Modyul 5 (3rd Quarter)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

10

Republic of the Philippines


Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

FILIPINO
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Margielyn A. Goc-Ong
Tagalapat: Margielyn A. Goc-Ong
Tagasuri ng Nilalaman: Gina B. Valdez
Tagasuri ng Wika: Rico C. Tarectecan
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director – NCR
Alejandro G. Ibañez, CESO VI, OIC- Schools Division Superintendent
Genia V. Santos, CLMD Chief – NCR
Loida O. Balasa, CID Chief SDO Navotas City
Ma. Gloria G. Tamayo, EPS Filipino – NCR
Dennis M. Mendoza, LR EPS - NCR
Rico C. Tarectecan, EPS Filipino SDO Navotas City
Grace R. Nieves, LR EPS SDO Navotas City
Nancy C. Mabunga, Librarian – NCR
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS

Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili


Sale
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Baitang 10 - FILIPINO
__________________________________________________________________________________
MAIKLING KUWENTO MULA SA AFRICA

INAASAHAN
Upang higit na maunawaan ng mga nasa Baitang Sampu ang akdang
pampanitikan ng Africa sa SLeM na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan (F10PN-IIId-e-79)
2. Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa
(F10PT-IIId-e-79)
3. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa:
sarili,panlipunan, at pandaigdigan (F10PS-IIId-e-81)

UNANG PAGSUBOK
Narito ang maikling pagsubok na may layong sukatin ang iyong kaalaman sa mga
araling pag-aaralan.

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabing
Ilog sa Kalansada. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. sasayangin B. ilalaan C. ibibigay D. wawakasan
2. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog. Ibigay ang
kahulugan ng salitang nagtatampisaw.
A. naghahabulan B. naliligo C. nagtutulakan D. naglalaro
3. Ang drayber ng motorsiklo at alagang baboy nito ay tumilapon sa iba’t ibang
direksyon. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
A.tumalon B. naglakad C. tumalsik D. gumapang
Para sa bilang 4-7.

Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad


na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi
at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang oras. Hindi
na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.
Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na kinakausap
ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit ang
pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito
maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga.
Halaw mula sahttp://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/ang-alaga.html

__________________________________________________________________________________________

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili) Page 1


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Baitang 10 - FILIPINO
__________________________________________________________________________________
4. Mahihinuha mula sa siping kuwento na ang tagapag-alaga ay mayroong
katangiang_______ sa kaniyang alaga.
A. malupit C. may pagmamalasakit
B. malinis D. masayahin
5. Kahit makapal na ang kalyo ni Kibuka, patuloy niya pa ring pinagmamalasakitan
ang alaga sapagkat________.
A. ibebenta niya ito kalaunan. C. nagiging sikat na ito sa buong kapitbahay.
B. nais niya itong malunod sa ilog. D. minahal niya ito na parang sariling anak.
6. Naisip ni Kibukang ipagbili ang alaga dahil sa kapaguran ngunit hindi niya ito
ginawa sapagkat_________.
A. pagtataksil ito sa kaniyang alaga C. namatay na rin ito
B. naaawa siya dito D. palalakihin pa itong lubusan
7. Anong aral ang kumintal sa iyong isipan matapos mabasa ang akda?
A. Hindi maaaring magsama ang tao at hayop hanggang sa dulo ng kanilang
buhay.
B. May pagmamahal talagang mabubuo mula sa tao at sa kaniyang alaga.
C. Dapat mas unahin ang kapakanan ng tao kaysa sa alagang hayop.
D. Walang mabuting idudulot ang pag-aalaga ng baboy.
Para sa bilang 8-10. Tukuyin ang pinakaangkop na opinyong naaayon sa isyung
panlipunang inilahad sa bawat bilang.
8. Mabilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin dulot ng pandemyang nararanasan ng
ating bansa.
A. Itinuturing na kapag mataas ang demand ay mababa ang supply.
B. Sa tingin ko nangyari ito dahil sa kalamidad na naranasan ng bansa.
C. Marami sigurong mga supplier ang nagsasagawa ng hoarding upang
mapataas ang presyo.
D. Batay sa aking paniniwala walang kinalaman ang Covid 19 sa isyung ito.
9. Ang pagkamatay ng isang flight attendant ay nagdulot ng pagkadawit ng
maraming tao.
A. Ayon sa eksperto Aortic Aneurysm ang ikinamatay nito.
B. Sa palagay ko, pare-pareho lamang silang biktima ng panghuhusga ng ilang
netizen.
C. Iginiit ng ina ng dalaga na ang kaniyang anak ay ginahasa.
D. Napatunayan ng ekspertong walang kasalanan ang mga kaibigan ng dalaga
sa pagkamatay nito.
10. Ang pagkakaroon ng 2nd variant ng Covid 19 sa bansa ay nagdulot ng lalong
takot sa mga Pilipino.
A. Ito ay nagmula sa bansang Europa.
B. Maaaring ito’y mapigilan kung tayo ay magiging maingat.
C. Magkakaroon ng malawakang pagbabakuna sa ating bansa.
D. Sa tingin ko magiging maingat na ang mga tao sa paglabas-labas.
__________________________________________________________________________________________

