Epp5 Q4M8

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

5

EPP-Industrial Arts
Ikaapat na Markahan – Modyul 8
Plano ng Proyekto ng Gawaing
Metal
EPP – Industrial Arts- Baitang 5
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Plano ng Proyekto ng Gawaing
MetalUnang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Aurora


Tagapamanihala: CATALINA P. PAEZ PhD, CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: DANILO M. JACOBA

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Alona G. Castillo
Editor: Jonalyn O. Calado
Tagasuri: Ma. Roselle S. Fajanilbo
Tagaguhit: Suzette M. Mingua
Tagalapat: Erbert B. Villareal
Tagapamahala: Erleo T. Vilaros PhD
Esmeralda S. Escobar PhD
Estrella D. Neri
Milagros F. Bautista PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pangpaaralang Pansangay ng Aurora
Office Address: Sitio Hiwalayan, Brgy. Bacong, San Luis, Aurora
Telefax:
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Ang modyul na ito ay may mga gawain na susukat at lilinang sa iyong


kaalaman tungkol sa pagpaplano ng proyektong gawaing metal.
Pagkatapos ng aralin sa modyul na ito ay inaasahang matatamo mo
ang sumusunod na kasanayan:
• nalalaman ang mga hakbang sa pagbuo ng plano sa paggawa ng
proyektong gawaing metal;
• nakabubuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa ibat-ibang
materyales na makikita sa pamayanan (metal) na ginagamitan ng
elektrisidad na maaaring mapapagkakakitaan .
EPP5IA-0d-4

Subukin

Panuto: Lagyan ng tsek (🗸) kung ang larawan ay may kinalaman sa gawaing
metal at ekis (X) kung walang kinalaman. Isulat ito sa sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

1
Aralin
Plano ng Proyekto ng
1 Gawaing Metal
Ang pag-aaral ng mga gawain tungo sa pagkaakit, pagmumulat, at
pagiging mapamaraan ay magandang kaalaman na makakamit sa gawaing
metal. Sa panahon ngayon maraming nagkalat na patapong metal tulad ng
mga bakal, kawad, at lata na maaaring gamiting muli sa pagbuo ng bagong
proyekto tulad ng dust pan, gadgaran, habonera, kahon ng resipi at kwadro.
Sa pagpapatuloy ng modyul, matututuhan mo ang mga dapat mong
tandaan sa pagpaplano at mga bahagi nito.

Balikan

Sa naunang aralin natutuhan mo ang mga kasangkapan at kagamitang


pangkahoy. Ngayon naman, subukin natin ang iyong natutuhan sa nakalipas
na aralin sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga larawang pang-elektrikal
sa Kolum A at mga pangalan sa Kolum B. Isulat ang tamang titik sa iyong
sagutang papel.

A B

A. Crosscut saw

B. Iskwala

C. Katam

D. Malyete

2
E. Paet

F. Zigzag rule

Tuklasin

Sa pagbuo ng isang proyekto ay mahalagang matutuhan mo ang mga


hakbang sa pagpaplano ng proyekto. Ang mga sumusunod ay mga
pamamaraan sa pagpaplano ng proyekto. Lagyan ng wastong bilang ang
pagkakasunod-sunod nito. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ihanda ang halagang magugugol sa gagawing proyekto.

2. Alamin ang mga kagamitan at materyales na gagamitin sa paggawa


ng proyekto.

3. Alamin at pumili ng proyekto na gusto mong gawin.

4. Gumamit ng PPE (Personal Protective Equipment) sa pagbuo ng


proyekto

5. Gumawa ng plano ng proyekto upang hindi masayang ang oras.

Suriin

Pagkatapos pumili ng gawain, kinakailangan balakin nang mahusay


ang pagpaplano ng proyekto ng may angkop na espisipikasyon. Narito ang
mga dapat tandaan sa pagpaplano ng proyekto:

1. Ang pangalan ng proyekto.


Tiyakin ang pangalan ng napiling proyekto.

3
2. Disenyo ng proyekto.
Ang paggawa ng disenyo ay bahagi ng pagpaplano. Mahalaga na
mailarawan ang kabuuang anyo ng proyekto. Inilalagay rin ang tiyak
na sukat, mga materyales, at detalyeng kailangan sa paggawa ng
proyekto na magsisilbing batayan habang binubuo ito.

3. Materyales.
Ang mga materyales ay dapat itala batay sa disenyo ng proyekto.
Lalong mabuti kung ito ay katutubong materyales na matatagpuan sa
pamayanan. Ang talaan ng mga materyales ay magbibigay ng tiyak na
halagang gugugulin sa paggawa ng proyekto.

4. Kagamitan.
Ang mga kailangang kagamitan ay ihanda kaagad upang hindi
maantala sa pagsasagawa ng proyekto tulad ng martilyo, plais, katam
at iba pa.

