Esp 1Q
Esp 1Q
Esp 1Q
UNANG MARKAHAN
ESP IV
PANGALAN: ____________________________________________
BAITANG AT SEKSYON:___________________________________
PETSA: __________________________
Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin kung ito ay pagpapakita ng katatagan ng loob sa
pagsasabi ng katotohanan. Lagyan ng ang patlang kung Oo at naman kung Hindi.
_____1. Pag-amin sa nagawang pagkakamali.
_____2. Pagpilit sa sariling kagustuhan kahit hindi sumasang-ayon ang iba.
_____3. Pakikinig sa suhestiyon ng nakatatanda.
_____4. Hindi pag-amin at pag-aangkin sa perang napulot sa daan.
_____5. Pagsusumbong sa magulang kahit wala itong katotohanan.
Basahin ang mga pahayag. Markahan ng tsek (/) ang nagpapakita ng katatagan ng loob sa
pagsasabi ng katotohanan. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi.
_____6. “Hindi ko na iintaying tanungin ako, aamin na ako.”
_____7. “Kahit takutin pa ako upang magsabi ng mali, ‘yong totoo pa rin
ang sasabihin ko.”
_____8. Dahil napulot ko lang ang laruang ito, ibabalik ko ito sa may-ari.
_____9. “Naku! Huwag kang maingay. Sabihin mo hindi mo alam kung
bakit nabasag ang salamin.”
_____10. “Ayos lang na maglihim paminsan-minsan basta hindi palagi.”
Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito.
11. Ang sumusunod ay kasingkahulugan ng katotohanan, MALIBAN sa ____
A. tama B. tumpak C. peke D. wasto
12. Kabaliktaran naman ng katotohanan ang _____
A. totoo B. naaayon C. tunay D. kasinungalingan
13. Taglay mo ang katatagan ng loob sa pagsasabi ng katotohanan kung
A. magsusumbong ka ng mali sa mga magulang
B. magwawalang-kibo kahit nakita mo ang pangyayari
C. ililihis sa iba ang kwento upang hindi mapagalitan
D. aamin ka sa nagawang kasalanan kahit mapagalitan
14. Napansin mong kumukuha ng pera sa pitaka o wallet ng nanay mo ang iyong panganay na
kapatid. Sinabihan ka niyang huwag siyang isumbong dahil sasaktan ka niya kapag ginawa mo
iyon. Dahil dito _____
A. mananahimik ka na lang
B. sasabihin mo pa rin sa nanay
C. sasabihin sa nanay na hindi mo alam
D. aakuin ang kasalanan ng kapatid
15. Nakagawa ka ng kasalanan ngunit tiyak na mapapagalitan ka kapag inamin mo ito. Bilang
batang taglay ang katatagan ng loob, ikaw ay _____
A. aamin B. magdadahilan C. iiyak D. magsisinungaling
Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang Tama kung ito ay halimbawa ng pangangalap ng
tamang impormasyon. Isulat naman ang Mali kung hindi.
_____16. Nagbabasa si Karen ng updates tungkol sa COVID-19 mula sa ulat
ng World Health Organization.
_____17. Sinusuri ni Emil ang nakasulat sa pakete ng pagkain upang alamin kung makabubuti ba
ito o makasasama sa iyong kalusugan.
_____18. Naniniwala si Rey sa mga nababasa niya sa Facebook kaya agad
niya itong isini-share.
_____19. Nagtatanong lagi sa kapitbahay si Alona tungkol sa kalagayan ng
panahon.
_____20. Hindi pinanonood nina Aya at Yulo ang palabas sa telebsiyon kapag ito ay Rated SPG
o
Striktong Patnubay at Gabay.
_____21. Nagbasa si Almie ng pahayagan upang malaman ang mga
paliwanag kung bakit ipinasara ang isang istasyon ng telebisyon.
_____22. Komunsulta si Mae at nanay niya sa isang albularyo nang siya ay
magkasakit.
_____23. Tumawag sa guro si Efren upang magtanong tungkol sa aralin.
_____24. Itinanong ni Bea sa magtataho kung may paparating na bagyo.
_____25. Ipinaalam ni Kyle sa mga kapitbahay na maaari ng lumabas dahil
wala ng COVID-19. Galing ang impormasyon sa kanyang kaibigan.
Alin sa mga nasa kahon ang gagawin mo?Isulat ang titik sa patlang.
_____26. Nais mong malaman ang posibilidad ng pag-ulan. Sabi kasi ng kaibigan mo ay uulan
dahil walang bituin kagabi.
_____27. Nais mong malaman kung maaari ng pumasok sa paaralan subalit wala kayong
telebisyon.
_____28. Nais mong mag-usisa tungkol sa bilang ng mga nagkasakit at namatay dahil sa
COVID-
19.
_____29. Nais mong malaman kung ang programang iyong panonoorin ay akma sa batang tulad
mo.
_____30. Nais mong malaman sa kapitan ng inyong barangay ang mga programa tungkol sa pag-
iwas sa COVID-19.