Araling Panlipunan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

5

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 2
Pagpapahalaga sa Pagtatanggol ng
mga Pilipino Laban sa
Kolonyalismong Espanyol

AIRs i - LM
Araling Panlipunan 5
Ikatlong Markahan - Modyul 2: Pagpapahalaga sa Pagtatanggol ng mga
Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Nancy N. Niñalga


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Mario P. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

ii
Sapulin

Sa pamamagitan ng modyul na ito, matututunan mong


mapahalagahan at maipagmalaki ang pagpupunyagi ng mga Pilipino sa
panahon ng kolonyalismong Espanyol. Tatalakayin din ang mga pagbabagong
sa lipunan sa ilalim ng pamahalaang kolonyal. Mababasa rin ang mga
pagbabago sa pamumuhay ng ating mga ninuno sa loob ng mahigit na tatlong
dantaong pananakop ng mga Espanyol.

Mapapalalim ang iyong pag-iisip sa mga ginawang pagtatanggol at


pagpupunyagi ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
katanungang aking ibibigay sa pamamagitan ng babasahin. Naghanda ako
ng mga gawaing susubok sa iyong kakayahang sumagot sa mga tanong ayon
sa nabasang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa Kolonyalismong Espanyol.

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

a. nakasusuri sa pagpapahalaga at pagmamalaki sa ginawang


pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong
Espanyol;

b. napapahalagahan ang mga pagtatanggol ng Pilipino laban sa


Kolonyalismong Espanyol

1
Simulan

Bago ka magsimula sa bagong aralin, subukan


mo munang sagutan ang mga sumusunod na
katanungan.

Panimulang Pagsusulit
Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Ano-anong katangian ng mga
Pilipino ang kanilang ipinakita?

Katalinuhan
Kasipagan
Katapatan
Katapangan
Pagkakaisa
Pagmamahal sa Kalayaan

1. Lumaban ang mga katutubo kahit mahina ang kanilang armas


_______________________.
2. Sumapi ang mga taga ibat’ibang lalawigan sa lihim ng samahang itinayo
ni Magat Salamat. _______________________
3. Hinarang ng mga kasama ni Maniago ang daraanan ng mga pagkain para
sa mga Espanyol upang sila ay magutom at mapilitang ibigay ang
kanilang mga hinihiling. _________________________
4. Namundok sila at nagtatag ng sariling pamahalan. Nagrebelde siya mula
1744 hanggang 1825, hanggang siya ay pinatawad at hinayaang
mamuhay nang tahimik. ___________________________.
5. Gumawa ng sariling armas ang mga Muslim upang lumaban sa mga
Espanyol. ________________________________.

2
Lakbayin

Nagbago ang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng pamamahala


ng mga Espanyol sa Pilipinas. Nagkaroon ng malaking pagbabago mula sa
panahanan ng mga Filipino hanggang sa kultura na kanilang nakasanayan.
Naging malaki rin ang impluwensiya ng mga dayuhan sa aspektong
pampolitika, panlipunan, panrelihiyon, at pang-ekonomiya ng mga
katutubong Filipino.
Marami sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas
ang nagpahirap sa mga mamamayan tulad ng polo, pagbabayad ng buwis at
sapilitang pagtanggap sa Kristiyanismo na taliwas sa kanilang sinaunang
paniniwala. Naging daan ito upang magnais ang ilang mga katutubo na mag-
alsa laban sa mga Espanyol. May tatlong pangunahing sanhi ang pag-aalsa
ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol: politikal, panrelihiyon, at ekonomiko.
Bilang bata na bahagi ng lipunan na ating ginagalawan, higit kang
maliliwanagan kung sino-sino ang mga pangkat ng Pilipino na lumaban sa
mga Espanyol.
Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay pinahahalagahan
na. Marami silang mahahalagang papel na ginampanan bilang mandirigma,
babaylan, at higit sa lahat, bilang ilaw ng tahanan. Ang pagdating ng mga
mananakop na Espanyol ang dala ng pagbabago sa mga kababaihan. Tanging
ang mga kalalakihan na lamang ang nakapag-aral noon.
Kapuna-puna rin na higit na mas marami ang mga lalaking
nababanggit sa kasaysayan ng bansa na kalimitan pa ay pawang mga Heneral
ng rebolusyon mula sa Maynila. Napapanahon na upang mabigyan natin ng
pagpapahalaga ang mga Rebolusyonaryo mula sa iba’t ibang rehiyon,
lalawigan at sector, kabilang na ang mga kababaihan na mga tumulong at
nakidigma para sa bayan.

Politikal
Mula sa pananakop ng mg Espanyol ay ninais ng mga dating datu na
mabawi ang mataas nilang katungkulan. Hinangad din ng mga babaylan at
katalonan na muling mabawi ang pinakamataas na kapangyarihan sa
espiritwal na aspekto.
Isa sa mga ito ang pag-aalsa ng mga datu sa Tondo, na pinangunahan
nina Magat Salamat, Martin Pangan, Juan Banai, at Pedro Balingit noong
1587 hanggang 1588. Ngunit ang nasabing pag-aalsa ay di-nagtagumpay
kung kaya ipinapatay at ipinatapon ang mga nadakip na pinuno sa ilang
bahagi ng Pilipinas.

