Filipino Reviewer

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 57

MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

Karaniwang anyo ng isang morpema na maaaring magbago dahil sa impluwensya ng mga katabing
morpema.

Asimilasyon—ang mga tunog ng isang salita ay umaayon sa katabing tunog nito. makikita ang pagbabagong
ito sa mga morpemang unlaping nagtatapos sa –ng gaya ng pang-, mang, mapang-, sing-, kasing-, magkasing-,
sang, at labing.

Uri ng Asimilasyon

Di ganap o parsyal

 Ang pang, mang,sing at iba pa ay nananatili kung ang sinusundang salita ay nagsisimula sa
patinig at sa mga titik na k,g,h,m,n,ng,w,y

Hal: pang-alo, mang-aawit, panghukay, sangkatauhan, pangwakas

 Nagiging PAN,MAN,SIN at iba pa kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa mga titik na
d,l,r,s,t

Hal: pang+dakot=pandakot sing+tamis= sintamis

mang+dukot=mandukot pang+laro=panlaro

pang+sukat=pansukat

 Nagiging PAM, MAM, SIM at iba pa, kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa mga titik
na p at b.

Hal: pang+bura=pambura sing+bango=simbango

Mang+bola=mambola pang+bayan=pambyan

Ganap

 Nawawala ang unang tunog na nilalapian dahil ito ay naasimila o napapasama sa naunang
ponema.

Hal: pang+tali—pantali=panali

Mang+bato—mambato=mamato

2. Pagbabago ng Ponema

Ang d ay nagiging r kapag napapagitnaan ng dalawang patinig

Ma + dami= marami bakod + an= bakuran

1
v May pagkakataon na hindi maaaring magpalitan ang ponemang /d/ at /r/ sapgkat nagkakaroon ng
pagbabago sa kahulugan. Halimbawa sa salitang madikit (sticky) at marikit ( pretty). Ang iba pang mga salita
tulad ng madilim, madahon, madamo ay hindi nagbabago.

Ang o ay nagiging u ( hal: sino—sino-sino; biro—biru+in)

Ang h ay nagiging n ( hal: tawa+han= tawanan; ulo+han=ulunan)

Metatesis – ito ay tumutukoy sa mga ponemang nagpapalitan ng posisyon. Minsan may isa o dalawang
ponema ang nakakaltas.

Hal: tanim+an—taniman= tamnan

Atip+an—atipan= aptan

Silid+an—silidan= sidlan

Pagkaltas ng ponema—sa uring ito, nawawala ang tunog na patinig sa gitna ng salita.

Hal: tupad+ in—tupadin= tupdin

Sakay + an—sakayan= sakyan

Pagpapalit ng ponema—ang mga salitang napalitan ng ibang ponema sa loob ng salita.

Hal: dating-datingan-datnan

Halik- halikan-hagkan

Pagpapalit ng diin—maraming salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian

Hal: linis +an- linisan

Iwas+an- iwasan

Maypungos – ang mga salitang nawawalan ng isa o dalawang ponema sa unahan ng inuunlapiang salita

Hal: magpasulat—pasulat; magpatawag- patawag

Pag-aangkop-- may pagbabago sa mga salita na nagiging maikli kaysa orihinal. Nawawala ang ilang mga
tunog.

Hal: hintay ka—teka

Wika ko—ikako

2
Mga Ponemang Patinig ng Filipino

harap

gitna

likod

Mataas

/i/

/u/

Gitna

/e/

/o/

mababa

/a/

Mga Ponemang Katinig ng Filipino

PARAAN NG ARTIKULASYON

PUNTO NG ARTIKULASYON

Panlabi

Pangngipin

Panggilagid

Pangngalangala

Glottal

Palatal

Velar

Pasara w.t.

m.t.

3
t

Pailong

Pasutsot

Pagilid

Pakatal

Malapatinig

4
Mga Tungkulin ng Wika

Katangian

pasalita

pasulat

Pang-interaksyonal

Nakapagpapanatili/ Nakapagpapatatag ng relasyong sosyal, Pormularyong panlipunan, pangungumusta

Liham- pangkaibigan

Pang-instrumental

Tumutugon sa mga pangangailangan. Pakikiusap, pag-uutos

Liham-pangangalakal

Panregulatori

Kumukontrol/ gumagabay sa kilos/asal ng iba

Pagbibigay ng direksyon, paalala o babala

Panuto

Pampersonal

Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion. Pormal/di-pormal na talakayan

Liham sa patnugot

Pang-imahinasyon

Nakapagpapahayag ng imahenasyon sa maikling paraan. Pagsasalaysay, paglalarawan

Akdang pampanitikan

Pangheuristiko

Naghahanap ng mga impormasyon, Pagtatanong, pakikipanayam

Sarbey, pananaliksik

Pang-impormatib

Nabibigay ng impormasyon/datos,Pag-uulat, pagtuturo

Ulat, pamanahong papel

5
ANTAS NG WIKA

Pormal- wikang istandard dahil kinikilala, tintanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga
nakapag-aral ng wika.

1. Pambansa- salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan.
Wikang panturo rin ito.

2. Pampanitikan-salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga
salitang matatayog, malalalim, makulay at masining.

Impormal –salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa mga kakilala


at kaibigan.

1. Lalawiganin- gamitin ang ito sa mga particular na pook o lalawigan lamang.

2. Kolokyal- mga salitang may kagaspangan sa ng kaunti.

3. Balbal- slang kung sa Ingles. Gamitin ng mga pangkat-pangkat upang magkaroon sila ng sarili nilang
codes.

A. Barayti ng Wika

1. Dayalek- tumutukoy sa wikain. Ang Tagalog ay isang wika at bilang isang wika, nagkakaroon ito ng
barayti ayon sa lugar na gumagamit nito. Kasama rito ang punto, bokabularyo o pagkakabuo ng mga salita
(Zafra at Constantino).

Hal: (Maynila) Ang layo naman!

(Batangas) Ala, ang layo eh!

(Bataan) Ang layo ah!

Cavite) Sir, ano po ba ang bugong ninyo ngay-on? Mangyari po kasi,

ako’y namaraka kahapon. Kayo po ba’y nakain ng tinumis

na baboy?

6
(Maynila) Sir, ano po ba ang baon mo ngayon? Namalengke po kasi ako

kahapon. kumakain po ba kayo ng dinuguang baboy?

2. Idyolek- ito ang pinakaliberal na barayti sapagkat umaayon ito ayon sa personal o indibidwal nagamit ng
wika. Hal: SIYA

3. Sosyolek- wikang gamit ng mga taong may halos iisang paniniwala, antas ng edukasyon, pamumuhay o
maging hanapbuhay ay madalas na magkakasama sa iisang pangkat. Natural lamang na sa kanilang pangkat,
umiiral ang iisang wikang kanilang lubos na nauunawaan ngunit kaiba naman sa mga taong labas sa kanilang
pangkat.

Hal: dekada 70, nagging popular ang Taglish, engalog o maging ang

Filipinong sosyal.

Pagkakaiba ng paggamit ng wikang bading

Gamit ng doctor ng medisina, pilosopiya, o edukasyon

4. Jejemon- wikang palasak at kinatutuwaang gamitin sa mga txt message.

TEORYA NG PAGBASA

Bottom up- (behaviorist) pagkilala ng mga seye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus)

upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o response).

-ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula s payugtu-yugtong pagkilala ng mga salita, parirala, pangungusap ng
buong teksto bago pa man ang pagpapakhulugan sa teksto.

-ang tagabasa ay pasibong partisipant lamang

-outside-in o data driven

top-down- (Gestalt)- ang pag-unawa ay nagsisimula sa isip ng tagabasa tungo sa teksto.

- ang tagabasa ay isang napaaktibong partisipant sa proseso ng pagbasa. May dati nang kaalaman(prior
knowledge) na nakaimbak sa kaniyan isipan at may sariling kakayahn sa wika (lanuage proficiency) na gamit.

-inside- out o conceptually driven

interkatib- (sikolohiya) higit na angkopang kombinasyon ng bottom-up at top-down sapagkat ang

proseso ng komprehensyon ay may dalawang proseso.

7
-ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang
kaniyang kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan kung saan nagaganap ang interaksyon ng
mambabasa at ng awtor.

4. iskema- ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa nakikinig o mambabasa kung paano

nila gagamitin o paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.

MGA ISTILO NG PAGBASA

Iskiming- pagbasang napakabilis na naisasakripisyo na ang pagkilala at pag-alam sa layunin. Madalas mangyari
sa mga taong abala sa araw-araw na gawain.

Iskaning- higit itong nakapokus sa isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Hindi nito layuning makita ang
lahat ng may kinalaman sa kaniyang paksa o maging ang kaisipan ng isang awtor. Ang mahalaga ay makita ang
isang tiyak na nais sa pinakamabilis na paraan. Hal: numero,diksyunaryo, nanalo sa lotto,LET result

Prebyuwing- karaniwang pagbasa ng nilalaman bago ang kabuuang pagbasa.

kaswal- pagbasa nang walang layunin kundi ang magpalipas-oras lamang.

Kritikal- pagbasang may layuning makagawa ng isang komprehensibong report, riserts at iba pang
dokumentong nangangailangan ng matibay na batayan. Sinusuri nang husto sa istilong ito ang bawat pahayag
upang hindi maligaw sa pag-alam ng tunay na kahulugan.

Impormatib- may layuning makakuha ng wastong kabatiran

Muling basa- isinasagawa kung nagkaroon ng iba pang bagay na dapat kumpirmahin. Makabubuti ito upang
matiyak ang mga impormasyong may kaunting kalabuan pa sa mambabasa. Hal: akdang pammpanitikan gaya
ng tula

(Content)

Pamaraan, Istratehiya ay Teknik sa Pagtuturo ng Filipino

Katuturan ng Dulog, Pamaraan at Teknik

Si Edward Anthony (1963) ay nagbigay ng kanyang depinisyon tungkol sa dulog, pamaraan at teknik na
tinanggap ng maraming guro sa loob ng mahabang panahon

8
· Dulog – set ng mga asamsyon o mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagturo

· Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika batay sa
napiling pagdulog.

· Teknik – tiyak na mga gawaing nakikita sa klasrum at consistent sa isang pamaraan at nauugnay rin sa
isang pagdulog.

Mga Katangian ng isang Mabuting Pamaraan ng Pagtuturo

Iba’t ibang Pamaraan, Istratehiya at teknik sa Pagtuturo ng:

A. Pakikinig

Ang pakikinig ay isang complex na proseso kung saan ginagawa ng ating isipan na lapatan ng
pagpapakahulugan ang anumang pagsasalitang napakinggan. Ang proseso sa pakikinig ay may tatlong bahagi,
pagtanggap, paglilimi o pagbibigay tuon at pagpapakahulugan (Wolvin and Coakley, 1979)

Ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap
(yagang, 1993). Nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-uunawa sa diin at bigkas, balarila at talasalitaan at
pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita (Howatt at Dakin:1974, binanggit kay Yaging). Ang
mahusay na tagapakinig ay may kakayahang isagawa ang apat na ito nang sabay-sabay.

