Emcee - Sa ating-WPS Office

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

BUWAN NG WIKA

Iskrip ng EMCEE

Emcee: Sa ating pinakamamahal na Dekana sa Kolehiyo ng


Edukasyon, ( Dr. Marianne Lao Quimpo), sa ating maunawain at
masipag na tagapayo( Propesora Erlinda Losa Bautista), ating
mga guro, mga mag-aaral ng institusyong ito, at sa mga
mamamayang nakakapanood ng ating virtual na pagdiriwang ng
Buwan ng Wika, Isang masaganang umaga po sa ating lahat.
Emcee: Tuwing buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin ang
Buwan ng Wika upang mabalik-tanaw ang kahalagahan ng
Wikang Pambansa na siyang nagbubuklod sa atin bilang mga
Pilipino. Ang wikang katutubo ang siyang nagbibigay daan sa
atin upang mahubog ang ating pag-iisip at pagkaka-isa. At
upang maipalaganap ang kamalayan sa pagdiriwang at
kahalagahan ng ating wika, pagbibigay karangalan at gunitain
ang mahahalagang bahaging naganap 500 taon na ang
nakalilipas.
Emcee: Upang masimulan ang ating virtual na programa,
humanda ang lahat para sa ating panalangin, susundan ito ng
pambansang awit at NVC Hymn recorded music.
Emcee: Ang wika ang sinasabing pagkakakilanlan at kaluluwa ng
isang bansa. Ito ay instrumentong nagdurugtong sa komunidad
upang magka-unawaan at magkaroon ng isang mithiin sa
buhay. Sa pamamagitan ng ating wika, nagagawa nating
makipagpalitan at makipagtalastasan ng impormasyon at ideya
sa bawat isa. Mahal naming tagapanuod, sama-sam nating
ipagdiwang ang kauna-unahang virtual na selebrasyon ng
Tanglaw ng Wika para sa ating Buwan ng Wikang Pambansa na
may temang: “Filipino at mga Wikang Katutubo sa
Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
Emcee: At upang pormal na mabuksan ang selebrasyong ito,
narito ang aming pinakamamahal, pinakamagandang binibini ng
aming institusyon at lalong-lalo na ang maalagaing Ina ng bawat
mag-aaral na Dekana sa Kolehiyo ng Edukasyon, sabay-sabay po
natin siyang bigyan ng masigabong virtual na palakpakan,
Doktora Marianne Lao Quimpo sa kaniyang pambungad na
pananalita.
( SPEECH)

Emcee: Isang napakagandang mensahe ang hatid ng ating


mahal na Dekana, tunay ngang napakahalaga ang wika sa atin
upang tayo'y makibahagi ng ating nais sabihin. Isa pa ay
nakapagpapabago ito ng ating paniniwala at maging inspirasyon
sa ating buhay. Maraming salamat po Ma'am Quimpo
Emcee: At sa puntong ito, narito ang aming masipag, gwapong
nilalang sa balat ng lupa (sambit niya) at mapagpasensiyang
Pangulo ng Tanglaw ng Wika, Ginoong Genesis Angelo Tan
Santillan upang ipakilala sa atin ang mga hurado sa ating
nakahandang patimpalak. Sabay sabay po natin siyang bigyan
ng masigabong virtual na palakpakan.
(IPAPAKILALA ANG MGA HURADO)
Emcee: Maraming salamat aming Pangulo ng Tanglaw ng Wika,
para sa kaalaman ng lahat, magkakaroon po tayo ng patimpalak
sa Deklamasyon. Ngunit bago iyan, hayaan ninyo akong basahin
ang mga pamantayan sa ating patimpalak ngayong araw.