5. Mga hakbang sa pagbuo ng proyekto.


Pag-aralan at itala ang mga sunod-sunod na hakbang sa
pagsasagawa ng proyekto. Mahalaga ang pag-aaral sa mga hakbang
upang hindi masayang ang oras sa pagsasagawa.
Itala ang mga balaking ginawa sa pagpaplano ng proyektong
napili. Ito ang magiging gabay sa pagbubuo ng proyekto. Suriin at pag-
aralan ang sumusunod na pormat ng plano ng proyekto:

Pangalan ng Mag-aaral:

Baitang/Seksyon: Petsa:

Nagsimula: Natapos:

I. Pangalan ng Proyekto: Dust pan (yari sa metal at kahoy)

II. Layunin: Nakagagawa ng dust pan na yari sa metal.

4
III. Larawan ng Proyekto/Krokis

30 pulgada

1 pulgada

10 pulgada

IV. Materyales ng Proyekto:

Bilang ng Yunit Pangalan ng Halaga ng Bawat Kabuuang


Materyales/ Materyales Materyales Halaga
Sukat

½ piraso plain sheet Php 200.00 Php 200.00

1 piraso kahoy Php 30.00 Php 30.00

1x1

30 bulgada

10 piraso drill bits Php 2.00 Php 20.00

Kabuuang Halaga Php 250.00

V. Kasangkapang Gagamitin

1. gunting pangyero

2. electric drill

3. eskuwala/ruler

4. kikil/sander

5
VI. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Proyekto

Bago isagawa ang proyekto ay tiyakin na may paggabay ang iyong


magulang para sa ligtas na pagsasagawa ng napiling proyekto.

1. Ihanda ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin.


2. Sukatin ang materyales na gagamitin ayon sa iyong plano.
Tingnan ang krokis.
3. Gupitin ang plain sheets/metal gamit ang gunting pangyero.sundin ang
tamang sukat na nasa krokis.
4. Kiskisin ng kikil/sander ang matutulis at matatalim na gilid na parte
ng metal .
5. Isa-isahing butasan ng electril drill at ilagay ang drill bits.
6. Isaalang-alang ang tamang paraan sa pagbuo ng proyekto.
7. Ikabit ang kahoy sa metal na magsisilbing hawakan ng duspan.

Rubrik sa Paggawa ng Plano ng Proyekto


Pamantayan Iskor
3 2 1
Kasangkapan Ang apat na Ang mga Ang mga
kasangkapan ay kasangkapan ay kasangkapan ay
kompleto, may kulang na may dalawang
angkop at wasto tatlo at hindi kulang, at hindi
ng paggamit wasto ang angkop ang
paggamit paggamit
Paggawa Sinunod ng Sinunod ng Hindi nasunod
tama ang mga tama ang mga ng tama ang mga
hakbang, hakbang, hakbang, hindi
natapos sa natapos sa natapos sa
takdang oras at takdang oras takdang oras at
maayos ang ngunit hindi hindi maayos
gawa maayos ang ang gawa
gawa
Kabuuan ng Malinis, maayos, Malinis ngunit Hindi malinis at
Proyekto at matibay ang hindi matibay hindi matibay
gawang proyekto ang gawang ang gawang
proyekto proyekto

6
Pagyamanin

A. Panuto: Basahin ang kaisipan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ito ang kasangkapang ginagamit sa pagkiskis ng matutulis at
matatalim sa gilid na parte ng metal.
A. electric drill C. kikil/sander
B. fuse D. long nose pliers

2. Ano ang huling hakbang sa paggawa ng dust pan?.


A. Sukatin ang materyales na gagamitin ayon sa iyong plano.
B. Ikabit ang kahoy sa metal na magsisilbing hawakan ng dust pan
C. Ihanda ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin
D. Pakinisin gamit ang liha bago pahiran ng barnis ang buong
proyekto.

3. Sa iyong palagay, paano maging matibay ang ginawang dust pan?


A. Pukpukin ng maayos gamit ang eskuwala.
B. Huwag gumamit ng pako sa pagbuo ng proyekto.
C. Huwag sundin ang tamang sukat na ayon sa plano.
D. Isaalang-alang ang tamang paraan sa pagbuo ng proyekto.

4. Ito ay materyales na ginagamit sa pagkabit ng mga parte ng proyekto.


A. barnis C. gunting
B. drill bits D. papel de liha

5. Base sa krokis, gaano katas ang hawakan ng dust pan?.


A. 30 pulgada C. 50 pulgada
B. 40 pulgada D. 60 pulgada

B. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kaisipan tungkol sa


matagumpay na paggawa. Isulat ang Tama kung wasto ang kaisipan; Mali
naman kung hindi wasto ang kaisipan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Hindi mahalaga ang pagpapakinis ng mga bahagi ng proyekto. Ito ay
nakadadagdag ng mas mahabang oras sa paggawa.
2. Upang maging pulido o makinis ang gawa, lagyan ng barnis o pintura
ang produkto o proyektong ginawa.