Mga Teknik na Magagamit ng Guro sa Pagkatuto sa Pakikinig

· Pagbasa ng Malakas (Reading Aloud)

· Magbasa sa klase ng mga aklat na piksyon at di-piksyon

· Panubaybay na pagbasa, sabayang pagbasa at sabayang pag-awit at iba pa.

· Mga larong Pampakikinig

B. Pagsasalita

Ang pagsasalita ang pinakagamiting pagpapahayag sa wika. Isang katangian ng pagsasalita na kaiba sa
pagsulat ay ang pagbibigyan sa pagsasalita (turn taking)

9
Mga Teknik na Maaring Gamitin ng Guro Upang Malinang ang Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Bata.

· Usapan / Dyalog Mga Kwento

· Pagsunod sa Panuto Paglalarawan

· Talakayan Pagbibigay ng Isang Talakay

· Mga Dula-Dulaan

C. Pagbasa

Sinabi ni Goodman (1967, 1971, 1973) na ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game kung
saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa.

Si Coady 91978) ay nagbigay din ng elaborasyon sa kaisipan ni Goodman sa pagbasa. Ayon kay Coady,
para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangang ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa
kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto / kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong
masasalamin sa teksto.

Teknik na Maaring Malinang ng Guro sa mga Mag-aaral sa Pagtuturo ng Pagbasa

1. Ugnayan ng Tanong-sagot

Ugnayan ng Tanong-sagot (US-QAR sa ingles) ay binuo ni Raphael (a982-1986) upang mapataas ang antas ng
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng isang sistematikong
pagsusuri ng tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ngisang sistematikong pagsusuri ng mga tanong.

2. DR-TA (Directed Reading – Thinking Activity) o Pinatnubayang pagbasa o Pag-iisip

Ang dulog DR-Ta (Stauffer 1969, 1976) ay para sa paglinang ng komprehensyon ng buong klase / pangkat. Sa
dulog na ito, ang mga bata ay aktibong nakikilahok sa talakayan sa tulong ng mga tanong na nasa mataas na
lebel ng pag-iisp.

Layunan ng DR-TA na matulungan ang mga bata sa pagtatakda ng sariling layunin sa pagbasa, pagbibigay ng
sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman at kaalamang buhat sa teksto, pagbuo ng isang
sintesis ng mga impormasyon, pagpapatunay at mga pagbabago ng mga prediskyon at pagbuo ng isang
konklusyon.
10
3. DRA (Directed Reading Activity) o Pinatnubayang Pagbasa

Ang pagdulog na ito sa pagtuturo ng pagbasa ay matagal nang ginamit sa mga paaralan. Bagama’t may ilang
modipikasyon na ipinapasok sa pagdaraan ng mga taon, nanatili pa rin ang mga pangunahing layunin ng
pinatnubayang pagbasa: maihanda nang husto ang mga bata sa pagbasa, mabigyang –diin ang pagkilala sa salita
at ang paglinang ng mga kasanayan sa pag-unawa at mapatnubuyan ang mga bata sa pagbasa ng isang
itinakdang kuwento.

4. ReQuest (Reciprocal Questioning) o Tugunang Pagtatanong

Layunin ng istratehiyang ReQuest na linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa ng mga bata sa pamamagitan
ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng layunin sa pagbasa, at pag-uugnay ng mga impormasyon. Isinasaalang-
alang din ang istratehiyang ito ang pagmomonitor sa sarili hingil sa prosesong isinasagawa sa pag-unawa ng
isang teksto.

5. Story Grammar (Pagsusuri sa Kayarian ng Kwento)

Mahalaga para sa pag-unawa angpagkakaroon ng kaalaman sa kayarian ng kuwento (story sense.) ito’y
makatulong upang mahaka ng bumabasa ang proseso kung paano inilalahad ang isang kuwento.

6. GMA (Group Mapping Activity)

Ang group mapping activity(GMA) ni Jane Davidson (1892) ay isang estratehiya sa pagtuturo na mabisa sa
paglinang ng pag-unawa o komprehinsyon sa pamamagitan n integrasyon at sintesis ng mga ideya at
konseptong nakapaloob sa kuwento. Ito’y ginagawa pagkatapos basahin ang isang akdang pampanitikan o isang
ekspositoring babasahin sa agham o araling panlipunan.

Sa istratehiyang ito, ang mga bata ay pabubuin ng isang grapikong representasyon na naglalarawan ng kanilang
personal na interpretasyon na kaugnay ng mga tauhan sa mga pangyayaring naganap sa kwento o di kaya
nama’y ang kanilang sariling interpretasyon sa konseptong inilahad sa isang babasahing ekspositori. Ang
representasyon ay katulad ng isang mapa o dayagram at nakabatay ito sa personal na pagkaunawa ng teksto.

7. KWWL (What I Know, What I Want to Learn, Where Can I Learn This, What I Learned)

Ang KWWL (Jan Biyan, 1998) o AGSN ay isang elaborasyon ng KWL nina Carr at Ogle (a987). Ang A ay
kumakatawan sa kung ano ang alam ng mga bata sa paksa, G ang gustong malaman; S saan malalaman: at N
ano ang nalalaman. Ang istratehiyang KWWL ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang
dating nalalaman sa paksa lalo na sa mga tekstong ekspositori.
11
D. Pagsulat

Ang pagsulat ay karaniwang bunga ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao (Antonio, 1978). Isang
kasanayang may malaking ginagampanan di lamang sa pag-unlad ng wika at panitikan kundi maging ng
sangkatauhan sa kabuuan. Kasangkapang nilikha at ibinunga ng talino ng tao gamit ang pinakamahalaga at
pinakaapektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.

Ayon naman kay Badayos (2001), ang pagsulat ay iinog sa kung gaano kabisa at kasensitib na makabuo
ng mga pahayag ang isang manunulat upang ang makababasa ay matuklasan ang mga dimension sa pagsulat.

Mga Teknik na Maaaring Gamitin ng Guro Upang Malinang ang Kasanayan sa Pagsulat ng mga Bata.

· Pagsulat mula sa patnubay na binuo ng klase Pagsulat mula sa mga maikling tala

· Dikto-Komp Tumbasang Pagsulat

· Teknik na Tanong at Sagot Pagpuno ng mga Puwang

· Padiktang Pagsulat

Mga Klasikong Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika

Pamaraang grammar-Salin Tuwirang Pamaraan

Pamaraang Audio-Linggual Community Langguage Learning

Suggestopedia Silent Way

Ang total Physical response(TPR) Natural Approach

Sitwasyunal

Mga Tradisyunal na Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika

Ang Pamaraang Pabuod Ang Pamaraang Pasaklaw

Ang Pamaraang pabalak Ang Araling Pagpapahalaga

Ang Pamaraang Patuklas Ang Pagdulog Konseptwal

Ang Pamaraang Microwave sa pagtuturo ng Wika


12
Ang Interaktibo, Kolaboratibo, Integratibo at komunikatibong Pagtuturo ng Wika (IKIK)

Pagtuturong Integratibo

Ayon kay Humphreys (1981), ang integratibong pag-aaral ay yaong kung saan malawakang sinisiyasat
ng mga mag-aaral ang mga kaalaman sa iba’t ibang sabjek kaugnay ng particular na aspekto ng kanilang
kapaligiran. Nakikita niya ang ugnayan ng mga araling pinag-aralan sa wika, agham, matematika, araling
panlipunan, musika at sining. Ang mga kaalaman at kasanayan ay nililinang at ginagamit sa iba’t ibang aralin sa
pag-aaral.

Mga Istratehiya Batay sa Pagdulog Integratibo

1. Tematik na Pagtuturo (Thematic Teaching)

2. Pagtuturo batay sa Nilalaman(Content-Based Instruction)

3. Generic Competency

Kolaboratibong pagtuturo(Collaborative learning)

Ang istratehiyang ito ay tinatawag ding cooperative learning, collective learning, learning communities,
peer teaching, peer learning, reciprocal learning, team learning, study circles, study groups at work groups.

Mga Gawaing Maaaring Ibigay ng Guro sa Grupo Upang Makamit ang Pagkatuto

1. Committee

2. Brainstorming

3. Buzz Session

4. Debate at Panel

5. Symposium

13
6. Role Playing at Improvization

7. Fish Bowl

8. Critiquing Session

9. Round Table

10. Forum

11. Jury Trial

12. Majority Rule Dicision Making

13. Consensus decision Making

14. Composite Report

15. Agenda

16. Student Team Achievement divisions(STAD)

17. AngTeam Assisted Instruction(TAI)

18. Jigsaw

19. Meet the Press

20. Think-Pair Share

21. Multiple Intelligence

· Pagtuturong Interaktibo

· Pagtuturong Komunikatibo

· Mga Teknik na Maaaring Gamitin sa Pagtuturong Komunikatibo

1. Awtentikong Kagamitan

2. Mga Viswal

3. Role Play

14
4. Mga larong Pangwika

5. Mga Suliraning Pangwika

6. Mga Graphic Organizer

Ilang halimbawa ng graphic Organizer

KWL Concept Map

Venn Diagram Fact Storming Web

Spider Web Comparison Matrix

Sayklikal Tsart Story Map

Time Line Cycle

Series of Event’s Chain

Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo

Ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang panturo sa
paghahatid ng kaalaman upang maging makatotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-unawa at
pagpapahalaga ng mga mag-aaral upang maging kongkreto, tunay, daynamik at ganap ang pagtuturo(Abad,
1996). Isa itong tanging gamit sa pagtuturo na nagtataglay ng gabay para sa mag-aaral at mga guro at tumitiyak
sa bawat karagdagang pagkatuto ng nilalamn, teknik ng paglalahad, pagsasanay at paggamit ng nilalaman at
paraan ng pagtuturo gamit na mga teknik na ito.(Johnson ,1972)

1. Mga Kagamitang Limbag

a. Teksbuk – isang masistemang pagsasaayos ng paksang-aralin para sa isang tiyak ng

asignatura at antas.

b. Manwal ng Guro – Kalipunan ng mga araling nakaayos ayon sa layunin at mga mungkahing

paraan o sa regular na gawaing pangklasrum at teksbuk.

c. Materyals na Suplemental – Iba’t ibang kagamitang limbag na ginamit na pagdagdag o

supplement sa regular na gawaing pangklasrum at teksbuk.