3
Panrelihiyon
Maraming Pilipino ang tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala
dahil sa pagpapalaganap ng mga Espanyol sa Kristiyanismo.
Ang pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang itinuring na mahabang
pag-aalsa sa Bohol noong 1744. Mahigpit na tinutulan ni Dagohoy ang
pagpataw ng nga bagong patakarang pang-ekonomiya ng mga Espanyol. Higit
na nagpaalab sa galit ni Dagohoy ang hindi pagpapahintulot ng isang pareng
Jesuit na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na constable na
namatay sa pagtugis ng isang tulisan. Tumagal ang pag-aalsa hanggang
1829.
Noong 1621 hanggang 1622 ay pinamunuan naman ng isang dating
babaylan na si Tamblot ang pag-aalsa sa Bohol. Tinutulan nila ang
Kristiyanismo at hinikayat ang pagbabalik ng pananampalataya ng anito at
diwata. Makalipas ng isang taon ay nagapi din sila ng mga Espanyol.
Sa Quezon naman ay pinamunuan ni Apolinario dela Cruz ang pag-alsa
noong 1840 hanggang 1841. Mas kilala bilang Hermano Pule , siya ay nagalit
nang tanggihan ang kaniyang kahilingang maging pari at ipinabuwag ang
kaniyang itinatag na kapatiran , ang Cofradia de San Jose.

Ekonomiko
Mahigpit na tinutulan ng mga Pilipino ang mga patakarang
pangkabuhayan na ipinapatupad ng mga Espanyol tulad ng sapilitang
paggawa at monopolyo.
Ang pag-aalsa ni Diego Silang sa Ilocos ang isang halimbawa, bunsod
ng malabis na pagbabayad ng tributo sa mga Espanyol. Noong Disyembre 14,
1762 ay matagumpay nilang napababa sa puwesto ang gobernadora at
Obispo ng Vigan, at agad na idineklara ang malayang Ilocos. Ipinapatay siya
ng mga Espanyol sa kaniyang kaibigang si Miguel Vicos. Ipinagpatuloy ng
kanyang asawang si Gabriela Silang ang kaniyang pakikipaglaban hangang
sa ito ay madakip at pugutan ng ulo noong Setyembre 10,1763.

Mga Dahilan Ng Pagkabigo Ng Mga Pag-aalsa


Nabigo ang mga isinagawang pag-aalsa ng mga Pilipino bunsod ng mga
sumusunod na dahilan.

-pagiging watak-watak ng Pilipinas


-kawalan ng komunikasyon
-pagkakaiba-iba ng diyalekto
-kakapusan sa salapi at armas
-hindi kasapatan ng kaalaman sa pakikidigma
-pagiging mas makabago ng armas ng mga Espanyol
-ang pagbabayad ng mga Espanyol sa misyonaryong katutubo
upang talunin ang kapwa katutubong nag-aalsa.

4
Pananakop sa Cordillera at sa mga Bahagi ng Mindanao
Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang
marami sa ating mga ninuno sa pananakop ng mga Espanyol. Malaking
hirap, pagmamalupit at pang-aabuso ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya
nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila sa loob ng 333
taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ang ilan sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga
Espanyol ay ang mga sumusunod:
1. pagbawi sa nawawalang kalayaan
2. pang-aabuso at masamang gawain ng mga pinunong Espanyol
3. pangangamkam sa lupain ng mga pinunong Espanyol
4.sapilitang paggawa
5. kahigpitan sa relihiyon
6. paniningil ng labis na buwis

PAG-ALAALA SA NAKARAAN
Gunitain natin ang mga napag-aralang pangyayari tungkol sa
pananakop ng mga Espanyol. Narito ang ilang kaganapan:

► 1521
• Marso 17 – Nakarating ang ekspedisyon ni Magellan sa Homonhon,
Leyte. Nakipagkaibigan at nakipag-sanduguan sila kina Raha
Kulambu at Raha Siagu, ang hari ng Butuan.
• Marso 31 – Sa pamumuno ng paring kasama nila, nagdaos sila ng
kauna-unahang misa sa tabing-dagat. Nagtirik sila ng malaking krus
sa itaas ng isang gulod na malapit sa dagat. Nakipagkaibigan sila
kina Raha Kulambu at Raha Siagu. Naganap ang isang sanduguan.
• Abril 8 – nakarating ang ekspedisyon ni Magellan sa Cebu sa tulong
ni Raha Kulambu at nakipagkaibigan sila kay Raha Humabon.
• Abril 27 – sinalakay ng mga Espanyol ang MActan, Sa pamumuno ni
Lapu-lapu, buong tapang na sinalubong at nilabanan ng mga
katutubo ang mga mananakop. Napatay ni Lapu-lapu si Magellan.