7
3. Sa pagbubuo ng proyekto, tiyaking tama ang pagkakasunod-sunod
ng mga bahagi ng proyekto upang maging matibay, maganda, at
kaya-aya.
4. Maaring putulin ang mga bahagi ng proyekto kahit hindi sundin ang
tamang panuntunan sa tamang paraan ng pagpuputol.🖒
5. Mahalaga ang plano ng isang proyekto. Dito nakasaad ang pangalan
ng proyekto, mga kagamitan, at bilang ng halaga.
C. Panuto: Ang mga sumusunod ay mga panuntunan sa paggawa ng
proyekto. Iguhit ang masayang mukha (☺) sa bawat patlang ng bilang kung
ang isinasaad na pangungusap ay tama at malungkot na mukha () naman
kung mali. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1.Maghugas ng kamay pagkatapos ng sampung minutong
pamamahinga matapos gumawa.
2. Maglagay ng panakip sa bibig at mata habang gumagamit ng welding
Machine.
3. Makipag-usap sa kaibigan habang gumagawa upang malibang sa
paggawa.
4. Pumili ng isang maaliwalas, ligtas, at malinis na lugar kung saan
isasagawa ang proyekto.
5. Tiyaking kumain at nakapagpahinga nang maayos bago gawin ang
proyekto.

Isaisip

Panuto: Sa isang pangungusap na binubuo ng pitong salita, sagutin ang


tanong sa sagutang papel.

1. Ano ang kahalagahan ng pakakaroon ng kaalaman at kasanayan sa


gawaing metal?

8
Isagawa

Ngayon naman ay subukin natin ang iyong kaalaman at kasanayan


sa gawaing metal. Sa tulong ng iyong magulang o tagapaggabay, gumawa ng
isang proyekto na gawa sa metal.
Rubrik sa Paggawa ng Proyekto
Pamantayan Iskor
3 2 1
Paraan ng Ang lahat ng May ilang bahagi Karamihan sa
Paggawa bahagi ng ng proyekto bahagi ng
proyekto ay hindi makinis at proyekto ay
makinis at tama hindi tama ang hindi makinis at
ang sukat. sukat. hindi tama ang
sukat.
Hakbang sa Nasunod ang May 3 hakbang May 4 at mas
Paggawa lahat ng sa paggawa ang marami pang
hakbang sa hindi nasunod. hakbang sa
paggawa. paggawa ang
hindi nasunod
Paglalagay ng Maayos at tama May ilang Karamihan sa
Disenyo ang disenyo ang disenyo ay hindi
pagkakasukat ng hindi maayos at maayos at hindi
mga disenyo hindi tama ang tama ang sukat
sukat
Kabuuan ng Malinis, maayos, Malinis ngunit Hindi malinis at
Proyekto at matibay ang hindi matibay hindi matibay
gawang proyekto ang gawang ang gawang
proyekto proyekto

9
Tayahin

Panuto: Basahin ang kaisipan sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang titik ng
tamang sagot at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. Barena B. Electric Drill C. Eskuwala

D. Martilyo E. Rip Saw F. Zigzag Rule

1. Ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya, pagtiyak sa lapad


at kapal ng tablang makitid.
2. Ito ay mainam gamitin na pambutas sa matitigas na bagay tulad ng
semento at bakal.
3. Ginagamit sa paggawa ng maliliit na butas na hihigit sa kalahating
sentimetro,
4. Ito ay kasangkapang ginagamit na pamputol nang paayon sa hilatsa
ng kahoy.
5. Ginagamit sa pagsukat ng taas, lapad at kapal.

10
Susi sa Pagwawasto

11
12
Sanggunian

Bilgera, Yolanda. 2016. HELE In The New Generation. Tarlac, City. Wizard
Publishing Haws, Inc.
Eustaquio, Ofelia, H., Go, Galileo, L., Manalo, Thea Joy, G. 2019. Toward A
Productive Life. Quezon City: Abiva Publishing House, Inc.
Gabay sa Kurikulum ng K-12, MELC. 2020. Pasig City: Department of

Education.
Peralta, Gloria, Arsenue, Ruth, Ipolan, Catalina, Quiambao, Yolanda, Ariola,
Helenay Ann. 2016. Life Skills Through TLE 6. Quezon City
Philippines: Vival Group, Inc.
Peralta, Gloria, Arsenue, Ruth, Ipolan, Catalina, Quiambao, Yolanda, De
Guzman, Jeffrey. 2016. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa
Kaunlaran (Manwal ng Guro). Quezon City Philippines: Vival Group,
Inc.

13

You might also like