ang ____________ ay isang intangible na benepisyo na iniaalok sa mga konsyumer.
a. Pera c. produkto
b. Serbisyo d. pamilihan

Iginayak ni:

Em V. Cruz

Subject Teacher

*Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.
Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN 5
Name: ____________________________________________ Level and Section: ________
Date of submission: _________________________________ Quarter : _________________

LEARNING ACTIVITY SHEET

Topic/s: Natutukoy ang mga opurtunidad na maaring mapagkakitaan (produkto at

serbisyo)
Natatalakay ang mga opurtunidad sa isang komunidad na maaaring
mapagkakitaan

Reference: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Publisher: Trinitas Publishing Corp.
Author/s: Victor N. Mendoza,Arnold Faustino, Kareen Faye Sale
Page/s: Kabanata 1: Aralin 2

Background Information for Learners (Brief Discussion)

Oportunidad- isang magandang pagkakataon, kondisyon o sitwasyon na pabor sa

pagkamit ng ninanais o layunin.
Kahinaan - isang katangian ng tao na maaring tumutukoy sa kakulangan ng kakayanan at
koneksyon .
Kalakasan- isang positibong katangian taglay ng tao tulad ng kakayanan, koneksyon at katayuan sa
buhay ng isang tao.
Banta- ito ay mga panganip na maaring humadlang o napagpipigil ng pagpapatuloy ng isang
proyekto o layunin.
SWOT Analysis- Isang proseso ng pagtukoy ng kalakasan, kahinaan,oportunidad,at panganib.Ito’y
ginagamit upang maanalisa ang kahihinatnan o kalalabasan ng ninanais na
negosyo.

PAGSASANAY:

A. Panuto:.Lagyan ng tsek kung tama ang pangungusap at ekis kung mali.

_______1.Lahat ng tao ay naghahangad na umunlad ang antas ng pamumuhay.

_______2.Ang matagumpay na entreprenyur ay nakikita ang dumarating na oportunidad para
magnegosyo sa gitna ng problema o pagsubok?
_______3 Isang pagpapamalas ng positibong katangian ng entrepenyur kapag ang mga suliranin ng
isang negosyo ay hindi nagagawan ng aksyon para matugunan ang mga ito.
_______4. Ang matagumpay na entreprenyur ay nakakikita ng di-pangkaraniwang pagkakataon
upang magkaroon ng puhunan, kagamitan, o puwesto.
_______5.Ang matagumpay na entreprenyur ay nakakakita ng magandang pananaw kahit sa
panahon ng kalamidad at pagsubok.

B. Magbigay ng 5 oportunidad ng isang panaderya o bakery sa inyong pamayanan.

1.______________________________________
2.______________________________________
3.______________________________________
4.______________________________________
5.______________________________________

Iginayak ni:

Em V. Cruz

Subject Teacher

*Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.

Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN 5
Name: ____________________________________________ Level and Section: ________
Date of submission: _________________________________ Quarter : _________________

LEARNING ACTIVITY SHEET

Topic/s: Natutukoy ang mga pamamaraan sa pagtukoy sa mga taong

Nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo.

Reference: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Publisher: Trinitas Publishing Corp.
Author/s: Victor N. Mendoza,Arnold Faustino, Kareen Faye Sale
Page/s: Kabanata 1: Aralin 3

Background Information for Learners (Brief Discussion)

Sa kasalukuyan ang isa sa pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga tao ay ang

pagnenegosyo. Kung ating pagmamasdan ang mga tao sa ating paligid sila ay abala sa araw-araw
nilang hanapbuhay upang kumita. May ilang nagtitinda, may ilan naman na ginagamit ang kanilang
kakayanan at talento upang mapagkakakitaan. At upang mas mapaunlad ang pamumuhay, ilan sa
kanila ay naghahanap ng pagkakataon upang mas mapabuti ang antas ng kanilang pamumuhay.
Kaya pinapasok nila ang mundo ng negosyo.
Mga hakbang na maaring sundan upang mag-umpisa ang isang entreprenyur ng negosyo.
 Pagtaya sa sarili: Taglay mo ba ang mga katangiang kinakailangan?
 Pagtaya sa kapaligiran: Ano ang mga nariyan na makakatulong sa pagsisimula? Ano naman
ang mga hadlang sa pagsisimula?
 Pagpili ng produkto, serbisyo o uri ng negosyo
 Pagbuo ng iyong plano sa pagnenegosyo (Business Plan) ·
 Aspeto ng kung paanong ibebenta ang produkto (Marketing Aspect) ·
 Aspeto ng kung paano gagawin ang produkto (Production Aspect)
 Aspeto ng pag-organisa ng mga tauhan(Organizational Aspect)
 Aspeto ng pananalapi (Financial aspect)
 Pagtukoy sa mapagkukuhanan ng iba pang kinakailangang tulong
 Pagpili sa lugar ng negosyo
 Pagrehistro ng iyong negosyo
 Pagkuha at pagsasanay ng mga empleyado