► 1565
• Pebrero 13 – Nakarating ang ekspediskyon ni Miguel Lopez de Legazpi
sa Cebu. Hindi pinayagang makadaong ang mga Espanyol dito dahil
siguro sa hindi magandang karanasan ng mga Pilipino sa mga
Espanyol. Napilitan silang pumunta sa Samar at Leyte. Malugod
naman silang tinanggap ni Prinsipe Kumatahon. Tinulungan sila ng
prinsipe na matunton ang Limasawa. Sinalubong sila at binigyan ng
pagkain ng hari ng Limasawa, si Bankaw.

5
• Marso 16 – narating ng ekspedisyon ni Legazpi ang Bohol.
Nakipagkaibigan sila kay Raja Sikatuna at nakipagsanduguan.
• Abril 27 – narating muli ni Legazpi ang Cebu. Tumangging pasakop si
Haring Tupas kaya nagkaroon ng labanan. Mahigpit na ipinagtanggol
ng mga katutubo ang Cebu ngunit mas malakas ang puwersa ng mga
Espanyol. Sinunog ng mga katutubo ang kanilang mga bahay upang
hindi mapakinabangan ng mga Espanyol. Umurong sila at nagpunta
sa kabundukan.
• Pinakiusapan ni Legazpi si Haring Tupas at ang kanyang mga kasama
na bumalik sa kabayanan at ipinangakong patatawarin niya ang mga
ito. Ipinaliwanag ni Legazpi na mabuti at maganda ang kanyang
layunin para sa kanila. Napaniwala ang mga tao kaya nagkaroon
muli ng kapayapaan sa Cebu.
• Nagtatag si Legazpi ng isang pamayanang Espanyol sa Cebu. Ito ang
kauna-unahang pamayanang Espanyol sa Pilipinas.

► 1569
• Narating muli ni Legazpi ang Panay at ginawa itong himpilan.

► 1570
• Nagpadala si Legazpi ng ekspedisyon sa Maynila.
• Mayo 24 – sa pamumuno ni Martin de Goiti, sinalakay ng mga
Espanyol at mga Bisaya ang Maynila. Buong tapang na nanlaban
sina Raha Sulayman sa mga sumalakay. Subalit natalo sila dahil
mas mahusay ang mga sandata ng mga dayuhan. Bumalik si Goiti
sa Panay.

► 1571
• Abril 20, dumako ang ekspedisyon ni Legazpi sa Luzon. Sinalakay nila
ang Maynila. Nang Makita ni Lakandula ang lakas ng hukbo ni
Legazpi, sinalubong at nakipag-kaibigan siya sa mga ito.
• Pinakiusapan ni Lakandula si Raha Sulayman na tanggapin na ang
pamamahala ng mga dayuhan. Hindi maatim ni Raha Sulayman na
makipagkaibigan sa mga Espanyol kaya’t tinipon niya ang kanyang
tauhan, sinunog muli ang Maynila at saka tumakas lulan ng mga 40
malalaking Bangka. Habang bumabaybay sa Tondo, sa bandang
Bankusay, nagkaroon ng labanan at siya ay natalo.
• Hunyo 24 – ginawang punong-lungsod ng Pilipinas ni Legazpi ang
Maynila. Pinangalanan niya itong “Katangi-tangi at Laging Tapat na
Lungsod”. Itinatag ni Legazpi ang pamahalaang lungsod ng Espanyol
na kung tawagin ay ayuntamiento. Humirang din siya ng mga
pinunong mangangasiwa nito.
• Ipinagpatuloy ni Legazpi ang pananakop sa iba’t ibang lugar sa

6
Pilipinas. Siya ang tinaguriang kauna-unahang mananakop na
Espanyol at gobernador-heneral ng Pilipinas.

► 1574 – Unang Pag-aalsa


Ang pamamalakad sa bansa ni Legaspi ay maganda at maayos. Ngunit
nang namatay si Legaspi, ang naging kapalit niyang si Gobernador Heneral
Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo dahil bigla niyang
inalis ang mga karapatang ipinagkaloon ni Legaspi. Pinagmalupitan at
pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Naging matindi ang
galit nina Lakan Dula at Sulayman at sila ay nag-alsa. Naganap ito sa Tondo
noong 1974. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino ng ibalik kina
Lakan Dula at Sulayman ang kanilang Karapatan.

NARITO ANG ILAN PANG SUMUNOD NA PAG-AALSA

► 1587-1588 – Pag-aalsa ni Magat Salamat


- Nagtatag siya ng lihim na samahan upang ipaglaban at makamit muli
ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino

► 1589 – Cagayan at Dingras


- Ang Pag-aalsa sa Cagayan at Dingras ay laban sa pagbabayad ng mga
tributo ng mga Pilipino sa lalawigan ng Cagayan at ng Ilocos Norte noong
1589. Ang mga Ilokano, Ibanag at ang iba pa ay naglunsad rin ng pag-aaklas
sa kadahilanan ring ito dahil na rin sa mga pagmamalabis ng mga
conquistadores na nanakit at nang-aabuso sa mga Pilipino bukod pa sa
pagbabayad ng mataas na buwis.
- Nagsimula ito nang mapatay sa Vigan ng mga katutubo ang anim na
mga taga kolekta ng buwis ng pamahalaan. Ipinadala ni gobernador-heneral
Santiago de Vera ang kaiyang hukbong binubuo ng mga Pilipino at ilang
Espanyol upang mapatigil ang namumuong pag-aaklas na ito ng mga taga
Cagayan.

