FILIPINO 9 - Q1 - M2 Module
FILIPINO 9 - Q1 - M2 Module
FILIPINO 9 - Q1 - M2 Module
Filipino 9
Quarter 1 – Modyul 3
School Year 2020-2021
1
St. Vincent’s High School of Bonifacio,
Misamis Occidental, Inc.
7215 Poblacion, Bonifacio, Misamis Occidental
“Your Partner in Christian Formation Since 1946”
Government Recognition No. 348, S.1950
FILIPINO 9
Unang Markahan – Modyul 1
School Year 2020-2021
PAUNANG SALITA
2
kaisipan upang magamit ang iyong mga natutuhan sa tunay na buhay. Ang mga gawain sa
SLM ay tataya sa iyong pag-unawa at tatasa sa iyong malikhain at kritikal na pag-iisip.
Aralin Pagkakasunod-sunod ng
1 Pangyayari
Pangkalahatang Ideya
Sinasabing ang mga bansang Asyano ay mayayaman sa mga akdang pampanitikan. Sa modyul na
ito ay ating matutunghayan ang aralin tungkol dito.
Mayroong iba’t ibang uri ang panitikan. At ang maikling kuwento ang unang genre o anyo ng panitikan
na susuriin sa araling ito.
Ang araling tatalakayin sa modyul na ito ay lilinang sa kakayahan ng mga mag- aaral na sumuri ng
mga pangyayari batay sa kanilang nauunawaan mula sa napakinggang akda. Nang sa ganoon, ang
mga ito ay maiugnay sa kasalukuyang nagaganap sa lipunang Asyano.
3
bagay na kanilang napakinggan na maaari nilang kapupulutan ng aral lalo na sa pag-uugnay nito sa
mga pangyayari sa lipunang kinabibilangan.
Alamin
Ano ang inaasahan Mo?
Simulan Natin
Panuto: Unawaing mabuti ang pahayag na nasa loob ng kahon. Ito ay nagmumula sa kwentong
binasa sa nakaraang modyul. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa loob ng isa o dalawang
pangungusap lamang.
Katulad ng panahon, kailangan kong magbago. Gamit ang aking metal na pakpak, lumilipad
ako palayo sa ulan at alinsangan ng Brunei tuwing Setyembre patungo sa paliparan ng
London, kung saan ako ay tatanungin at sisiyasatin ang laman ng aking bag.
Mga tanong:
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Sa tingin mo, ano ang mangyayari sa tagapagsalaysay batay sa pahayag na nasa itaas?
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Isaisip Natin
Halimbawa
Denotatibo Konotatibo
4
Ama Haligi ng tahanan
Basahin Natin
Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandali siyang
napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustong mawala ang mga
bituing nakahihilo.
Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng
palanggana at naglalaro ng tubig. “Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay.” Si
Ah Yue iyon na mas matanda kay Siao-lan ng mga tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na
Chai-sim sa kabilang gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbo para
kunin ang mga labada at isampay sa alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ng kubong walang
dingding.
Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo pa rin at nakapikit—
nagpipilit na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mga biente-singko anyos, at nakasuot ng kupas na
asul na sam-fu. Medyo nakangiwi ang kanyang mga labi. May pangit at nangingitim na bukol sa kanyang
noo. Halatang napalo siya ng isang matigas na bagay kamakailan lamang. Malaki ang kanyang tiyan.
Madaling mapansing nagdadalantao siya at malapit nang manganak.
5
Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isang isinampay ang
mga damit sa alambre. Dahil mataas ang alambre, kailangang tumingkayad siya at tumingala. Habang
minamasdan ang maliit na katawan niyon at ang alanganing paraan ng pagsasmpay ng mga damit sa
alambre, biglang nahabag si Lian-chiao. Mahina niyang sinabi, “Ah Yue, mag-ingat ka. Baka ka mahulog!”