15
d. Workbuk – Mga Pagsasanay at mga Gawain ng mag-aaral kaugnay na tinatalakay na aralin.

e. Kopya ng Balangkas(Duplicated outlines) – Set ng aralin na nakabalangkas.

f. Hand-awts – sinaliksik at pinayamang paksa. Madalas inihahanda ng isang lektyurer para sa kanyang
tagapakinig. Maaaring gamitin at basahin upang matiyak ang kaalamang natamo.

g. Pamphlets/Supplemental Magasin – set ng mga aralin at gawaing pandagdag sa tinatalakay na aralin

h. Artikulo Mula sa Magasin/Babasahin – naglalaman ng iba’t ibang paksa na napapanahon na magagamit na


pantulong sa isang aralin.

i. Pahayagan - Naglalaman ng mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa.

j. Dyornal – Regular na ulat na kinalabasan ng isang pananaliksik

k. Indexes – binubuo ng mga sanggunian.

l. Worksheets

2. Mga Kagamitang Limbag na Inihanda ng Guro.

a. Modyul - isang kit sa pansariling pagkatuto. Ito ay binubuo ng iba’t ibang gawaing pagkatuto na
kadalasan ay nasa anyong pamplet/babasahin. May iba’t ibang uri ang modyul: modyul sa pansariling
pagkatuto: modyul sa pagsunod ng Panuto at Modyul ng Balangkas na gawain.

b. Banghay-Aralin – ito’y balangkas ng mga layunin, paksang – aralin, kagamitan at mga hakbang na sunod-
sunod na isasagawa upang maisakatuparan ang mga layunin o inaasahang bunga sa isang particular na aralin.

c. Patnubay sa Gawaing Pangmag-aaral – Set ng mga panuto at tanong na makakatulong sa pagtatalakay ng


bagong aralin.

d. Talahanayan ng Ispesipikasyon – Ginagamit ng guro sa paghahanda ng pagsusulit. Makikita ang lawak ng


nilalaman bilang ng aytem, at uri ng pagsusuri na gagawin ng guro

3.Mga Kagamitang namamasid

a. Chalkborad Display – mga larawan at talang nakaguhit o nakasulat sa isang darkcolored na bagay

b. Whiteboard or Markerboard Display – maga larawan at talang nakaguhit o nakasulat sa isang light-
colored na bagay.

c. Mga Larawan- nagiging makatotohanan ang isang bagay o paksa dahil sa nakikitang hugis, laki, kulay.
Karaniwang ipinakikita ng guro sa pagtatalakay ng aralin upang magkaroon ng gabay ang mga mag-aaral na
ipaliwanag ang nialalaman ng guro. Maaaring gamitin ang mga larawan mula sa kalendaryo, dyaryo at magasin.

16
d. Illustrasyon – ginuguhit na manwal/kamay ang paraan sa pagbubuo ng isang bagay, tao lugar at
pangyayari.

e. Tsart / Graphic Organizer – Ginagamit upang pag-ugnayin at ikategorya ang mga konsepto at pangyayari
sa binasa. Tinatawag din itong biswal na larawan (Garcia, 2008 at http//www.my.hrw.com

f. Awtentikong Kagamitan – tumutukoy sa pagiging awtentiko ng input data na gagamiting lunsuran sa


paggagawa ng kagamitang panturo. Ang mga data ay hango sa mga pahayagan, patalastas, magasin, brochure
at billboards.

g. Graps – Flat Picture binubuo ng tuldok, guhit o larawan gaya ng circle graphs, bar graps, line graphs, area
graphs at pictorial graphs.

h. Maps – ang anyo ay flat nagpapakita ng kinaroroonan ng mga lugar, pook, bansa at agwat / layo ng oras.

i. Globes – Ang anyo ay flat nagpapakita ng kinaroroonan ng mga lugar, pook, bansa at agwat / layo ng
oras.

j. Posters – Eye Catching graphics, ginagamit upang medaling makuha ang mensahe

Halimbawa: Posters para sa buwan ng wika, poster ng isang pulitiko.

k. Exhibits – mga iba’t ibang kagamitan na may kaugnayan sa isang Gawain, hal. Mga aklat

l. Hook and Loop Display – mga larawan at tala na idinidikit sa pamamagitan ng maliit na magnetic
Holders.

m. Bulletin Board Display –Anawnsment, programa, tala at mga larawan.

n. Magnetic Board Display – Mga larawan at tala na idinidikit sa pamamagitan ng maliit na magnetic
holders.

o. Museum – dito maaaring matagpuan ang mga sinauna at lumang coins, gamit, damit, larawan, bato, atb.
Ito ay itinatabi at pinepresenta upang makita ng mga mag-aaral.

p. Flannel Board – kagamitang yari sa cardboard o kahoy na binabalutan ng felt na papel.

4. Mga Bagay

a. Ispisemen – bato, insekto, dahon, kahoy, atb

b. Realia – awtentikong kagamitan, foreign coins, artifacts

c. Modelo – Presentasyon isang bagay

d. Mock-up ‘Replica’- yari sa isang tunay or sintetik na materyales


17
e. Mock Trial – tunay na taong nagsisiganap sa pagbibigay hatol sa isang pangyayari sa kuwento na nais
bigyan ng pagsusuri.

f. Papet - mga tau-tauhang pinagagalaw na ginagamit ang mga daliri o kamay

g. Dayorama – modelo ng tauhan, tagpo o pangyayari

h. Pabitin o Mobil – Itinatanghal sa pamamagitan ng pagsasabit o pagbibitin ng anumang bagay na may


kaugnayan sa aralin.

i. Plaskard – nakasulat na salita, pangungusap, larawang maaaring may kulay o wala.

j. Cue cards. – ipapasalaysay ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mga susing salita na nakasulat sa cue
cards.

k. Komik Strip – mga pangyayaring nakalarawan at ang usapan ng mga tauhan ay nasa loob ng balloon.
Ginagamit ang komik strip upang maging maikli ang isang mahabang salaysay.

l. Notekard – nakatalang teksto at lektyur.

m. Mga seleksyong Pampanitikan – maaaring sanaysay, kuwento, tula, dula, talambuhay at iba pa na
magagamit na lunsaran sa pagtuturo.

n. Kasuotan(Costumes) – sa pamamagitan nito ay naisasabuhay ang akma sa isang particular na panahon o


lugar. Maaari rin naming gawin ito kung nais ng guro na magkaroon ng pagtatanghal sa ilang piling kilalang
tao. Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga bayani, mga pinuno ng bayan o kahit sinong kilalang
tao na maaaring iugnay sa paksang tinatalakay.

5. Mga Kagamitang Naririnig

a. Radyo – mga dula, awitin, debate, balita at komentaryo.

b. Cassette – mga awtitin

c. Teyp Rekorder – lektyur, talumpati, tula, awitin at iba pang anyo ng panitikan.

6. Mga Kagamitang Naririnig-Namamasid

a. Sine – mga pangyayari hinggil sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, kabayanihan at ilang maaaring makita sa
lipunan.

b. Telebisyon – Balita, debate, telesine at iba pang paksa

c. Materyales Computer – Mediated

18
7. Videoteyps

a. Resorses mula sa komunidad

· Field Trips – ang mga mag-aaral ay lumalabas sa klasrum

· Tagapagpanayam o Tagapagsalita – mga taong higit ang kaalaman at may kaalamang hindi batid ng iba.
Halimbawa: pulis, guro, mayor, manunulat, pangulo, senador, preacher, at iba pa.

· Demonstrasyon – isang pamamaraan sa pagtuturo

· Laboratory – may iba’t ibang ekwipment gaya ng magnetic tape recoders, headsets, microphones. Sa
agham, kagamitan tulad ng microscopes, slides atb.

2. Kagamitang Projected at Namamasid

Ø Slides – mga larawan ng isa o maraming aralin.

Ø Filmstrips - mga larawan ng bagay, tao, lugar o pangyayari.

Ø Opaque Projections – Pinalaking imahen ng larawan at ilustrasyon ng tao, bagay, hayop at pangyayari.

Ø Overhead Projections – ang mga larawan, teksto ng materials ay nililipat sa isang transparencies para makita
sa screen

Mga Napapanahong teknolohiya

1. Digital Images – tinatawag ding raster images. Ito ay representasyon ng dalawang dimensyunal na
imahen gamit ay “ones and zeros (binary)”. Ito ay depends sa pakakalagay ng “image resolution”, maaari itong
“vector or raster type”.

2. Powerpoint Presentation Ang slideshow ay display ng iba’t ibang piniling imahen na binuo sa masining at
pampagtuturong layunin. Ito ay pinapagalaw ng isang presentor na gamit ang isang apparatus. Maaaring isang
carousel slide projector, at overhead projector o sa kasalukuyan ay kompyuter ang pinaandar gamit ang
powerpoint software.

3. Moviemaker Presentation – Isa ring modernong presentasyon na ang ginagawa ng isang tao ay iginaya sa
mga napapanuod na pelikula. May naganap at may script na binuo. Inaangkapan din ito ng tunog at tugtog.
Iniaayon sa layon ng gumagawa at gumagamit din ng video software.

4. Video - Isang uri ng teknolohiya na electronically capturing, recording, processing, storing, transmitting
at reconstructing sekwens ng mga still images na narerepresenta ng mga kilos o pagganap.

5. Kompyuter (Wedsite, Services,etc.) – ang paggamit nito ay napakalaking tulong na kagamitan sa


pagkatuto ng tao. Ang mga kompyuter predictable at controllable, madaling magpalit o mag-ayos ng maling
sagot. Napakadaling marebisa ng mga ginagawang pag-aaral. Halos lahat ng pag-aaral at impormasyong

19
kailangan ay maaaring matagpuan sa kompyuter. Madali na ring makausap at makita ang mga kaibigang nasa
malayong lugar.

6. Photocopiers – isang copier na ginagamitan ng photographic na paraan upang makabuo ng maraming


sipi.

7. DVD/CD Palyer – Maaaring mapanood ang isang dokumentasyon at palabas gaya ng pelikula, kasal at
iba pang binidyo na okasyon.

8. LCD Projector – ang LCD Projector ay isang uri ng video projector para ipanood ang video, imahen o
kaya computer data sa screen o sa ibang flat bagay.

9. Videocam – isang camcorder na”portable condumer electronics device” para makapagrekord ng video at
awdyo gamit ang isang built-in rekorder.

10. Laptop – isang uri ng kompyuter. Nakagagawa ng pag-aaral nang mabilis sa tulong ng laptop. Ito ay
maaaring madala sa labas ng bahay at kahit anong oras na nais mong gumawa ng aralin ay maaaring gawin.

11. Laser pen – isang laser pointer na madalas ginagamit sa pagmamarka (highlighting) ng paksang nais
bigyang-diin at pinipresent sa harap ng maraming tao. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtutok ng ilaw mula
sa laser ponter habang nagpepresent.