► 1596 – Magalat Revolt


- Ang pag-aaklas ni Magalat ay nagsimula noong 1596 at sila ay tubong
Cagayan. Siya ay nadakip sa Maynila sa kasong rebelyon at ipinakulong ng
gobernador-heneral. Hindi naglaon ay pinalaya rin siya sa tulong na rin ng
ilang mga paring Dominikano. Kasama ng kaniyang kapatid na lalaki,
hinimok niyang ipagpatuloy ang pakikidigma sa mga Espanyol. Hindi
nagtagal ay nagawa nilang sakupin ang ilang nakapaligid na mga kabayanan
hanggang tuluyan nila itong makuha mula sa mga Espanyol na mga kawal.
- Ipinadala ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman sina
Pedro de Chavez mula sa Maynila kasama na ang mga kawal na Espanyol at
Pilipino upang dakipin sina Magalat. Nagawang hulihin ang pangkat ni

7
Magalat at ang mga pinuno ng pangkat ni Magalat ay binitay. Si Magalat
naman ay patraydor na pinatay ng kaniyang ilang mga kasamahan sa
kanilang sariling kuta.

► 1621 – Igorot Revolt


-Mula sa kautusan ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de
Guzman, nagpadala ng isang ekspedisyon sa Cordillera para sa pagpapalwak
ng Marin. Si Marin ay ang kura paroko noon ng Ilocos at sinubukan niyang
kumbinsihin ang mga Igorot na maging Kristiyano. Sa kabilang dako,hindi
pumayag ang mga katutubo na mapasa sa kagutuhan ng mga Kastila na
maging mga Kristiyano sila talikuran ang kanilang mga paniniwala sa
kanilang mga relihiyon.
-Pinatay ng mga mandirigmang Lumad si Marin kasama na hukbong
pinadala ni Kapitan Aranda. Naging Mabilis lamang ang rebolusyong ito ng
mga Igorot sa kadahilanang labis na dahas ang ginamit ni Aranda upang
masupil ang mga mandirigmang Igorot upang masupil ang mga
mandirigmang Igorotupang hindi na ito malaman pa ng ibang katutubo.

► 1621 – Rebelyon ng Gaddang


- Dahil sa pagmamalabis ng mga Espanyol, pinamunuan nina Felipe
Catabay at Gabriel Taya gang paghihimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan
Valley.

► 1621-1622 – Rebelyon ni Sumuroy


- Sa pamumuno ni Juan Sumuroy ng Samar, nahikayat ang mga tao
upang labanan ang mga Espanyol. Nag-alsa sila dahil sa sapilitang
pagtatrabaho sa paggawa ng mga barko sa Cavite.

► 1660-1661- Rebelyon ni Maniago


- Pinamunuan ni Francisco Maniago ang rebelyon ng mga
Kapampangan. Nagrebelde sila noong Oktubre 1660 dahil sa nais nilang
maging Malaya. Tinutulan nila ang sapilitang pagpapatrabaho.

► 1663 – Pag-aalsa ni Tapar


-Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang
bagong relihiyon sa parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663.

► 1660-1661 – Rebelyong ni Malong


- Si Andres Malong ay naakit sa panawagan ni Maniago na mag-alsa
laban sa kalupitan ng mga Espanyol.

8
► 1745-46 – Pag-aalsang Agraryo
- Kinamkam ng mga prayle ang mga lupain ng mga katutubo.
Ipinagbawal pa nila ang pagkuha ng mga katutubo ng mga kahoy at
prutas sa mga lupaing nakamkam nila. Ipinagbawal din ang pagpapastol
ng mga hayop ng mga katutubo sa mga lugar na ito. Hindi rin
pinahintulutan ang mga katutubo na magtungo sa ilog at manguha ng
likas na yaman.

► 1840-1841 – Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose (Rebelyon ni Hermano


Pule
-nagtatag ng isang relihiyong kapatiran na tinawag niyang Confradia
de San Jose (Kapatiran ng San Jose) sa Tayabas (Quezon ngayon) para sa mga
Pilipino. Tumanggi silang magbigay ng polo y servicio at magbayad ng tributo.