“Opo!”, sagot ni Ah Yue. Bigla iyong pumihit, nangangambang tumingin at nagtanong, “Inay, luto
nab a ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni itay!”
Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon pang
kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain, pag-uwi ang
asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari. Hindi sinasadya’y nahipo niya ang namamagang bahagi
ng noo. Tuamahip ang kanyang puso. Nagmamadali siyang naligo sa tabi ng balon at pagkatapos ay
tinulungansi Siao-lan sa paglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang dalawang bald eng tubig at kinarga
ang mga ito sa pingga pauwi.
Ang nakahilis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyang katawan, sa malaki at bilog
na tiyan, sa dalawang umuugang balde ng tubig sa pingga, sa umiika niyang paa, at sa hubad na si Siao-
lan na naglalakad sa kanyang likuran, palinga- linga.
Pagod na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng
kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang
mga kawali at iba pang kasangkapan sa kusina.
Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa iba’t ibang bahagi. Sa tabi ng pugon ay may
maliit na lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman. Kinakailangang isantabi muna ni Lian-chiao ang
sipit ng kalan para manguha ng panggatong. Tumulong si Siao-lan at may dalang isa o dalawang piraso
tuwing papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar.
“Sssst…” Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay ay napuno ng
bango ng nilulutong gulay.
Nakaupo si Siao-lan sa loobg ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitignan ang nakatatandang
kapatid na nakatyao pa rin sa kuwadradong bangko sa labas.
Di kaginsa-ginsa’y isang tinig na tila tunog ng basag na kampana na nagbuhat sa labas ng pinto.
“Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas ng naaakyat mo, ha? Gusto mo nab a dalawin
ang hari ng kadiliman?”
Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang-kawayang lalaki ang pumasok sa bahay at sandaling
tumayo, galit. “Lintik! Gabi na’y hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?”
“Ihahanda ko na ang tubig,ihahanda ko na…” Mabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang
isang kaldero ng kumukulong tubig sa isang balde na kauuwi lamang niya. Pagkatapos ay binuhat iyon
nang dalawang kamay sa luma at sira-sirang banyo. Yukung-yuko siya dahil sa bigat ng tubig. Umaalog
ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi ang maputlang mukha, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawang-
pag-sa.
“Masusunog na ang inasinang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala
kanga lam kundi kumain!” Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang ang babae’y papunta sa
banyo.
Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi sila nagkalakas-
loob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na naman sa sugal si Li Hua.
Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang nagmamantikang nguso, kinuha ni Li Hua ang
lalagyan ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay, “Pwe!”, lumura sa lupa. Niligis ng kanan
niyang paa ang malapot na laway sa sahig.
Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa, ang
mangkok at chopsticks, at nagkakandautal na, “Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman? Ako’y…”
“Ano? Hindi ako aalis!” Napakalakas ng boses ni Li hua. “Natalo ako ng biente dolyar ngayong
hapon sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi ako babalik para makabawi ang natalo sa akin? Pag hindi
ako nanalo ngayong gabi hindi ko na tatawagin ang sarili kong eksperto sa madyong!”
“Puwede bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying… Malapit
na akong manganak. Kailangang bumili ako ng ilang itlog para lutuin sa luya at alak.” Minasdan ni Lian-
chiao ang malaki niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa ang kanyang boses.
Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalong pumula ang
mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang bibig, ipinakikita ang dalawang hanay ng bungi-
bungi at maiitim na ngipin. “Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap ba pagkain kung
wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo kayang magbayad?”
Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan and nguso. Humakbang ang mahahaba niyang
binti at lumabas ang tila- kawayan niyang katawan.
Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig, natitigilan at hindi
makakilos.
Mahangin at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang
kahoy, hindi makatulog si Lian- chiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pago na pagod siya at mabigat
na ang mga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising na gising pa rin ang kanyang isip.
7
ipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyang anak ang katahimikan at kaligayahan sa buong buhay
nito?
Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa luhang
napigil ang pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa isip niya ay ang kanyang asawa, ang walang silbi at
tila kawayang siLi Hua. Winaldas niyang lahat ang manang iniwan ng ama niya. Marami siyang bisyo:
pagsusugal, paglalasing, paghithit ng opyo, pagpunta sa bahay- aliwan…eksperto siya sa lahat ng ito. Ang
pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ay ang pagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito sa
manghuhulang nagsabi na pulos babae ang isisilang ni Lian-chiao at hindi ito kailanman maghahatid sa
kanya ng yaman o suwerte. Sa madaling sabi, si Lian-chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-palad.
Dahil dito, napakasama ng pakikitungo niya kay Lian-chiao.
Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatwiran at kung minsan ay
malupit na pakikitungo nito sa kanya. Kung nagkaroon siya ng lakas ng loob na magmaktol at
mangatwiran, mandidilat agad iyon, at luluraan sa mukha mismo, humihiyaw, “Ikaw ang sumpa ng
pamilya! Sinong may sabi sa iyong magpakasal ka sa akin? Luka-luka! Kung gusto mong lumayas,
puwede ka nang lumayas ngayon din. Alis! Alis! Sinong pumipigil sa iyo?...”
Nasipa na nina Ah Yue at Siao-lan ang kumot. Mahimbing na natutulog ang dalawa, magkayakap.
Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at itinakip sa kanila. Pumikit siya ngunit hindi pa rin makatulog. Nag-aalala
siya. Malapit na siyang manganak. Makukunan kaya siya? Mahirap sabihin. Sa kabila ng kanyang
pagbubuntis, kailangan niyang magbuhat ng mabibigat na bagay—kasimbigat ng animnapu o pitumpung
katies araw-araw. Mga ilang araw pa lang ang nakararaan ay bumagsak siya habang nagsisibak ng kahoy
na panggatong. Sino ang gagarantiyang hindi naapektuhan ang bata sa loob ng kanyang tiyan?
Halimbawang malaglag ang bata, at mamatay siya, sino ang ang mag-aalaga sa dalawa niyang
anak?
Tumitindi na ang hilab ng kanyang tiyan. Nanlalamig na sa pawis ang mga palad.
Nagpasiya siyang magtungo sa Hsiang Chi Coffee Shop para hanapin ang asawa.
“Kokak,kokak…”Umiiyak ang mga palaka sa mga pilapil sa gawing kaliwa ng maliit na kalsada.
Binasag ng malungkot nilang pagkokak ang katahimikan ng gabi.
Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera. Si Lian-chiao at ang lahat
ng bagay sa kanyang paligid ay dagling nakulong sa kadiliman. Hindi siya makasulong at hindi din siya
makaurong ilang sandal siya tumayo roon, walang tinag at hindi malaman ang gagawin. Parang hinihiwa
ng isang matalim na kutsilyo ang tiyan niya. Natutuliro siya at nahihilo. ”Kras.” Nalaglag ang gasera mula
sa nanginginig niyang mga daliri,nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang nangyayari.
Sinapo niya ng dalawang kamay ang kanyang ulo, nagpupumilit na manatili siyang nakatayo.
Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao at unti-unting nasanay ang
mga mata niya sa dilim. Lumakad siyang muli, mabagal, hindi matatag. Kung ilang beses na halos
madapa siya dahil sa madulas na kalsada. Madalas siyang huminto dahil sa sumusumpong na sakit.
Tatayo siya, yuyuko ng mababa hanggang ang sakit ay humupa…ngunit ilang sandal lamang.
Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop. Napakaliwanag s loob at
maingay: ang kalantog ng mga pitsa ng madyong sa mesa, ang maingay na boses ng mga sugarol,
umuungol o tumatawa…
Marahil ay buhos na buhos ang mga isip ng tao sa pagsusugal, o baka naman napakahina ng
katok niya. Walang lumapit para buksan ang pinto. Hindi na matiis ni Lian-chiao ang sakit, at kumatok uli
siya ng buong lakas.
Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang maybahay ng may-ari ng kapihan. Si
Lian-chiao na nakasandal ng mabuti sa pinto ay bumagsak sa loob.
8
Noon una ay nagulat ang matabang babae sa pagpasok niya. Ngunit nang matanto niya kung sino
ang babae, maliksi niya itong tinulungan at inakay papasok.
“Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandang pitsa ito.
Ito talaga ang kailangan ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat, pangalawang apat…isang libo dalawang
daan at walumpu at dalawang libo limang daan at animnapu!”
Malaki and panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang ngunit ngayon ay isang bunton na
ang nasa harap niya. Tuwang tuwa si Li Hua at hindi niya mapigil ang kakatawa, maluwang na maluwang
ang nangingitim na bibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mga chips, ngumiti siya sa taong nakaupo
sa harap niya. “Ha, ha, Lumpong Chun! Napakagaling nitong siyamnapung libong galing sa iyo!
Napakagaling! Ha, ha…”
“Ai-yo…yo…”
“Hoy lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo!, may humimok kay Li Hua.
Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para sa kanya. Galit na
tinignan niya si Lian-chiao at nag- aatubiling tumayo. Pumayag ang maybahay ng towkay na ipaarkila sa
kanya and Morris Minor nito sa dalawang dolyar bawat oras, at dodoblehin sa gabi.
“Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo!” Lumabas sa kotse si Lian-
chiao, nilapitan ang maliliit na batang babae, hindi malaman kung ano ang gagawin.
Habang pinapahiran ang luha a ilong, marahang nagssaita si Ah Yue, “Nagising ako sa iyak ni
Siao-lan. Hinahanap niya ang nanay. Hindi ko Makita si nanay sa bahay. Naisip kong baka narito kayo,
kaya dinala ko siya dito…”
Nang malaman ni Ah Yuen na papunta sa ospital ang kanyang ina, kumbot ng kaunti ang ilong
nya at ang bibig niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya.
“Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Alagaan mong mabuti and kapatid mo. Uuwi ang
nanay pagkaraan ng dalawa o tatlong araw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang tatay ninyo…”
Habang inaaliw si Ah Yue, napaiyak na rin si Lian-chiao. Hindi niyang makayang isipin na aalis siya ng
mga ilang araw, iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na walang mag-aalaga sa kanila.
Ibinaba ni Ah Yue ang nakababatang kapatid at sa pagitan ng mga hikbi, “Inay, dadalawin ko kayo
bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami roon. May isa pang dolyar sa aking
lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para magamit mo muna…”
Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya makapagsalita dahil sa
pag-aalala.
Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos ay pumasok sa
kotse, binuhay ang makina at pinatakbo.
9
Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, “Khe-ta… khe-
ta…” at paminsan minsan ng malakas na pung!
Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng hangin. Isang munting ilaw ang
mabagal na kumikilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal at
atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay…
Pagsasanay
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa isang buong papel.
1. Ano ang naging kalagayan ni Lian-chiao sa piling ng asawa? Ano-anong mga pang-aabuso
ang napagdaanan niya sa kamay ng malupit na asawa?
2. Sa iyong palagay, magy magbabago bas a buhay ni Lian-chiao kung kahit ipinagkasundo siya
ay hindi siya agad nag-asawa sa edad na labinlima? Ano ang kinalaman ng edad niya nang
magpakasal sa kalagayan niya sa kasalukuyan? Ipaliwanag
3. Kung ikaw si Lian-chiao, ano ang gagawin mo kung ikaw ay malalagay sa katulad na
kalagayan?
4. Anong damdamin ang nararamdaman mo habang binabasa ang akda? Bakit ganito ang
nararamdaman mo?