12. I-Pad – isang kagamitan na pinalalagakan ng datos, tunog, awit at maaari ring magrekord ng panayam.

13. Cellphone – isang long range, electronic device na ginagamit para sa mobile voice at data communication
sa pamamgitan ng network mula sa isang specialized base stations na kilalang cell sites.

14. Digital Camera – tinatawag na digicam ay isang camera na ginagamit sa pagkuha video or still
photographs, at digitally nagrerekord nito ng mga imahen sa pamamgitan ng electronic image sensor.

15. Internet – ito ay isang global network na pinakokonek ang iba’t ibang kompyuters at nagagawa nito ang
mga gumagamit ay magkaroon ng pagbabahagi ng impormasyon gamit ay multiple channels. Sa pamamagitan
ng internet ang isang tao ay maaaring makapaghatid ng impormasyon, makipagbalitaan gamit ang yahoo
messenger. Madaling makipagkomunikasyon dahil sa mga naturang program.

Pagsusulit, Pagtataya at Ebalwasyon

Pagsusulit – sa edukasyon, ang pagsusulit ay tumutukoy sa proseso ng pagkilala kung gaano matatamo ng mag-
aaral ang particular na kaalaman, kasanayan o katangian. Ito’y tumutukoy sa kwantipikasyon ng anumang
aspeto ng proseso ng pagtuturo. May kwantitabong uri ng pagsusulit gaya ng bahagdan ng aytem na
nagsasagutan ng mga mag-aaral sa pagsusulit. Para kay Alrasian)1994), ang pagsusulit ay pormal, sistematiko,
na sa tradisyunal na pamamaraan ay gamit ng mga mag-aaral ang lapis at papel: at ginagamit ng guro upang
makakuha ng impormasyon sa gawi ng mga mag-aaral.

20
Pagtataya – ito’y tumutukoy sa praktikal na aplikasyon ng pagsusulit, isang aktwal na perpormans ng iba’t
ibang uri ng pagsusulit. Ito’y tumutukoy rin sa proseso ng pagkuha ng impormasyon kung paano matatamo ang
layunin ng pagtuturo.

Ebalwasyon – ang ebalwasyon ay proseso ng pagbuo ng kahatulan, gaya ng gaano kahusay na naipakita ng
mag-aaral ang kanyang gawain, upang masabing ito’y marapat o may kalidad. Ito ay tumutukoy sa
pagpapakahulugan o interpretasyon kung ano ang kahulugan ng iskor na kanyang nakuha sa pagsusulit. Ang
isang mahusay na guro ay makapagtatamong ng ganito: “Paano ko mabibigyang kahulugan ang resulta ng
kanyang pagsusulit?”

Ang Talahanayan ng Ispisipikasyon ay isang kagamitang nagpapakita ng sistematikong pamaraan ng pagtatakda


ng lawak ng paksang sasaklawin ng pagsusulit at ng bilang ng mga aytem na gagawin para sa bawat kasanayang
susukatin.

Mga Uri ng Pagsusulit

1. Proficiency Test vs Achievement Test

Sa proficiency test, nababatid ng guro kung gaano kasaklaw ang nalalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng
wika para sa isang tiyak na layunin. Ito’y naglalayong malaman ang kakayahan ng mga mag-aaral na
tumanggap at magbigay ng impormasyon sa wikang pinag-aaralan para sa isang kapaki-pakinabang na layunin.
Sa kasalukuyan, isang batas ang inihain sa Senado ni Senador Mar Roxas na nagtatakdang bago kumuha ng
Licensure Examination for Teachers ang mga guro ay kinakailangang may ipakita siyang sertipiko na
sumailalim siya at matagumpay na nakapasa sa English Proficiency Test.

Samantala, upang mabatid ng guro kung gaano naging matagumpay lang mga mag-aaral sa pagtatamo
ng layunin sa tulong ng achievement test. Tinatawag ding pangwakas na pagsusulit, ito’y ibinibigay pagkatapos
sa katapusan ng semester o taon. Tinutuklas nito kung sinu-sino ang mga mag-aaral ang lubos na nakaunawa sa
naiturong kasanayan, gayundin ang markang dapat nilang makuha.

2. Diagnostic Test vs Placement Test

Natutuklasan ang mga kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng diagnostic test. Ibinibigay
ito bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan upang matiyak kung ang mga mag-aaral ay may mga
21
kinakailangan pang kakasanayan (prerequisite skilss). Nababatid ang antas ng mga mag-aaral sa isang
ibinibigay ng programa sa placement test.

3. Discrete Point Test vs Integrative Test

Sumusulit lamang sa isang tiyak na element o bahagi ng wika gaya ng tunog, grammar at talasalitaan sa isang
makrong kasanayan sa wika, sa discrete point test ay ibinibigay lamang ang isang aytem sa itinakdang oras.
Layunin nitong masukat ang kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral sa naiturong kasanayan sa wika. Ang
resulta nito ay nagagamit ng mga guro sa pagahahanda ng mga kagamitang tutulong sa mga –mag-aaral upang
mabigyang-lunas ang kahinaan nila sapagsusulit. Ang ilang halimbawa ng pagsusulit na ginagamitan ng discrete
point test ay ang mga sumusunod:

3.1. maramihang pagpipilian (multiple choice test)

3.2. dalawang pagpipilian (alternative responsive test)

3.3. pagpupuno (completion form)

3.3. pagtatapat-tapat (matching type)

Kung nais malaman ang iba’t ibang elemento ng wika para makumpleto ang gawain, ito’y dapat gamitan
ng integrative test.

4. Criterion Referenced Test vs Norm Referenced Test

Ang ginagamit na pagsusulit upang mauri ang mga mag-aaral kung kaya o hindi nila kayang gawin ang gawain
ay ang criterion referemced test. Ang pagsusulit na ito ay may itinakdang pamantayan na kailangang makaabot
ang mag-aaral sa pamantayan upang masabing naipasa nila ang pagsusulit. Sa pagsusulit na ito natutulungan
ang guro na mapahusay ang kanyang istratehiya sa pagtuturo dahil lalo pa niyang pinahusay ang mga
kagamitang panturo at ang paraan / pamaraan ng kanyang pagtuturo.

Ang pagsusulit na tumutugonsa perpormans ng mga mag-aaral na inihahambing sa perpormans ng ibang mga
mag-aaral ay tinatawag na norm referenced test. Ang resulta ng pagsusulit na ito ay ginagamit na batayan sa
pagmamarka ng asignatura o kurso. Nabuo ang pagsusulit na ito upang mamaksimays ang diskriminasyon na
nagawa ng mga taong may tiyak na background o karanasan.

Ang mga Tiyak na uri ng Pagsusult ayon sa Paraan ng Pagmamarka

1. Pagsusulit na Obhektibo (Objective Test)


22
Maraming nagssabi na angisa sa pinakamahusay na pagsusulit na inihahanda ng guro ay ang Pagsusulit na
Palayon o Tukuyan. Malaki lamang ang tanong at iisa lamang ang sagot para rito. Narito ang ilang halimbawa
ng pagsusulit na obhektibo

1.1. maramihang pamimili ng sagot (multiple choice)

1.2. pagpupuno ng patlang (completion type)

1.3. pagtatapat-tapat (matching type)

1.4. dalawang pamimili (alternatate response)

1.5. pagsusulit close (close test\)

1.6. pagsusulit padikta (dictation test)

1.7. pagtukoy sa mali (error recognition test|)

2. Pagsusulit na Sabhektibo (Subjective Test|)

Ang pagwawasto sa pagsusulit na may ganitong uri ay nababatay sa sariling pananaw o saloobin ng
nagwawasto ng papel. Ang ilang halimbawa na pagsusulit na ito ay ang mga sumusunod|:

2.1. pagsasalin(translation|)

2.2. pagsulat ng sanaysay (essay type|)

2.3. tanong na walang limitasyon |(open-ended question)

Mga Akdang Pampanitikan at mga May-akda na Kinatawan ng Bawat Panahon

A. Sinaunang Panahon

1. Awiting Bayan 3. Epiko

Awit sa pamamangka/manggagawa-soliranin at talindaw Ibalon – Bikol

Awit pangkasal – diona at ihiman Biag ni Lam-ang – Ilokano

Awit panghele- oyayi Kumintang – Tagalog

Awit ng pag-ibig – kundiman Bidasan – Moro

Awit ng pandigma – kumintang tikam at tagumpay Tuwaang – Bagobo

23
Lawiswis kawayan – Tagalog Lagda- Bisaya

O Naraniag A bulan – ilokano Darangan – Muslim

Atin Cu pung Singsing – Kapampangan Alim – Ifugaw

Si Nanay si Tatay – Bikol Pala-isgen – Palawan

Sarong Banggi – Bikol

2. Alamat/kwentong Bayan

Alamat ng Sansinukob

Pinagmulan ng Araw at Gabi

Alamat ng Ating kulay

Alamat ng Hugis ng Ilong

Si Malakas at si Maganda

Paano Nilikha ang Mundo

Alamat ng Bigas

Alamat ng Samar- Leyte

Pinanggalingan ng Pulo ng Bisaya

Alamat ng Bulkang Mayon

Naging Sultan si Pilandok

Ang Bobong Prinsipe

3. Karunungang-bayan

1. Salawikain – nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng gating mga
ninuno.

Hal. Ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang tiwala sa sarili.

Hawak ng basahan may panahong kailangan

2. Saliwikain – kasabihang walang nabagong kahulugan

Hal. Ang taong matiisin natatamo ang mithiin

Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa


24
3. Bugtong

Hal. Bungbong kung liwanag

Kung gabi ay dagat (banig)

4. Palaisipan

Hal. May isang prinsesa sa tore nakatira

Balita sa kaharian pambihirang ganda

Bawal tumingala upang siya’y Makita

Anong gagawin ng binatang sumisinta?