ANG REBELYON NI DAGOHOY (1744-1829)


Pinamumunuan ni Francisco Dagohoy ang pag-aalsa ng mga Boholano.
Nagalit si Dagohoy nang tanggihan ng kura na bigyan ng Kristiyanong libing
ang kanyang kapatid na yumao. Pinatay niya ang pari at hinikayat ang mga
mamamayan ng Bohol na magrebelde at lumaban sa mga Espanyol.
Namundok ang may 20,000 rebelde at nagtatag sila ng isang malayang
pamahalaan sa kabundukan. Ang rebelyong pinamunuan ni Dagohoy ang
pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Si Dagohoy ay
namatay sa sakit at katandaan. Ipinagpatuloy ng kanyang mga anak ang pag-
aalsa. Ang pagrerebeldeng ito ay nagsimula noong 1744 at tumagal hanggang
1829 – may kabuuang 85 taon. Hindi sila nasupil ng 20 gobernador na
Espanyol mula kay Gaspar dela Torre hanggang kay Juan Antonio Martinez.
Nahuli sila sa isang labanan ngunit pinatawad ng gobernador at
pinahintulutang mamuhay nang payapa.

ANG REBELYON NG MGA SILANG (1762-17963)


Nag-alsa si Diego Silang laban sa mga Espanyol dahil ikinulong siya
nang magpetisyon siya na alisin ang pagpapataw ng buwis sa mga Indio (ang
tawag sa mga Pilipino noon). Hinimok niya ang mga kababayan na
maghimagsik laban sa pang-aabuso ng mga Espanyol nang siya ay
pakawalan. Nagtatag siya ng sariling pamahalaan sa Vigan. Sinamantal niya
ang pananakop ng mga Ingles sa ating bansa. Nakipag-ugnayan siya sa mga
Ingles upang makayanan ang pakikilaban sa mga Espanyol. Pinadalhan siya
ng mga sandata ng mga ito at nagsimula ang rebelyon noong Disyembre 14,
1762 sa Vigan.
Nagpadala ng puwersa si Arsobispo Bernardo sa Vigan upang supilin
ang mga rebelde ngunit hindi sila nagtagumpay. Umupa ang mga Espanyol
ng taong papatay kay Silang. Pinatay ni Miguel Vicos si Silang noong Mayo
28,

9
1763. Si Vicos ay ang mestisong Espanyol na kaibigan ni Silang.
Ipinagpatuloy ng kanyang asawa, si Maria Josefa Gabriela, ang
paghihimagsik ngunit sa kasamaang palad, hindi rin nagtagal ang kanyang
pagrebelyon. Pinatay siya ng mga Espanyol noong Setyembre 20, 1763.

ANG REBELYON NI PALARIS (1762-1764)


Pinamunuan ni Juan dela Cruz Palaris ang isang himagsikan sa
Binalatongan, Pangasinan noong Nobyembre 3, 1762. Nagtatag si Palaris ng
isang malayang pamahalaan at ginawa niyang kabisera ang Binalatongan.

ANG PARTISIPASYON NG KABABAIHAN SA PAKIKIBAKA SA BAYAN

Gabriela Silang Gregoria de Jesus

Isinilang si Gregoria de Jesus sa Caloocan. Panganay siya sa


magkakapatid at masasabing naging maayos naman ang kanilang buhay.
Katatatag lamang ng Katipunan nang makilala niya si Andres Bonifacio.
Labingwalong taong gulang lamang siya samantalang tatlumpung taong
gulang naman si Bonifacio na isang balo. Bagaman tutol ang ama, napapayag
niya itong makasal siya sa Supremo ng Katipunan.
Bago maikasal ang dalawa, sumapi na sa Katipunan si Gregoria de
Jesus. Sa isang pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sector na
pambabae sa samahan. Si Josefa Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ay nahalal na
pangulo at siya ang inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap ang naging
kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan ang
Katipunan. Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo, siya ang
tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan.
Tuwing matutunugan niya ang pagadating ng mga Espanyol sa
kanilang tahanan, sumasakay siya sa isang karetela at nililibot ang Tondo.
Madalas na inaabot siya ng gutom at hatinggabi na kung umuwi. Naisulat
niya noon ang sumusunod na pahayag:

10
“Noon ay para akong kinatatakutan pagkat lahat ng akyatin kong
bahay upang magparaan ng oras ay ipinagtatabuyan ako at mamamamatay
wari sila sa takot. Noo’y naghihinanankit ako sa lahat.
Noong ako’y kasama ng mga kawal na nanghihimagsik sa parang ng
digmaan, wala akong pangiming sumuong sa anumang kahirapan at sa
kamatayan man, sapagkat wala akong nais… kundi ang maiwagayway ang
bandila ng kasarinlan ng Pilipinas. Kabilang din ako sa mga kawal at upang
maging ganap na kawal, ako’y nagsasanay ng pagsakay sa kabayo at nag-aral
na mamaril at humawak ng ilang uri ng mga sandata. Naranasan kong
matulog sa lupa, nang walang kinakain sa buong maghapon, uminom ng
maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging sa bundok na totoong
mapakla na nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw…”
Pinkamasakit na siguro sa tulod ni Oriang ang mawalan ng asawa at
hindi Makita ang bangkay nito. Noong Mayo 10, 1897, dinala at binaril sa
Bundok Hulog sa Maragondon, Cavite si Andres Bonifacio kasama ang
kanyang kapatid na si Procopio. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita ang
kanilang mga labi.