Pamantayan sa Paghuhusga ng Deklamasyon


Kadalubhasaan --------------------------------------------------- 20%
Pagbigkas ----------------------------------------------------------- 20%
Kalinawan ng boses at pagbabago ng
boses ayon sa tauhang ginagampanan--------------- 25%
Kasuotan at Kagamitan -------------------------------------- 10%
Ekspresyon --------------------------------------------------------- 25%
Kabuuan:------------------------------------------------------------ 100%

Emcee: Handa na ba kayong masilayan ang galing at angking


talento ng ating mga kalahok? Aba, aba hindi na natin ito
patatagalin pa, narito na at sila'y aarangkada, mga mahal kong
tagapanuod sabay-sabay po natin silang bigyan ng masiglang
virtual na palakpakan, mga piling mag-aaral sa Filipino sa
kanilang Deklamasyon.
(SIMULA NG DEKLAMASYON)

Emcee: Ang galing, napakagaling, tunay ngang taglay nila ang


talino, talento at kadalubhasaan sa wikang Filipino. Hinding-
hindi talaga magpapahuli ang mga Filipino Majors, talagang
sila'y aktibong aktibo sa mga programang ito kahit na may
kinakaharap tayong pandemya ay patuloy pa rin silang
namamayagpag. Pagbutihin niyo pa at kayo'y maging
inspirasyon ng lahat.
Emcee: Bago natin ipakilala ang mga nanalo sa ating
patimpalak, hayaan ninyong bigyan tayo ng kanilang inihandang
pagtatanghal sa araw na ito. Ang kanilang ipapakita ay isang
Tiktok Compilation na Museo de Filipino. Ang Tiktok challenge
na "Museo de Filipino" ay pinauso ng mga Pilipinong
gumagamit ng Tiktok. Ang layunin nito ay makapagbigay ng
kwento at kaalaman sa mga kasalukuyang kabataan sa ating
mga dakilang bayani, politiko, at mga taong bigtima ng pang-
aabuso. Salubungin natin sila ng masiglang virtual na
palakpakan.
(PAGTATANGHAL)

Emcee: Maraming salamat sa napakagandang pagtatanghal


mga kapwa kong mag-aaral. Masasabi kong hindi lang pala
magagaling sa klase ang mga batang ito, bagkus pati na rin sa
pag-arte na parang teleserye ay kanila na ring pinasok.
Mapapa-sana all na lang talaga ako. Ipagpatuloy niyo iyan at
baka balang araw pasukin niyo rin ang mundo ng pag-arte.
Emcee: Narito na at nakahanda ng ipaalam sa atin ang naging
resulta ng ating ginanap na patimpalak. Handa na ba kayo? Ako
rin handang-handa na. Naritong muli nagbabalik ang aming
Pangulo ng Tanglaw ng Wika, Ginoong Genesis Angelo Tan
Santillan upang basahin sa atin ang resulta ng patimpalak.
Bigyan po natin siya ng masigabong virtual na palakpakan.
(PAGBABASA NG RESULTA)

Emcee: Maraming Salamat Ginoong Genesis Santillan, sa lahat


ng mga kalahok alay ko sa inyo ang pagbati. Bilang panapos sa
ating kauna-unahang ginanap na virtual na programang ito sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika nais naming hingin ang maikling
pananalita mula sa aming pinakamamahal, pinakamaganda,
butihin at taga-hasa ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Mga
mahal naming tagapanood nais naming ipakilala sa inyo ang
aming propesora, Propesora Erlinda Losa Bautista upang
mabigyan tayo ng kaniyang mensahe. Sabay-sabay po natin
siyang bigyan ng masigabong virtual na palakpakan.
(SPEECH)

Emcee: Maraming salamat po aming mahal na tagapayo. Sana


po ay isapuso nawa ng lahat ng nanunuod ang gintong mensahe
ninyo.
Emcee: Binabati ko ang lahat ng mga nagtaguyod sa kauna-
unahang virtual na programang ito sa pagdiriwang at pakikiisa
sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa. Ang
pagpapahalaga natin sa ating wika ay hindi lamang ipinapakita
sa loob ng ating paaralan bagkus ito'y ating palaganapin sa
ating pang araw-araw na pamumuhay. Ang paaralang NVC po
ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na
may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa
Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
Emcee: Dito nagtatapos ang ating virtual na programa,
maraming salamat po at mabuhay tayong lahat. Ako po si Rodel
Dela Vega Ortega, ang inyong punong abala sa araw na ito at
mag-aaral sa ika-4 na taon ng kolehiyo na nagsasabing
magbunyi at magpugay dahil tayo ay Pilipinong hinubog sa
wikang taglay natin ngayon. Magandang Umaga po sa lahat.

You might also like