5. Bulong – ginagamit sa pangkukulam, pang-ingkanto, pasintabi

Hal. Huwag magagalit kaibigan

Aming pinuputol lamang

Ang sa ami’y pinag-utos

6. Kawikaan – laging nagtataglay ng aral sa Buhay

Hal. Pag talagang palad sasampa sa balikat

Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha

B. Panahon ng Kastila

1. Mga unang aklat na panrelihiyon/ pangkagandahang asal

a. Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat na inilimbag sa Pilipinas

b. Nuestra Senora del Rosario – naglalaman ng talambuhay ng mga santo, nobena, tanong-sagot na
panrelihiyon

c. Pasyon – natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo. Pinababasa tuwing Mahal na Araw

d. Urbana at Feliza – pagsusulatan ng magkapatid na pawing patungkol sa kagandahang asal

2. Mga Akdang Pangwika

a. Arte Y dela Lengua Tagala-Padre Blancas de San Jose


25
b. Vocabulano dela Lengua Tagala – kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog ni Padre Pedro San
Buenaventura

c. Vocabulano dela Lengua Pampango – ni Padre Diego Bergamo

d. Comprendio dela Lengua Tagala – ni Padre Gaspar de San Agustin

e. Arte dela Lengua Ilokano – kauna-unahang balarilang iloko ni Francisco lopez

3. Mga Akdang Panlibangan/Pang-aliwan

a. Tibag- paghahanap ni Sta Elena sa kinamatayang krus ni Jesus

b. Senakulo – pagtatanghal tungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Cristo

c. Panunuluyan – pagtatanghal sa paghahanap ng matutuluyan ni Jose at ni Maria

d. Panubong – mahabang tulang nagpaparangal sa may kaarawan o kapistahan

e. Karilyo – aninong pinapagalaw sa likod ng tabing

f. Moro-moro o Komedya – pagtatanghal ng paglalabanan ng mga Kristiyano at Moro

g. Karagatan – pagtatanghal batay sa alamat ng singsing ni Neneng na nahulog sa dagat.

h. Saynete – dulang hinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo sa kanyang pamumuhay,
pangingibig at pakikipagkapwa

i. Sarswela – dulang musical na tatluhing yugto

4. Mga Unang Tula/Makata

- Pag-aaral ng mga tagalog ng wikang Kastila – Tomas Pinpin

- Femando Bagongbanta

- Pag-aaral at pagsusuri sa Panulaang Tagalog – Padre Francisco Bencuchillo

- Phelipe de Jesus

- Loa-bersyong payak na binibigkas sa mga bilasyon o lamayan.

5. Krusadang Propaganda

26
- Binubuo ng pangkat ng mga intelektwal sa gitnang uri. Paghingi ng reporma at pagbabago gaya ng mga
sumusunod ang layunin ng kilusang ito.

a. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas

b. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas

c. Panumbalik ang pagkakaroon ng kinatawan sa Cortez ng Espanya

d. Gawing Pilipino ang mga kura-paroko

e. Ibigay ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon at pagpapahayag ng mga


karaingan.

6. Mga Propagandista at ang Kanilang Akda

a. Jose Rizal (Laong-laan at Dimasalang)

1. Noli me Tangere

2. El Filibustirismo

3. Mi Ultimo Adios

4. Sobre La Indolencia delos Filipinas (Hinggil sa katamaran ng mga Pilipino)

5. Filipinos Dentro De Cien Anos

6. A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino)

b. Marcelo H Del Pilar (Plaridel, Dolores, Manapat, Piping Dilat)

1. Dasalan at Tocsohan

2. Kaiigat kayo

3. Cadaquilaan ng Diyos

4. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

5. La Soberana en Pilipinas – katiwalian ng mga prayle sa Pilipinas

c. Graciano lopez Jaena

1. Fray Botod

d. Antonio Luna

1. Noche Buena – tunay na buhay Pilipino

27
2. La Le Divertem – puna sa sayaw kastila

3. Por Madrid – tumutuligsa sa mga kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya ngunit
ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo

e. Pedro Paterno

1. Ninay – kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino

2. A Mi Madre – Kahalagahan ng isang ina

3. Mga nangunguna sa paghihimagsik/akda

a. Andres Bonifacio – (Agapito Bagumbayan)

Ama ng Demokrasyang Pilipino

Supremo ng Katipunan

1. Katungkulan Gawin ng mga Anak ng Bayan

2. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

3. Katapusang Hibik ng Pilipinas

4. Dapat Mabatid ng mga Tagalog

b. Emilio Jacinto (Pingkian, Dimas-Ilaw)

1. Liwanag at Dilim

2. Kartilya ng Katipunan

c. Apolinario Mabini

1. El Verdadero Decalogo

2. Programa Constitutional dela Republika Filipinas

d. Jose Palma

1. Himno Nacional Filipina

C. Panahon ng Amerikano

1. Mga Pahayagan/nagtatag

a. El Nuevo Dia – Sergio Osmena


28
b. El Grito del Puerto – Pascual Poblete

c. El Renacimiento – Rafael Palma

2. Mga kinikilalang manunulat/akda

a. Dulaan

1. Seveino Reyes (Lola Basyang, Mang Binong)

Walang Sugat

RIP

2. Patricio Mariano

Dalawang Pag-ibig

Anak ng Dagat

3. Aurelio Tolentino

Kahapon, Ngayon at Bukas

Hermogenes Ilagan

Dalagang Bukid

Juan Abad

Tanikalang Ginto

Juan matapang Cruz

Hindi ako patay

b. Panulaan

1. Benigno Ramos

2. Pedro Gatmaitan

Tungkos ng alaala

3. Jose Corazon De Jesus(Batute)

29
Mga Gintong Dahon

Sa dakong Silangan

c. Nobela

1. Valeriano Hernandez Pina (Ka Anong)

Nena at Neneng

Mag-inang mahirap

2. Lope k. Santos

Banaag at Sikat

3. Faustino Aguilar

Pinaglahuan

Lihim ng isang Pulo

4. Inigo Ed Regalado

Madaling Araw

Sampaguitang Walang Bango

D. Panahon ng Hapon

1. Mga maikling kuwento/may-akda na nagwagi

a. Lupang Tinubuan – Narciso Reyes

b. Uhaw ang Tigang na Lupa – Liwayway Arceo

c. Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan – NVM Gonzales

E. Panahon ng Liberasyon

Mga aklat na nalimbag

Mga piling katha (1947-48 – A. G Abadila

30
a. Maikling Kwento Tagalog – Teodoro Agoncillo

b. Ako’y isang Tinig – Genoveva Edroza- matote

c. Mga Piling Sanaysay – A. G. Abadilla

d. Mga Piling Akda ng Kadipan – Efren Abueg

e. Pitong Dula – Dionisio Salazar

Timpalak Palanca (Maikling kuwento)

Unang Taon (1950 – 1951)

Unang Gantimpala – Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute

Ikalwang Gantimpala – mabangis na kamay ….. maamong kamay ni Pedro S. Dandan

Ikatlong Gantimpala – Planeta, Buwan at Mga bituin ni Elpidio Kapulong

Dula (1953-54)

Unang Gantimpala – hulyo 4, 1954 A, D – Dionisio S. Salazar

Nobela

a. Pagkamulat ni Magdalena – Alejandro Abadilla at Elpidio Kapulong

b. Mga Ibong Mandaragit – Amado V Hernandez

Cultural Heritage Award

1962 a. Isang Dipang Langit – Amado V. Hernandez

1963 b. Tinig ng Darating – Teo S. Baylon

1965 c. Mga Piling Tula – Alejandro Abadilla

1968 d. Damdamin – Inigo Ed. Regalado

F. Panahon ng Aktibismo

1. Mga Manunulat ng Panitikang Rebolusyunaryo

31
Rolando Tinio

Rogelio Mangahas

Efren Abueg

Rio Alma

Clemente Bautista

2. Kalipunan ng mga Tulang Naisaaklat

Kalikasan – Aniceto Silvestre

_______ at iba Pang Tula – Rio Alma

Mga tula ng Bayan Ko at iba pa – V. G. Suarez

Sitsit sa Kuliglig – Rolando Tinio

Mga Gintong Kaisipan – Segundo Esguerra

G. Panahon ng Bagong Lipunan

1. Panulaan at Awiting Pilipino – Naging mabisang tagahubog ng kalinangan ng bansa

a. Supling- Ruth Mabango

b. Isang Munting Alamat – Imee Marcos

c. Anak – Freddie Aguilar

d. Kapaligiran – Florante

E. Bagong Lipunan

2. Dulaan

a. Sining kambayoka – MSU

b. Isang munting Alamat – Imee Marcos

c. PETA – Cecille Guidote Alvarez

d. Teatro Filipino – Rolando Tinio

32
H. Kontemporaryong Panahon

1. Nobela

a. Santanas sa Lupa – Celso Carunungan

b. Dekada 70 at Gapo- Lualhati Bautista

Mga Pangyayaring Makasaysayan

1. Abril 19 1898 – Digmaang Kastila – Amerikano

2. Mayo 1, 1898 – Pinalubog ni Almirante Dewey ang kuta ng mga Kastila

(Spanish Armada sa pamumuno Hen. Montoho)

3. Emilio Aguinaldo – nagtatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Hongkong

4. Pebrero 6, 1899 – Digmaang Pilipino – Amerikano

5. Hen. Gregorio del Pilar – Bayani ng Pasong Tirad at “Leonidas ng Pilipinas”

6. Marso 22, 1901 – Pagdakip kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela

7. Hen. Miguel Malvar – Kahuli-hulihang Pilipinong Heneral na sumuko sa mga Amerikano

8. Abril 16 1902 – Wakas ng Digmaang Pilipino – Amerikano

9. 1901 – batas ng Sedisyon

10. 1907 – batas ng Watawat

11. Jose de Vergara(1913) – Ipinalagay na kauna-unahang makata sa Wikang Kastila

Mga Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Amerikano

1. Hangaring makamit ang Kalayaaan

2. Marubdob na Pagmamahal sa Bayan

3. Pagtungkol sa Kolonyalismo at imperyalismo

Diwang Nanaig sa panahon ng Amerikano

33
1. Nasyonalismo

2. Kalayaan sa pagpapahayag

3. Paglawak ng karanasan

4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

Mga Pahayagang Makabansa

1. El Nuevo Dia – Sergio Osmena

2. El Grito del Pueblo at Tinig ng Bayan – P. Poblete

3. El Renacemiento – Muling Pagsilang – Rafael Palma

4. Manila Daily Bulletin – 1900

Tatlong Pangkat ng Manunulat

1. Maka – Kastila

2. Maka – Ingles

3. Maka-Tagalog

Mga Impluwensya sa pananakop ng mga Amerikano

1. Pagpapatayo ng mga paaralan

2. Pagbabago ng sistema ng edukasyon

3. Pagpapaunlad ng kalusugan at kalinisan

4. Paggamit ng wikang Ingles

5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan

6. Pagkakaroon ng kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan

Ayon kay Julian C. Balmaceda, ang mga makatang nakilala sa panahong ito ay nababahagi sa tatlong uri:

Makata ng Puso - Lope K Santos

34
Inigo Ed. Regalado

Jose Corazon De Jesus

Ildefonso Santos

Amado V. Hernandez

At iba pa

Makata ng Buhay - Lope K. Santos

Jose Corazon de Jesus

Florentino Collantes

Patricio Mariano

At iba pa

Makata ng Dulaan - Patricio Mariano

Tomas Remigio

Aurelio tolentino

At iba pa

MGA MANUULAT, KANILANG MGA SAGISAG/TAGURI AT MGA TAMPOK NA KATHA

MANUNULAT

SAGISAG/TAGURI

KATHA

1. Francisco Baltazar

Balagtas

Ama ng Panitikang Pilipino

Florante at Laura

Kay Celia

Almanzory Rosalina

2. Lope K. Santos

35
Berdugo

Anakbayan

Apo ng Mananagalog

Ama ng Balarila

Ang Pangginggera

Banaag at Sikat

Puso at Diwa

3. Jose Corazon de Jesus

Huseng Batute

Unang Hari ng Balagtasan

Huseng Katuwa

Paruparong Asul

Sundalong lasing

Ang Pamana

Ang Pagbabalik

Isang Punungkahoy

4. Amado V. Hernandez

Makata ng Manggagawa

Makata ng Anakpawis

Wala ng Lunas

Pilipinas

Isang Dipang Langit

Bayang Malaya

5. Florentino Collantes

Kuntil Butil

Makata ng Bayan

36
Ang Lumang Simbahan

Ang Tulisan

Ang Magsasaka

6. Julian Cruz Balmazeda

Alpahol

Itang Barbarin

Ang Piso ni Anita

Sino ba kayo?