Mahalaga sa pag uumpisa ng negosyo na makilala ng lubusan ang sarili,kung ano ang
kayang gawin o kalakasan, di-kayang gawin o kahinaan, mga magagandang pagkakataon o
oportunidad na makakatulong upang maisakatuparan ang ninanais, at ang mga panganib o
banta na hahadlang o pipigil upang hindi mo maabot ang ninanais.
PAGSASANAY: GAWAIN:

Bilang isang mag aaral ng Baitang-5, Ano ang gusto mong produkto na sa tingin mo ay
tatangkilikin ng mamimili? Itala ang Oportunidad .Gawin ito gamit ang Venn Diagram

Sa Inyong Pamayanan

Prdukto /Serbisyo Oportunidad

Iginayak ni:

Em V. Cruz

Subject Teacher

*Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.

Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan
EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN 5
Name: ____________________________________________ Level and Section: ________
Date of submission: _________________________________ Quarter : _________________

LEARNING ACTIVITY SHEET

Topic/s: Natutukoy ang mga pamamaraan sa pagtukoy sa mga taong

Nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo.

Reference: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Publisher: Trinitas Publishing Corp.
Author/s: Victor N. Mendoza,Arnold Faustino, Kareen Faye Sale
Page/s: Kabanata 1: Aralin 3

Background Information for Learners (Brief Discussion)

Isa sa katangian ng matagumpay na entreprenyur ay ang matukoy ang oportunidad ng
produkto o serbisyo sa pamayanan.Isa na dito ang kakayanang matukoy ang perspektiv at ideyang
pamproyekto, pagkamalikhain at inobasyon sa pagtukoy ng mga ideyang pang negosyo,ugnayan sa
industriya, at ugnayan sa paggawa ng proyekto. Iba pang halimbawa

Gusto at kailangan ng tao.

Dekalidad ang produkto/serbisyo

Mura ang materyales.
Oportunidad
Produkto/Serbisyo

Suportado ng pamahalaan. Maraming tao o mamimili sa

lugar

Hindi mawawala ang posibilidad na malugi sa isang negosyo.

May mga pagkakataon na ito’y bumabagsak dahil lamang sa isang maling desisyon, pabagu-bagong
lagay ng kalakalan at ekonomiya na sa kasamaang-palad madaling maapektuhan ang isang maliit na
negosyo ng biglang pagbabago. Mahihirapan dito ang negosyo lalo na kung wala itong angkop na
organisasyon o sapat na pananalapi. Mahabang oras kang magtatrabaho kaya humandang maglaan
ng maraming oras para sa iyong negosyo. Dahil dito, maaaring kailanganin mo ring isakripisyo ang
oras para sa pamilya at mga personal na interes. Maaring may mga di-inaasahan o di kanais-nais na
mga responsibilidad at isang araw baka matuklasan mo na may mga pananagutan ka na hindi mo
inaasahan, hindi mo kaya, o hindi mo gustong pasanin.

PAGSASANAY: GAWAIN:
1.Magsagawa ng maiksing interbiyu sa isang negosyante, maaring magulang o kapitbahay kung ano
ang mga oportunidad na nakita nila sa negosyong kanilang isinagawa sa ngayon
________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________.
2. Bakit mahalagang matukoy ang mga oportunidad na maaring pagkakakitaan sa tahanan at
pamayanan?
__________________________________________________________________________________________

*Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times

BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.

Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan
EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN 5
Name: ____________________________________________ Level and Section: ________
Date of submission: _________________________________ Quarter : _________________

LEARNING ACTIVITY SHEET

Topic/s: Wastong paggamit ng media at teknolohiya

Reference: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Publisher: Trinitas Publishing Corp.
Author/s: Victor N. Mendoza,Arnold Faustino, Kareen Faye Sale
Page/s: Kabanata 1: Aralin

Short Discussion:
Tunay na pinalakas at pinagbuti ng makabagong teknolohiya ang pakikipagkomunikasyon at ugnayan ng mga
tao sa isa`t isa. Saan man sa mundo naroon, makakapagpadala ng sulat, dokumento, o mga media file gamit ang
computer at internet. Matatanggap ito ng pinadalhan saan man sa loob lamang ng ilang segundo. Hindi ba`t kay laking
tulong, ginhawa, at katipiran ito? Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang mabilis na pagbabagong dala ng teknolohiya. Tunay
ngang makamangha ang mga makabagong instrumento at kagamitang pangteknolohiya o ICT tools at mga nagagawa ng
mga ito. Gayunpaman, kailangan ng ibayong pag-iingat sa pagpapadala ng mga personal at mahalagang dokumento at
file. Maari kasi itong mapunta sa kamay ng ibang tao at magamit sa maling paraan.

Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong:

Isang araw , napag-utusan si Miko bilang pinakamagaling na magaaral sa klase na pagsamasamahin sa isang
folder ang lahat ng takdang aralin ng kanyang kaklase. Upang ito ay madaling maibigay sa kanilang guro na si Gng. Lolita
Pajaron sa takdang oras, hindi na gumamit si Miko ng aplikasyon tulad ng Winzip at Winrar sa paglilikom ng dokumento
kahit alam niya na may laman itong sensitibong detayle. Pagkatapos makolekta lahat ng takdang aralin, inilagay niya ito
sa flash drive ng hindi ini-scan bago isaksak sa computer. Nagmamadaling nilisan ni Miko ang kanilang silid- aralan at
tumungo sa kanilang guro. Pagkabigay na pagkabigay niya ng flashdrive, isinaksak kaagad ito ni Gng. Lolita, ngunit
nagulat sya dahil nasira ang pagkaka-ayos ng mga detalye ng ginawang takdang aralin ng kanyang mag-aaral.

a. Ano ang nilabag na panuntunan ni Miko tungkol sa pamamahagi ng dokumento?

b. Ano ang maaring mangyari sa computer kapag ang ginamit mong flash drive ay hindi na scan?

c. Bakit mahalagang gumamit ng aplikasyon tulad ng Winzip o Winrar sa pamamahagi ng dokumento?

d. Kung ikaw si Miko, gagawin mo rin ba ang ginawa nya? Bakit?

Panuntunan sa Pamamahagi ng dokumento at media file

1. Humingi ng pahintulot sa kinauukulan bago mamahagi ng mga dokumento at media file.

2. Siguraduhin na ang ipamamahaging dokumento at media file ay pinahintulutan ng tunay na nag- may-ari nito.

3. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng virus ng computer device iscan muna ang removable device na

gagamitin gamit ang antivirus software.

4. Gumamit ng iba’t ibang aplikasyon sa internet sa pamamahagi ng dokumento at media file.

5. Tiyakin na ang gagamiting device ay ligtas sa anumang virus na nakapaloob dito.

6. Kung sakaling may matagpuang virus sa loob ng device, tiyaking alisin muna ang virus sa loob nito bago
gamitin.

7. Maging responsable dahil anumang virus na nasa loob ng removable device ay maaring mailipat din kasama

ng dokumento at media file na nais ipamahagi.

8. Siguraduhin ding mailagay kung sino o kanino nagmula ang ipamamahaging dokumento o media file.

9. Tiyakin na ang dokumento at media file na ipamamahagi ay hindi naglalaman ng uri ng detalye na maaring

makapanira o makapagpapagalit sa taong makakatanggap nito.

10. Gumamit ng mga aplikasyon tulad ng 7 zip at win zip kung ang media file o dokumento ay naglalamang ng

sensitibong impormasyon upang i-encrypt ang file.

Activity:

Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pangungusap ay panuntununan sa pamamahagi ng dokumento at media

file at ekis (x) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay PAPEL

_____1. Kung sakaling may matagpuang virus sa loob ng device, tiyaking alisin muna ang virus sa loob nito bago

gamitin.

_____2. Ipamahagi ang dokumento o media file kahit walang pahintulot ng may-ari.

_____3. Siguraduhin ding mailagay kung sino o kanino nagmula ang ipamamahaging dokumento o media file.

_____4.Tiyakin na ang dokumento at media file na ipamamahagi ay hindi naglalaman ng uri ng detalye na

maaring makapanira o makapagpapagalit sa taong makakatanggap nito.

_____5. Gamitin ang flashdrive ng hindi ini-scan sa pagkuha at pamamahagi ng dokumento at media file.

II. Karagdagang Gawain:

Gumawa ng isang diyalogo kung paano mapapamahagi ang isang dokumento gamit ang flashdrive sa ligtas na

paraan. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay PAPEL.

Prepared by:

Em V. Cruz

Subject Teacher

*Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

You might also like