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili) Page 2


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Baitang 10 - FILIPINO
__________________________________________________________________________________
E.
BALIK-TANAW

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng
tulang salin mula sa Pilgrimage of African ni Wayne Visser. Piliin ang sagot mula sa
katabing kahon.

Tinalunton, ang_____________ ng kalikasan tribo


Ako’y_________dumating, isang buhay. hangin
Binuklod ng __________ng mga ninuno bakas
Kami’y _________dumating, isang__________. leon
kamay

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Panuto: Basahin ang siping bahagi ng maikling kuwentong mula sa Africa (Kenya).
Suriin kung masasalamin ba dito ang kanilang kultura.

Hindi pa tanggap ni Kibuka na siya ay isa nang retirado. Gayunman, wala siyang
magagawa kung hindi tanggapin ang kapalaran.
Dinalhan siya ng kaniyang apo ng isang alagang baboy. Noong una ay ayaw niya ring
alagaan ito ngunit napilitan na rin siya.
Pinakain niya ang baboy hanggang sa lumaki ito. Dahil sa di maawat na paglaki ng baboy,
naging pasakit na rin kay Kibuka ang pag-aalaga rito.
Wala na siyang maipakain. Ngunit mabubuti ang kaniyang mga kapitbahay at binibigyan
ng pagkain ang baboy.
Isang araw, nang papunta si Kibuka sa sagradong puno, hindi sinasadyang nabundol
sila ng isang motorsiklo. Hindi naman lubhang nasugatan si Kibuka ngunit nagkamit ito ng
sugat sa balikat. Nang makabangon, agad niyang hinanap ang alaga.
Narinig nila ang kakaibang iyak ng baboy na kalaunan ay binawian din ng buhay. Dumating
ang mga pulis at pinayuhan si Kibuka na magpagaling muna.
Ngunit inaaalala niya ang baboy. Ayaw niya sanang kainin ito dahil pagtataksil daw iyon
sa alaga.
Ngunit naisip niyang ipakatay na lamang ito habang sariwa pa ang laman. Ipinakain at
inihanda niya ang karne ng alaga sa kaniyang mga kapitbahay na nag-alaga at nagpakain
sa baboy noong nabubuhay pa.
Dumating ang kaibigang si Musisi at nakapagkuwentuhan sila ni Kibuka. Napasarap
ang pag-uusap nila at kinain rin ni Kibuka ang pata ng alagang hayop.

Halaw sa http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/ang-alaga.html

__________________________________________________________________________________________

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili) Page 3


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Baitang 10 - FILIPINO
__________________________________________________________________________________

GAWAIN
Gawain A: Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang Story Worm. Gawin
ito sa sagutang papel.

Gawain B
Panuto: Ilahad ang kahalagahan ng akdang binasa sa sarili, lipunan, at daigdig.