7. Patricio Mariano

Pedro Manabat

Mga Anak-Dalita

Huwag lang Lugi ang Puhunan

8. Severino Reyes

Lola Basyang

Ama ng Dula at Sarsuelang

Tagalog

Walang Sugat

R.I.P

9. Ildefonso Santos

Dimas-Ilaw

Dimas Silangan

Ang Guryon

Sa Tabi ng Dagat

10. Hermogenes Ilagan

Ka Moneng

Dalagang Bukid

37
11. Pedro Bucaneg

Ama ng Panitikang Ilokano

Biag ni Lam-ang

12. Mariano Perfecto

Ama ng Panitikang Bisaya

Padre Severino Reyes

13. Valeriano H. Pena

Kintin Kulirat

Ama ng Nobealng Tagalog

Nena at Neneng

14. Cirio H. Panganiban

Crispin Pinagpala

Sa Likod ng Altar

Veronidia

15. Jose Villa Panganiban

Kastilaloy

Mga Butil ng Perlas

16. Efren Reyes Abueg

Ester Aragon

Mister Mo, Lover Boy Ko

17. Alejandro G. Abadilla

AGA

Ama ng Malayang Taludturan

Ako ang Daigdig

18. P. Modesto De Castro

Ama ng Tuluyang Klasika

38
Urbana at Felisa

19. P. Mariano Pilapil

Ama ng pasyong Pilipino

Mga Pasyon

20. Pascual Poblete

Ama ng Pahayagang Pilipino

Unang nagsali ng Noli Me Tangere sa Tagalog

El Grito del Pueblo

Ang kapatid ng Bayan

21. Tomas Pinpin

Ama ng Limbagang Pilipino

Arte y Reglas de la Lengua Tagala

22. Juan Crisostomo Sotto

Ama ng panulaang kapampangan

Lidia

23. Aurelio Tolentino

Ama ng Dulang kapampangan

Kahapon, Ngayon at Bukas

24. Casimiro Perfecto

Ama ng Panitikang Bikol

25. Jose Garcia Villa

Doveglion

Have Come, Am Here

Footnote to Youth

26. Nick Joaquin

39
Quijano de Manila

A Portrait of the Artist as Filipino

May Day Eve

27. Manuel L. Quezon

Ama ng Wikang Pambansa

28. Ponciano Peralta Pineda

Direktor, Surian ng Wikang Pambansa, 1971

Malalim ang Gabi

29. Jose Rizal

Laong Laan

Dimasalang

Makata at Nobelista ng

Propaganda

Mamamahayag ng Propaganda

Dakilang Malayo

Noli Me Tangere

El Filibusterismo

Mi Ultimo Adios

A la Juventud Filipina

Sa Aking mga kababata

30. Marcelo h. del Pilar

Pupdoh

Piping Dilat

Plaridel

Dolores Manapat

40
Mamamahayag ng Propaganda

Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

Dasalan at Tocsohan

Caiigat Cayo

31. Graciano Lopez-Jaena

Mananalumpati ng propaganda

Fray Botod

El Bandolerismo en Pilipinas

32. Andres Bonifacio

Magdiwang

Agapito Bagumbayan

Anak Bayan

Ama at Supremo ng Katipunan

Dakilang Plebiyo

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog

Tapunan Mo ng Lingap

PANLAHAT NA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO

KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1.1 Dulog - Ito’y set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagtuturo

at pagkatuto.

41
1.2 Estratehiya - Ito’y isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong

paglalahad ng wika at batay sa isang dulog (Anthony, 1963). May tiyak

na hakbang sa sinusunod ang bawat metodo o pamamaraan .

Estratehiya ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat

hakbang ng pagtuturo. Halimbawa, ay ang gamit ng mga awtentikong

teksto, larawan o larong pangwika.

1.3 Kognitibo - Ito’y isang estratehiyang nagbibigay ng istruktura na humihikayat sa

pag-unawa at pagsasaulo ng mga kaalamang pangkaisipan sa

pamamagitan ng paggamit ng mga estratehiyang nagtutulak upang

mabatid ang hangganan ng isip.

1.4 Sosyo-apektibo - Ito’y isang estratehiyang ang pokus ay ang pakikipag-ugnayan sa ibang

tao at ang pagpapahalagang natutuhan.

1.5 Pansaykomotor - Pamamaraang kakakitaan ng kinalabasang kaalaman o pagpapakita ng

natutuhan ng mga mag-aaral. Pagpoproseso ng mga kaalaman

natutuhan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapakita ng

kanilang galing at husay.

1.6 Teknik - Mga tiyak na gawaing malinaw na makikita sa pagtuturo at consistent

na isang pamamaraan at katugong dulog. Ito ang tawag sa paraan ng

organisasyon ng interaksyong pangklase.Alinman sa mga gamiting

pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang

mga layunin ng isang aralin.

1.7 Metakognitibo - Ito’y teoryang tumutukoy sa proseso ng pagkatuto , gamit ang

estratehiyang tutugon sa pangangailangan ng iba’t ibang uri ng mag-

aaral.

1.8 Pagdulog Interaktibo - Tumutukoy sa pagsasangkot sa mga mag-aaral sa makabuluhang

interaksyon. Ang puso ng Komunikasyon at Susi ng isang

42
Dinamikong Pagtuturo.

1.9 Pagdulog Integratibo - Sa pagdulog na ito, malawak na sinisiyasat ang mga mag-aaral

ang mga kaalaman sa iba’t ibang asignatura . Pinag-aaralan at

natututuhan ang wika ng buo;magkasanib ang pakikinig ,

pagsasalita, pagbasa at pagsulat.

1.10 Pagdulog Kolaboratibo - Ito’y nakasentro sa mga mag-aaral na sama-samang

gumagawa ng mga gawain.

II. MGA KATANGIAN NG ISANG MAKABAGO AT MABUTING ESTRATEHIYA

2.1. Ang mabuting estratehiya ng pagtuturo ay payak at madaling maisakatuparan

2.2 Ito’y dapat magsangkot ng mga mag-aaral sa lahat ng mga gawain.

2.3 Ito’y nagbibigay ng mabuting bunga ng kahihinatnan

2.4 Ito’y humuhubog ng mabuting pag-uugali at kaasalan ng mga mag-aaral

2.5 Ito’y humahamon sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral

2.6 Ito’y dapat magtaglay ng maraming gawain pangguro kaysa gawaing pang mag-aaral.

2.7 Ito umano’y makabuluhang kahulugan mga simulain ng pagkatuto at pilosopiya ng

pagtuturo.

III. MGA ESTRATHIYA /PAGDULOG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Ang pagpili ng estratehiya sa pagtuturo ay dapat nagsasaalang-alang sa mga sumusunod na salik:

a. Gulang d. interes

b. Ang pisikal na kalagayan ng silid-aralan e. halaga ng kagamitan

c. Kakayahan at karanasan ng mag-aaral

43
Dapat ding isaalang-alang ang kasanayang nalilinang at ang kaangkupan ng gagamiting pantulong.

Ngunit kahit ano pang pamaraan ang gamitin ng guro, ang mahalaga ay ang pagpokus sa gamit ng wika at
komunikasyon at ang paglinang ng mga mag-aaral sa mahusay ng komunikasyon sa Filipino.

3.1 Batay sa pagdulog Integratibo

3. 1.1 Pagtuturong Tematik – Ito’y pagsasanib ng iba’t ibang asignatura upang lalong mapaunlad at

maging higit na makatotohanan ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

3.1.2 Pagtuturong batay sa Nilalaman - Ito’y pagpili ng nilalaman na gagamitin sa makabuluhang

pagtuturo ng wika.

3. 1.3 Pagtuklas

3.1.4 Generic Competency

3.2 Batay sa Pagdulog Interaktibo

3.2.1 Pagkakasangkot sa mga mag-aral sa mga makabuluhang Interaksyon o Talakayan

3.2.2 Ang talakayan at pagbabahagi at tutugon sa Ideya , Karanasan,Pamamaraan, at

Kaalaman ng mga Mag-aaral

3.3 Batay sa Pagdulog Kolaboratibo

3.3.1 Brain Storming – Ito’y teknik na gumagamit ng imahinasyon at/kritikal na pag-iisip

upang malutas ang isang problema.

3.3.2 Simposyum - Inilalahad dito ang paksa at nagsasagawa ng malayang talakayan

pagkatapos makapaglahad ng impormasyon at saloobin ang mga tagapagsalita.

3.3.3 Paggamit ng Awtentikong Materyales - Ginagamit sa pagtuturo ang mga babasahin mula sa

mga polyeto, magasin, dyaryo bilang lunsaran o inilalaman ng araling ituturo.

MGA ESTRATEHIYA SA PAGDULOG KOLABORATIBO


44
STAD (STUDENT TEAM ACHIEVEMENT DIVISIONS) KOMITE

TAI (TEAM ASSISTED INSTRUCTION) JIGSAW

BRAIN STORMING DEBATE

ROLE PLAY MULTIPLE INTELLIGENCIES

LEKTYUR-FORUM PANEL DISCUSSION

SIMPOSIUM ROUND TABLE DISCUSSION

OPEN FORUM MEET THE PRESS

THINK PAIR SHARE PAGGAMIT NG AWTENTIKONG GAWAIN

3.4 Batay sa Pagdulog Komunikatibo

Binibigyang pansin dito ang paglinang ng mga tuntuning sosyo-kultural na kailangan sa aktuwal

na paggamit ng wika.

Ang magkatimbang ng pagbibigay-diin sa kayarian ng wika at sa gamit nito ay isa sa natatanging

kakanyahan ng pamaraang komunikatibo.

3.5 Batay sa Pagdulog Komprehensyon

3.5.1 Ugnayang Tanong Sagot – Ito’y estratehiyang sumasanay sa mga mag-aaral upang

magsuri ng mga tanong tungkol sa binasa.