Gliceria Marella de Villavicencio


Bagaman marami ang kumampi sa mga
dayuhan, may mga miyembro rin ng mga
mayayamang angkan ang matapat na sumuporta
sa layunin ng rebolusyon. Isa sa kanila si Gliceria
Marella de Villavicencio ng Taal, Batangas. Maaga
siyang nagpakasal kay Eulalio Villavicencio sa
gulang na 19. Dahil parehong nagmula sa
mayamang angkan at mahusay sa pagnenegosyo,
mas napalago nila ang kanilang mga ari-arian.
Nang mapatay noong 1872 ang mga
paring GOMBURZA, nagsimula na si Gliceria at ang kanyang asawa sa
pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay nasa Hong Kong, nakipagkita
sa kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18 000.00 . Nang bumalik, may dala
na itong mga kopya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang
mga ito ay kanilang ipinamigay.
Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng 1896. Ipinagamit
nila ang kanilang mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga
Katipunero. Ito ang naging dahilan ng pag-aresto at pagkakakulong ng
kanyang asawa. Bagaman pinakawalan ito, iyon ang naging simula ng
paghina niya at naging bunga ng kanyang kamatayan.
Ipinagpatuloy ni Gliceria ang pakikipaglaban. Nang gamitin ng mga Espanyol
ang kanilang tahanan, sinikap niyang maging mabuting espiya. Noong 1898,
ipinahiram niya ang kanyang barko kay Aguinaldo.

11
Hindi siya tumigil sa mga rebolusyunaryo kahit sa panahon ng
Amerikano. Inokupahan ng mga Amerikano ang Batangas. Nahuli siya ng
mga ito nang makuha ng kalaban ang liham na ipinadala niya sa isang
heneral ng puwersang rebolusyon, si Heneral Mariano Trias. Siya ay inilagay
sa house arrest at nakalaya lamang noong 1900 nang ganap nang makontrol
ng mga Amerikano ang rebolusyon.

Patrocinio Gamboa
Tubong Ilo-Ilo si Patrocinio Gamboa.
Bagaman nagmula rin siya sa isang mayamang
angkan ng mga illustrado, kabilang siya sa mga
naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa
Espanya. Mahilig siyang magbasa ng mga
komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi
nagtagal, sumapi na rin siya sa mga
nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan.
Hindi siya kaagad pinagdudahan ng mga Espanyol
dahil siya ay babae. Nakatulong siya sa paniniktik
at sa pag- iipon ng pondo para sa rebolusyon.
Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross.
Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng
puwersang rebolusyon ay nang matagumpay niyang malampasan ang bantay
ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi na ng pagdiriwang ng anibersaryo
ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng watawat.
May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit ang
problema nila ay kung paano ito madadala sa kampo ni Heneral Delgado ng
Sta. Barbara. Dadaanan nila ang mga bantay na kawal ng mga espanyol na
mahigpit na naghahalughog ng mga gamit ng mga nagdaraan. Pinapatay nila
kaagad ang sinumang kanilang mapaghinalaan.
Mahusay na nakaisip ng paraan si Patrocinio ng paraan. Itinago niya
ang regalong espada ni Aguinaldo kay Heneral Delgado sa ilalim ng mga
pinaggiikan ng palay samantalang ang bandila naman ay kaniyang itinali sa
kanyang baywang at saka niya isinuot ang kaniyang damit. Kasama niya ang
isang katipunero na siya namang nagpanggap na kaniyang asawa.
Nang dumaraan sila sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na
nag- aaway. Natatawang pinalampas sila ng mga bantay. Ang bandila ay
nakarating sa oras ng programa.

12
Melchora Aquino

Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na


“Ina ng Katipunan”. Sa edad na 84, hindi siya nag-
atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang
Katipunero sa tuwing napapasabak ang mga ito sa
labanan.
Dahil mayroon siyang palayan, naging
mainam na kanlungan ng mga rebolusyonaryo ang
kanyang lugar. Hindi rin siya nagging maramot na
magbigay ng palay o kalakal niya sa kanyang
tindahan. Dito madalas niyang
makausap si Andres. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa kaniyang pagtulong
sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap siya
ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sa kanila kaysa
tumanggap ng libreng tulong. Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang
ang mga Amerikano ay nasa bansa na. Namatay siya sa piling ng kaniyang
mga anak sa edad na 107.

