Filipino 9 DLP Week 2 Alamat
Filipino 9 DLP Week 2 Alamat
Filipino 9 DLP Week 2 Alamat
LINGGO 2
PANGALAN TAON ASSIGNATUR FILIPINO 9
AT ANTAS A
GURO DORISA M. GARCIA
1. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa
napakinggang akda F9PN-Ia-b-39
2. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda F9PB-Ia-b-39
3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda F9PU-Ia-b-41
II.PAKSA:
A. Panitikan: ALAMAT NI PRINSESA MANORAH -THAILAND
(Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta)
B. Gramatika/Retorika: Mga Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na may pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang)
Pang-abay na walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
a) Sanggunian: https: Filipino 9 Modyul para sa Mag-aaral pp 34-44
b) Kagamitang Instruksyunal: laptop, projector, manila paper, metacards
III.PAMAMARAAN:
A.PANIMULANG PAGGANYAK
Panuto: Batay sa larawan, anong bansa ito? Nais mo bang tumungo sa bansang ito? Ilahad ang mga
dahilan kung bakit mo gustong tumungo dito at ano ang dahilan.Itala ang sagot sa sa tabi ng larawan.
https://www.google.com/search?
Page 1 of 6
kanilang bagong taon sa tawag na SONGKRAN. Isa pang Pista doon ay ang LOI KRATHONG kung saan
pinapasalamatan nila ang Espiritu ng tubig dahil sa pagbibigay nito ng tubig tuwing tagsibol. Kalimitan,
Nobyembre ito pinagdiriwang at tuwing unang Kabilugan ng
Buwan pagkatapos ng Anihan. Pero ang pinaka paborito ko sa lahat ng Tradisyon nila ay ang ROYAL BARGE
PROCESSION. Pinagdiriwang lamang ng 15 na beses sa 60TH na paghahari ni Haring Phumiphon. Ang Prosisyon
ay naglalaman ng 51 historical barges at ng NARAI-SONGSUBAN. Ang Narai-Songsuban ay ang tanging barges
na ginawa noong paghahari ni Haring Phumiphon.
Ang Thailand ay may AMPHAWA o Floating market. Ang Bangkok din ay kilala sa tawag na KRUNG
THEP na ang ibig sabihin ay City of Angels. Sagrado din sa kanila ang mga ELEPANTE lalo na ang WHITE
ELEPHANT na kilala din sa tawag na PINK ELEPHANT.
B. PAGLINANG NG KABIHASNAN
PAGSASANAY B1: Punan ang patlang mg tamang sagot:
_______________ 1. isang Bansa na mayaman sa kultura, tradisyon, at literatura.
_______________ 2. Paniniwala ng bansang Thailand
________________3.Mga dahilan kung bakit pmunta sa bansang Thailand ________________4.
________________5.
________________6. Mga pambansang kasuotan ng mga taga Thailand ________________7.
________________8.
________________9.
________________10. Pambansang laro ng bansang Thailand
________________11. Tawag sa bagong taong ng mga taga Thailand
________________12. Ang tanging barges na ginawa noong paghahari ni Haring Phumiphon.
________________13. tawag na sa Bangkok na ang ibig sabihin ay City of Angels
________________14. Sagrado sa bansang Thailand
________________15. Tawag sa bansang Thailand
C.PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN
PAGBASA NG MAKLING KWENTO
Magbabasa ka ng isang alamat upang maunawaan mo kung paano ito naiiba sa iba pang uri ng panitikan.
Isang alamat na pasalin-salin sa iba’t ibang panahon at henerasyon mula noong panahon ng Ayutthaya at
nagbigay-inspirasyon kay Haring Rama V ng Thailand.
Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesa ng alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng
Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang
pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at nagagawang itago ang kani-
kanilang pakpak kung kanilang nanaisin. Sa loob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng
Himmapan kung saan din namamahay ang mga nakatatakot na nilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao.
Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay
masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira
ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon. Isang araw, napadako ang isang binata
habang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na
masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning kagandahan ni Prinsesa Manorah.
Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring
Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito
sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa sarili kung paano niya ito mahuhuli.
Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit ng kagubatan. Pinuntahan niya ito upang
magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi sa kaniya ng ermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil
agadagad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon na nakatira sa
pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo
at nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon. Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni
Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang
panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at patakbong umalis na dala-dala ang
makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung saan naglalaro ang mga kinnaree.
Page 2 of 6
Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli
si Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang
nagawa kundi agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin. Itinali nang mahigpit ni
Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah
at maibigay kay Prinsipe Suton na noo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong
niya si Prahnbun daladala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang
prinsipe.
Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa
harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya nito ng napakalaking halaga. Nagbalik ang prinsipe sa
kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa.
Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari ang buong pangyayari, masayang-masaya
sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah. Bumalik sila sa
palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay
habambuhay.