Kahalagahan ng
akda sa…

lipunan daigdig

sarili

__________________________________________________________________________________________

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili) Page 4


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Baitang 10 - FILIPINO
__________________________________________________________________________________

PAMAN 5 4 3 2
TAYAN Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan ng
Pagsasanay

Nilalama Kompleto at Kompleto ang May 1-2 Maraming


n komprehensibo nilalaman ng kakulangang kakulangan ang
ang paglalahad pangungusap. pangungusap. pangungusap.
ng pangungusap. Wasto ang May ilang
Wasto ang lahat lahat ng maling
ng impormasyon. impormasyon. impormasyon.

Organisa Organisado, Malinaw at Maayos ang Hindi maayos ang


syon malinaw, simple, maayos ang presentasyon presentasyon ng
at may tamang presentasyon ng mga salita mga ideya.
pagkasunod- ng mga ideya. at ideya. May Maraming bahagi
sunod ang Malinaw ang 1-2 bahaging ang hindi malinaw
presentasyon ng daloy ng hindi malinaw. sa paglalahad ng
ideya. impormasyon. kaisipan.

Gawain C
Panuto: Gamit ang grapikong pantulong, magtala ng suliraning nangingibabaw sa
akda. Pagkatapos, iugnay ito sa pangyayari, sitwasyon o kalagayan ng bansa at sa
daigdig.

Suliraning Pangyayari sa Pandaigdigang


Nangibabaw sa Akda Pilipinas Pangyayari

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KAILANGANG


5 3 MAGSANAY
1
Nilalaman Napakalawak ng Malawak ang Hindi tiyak ang
impormasyong impormasyong mga impormasyon
inilahad ibinigay ibinigay
Paglalahad Napakalinaw at Malinaw at Hindi gaanong
napakaayos ang maayos ang malinaw at
paglalahad ng paglalahad ng mga maayos ang
mga ideya ideya paglalahad ng
mga ideya

__________________________________________________________________________________________

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili) Page 5


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Baitang 10 - FILIPINO
__________________________________________________________________________________

TANDAAN

Alam mo ba…
Ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang maunawaan
ng bawat isa. Sa pamamagitan nito naipahahayag o naipahihiwatig sa ating
kausap o ng mambabasa ang ating mga opiniyon, ideya, o kaalaman kaugnay
sa isang paksa.
Narito ang mga salita o pariralang nagpapakilala o nagsasaad ng opinyon:

Sa palagay ko…
Ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi…
Sa tingin ko…
Maaaring…
Baka…
Siguro…

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Gawain 1:
Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita o pahayag na naglalahad ng
opinyon batay sa sumusunod na sitwasyon. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Pagkakaroon ng pandemya sa buong mundo dulot ng Covid 19.


2. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
3. Sunod-sunod na krimeng nangyayari sa bansa.

Gawain 2:
Panuto: Suriin ang palabas mula sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=z8cIuHp7kSg. Ang link na ito ay may kinalaman
sa pagtaas ng presyo ng bilihin sa kasalukuyang panahon. Pagkatapos, maglahad ng
tatlong opinyon kaugnay sa napanood gamit ang mga salitang nagpapahayag ng
opinyon.
1. ______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2. ______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
3. ______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

__________________________________________________________________________________________

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili) Page 6


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Baitang 10 - FILIPINO
__________________________________________________________________________________

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Para sa bilang 1-4. Basahin at unawain ang siping bahagi ng kuwento. Isulat
sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa


ilog.
Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw
ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang
agos ng tubig na maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang
baboy na magtampisaw rito. Naglalaro sa imahinasyon ni Kibukang baka paglaruan
ang alagang baboy ng mga batang naglalaro. Pagkatapos, hulihin at dalhin sa gitna
ng ilog at lunurin ang baboy.
Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, ipinapasyal niya ang alagang
baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga
tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy
habang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit
ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang
baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniyang halos ikaiyak
niya.
Halaw sa http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/ang-alaga.html

1. Mahihinuhang ang tagapag-alaga ay mayroong katangiang_______.


A. malupit C. may malasakit
B. malinis D. masayahin

2. Kahit makapal na ang kalyo ni Kibuka, patuloy niya pa ring pinagmamalasakitan


ang alaga at ipasyal ito sapagkat________.
A. ibebenta niya ito kalaunan.
B. nagiging sikat na ito sa buong kapitbahay.
C. minahal niya ito na parang sariling anak.
D. nais niya itong malunod sa ilog.