Teresa Magbanua

Nagmula sa mayamang angkan si Teresa


Magbanua. Tubong Pototan, Iloilo siya at pinag-aral
sa mahusay na paaralan. Nagtapos siya ng
pagkaguro at sandaling nakapagturo. Nang siya ay
mag-asawa, ginugol niya ang panahon sa pag-
aasikaso sa kanilang asyenda. Nahasa pa niya ng
lalo ang kanyang galing sa pangangabayo.
Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya
sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa. Naunang
sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawang
may mataas na katungkulan sa Katipunan.
Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan. Tumulong
siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at
tinawag na Nay Isa. Maraming labanan ang kanilang naipanalo. Sa kabila ng
gutom at kakulangan sa armas, unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng
Panay hanggang masakop ng mga puwersang rebolusyonaryo ang buong isla.
Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga Amerikano. Ang
kaniyang kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa nagtanggol sa Jaro.
Aktibo rin sa pakikipaglaban ang kanyang kapatid na si Elias. Nang
bumagsak ang Sta. Barbara, Iloilo sa mga kamay ng mga Amerikano, nagging
gerilya sila. Napatay ang kaniyang kapatid na si Elias sa isang labanan,
samantalang patraydor namang pinatay si Pascual.

13
Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang
magsimulang magsisuko ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang
pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa bayan ng kaniyang asawa at
namuhay nang tahimik.
Itinigil niya ang pakikipaglaban nang makita niyang walang
mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop ng mga Amerikano. Nagbalik siya
sa kanyang asawa nang sumiklab ang digmaan. Ipinagbili niya ang kanilang
mga ari-arian sapagkat patay na ang kaniyang asawa at wala naman silang
naging anak. Nakitira na lamang siya sa kaniyang kapatid sa Mindanao.
Namatay siya noong 1947.

14
Galugarin

Napag-aralan mo na pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa


Kolonyalismong Espanyol, kaya’t handa ka na para
pagyamanin ang kaalamang ito. Sagutin ang mga sumusunod
na gawain.

Gawain: (Politikal,Panrelihiyon o Ekonomiko?)

Panuto: Isulat ang P kung ang pinapahalagahang tinutukoy ng pag-aalsa


ay politikal, PR kung panrelihiyon, E kung ekonomiko.

________________1. Pag-aalsa ni Magat Salamat


________________2. Pag-aalsa ni Dieogo Silang
________________3. Pag-aalsa ni Hermano Pule
________________4. Pag-aalsa sa Cagayan at Dingras
________________5. Pag-aalsa ng mga Igorot
________________6. Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy
________________7. Pag-aalsang mga Muslim
________________8. Pag-aalsa ni Tamblot
________________9. Pag-aalsa ni Martin Pangan
_______________10. Pag-aalsa ni Gabriela Silang

15
Palalimin

Panuto: Isulat sa loob ng bilog kung ano ang mga pinapahalagahan ng mga
Pilipino sa pakikipaglaban sa pananakop ng mga Espanyol.

Pinapahal
a-gahan
ng mga
Pilipino

16
Gawain 2: Dapat o Di Dapat Gawin?
Panuto: Ganito ba ang dapat mong gawin? Lagyan ng / (tsek) ang angkop na
bilog ayon sa iyong sagot.

Dapat Di Dapat
1. Pananahimik kung naaapi
2. Pagtatanggol sa karapatan
3. Pagtatanggol sa kapwa
4. Pagsali sa rali para idulog ang hinaing
5. Pag-iwas sa gulo

Gawain 3:
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang kung sang-ayon ka sa sinasabi ng
pangungusap at X naman kung hindi.

1. Walang mahalagang naitulong a n g mga Pilipino mula sa ibang


rehiyon sa pakikipaglaban sa mga mananakop na Espanyol.
2. Maraming iba’t ibang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino
laban sa mga Kastila.
3. Ilan sa mga Pilipino ay nag-aklas dahil sa relihiyon.
4. Ang mga katutubong Pilipino tulad ng mga Igorot ay di-sang-ayon sa
pananakop ng mga Kastila.
5. Ang maraming pagmamalabis ng mga Espanyol ay hindi sa mga
pangunahing dahilan ng mga sinaunang pag-aaklas ng mga Pilipino.

17
Sukatin

Gawain: Alin ang Pinapahalagahan Mo?


Panuto: Basahin ang kalagayan.Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.
1. Nabigo ang nag-aalsang Pilipino noon dahil sa kawalan ng pagkakaisa.
Kailan kailangan ang pagkakaisa sa panahon ngayon?

A. Sa pag-aalsa sa pamahalaan
B. Sa pagpapatupad ng batas laban sa masamang bisyo
C. Sa pagtutol laban sa pagtaas ng presyo ng gasolina
D. Sa pangangampanya para sa mayamang kandidato

2. Bakit armadong paraan ng pagsakop ang ginamit ng mga Espanyol upang


kalabanin ang mga Igorot at Muslim?

A. Armadong paraan din ang ginamit ng mga Igorot at Muslim sa mga


Espanyol.
B. Hindi nais ng mga Espanyol na mapayapang paraan ang
pakikipaglaban sa nga Espanyol.
C. Ipinatupad nila ang patakarang divide and rule.
D. Ang armadong paraan ang pinakaepektibo sa isasagawang
pananakop ng mga Espanyol.

3. Alin sa mga pahayag ang may katotohanan tungkol sa kalagayang


pampolitika ng mga Filipino sa panahong kolonyal?