5. Kung may kakilala kang may halos katulad na kalagayan kay Lian-chiao, ano ang sasabihin
mo o gagawin mo upang matulungan siyang makaahon sa kanyang kalagayan?
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa isang buong papel
Buuin Natin
Gawain 3
Panuto: Bigyan ng angkop na denotatibo at konotatibong kahulugan ang mga sumusunod na salita.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at pagkatapos, gamitin sa pangungusap ang mga salita ayon sa
konotatibong kahulugan nito.
Gawain 4
_____1. Kahit hirap na hirap dahil sa sunod-sunod na paghilab ng tiyan ay tinungo ni Lian-chiao
ang Hsiang Chi Coffee Shop para magpatulong sa asawang nadatnan niyang abalang-
abala sa pagsusugal.
_____2. Kinagalitan ni Li Hua ang mga batang sumunod sa kanilang ina at pagkatapos ay
pinaandar ang inarkilang sasakyan para madala sa ospital si Lian-chiao.
_____3. Habang abala at hindi magkandaugaga si Lian-chiao sa pagluluto ay naghanap ng
pampaligo ang kanyag asawa kaya’t mabilis niyang iniwan muna ang iniluluto at saka
inihanda ang inigib na tubig para pampaligo ni Li Hua.
_____4. Maya-maya’y dumating si Li Hua. Malakas ang boses habang sinasabihang ang
nagsasampay na si Ah Yue. Pagkatapos ay mabilis na pumasok at nagalit dahil hindi pa luto
ang hapunan.
_____5. Habang inihahanda ang pampaligo ng asawa ay sumagitsit sa kawali ang inasnang
isda kaya minura at sinigawan ni Li Hua si Lian-chiao dahil napakabagal nitong kumilos at
hindi naamoy ang nasusunog nang isda.
_____6. Naglalaba ang buntis na si Lian-chiao katani ang bunsong anak habang nagsasampay
ang panganay niyang si Ah Yue kahit hindi pa halos maabot ng bata ang sampayan.
_____7. Nang gabing iyon, kahit pagod ay hindi makatulog si Lian-chiao. Naalala niya kung
paano siyang ipinagkasundo ng kanyang ina kay Li Hua sae dad na labinlima at ito ang naging
simula ng miserable niyang buay. Maya-maya’y biglang sumakit ang kanyang tiyan at
naramdamang manganganak na siya.
_____8. Nang matapos kumain at paalis na muli ang lalaki ay nagmamakaawa si Lian-chiao na
bigyan siya ng isang dolyar na pambili ng itlog na gagamitin sa nalalapit niyang panganganak
subalit hindi siya binigyan ni Li Hua dahil natalo raw ito ng dalawampung dolyar sa sugal.
_____9. Pagod na si Lian chiao sa katatapos na labahin at sa walang tigil na pagtatrabaho,
ngunit hindi sya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon,
hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa
kusina dahil baka magalit ang asawa kapag dumating ito mula sa pagsusugal nang wala pang
hapunan.
_____10. Sumunod sa ina ang magkapatid na sina Ah Yue at Siao-lan dahil nagising ang bunso
kaya dinala ng ate sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kahit hirap na hirap ang kalooban dahil
maiiwan ang maliliit na mga anak nang walang kasama ay pinakiusapan ng ina na iuwi at
alagaan muna ni Ah Yue ang nakababatang kapatid.
11
Magagawa Natin
Panuto: Muling balikan ang mga inayos mong pangyayari sa akda na nasa Gawain 4. Gamitin ang
mga sinagot mo sa bahaging ito para mabuo nang maayos ang banghay ng maikling kuwentong
“Tahanan ng Isang Sugarol”. Isulat ang nabanghay na kuwento sa isang buong papel.
Panimulang
Pangyayari
Papataas na
Pangyayari
Kasukdulan
Pababang
Pangyayari
Resolusyon/Wakas
12
13