3. Naisip ni Kibukang ipagbili na lamang ang alaga dahil sa kapaguran ngunit hindi
niya ito ginawa sapagkat_________.
A. pagtataksil ito sa kaniyang alaga.
B. naaawa siya dito.
C. namatay na rin ito.
D. palalakihin pa itong lubusan.

4. Anong aral ang kumintal sa iyong isipan matapos mabasa ang akda?
A. Hindi maaaring magsama ang tao at hayop hanggang sa dulo ng kanilang
buhay.
__________________________________________________________________________________________

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili) Page 7


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Baitang 10 - FILIPINO
__________________________________________________________________________________
B. May pagmamahal talagang mabubuo mula sa tao at sa kaniyang alaga.
C. Dapat mas unahin ang kapakanan ng tao kaysa sa alagang hayop.
D. Walang mabuting idudulot ang pag-aalaga ng baboy.

Para sa bilang 5-7. Tukuyin ang pinakaangkop na opinyong naaayon sa isyung


panlipunang inilahad sa bawat bilang.

5. Mabilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin dulot ng pandemyang nararanasan ng


ating bansa.
A. Itinuturing na kapag mataas ang demand ay mababa ang supply.
B. Sa tingin ko nangyari ito dahil sa kalamidad na naranasan ng bansa.
C. Batay sa aking paniniwala walang kinalaman ang Covid 19 sa isyung ito.
D. Marami sigurong mga supplier ang nagsasagawa ng hoarding upang
mapataas ang presyo.
6. Ang pagkamatay ng isang flight attendant ay nagdulot ng pagkadawit ng maraming
tao.
A. Ayon sa eksperto Aortic Aneurysm ang ikinamatay nito.
B. Iginiit ng ina ng dalaga na ang kanyang anak ay ginahasa.
C. Sa palagay ko, pare-pareho lamang silang biktima ng panghuhusga ng ilang
netizen.
D. Napatunayan ng eksperto na walang kasalanan ang mga kaibigan ng dalaga
sa pagkamatay nito.
7. Ang pagkakaroon ng 2nd variant ng Covid 19 sa bansa ay nagdulot ng lalong takot
sa mga Pilipino.
A. Ito ay nagmula sa bansang Europa.
B. Maaaring ito’y mapigilan kung tayo ay magiging maingat.
C. Magkakaroon ng malawakang pagbabakuna sa ating bansa.
D. Sa tingin ko magiging maingat na ang mga tao sa paglabas-labas.

8. Ngayon, gugugulin niya ang kanyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabing
Ilog sa Kalansada. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. sasayangin B. ilalaan C. ibibigay D. wawakasan

9. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog. Ibigay ang


kahulugan ng salitang nagtatampisaw.
A. naghahabulan B. naliligo C. nagtutulakan D. naglalaro

10. Ang drayber ng motorsiklo at alagang baboy nito ay tumilapon sa iba’t ibang
direksyon. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
A. tumalon B. naglakad C. tumalsik D. gumapang

__________________________________________________________________________________________

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili) Page 8


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Baitang 10 - FILIPINO
__________________________________________________________________________________

SANGGUNIAN
Ambat, V.et al. (2005). Filipino 10 Panitikan Pandaigdigan Modyul para sa Mag-aaral.
Quezon City, Vibal Group, Inc. pp. 291-297.

Kimenye, B. (2015). Ang Alaga. http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/ang-


alaga.html. Retrieved January 25, 2021.

Pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng bilihin pag-uusapan na ng mga alkalde ng Metro


Manila/Teleradyo.Enero 25, 2021. https://www.youtube.com/watch?v=z8cIuHp7kSg

__________________________________________________________________________________________

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili) Page 9

You might also like