A. Tumaas ang mga posisyon ng mga katutubo sa panahong kolonyal?


B. Nagkanya-kanya ang pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.
C. Inalis ng mga Espanyol ang barangay bilang pinakamababang yunit
ng pamahalaang lokal.
D. Hindi binibigyan ng pagkakataon ang maraming katutubo na
mangasiwa sa kani-kanilang pamayanan.

4. Ano ang nagpatunay na nagbago ang kalagayang pampolitika ng mga


sinaunang Filipino sa panahong kolonyal?

A. Pinagangasiwaan ang mga Filipino sa ilalim ng pamahalaang sentral


at lokal.

18
B. Ang datu at gobernador-heneral ang pinakamataas na opisyal ng
pamahalaan.

C. Ang mga katutubong Filipino ang humawak sa pinakamataas na


posisyon sa pamahalaan..
D. Ang Palacio del Goberbador ay ipinagawa sa panahong iyon.

5. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?

A.Malawak na lugar
B. Hindi interesado ang mga Espanyol dito.
C. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.
D. Nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Espanyol.

6. Alin sa mga pagbabagong kultural noong panahon ng Espanyol ang


nananatili pa rin sa kasalukuyang panahon?

A. Nagluluto ng menudo, afritada, at mechado ang mga Filipino


B. Karaniwang nagsusuot ng kimona ang kababaihan.
C. Yari sa bato ang tirahan.
D. May mga paaralang parokyal pa rin.

7. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng Kalayaan ang mga


Muslim?

A. Masunurin ang mga ito


B. Mayaman ang mga ito.
C. Hindi nila inabot ang luagar na ito.
D. Hindi nila nasupil ang mga ito.

8. Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang laganap na


pagmamalabis ng pamahalaang kolonyal ay nagdulot ng labis na
kahirapan sa ating bayan. Nagkaisa ang mga Pilipino noon na lumaban
para sa kasarinlan hanggang sila’y magtagumpay. Sa Kasalukuyang
panahon bagama’t wala na tayo sa ilalim ng pamumuno ng mga dayuhang
mananakop dapat tayong_______________________.

A. magkawatak-watak.
B. maging palalo at gawin kung ano ang nais .
C. maging pasaway sa paggsunod sa ipinapatupad na batas.
D. magkaisa upang labanan ang kakapusan ng wastong edukasyon,
pagkagutom kawalan ng maayos na hanapbuhay at korapsyon
upang matamo natin ang kaunlaran at makalaya tayo sa kahirapan.

19
9. Ano ang maramdaman mo kapag ang mga pinuno ng pamahalaan ang
unang magpapakita ng disiplina sa sarili?

A. Matutuwa
B. Magugulat
C. Magmamalaki
D.Mag-aalinlangan
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapabuti ng katayuan
ng kababaihan?

A. Pinangangalagaan ang karapatan ng kababaihan.


B. Limitado ang ibinigay na kasanayan sa kababaihan.
C. Tumanggap ng posisyon maliban sa pinakamataas na pinuno.
D. Higit na kilalanin ang kakayahan ng kalalakihan.

Magaling! Natapos mo na ang


modyul na ito.

20
21
Palalimin
Gawain I
Maaring iba’t ibang kasagutan
Panrelihiyon
Ekonomiko
Politikal
Panaampalataya
Partisipasyon ng kababaihan sa Sukatin
pakikibaka sa bayan 1. B
Pagkakaisa 2. D
Pagmamahal sa Kalayaan 3. D
Pagmamahal sa tinubuang lupa 4.A
Pantay-pantay na pagtrato 5. D
6.B
Edukasyon,sining at agham
7.D
8.D
Gawain 2
9.A
10.A
1. di dapat
2. dapat
3. dapat Galugarin
4.dapat 1. P
5. dapat 2. E
3. PR Simulan
Gawain 3 4.E 1. katapangan
1. X 5. PR 2. pagkakaisa
2. 6.PR 3. katapangan
3. 7.PR 4. pagmamahal sa Kalayaan
8.PR 5. katalinuhan/kasipagan
4.
9.P
5. X
10.E
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat

Maria Annalyn P. Gabuat., Michael M. Mercado and Mary Dorothy


dL.Jose Araling Panlipunan 5 TM pp.54-58. Philippines: Vival Group,
Inc., 2016.

Maria Annalyn P. Gabuat., Michael M. Mercado and Mary Dorothy


dL.Jose Araling Panlipunan 5 Tx pp.192-203. Philippines: Vival Group,
Inc., 2016.

Glenda B. Del Rosario. Gabuat., and Gloria Ramos Forneste Araling


Panlipunan 5 Tx. pp.229-235. Philippines:
KlEAFS PublishingGroup, Inc., 2017

Joan Marie Dizon.,Maureen I. Junio.,Roselle C. Dela Cruz., and Csarina


I. Junio Araling Panlipunan Learner’s Material pp 85-92

B. Iba pang Sanggunian

https://www.bulacandeped.com/wp-content/uploads/2017/06/AP-
TG-YUNIT-III-Aralin-1-12-final-Copy.pdf

22

You might also like