3.5.2 Estratehiyang Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip – Ito’y pagbibigay ng pagkakataon sa

mga bata na magbigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman buhat

sa teksto.

3.5.3 Estratehiyang Biswal – Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral ay nagbibigay ng

45
malinaw na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari mula sa binasa.

3.6 Batay sa Pagdulog na Brain-based – Aplikasyon ng prinsipyo ng pagtuturo – pagkatuto.

May mga estratehiyang sinaliksik, at ang mga estratehiyang ito ay ginagamit sa pagtuturo tungo

sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Halimbawa ng mga teknik : Mga sitwasyon ng mga mag-aaral sa totong buhay paggamit

ng iba ‘ t ibang proyeto na magiging makahulugan , makabuluhan at kaganyak-ganyak

simulation hands on activities.

3.7 Batay sa pagpapataas ng Antas ng Pag-iisip

HIGHER ORDER THINKING SKILLS (HOTS)

Ito’y antas ng pag-iisip at sining nga pagtatanong o pangkat ng mga tanong na may mataas na antas katulad
ng:

a. Tanong pagpapahalaga

b. Tanong paglikha

c. Tanong pangangatwiran

d. Pagtatangi-tangi

e. Pagpili ng Salungat at Pagpapahalaga sa Napili

f. Pagtataya sa Solusyon

g. Pagpapatibay ng Ideya

h. Pagsasabi ng Opinyon o kuro-kuro

i. Pagbuo ng pagpapasya Batay sa Sariling Pamantayan

Mga Maaring Pagbabatayang Tanong:

Kaalaman Pang-unawa

Aplikasyon Paghinuha
46
Pag-aanalisa Sintesis

Ebalwasyon Pagpapabisa

KAGAMITAN SA PAG-IISIP

PAC (PARAPHRASE AS YOU COMPREHEND)

FAW (FORM A WORD)

FAS ( FORM A SENTENCE)

SAG (SKETCH APPROPRIATE GRAPHICS)

P-SOLVE (PROBLEM SOLVING)

PASS –TEST

PIN (POSITIVE INTERESTING & NEGATIVE)

LAF (LIST ALL FACTORS)

FOR ( FORMULATE RULES)

TAC ( THINK ABOUT CONSEQUENCES)

SIP ( STATE IMPORTANT PURPOSES)

TOP ( THINK OF YOUR PRIORITIES)

LAP ( LIST ALTERNATIVES AND POSSIBILITIES)

LOV ( LOOK AT OTHERS VIEWPOINT)

MAP ( MAKE A PLAN)

MAD (MAKE A DECISION)

MALIKHAING PAG-IISIP

Pagpapalawak sa kapasidad ng kaisipan na lumilikha o bumubuo ng mga ideya, proseso, karanasan, bagay o
solusyon ng mga suliranin.

PROSESO SA MALIKHAING PAG-IISIP

1. Pagtukoy sa suliranin o isyu


47
2. Pag-iimbestiga sa suliranin o isyu

3. Paglalahad ng iba’t ibang solusyon

4. Pagpili ng Pinakamaraming solusyon

MAPARAANG PAG-IISIP

Isang sistematikong proseso ng pagtukoy at paggamit ng iba’t ibang estratehiya at taktika upang mapalawak
ang hinahanap o layunin.

PROSESO SA MAPANURING PAG-IISIP

1. Magkaroon ng Focus

2. Sundin ang Pamaraan

3. Maghanap ng Solusyon o Estratehiya

4. Piliin ang Prayoridad

5. Gumamit ng Estratehiya

6. Gumawa ng Aksyon

KLASIKONG PAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA

Pamaraang Grammar Translation- (Pamaraang klasiko)

- Ang pokus sa pagtuturo ay ang tuntunin sa balarila, pagsasaulo ng mga talasalitaan at iba’t ibang
implikasyon at pagbabanghay ng pandiwa, pagsasalin at maraming pagsasanay.

Mga katangian

1. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika.

2. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.

3. Binibigyang-diin ang pagbasa at pagsulat at halos hindi nalilinang ang pakikinig at pagsasalita.

4. Pabuod na itinuturo ang balarila.

48
5. Ang pagbasa ng mga may kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang ang kahandaan
ng mga mag-aaral.

6. Mahalaga ang kawastuhan sa pagsasalita.

Series Method (Gorin) isang paraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran
(walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilahad sa isang konsepto na
madaling maunawaan ng mag-aaral.

- Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang transpormasyon ng mga
pananaw sa wika sa isang konsepto na madaling maintindihan.

Ang Pamaraang Direct

- Nananalig ito tulad ng Series Method sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay kailangang
katulad din ng pag-aangkin ng unang wika- may interaksyong pasalita, natural na gamit ng wika, walang
pagsasalin sa pagitan ng una at pangalawang wika, at halos walang pagsusuri sa mga tuntuning pambalarila.

Ang Pamaraang Audio- Lingual (ALM)

- Ito ay batay sa teoryang sikolohikal at linggwistiko.

Mga Pangunahing katangian ng ALM (Prator at Celso- Murcia, 1979)

1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin

2. Pangunahing estratehiya sa pagkatuto ay ang panggagaya, pagsasaulo ng mga parirala, at paulit-ulit na


pagsasanay.

3. Walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila.

4. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakamit sa pangungusap.

5. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkakalase.

Ang Designer Methods ng Dekada 70

- Ang designer na methods (Nunar, 1989) ay ang mga pinakabago at pinakamahalagang bunga ng mga
pananaliksik pangwika.

1. Community Language Learning (CLL)

49
- Ito ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin.

- Ang pagkabahala ay nababawasan dahil ang klase ay isang komunidad ng mga mag-aaral na laging nag-
aalalayan sa bawat sandali ng pagkaklase. Ang guro ay tumatayo at bilang isang tagapayo at laging handa sa
anumang pagdadahilan sa pag-aaral dahil sa magandang ugnayan ng guro at mag-aaral.

- Ang pamaraang ito ay ekstensyon ng modelong counseling_Learning ni Charles A. Curran na


nagbibigay –diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral na magsama-sama bilang isang komunidad na
binibigyan ng kaukulang pagpapayo.

2. Ang Suggestopedia

- Ang pamamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lazanov (1970), isang sikologong Bulgarian, na
ang utak ng tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung nasa tamang
kalagayan sa pagkatuto – halimbawa – (relaks na kapaligiran)

Mga Katangian

1. Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging panatag ang
kalooban.

2. Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may maririnig na mahinang tugtugin.

3. Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension: ang may kamatayan (conscious) kung saan
nakikinig sa isang binabasang diyalogo at ang kawalang-kamalayan (sub- conscious) kung saan ang musikang
maririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.

4. Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin at drama.

Ang Silent Way

- Nanghahawak sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinauubaya sa mga mag-aaral ang kanilang
pagkatuto (Gat tegno, 1972)

Ang Silent Way ayon kay Richards and Rogers, 1986 ay batay sa:

1. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mag-aaral ang tutuklas o lilikha ng mga sariling gawain sa halip na
ipasaulo o ipaulit nang maraming beses kung ano ang natutuhan.

2. Napadadali ang pagkatuto sa tulong ng mga kagamitang panturo tulad ng mga bagay na makikita at
mahahawakan ng mga mag-aaral.

3. Napadadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga araling kinapapalooban ng mga gawain sa may
suliraning tutuklasin ang mga mag-aaral.

50
Mga Katangian:

1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng mga mag-aaral ang sarling pagkatuto.

2. Tahimik ang guro ng maraming oras, ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig sa mga mag-
aaral.

3. Di gumagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay itinuturing na pinagmulan ng kaalaman ng mag-
aaral.

4. Ang Total Physical Response (TPR)

Ito ay dinevelop ni John Asher (1977). Ang pamaraang ito’y humango ng kaisipan sa Series Method.

Ang isang tipikal na TPR na pamaraan ay gumagamit ng maraming kayarian sa pagsasalita na nag-uutos. Ang
mga pag-uutos ay payak at madaling isagawa. Ito’y mabisang paraan upang ang mga mag-aral ay kumilos at
gumalaw nang may kawilihan.

Mga Katangian:

1. Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mga utos mula sa titser na isinasagawa ng mga mag-
aaral.

2. May interaksyong guro-mag-aaral, mag-aaral-mag-aaral, nagsasalita ang guro, tumutugon ang mga mag-
aaral.

3. Binibigyan diin ang komunikasyong pasalita.

Ang Natural Approach

Ito ay idenevelop ni Tracy Terrel. Nilalayon ng Natural Approach na malinang ang mga personal na
batayang kasanayang pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang araw-araw na sitwasyon
gaya na pakikiusap, pakikinig, at iba pa.

Ayon kina krasten at Terrel, sa Natural Approach, ang mag-aaral ay dumaraan sa tatlong yugto ng
pagkatuto.

1. Yugtong preproduction

Nililinang ang mga kasanayan sa pakikinig

51
2. Early production- kakikitaan ng mga pagkakamali habang nagpupumilit ang mga bata sa paggamit ng
wika.

3. Ekstensyon ng production – layunin ng yugtong ito ang katatasan sa pagsasalita.Ang mga aktibidad ay
mahihirap na laro, role play, dayalog, talakayan, at pangkatang Gawain.

Sitwasyunal

- Bawat aralin ay kontekswalisado sa isang sitwasyon at lahat ng usapan sa dayalog ay umiikot sa


nasabing sitwasyon. Gumagamit ng iba’t-ibang biswal at mga tunay na bagay upang mabigyang buhay.

(Hal. Pamimili sa tindahan, pagdalo sa parti, pagsagot sa telepono, at iba pa)

Mga Tradisyunal na Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika

1. Ang Pamaraang Pabuod- nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi nalalaman. Angkop gamitin sa
pagtuturo kaugnay ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paglalahat o generalization.

2. Pamaraang Pasaklaw

-kabaligtaran ng pamaraang pabuod. Ito ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng


mga halimbawa.

3. Pamaraang Pabalak – ginagamit sa anumang asignatura na may nilalayong magsagawa ng

proyekto . Dito nalilinang ang kakayahan at kasanayan sa pagpaplano sa pagsusuri sa

pagpapahayag at sa pagpapasya. Nahuhubog din ng mga mag-aaral sa mga magagandang

asal tulad ng pakikipagtulungan at pagiging isport.

4. Araling Pagpapahalaga – ginagamit na may layuning mapahalagahan ng mga mag-aaral ang ganda ng
isang tula, kuwento, awitin, tugtugin o anumang likhang sining.

5. Pamaraang Pagtuklas – nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makatuklas ng kaalaman , mga


konsepto, kaisipan , simulain , at mga paglalahat . Ang guro ay gumaganap ng tungkuling bilang tagasubaybay
lamang. Hindi siya nagdidikta ng kaalaman o konsepto na dapat malaman ng mag-aaral.