KATANGIAN NG PRINSESA
HALAGA NG KASAL
B.PAGSUSURI SA KWENTO
1. Sino ang pangunahing tauhan sa Alamat? CUPID
Tauhan
5 Paano ito nagwakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito wawakasan? Isalaysay.
Page 3 of 6
1. Simula - Dito pinapakita ang mga tauhang gagalaw o gaganap sa alamat at ang papel na kanilang
gagampanan sa alamat, kung sila ba ay bida o kontrabida. Makikita rin dito ang tagpuan o ang
pangyayarihan ng aksiyon o ng mga eksena na naghahayag ng panahon, oras at lugar
2. Gitna - Dito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito nakapaloob ang
mga dayalogo, o ang usapan ng mga tauhan. Dito rin makikita ang tunggalian ng mga tauhan, at ang
kasukdulan, kung saan dito iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ba ay kasawian o tagumpay
3. Wakas - Dito makikita ang kakalasan, o ang pagbaba ng takbo ng istorya. Dito rin mababatid ang kamalian o
kawastuhan ng mga di-inaasahang naganap. Makikita naman sa katapusan o wakas, ang kahihitnan ng
kuwento, kung ito ba ay magtatapos ng masaya, malungkot, pagkapanalo o pagkatalo
Page 4 of 6
reaksiyon ng asawa. “Bakit ka nagdala ng mia noi? Ito’y isang pang-aalipusta!” pasigaw ng asawa. (Ang mia
noi ay mga salitang Lao na katumbas ng pangalawang asawa na mas bata sa unang asawa. Ito’y bahagi ng
lipunang Thai at Lao.)
Hinablot ng ina ng lalaki ang salamin at nagwika. “Nakakadiri ka nga. Nagdala ka ng mia noi, na
napakatanda na at nangungulubot pa. Paano mo ito nagagawa?”
Tumayo ang kaniyang anak na noo’y nakaupo malapit sa kaniyang lola at hinablot ang salamin.
“Lolo, tingnan ninyo. Kinuha niya ang aking kendi at kinakain pa.” pagalit na sabi ng bata.
“Tingnan ko nga ang masamang taong ito.” Hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata. “Iniismiran pa
ako ng kontrabidang ito! Sasaksakin ko nga ng aking patalim.” Inilapag sa sahig ng lolo ang salamin at
inundayan ng saksak. “Sasaksakin din niya ako!” sigaw ng lolo. Nang makita ito ng lolo, siya’y galit na galit na
sinaksak ang salamin at tuluyang nabasag. “Ngayon ay hindi ka na makagagambala pa sa kahit sino!” ang sabi
ng lolo.
E. PAGLINANG NG KABIHASNAN
PAGSASANAY: Upang higit mong maunawaan ang alamat Ang Buwang Hugis-Suklay, ilahad mo ito gamit
ang isang graphic organizer.
SINO SA SAAN
ALAMAT
BAKIT
PAANO B BAKIT
F. PAGLINANG NG KABIHASNAN
Layunin:Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga
pag-ugnayF9WG-Ia-b-41
Pagsasanib ng Gramatika/Retorika
-Kuwento Mo, Isalaysay Mo
Batay sa alamat na iyong binasa, bumuo ng mga pangungusap gamit
ang sumusunod na salita upang malaman mo kung nakatutulong ba ang mga
salitangito sa pagsasalaysay ng alamat. noon noong araw
araw-araw sa araw ngayon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang pangyayari
o kilos. Maaaring may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas
Mga Pang-abay na Pamanahon
1. May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang)
Mga Halimbawa:
a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim sa daan.
b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang sila’y may maulam.
c. Pagod na bumabalik sa tanghali ang mga kinnaree matapos makapagtampisaw sa lawa.
d. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa kagubatan.
e. Kapag araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa ang mga kinnaree.
f. Mula noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah.
g. Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang nilakbay ang daan patungo sa
kabayanan.
Page 5 of 6
PAGSASANAY : Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang pahayag.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Kung (ngayon,bukas) na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim sa daan.
2. Kailangan niyang mangisda tuwing (umaga, gabi) upang sila’y may maulam.
3. Pagod na bumabalik sa (tanghali,taon) ang mga kinnaree matapos makapagtampisaw sa lawa.
4. (Ngayon, sandali) darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang magliwaliw.
5. (Mamaya,sa susunod na taon) na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng kaniyang asawa.
6. Makikipagkita (bukas, ngayon) ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe
7. Ang mga kinnaree ay (araw-araw, buwan-bwan) tumutungo sa lawang nasa loob ng kagubatan upang
magtampisaw.
8. (Tuwing umaga, tanghali), ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw ang nagtatayugang mga
puno.
9. (Mula noon, hanggang ngayon) ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at Prinsesa
Manorah.
10. Umpisa (kahapon, last year) hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang nilakbay ang daan
patung sa kabayanan.
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap, o gaganapin ang pangyayari
o kilos. Maaaring may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas
I. PAGTATAYA NG ARALIN
A. Panuto: GAMIT ANG MALIKHAING PAG-IISIP, SURIIN ANG MGA SUMUSUNOD:
A. Ano ang pamagat ng alamat,ilahad ang inyong naunawaan sa inyong nabasa.
B. Batay sa alamat paano makakatulong ang kulturang Thailand sa kulturang Pilipino? PAGHAMBINGIN ANG
DALAWA.
KULTURANG THAILAND KULTURANG PILIPINO
Page 6 of 6