6. Pagdulog konseptwal – (learning how to learn) – Nagbibigay-diin ito sa pag-aaral ng kaisipan o konsepto.
Ang kaalaman ng mag-aaral sa iba’t ibang kaisipan ay makatutulong sa kanya sa paglutas ng mga suliranin sa
kanyang buhay o para sa kanyang pakikipamuhay sa lipunan.

7. Pamaraang Microwave – isang pamaraang ginagamitan ng mga siklo o cycles. Ang siklo ay binubuo ng
maikling usapan na karaniwan ay tanong at sagot sa pangungusap na pasalaysay.

52
PAGSASALINGWIKA

- Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat o pagsasalin ng wika sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o
mensaheng isinasaad sa wikang isinasalin.

Katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika

1. Kadalubhasaan sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

2. Sapat na kaalaman sa kulturang kinabubuhulan ng dalawang bansang kasangkot sa pagsasalin.

3. Ganap na kaalaman sa paksa

4. Sapat na kaalaman sa balarila ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

Mga Paraan ng Pagsasalin

1. Sansalita – bawat- sansalita-isang-isang pagtutumbas ng kahulugan ng salita.

2. Literal – ang pahayag sa pinagmulang wika ay isinasalin sa pinakamalapit sa gramatiko na pagkakabuo


ng wikang pinagsalinan.

3. Adaptasyon – Itinuturing itong pinakamalaya na kung minsan ay malayo na sa orihinal.

4. Malaya – Malaya ito o walang control at parang hindi na isang salin.

5. Matapat – sinisikap nito na makagawa ng eksakto o katulad na kahulugang kontekstwal ng orihinal.

6. Idyomatikong Salin – mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin.

7. Saling Semantika – pinagtutuunan ang halagang estetiko gaya ng maganda at natural na tunog.

8. Komunikatibong Salin – Nagtatangka itong isalin ang eksaktong kontekstwal na kahulugan ng orihinal sa
wikang katanggap tanggap at madaling maunawaan ng mambabasa.

MGA URI NG PAGSASALIN

1. Pagsasaling teknikal – may kinalaman ito sa agham, kalikasan, lipunan at sa mga disiplinang akademiko.

2. Pagsasaling pampanitikan – pag-aangkop ng akdang pampanitikan sa panibagong kalagayang


pampanitikan na nagtataglay rin ng mga katangian, istilo at himig ng akdang pampanitikan.
53
PANGKATANG PATNUBAY SA PAGSASALIN

1. Kaisipan ang isinasalin, hindi mga salita

2. Suriin kung ang mga pahayag ay idyoma

3. Basahin at unawain ang artikulong isinasalin.

4. Isalin ang pangungusap ayon sa diwang tinataglay

5. Maging consistent sa paggamit ng salita

6. Basahin muli ang artikulo pagkatapos masalin

7. Gamitin ang ekspresyong dayuhan kung walang katumbas sa Filipino

PANANALIKSIK

-Ang pananaliksik ay ang paghahanap ng teorya, pagsubok sa pananaw, teorya o paglutas ng suliranin. Ang
siyentipikong pananaliksik ay sistematiko, kontrolado, empirical, at kritikal na imbistigasyon ng mga
haypotetikal na proposisyon tungkol sa ipinalalagay na relasyon ng mga likas na phenomena. (Sevilla, 2000)

HALIMBAWA NG BALANGKAS NG TESIS

Kabanata 1 – Ang Suliranin at ang kapaligiran nito

d. Panimula

e. Batayang Teoritikal

f. Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral

g. Paglalahad ng Suliranin

h. Kahalagahan ng Pag-aaral

i. Saklaw at Delimitasyon

Kabanata II – Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

a. Mga kaugnay na Literatura

b. Mga kaugnay na Pag-aaral

Kabanata III – Metodolohiya at Pamamaraan ng Pananaliksik

54
Kabanata IV – Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapaliwanag ng mga Datus

Kabanata V – Buod, Konklusyon, Rekomendasyon

Mga Paraan ng Pananaliksik

1. Palarawang Pamaraan – naglalarawan at nagbibigay ng kahulugan kung ano ito. Ito ay may kinalaman
sa mga kondisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong
nagaganap; (Sevilla ,2000)

2. Eksperimental na Paraan – ito ay naging pinakatanyag na paraan ng pagsusulong ng kaalaman sa agham.


Ayon kay Gay (1976) ito lamang ay pamaraan ng pananaliksik na tunay na nakasusubok sa palagay tungkol sa
ugnayang sanhi at bunga.

3. Pananaliksik na Historikal- Tumutukoy ito sa mga tagpuan na mapagkukunan ng mananaliksik ng datos


primary o sekundarya man. Ito ay pagtingin sa nakaraan upang makatulong sa pag-alam kung ano ang gagawin
ngayon at sa kinabukasan.

Ilang katawagan sa Pananaliksik

1. Realibility – Ganap na kawastuhan ng datos, ang katatagan at katumpakan at ang kakayahan nitong
mauulit.

2. Validity – ang sukat ng lawak ng pagtatamo ng mga layunin na hinahangad na matamo o masukat.

3. Baryabol – mga katangian ng iyong iniimbistigahan sa pag-aaral.

· Kahulugang Operasyunal- tinatawag din itong functional definition o ayon sa pagkakagamit ng


terminolohiya sa imbestigasyon.

· Konseptwal na depinisyon – ito ay ang depinisyon na batay o mula sa mga diksyunaryo.

· Random Sampling – ito ay isang pamaraan ng pagpili ng laki ng sampol, mula sa pangkalahatan kung
saan ang bawat miyembro ng populasyon ay may pantay-pantay na pagkakataon na mapasama sa sampol at ang
lahat ng posibleng kumbinasyon ng sukat ay may pantay-pantay na pagkakataong mapili sa sampol.

PAMAMAHAYAG

- Ang pamamahayag ay sining ng pagsulat at pagwawasto ng mga artikulo para sa magasin o pahayagan.

- Ang simulain ng pamamahayag ay pananagutan, kalayaan ng pahayagan, pagsasarili, katapatan,


katotohanan, at ganap na kawastuhan, walang kinikilingan, makatarungang pakikitungo at magandang kaasalan.

55
- Kabilang sa mga gawain ng pamahayagang pampaaralan ay pangangalap at pagbuo ng balita, at balitang
pang isports, pagsulat ng editorial, kolum mga lathalain, pagwawasto ng orihinal, pag-uulo ng pahina at photo
journalism.

· Balita – anumang ulat, pasalita o pasulat ukol sa pangyayaring hindi karaniwan, napapanahon,
makatawag pansin at kawilihan ng mambabasa, nakagaganyak at nakalilibang, totoo ,bagay na kagaganap
lamang o natuklasan sa unang pagkakataon.

· Editoryal – kuro-kuro ng patnugutan hinggil sa mahalaga at napapanahong isyu.

· Lathalain – ulat ng mga pangyayar ing namasid, nasaksihan o nasaliksik na nakasulat sa kawili-wiling
paraan.

Pagwawasto ng orihinal na balita

Sa pagwawasto, mahalagang mabalik-aralan ang mga panuntunan sa pagwawasto tulad ng pagtiyak sa


katumpakan ng mga detalye at nilalaman, pagtiyak sa kayarian, pagwawasto sa mga kamalian sa balarila tulad
ng kayarian ng pangungusap at pagbaybay at iba pa.

Pag-uulo (Headlining)

Ang pag-uulo ay may dalawang layunin: makatawag pansin ng mambabasa at masabi kung tungkol saan
ang artikulo.

Mga Uri ng Ulo

1. Banner – ulo ng pinakamahalagang balita

2. Deck o bank – pangalawang pangulo na nasa ibaba ng pinakaulo na nasusulat sa mas maliit na letra.

3. Flush left – pantay sa kaliwa

4. Tagline o kicks – pananda ng pinakaulo na inilalagay sa itaas nito.

5. Downstyle – lahat ay nasa maliit na letra, maliban sa unang letra ng unang salita at unang letra ng mga
pangalang pantangi

Ang Pag-aanyo ng Pahina


56
- Ay ang pagsasaayos ng mga artikulo at larawan sa bawat pahina ng pahayagan.

Mga simulaing sinusunod sa pag-aanyo

1. Timbang – ito ay ang pantay-pantay na distribusyon ng bigat sa isang pahina

2. Galaw- Matatamo ito sa pamamagitan ng pag-iiwas sa paglalapit ng ulo ng dalawang balita.

3. Diin – Matatamo ito sa pamamagitan ng pag-iiba sa uri, laki ng tipo at paglalagay ng pinakamahalagang
balita sa itaas na bahagi ng pahina

4. Kaisahan – Natatamo ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng maliliit na ulo sa mahaba at


mahalagang balita.

5. Pag-iiba-iba – matatamo ito sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang haba ng artikulo at laki ng ulo.

Ang pagtuturo ng mga Filipino sa Sekundarya sa Batyang Edukasyon

Ang pangunahing layunin ng pagtuturo ng Filipino sa antas sekundarya ay nakadevelop ng isang


gradweyt na mabisang nakikipagtalastasan sa Filipino, kailangang taglay niya ang mga pangangailangan sa apat
na makrong kasanayan ang pagbasa,pagsulat,pakikinig at pagsasalita.

Ituturo a ng Filipino gamit ang mga Tekstong hango sa mga asignaturang pang nilalaman tulad ng
araling agham panlipunan, agham at teknolohiya, literature at iba pang kaugnayan sa disiplina.

Ang una at ikalawang taon ay nakapokus sa masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na
istrukturang gramatika o ng Filipino bilang wika sa pamamagitan ng maunawaang pagbasa ng iba’t ibang
teksto.

Sa ikatlo at ikaaapat na taon, nililinang ang mga kaalaman at kasanayang pampanitikan. Sa tulong nito
nalilinang ang mapanuring pag-iisip ng mga mag-aaral.

Sa unang taon, tatalakayin ang mga kasanayang Pampanitikan at Kumunikatibo. Gagamitin ang mga
akdang pampanitikang rehiyunal tulad ng pabula, alamat, at epiko. Tatalakayin din ang ibong Adarna na isang
kurido

Sa ikalawang taon nakatuon sa pagtatalakay ng mga Akdang pampanitikan sa Pilipinas na


kinibibilangan ng mga tula, balagtasan at dula. Tatalakayin din dito ang Florante At Laura na isang awit.

Sa ikatlong taon bibigyan ng tuon ang pag-aaral at pagsusuri ng mga saling akdang pampanitikan
Asyano at tatalakayin din dito ang nobelang Noli Me Tangere

Sa ikaapat na taon ang tuon ay ang pagtatalakay at panunuri ng mga saling akdang pampanitikang
pandaigdig. Kasamang tatalakayin dito ang El Felibustirismo.

57

You might also like