ST 1 GR.4 Esp
ST 1 GR.4 Esp
ST 1 GR.4 Esp
GRADE IV – ESP
I. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung ito ay hindi.
II. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa kalakip na sanayang
papel.
1. Naabutan mong tinutukso ng iyong kaibigan ang nakababata mong kapatid at sinasabihang mataba. Ano ang
sasabihin mo sa iyong kaibigan?
a. “Sige, tuksuhin mo pa siya.”
b. “Huwag mo siyang tuksuhin kaibigan, nakakasakit ka ng damdamin.”
c. “Hindi ako nagagalit. Eh, totoo namang mataba siya di ba?”
d. “Lakasan mo pa ang boses mo para mas masaya.”
2. Umiiyak ang iyong pinsan dahil sa sobra mong panunukso sa kaniya. Ano ang iyong gagawin?
a. Pagtatawanan ko na lang siya.
b. Hihingi ako ng tawad sa kaniya at titigilan na ang panunukso.
c. Pababayaan ko siyang umiyak hanggang marinig siya ng kaniyang nanay.
d. Aalis ako sa harap niya na parang walang nangyari.
3. Ano ang iyong gagawin kung nakakasakit ka ng damdamin ng iyong kapwa dahil sa pagbibiro?
a. Hihingi ako ng tawad. b. Pababayaan ko na lang.
c. Tutuksuhin ko pa siya lalo. d. Aalis ako at tatawa nang malakas.
4. Bilang isang bata, paano ka magbibiro ng hindi nakakasakit ng damdamin ng iyong kapwa?
a. Sasabihin ko ang gusto ko.
b. Tutuksuhin sila sa maraming tao.
c. Hindi ako gagamit ng mga masasakit na salita.
d. Sisigawan ko sila habang kami ay nag-uusap.
5. Inabutan mong nagbibiruan ang iyong mga pinsan sa
bahay ng lolo ninyo. Nang dumating ka, biglang sumigaw ang isa sa kanila ng “Itim, ang itim mo!”habang
nakatingin sa iyo. Ano ang magiging reaksiyon mo?
a. Iiyak ako dahil ako ang pinariringgan niya.
b. Sisigawan ko rin siya ng “mataba, ang taba mo!”
c. Hindi ko siya papansinin. Uuwi na lang ako at magsusumbong sa nanay.
d. Kakausapin ko siya nang mahinahon na nakakasakit ng damdamin ang kaniyang ginawa.
6. Isang araw pinag-usapan ninyo ang inyong pinsan dahil siya ay pandak kahit nasa ikaanim na baitang na.
Nang mapansin mong parang nasasaktan na siya, ay bigla siyang umalis at hindi na bumalik. Ano ang maaari
mong sabihin sa iba mo pang mga pinsan?
a. Sasabihin kong patuloy lang sa pinag-usapan.
b. Kakausapin ko sila na tigilan na dahil hindi ito maganda.
c. Hahayaan ko na lang siyang umalis at bahala na kung nasaktan siya.
d. Pagtatawanan pa namin siya lalo dahil hindi niya naman kami maririnig.
7. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin kung nakakakita o nakakarinig ka ng mga biro na nakakasakit ng
damdamin?
a. Hindi ko ito gagayahin dahil mali ito.
b. Gagayahin ko ito at gamitin sa pagbibiro.
c. Kokopyahin ko ito at ipapakita sa aking mga kaklase.
d. Hihikayatin ko ang aking kapatid na sundin namin ito.
8. Narinig mong binibiro ni Ondoy si Ester gamit ang hindi magagandang salita. Ano ang maaari mong gawin
bilang kaibigan nila?
a. Kakausapin ko si Ondoy nang mahinahon at sabihin na mali ang kaniyang ginawa.
b. Hahayaan ko silang mag-away at hindi na makikialam sa kanilang biruan.
c. Sasali ako sa kanilang biruan hanggang umiyak si Ester.
d. Kakampihan ko si Ester at bibiruin din namin si Ondoy at sasabihan ng masasakit na salita.
9. Sa inyong EsP ay pinapagawa kayo ng pangako ng inyong guro tungkol sa pagbibiro. Ano ang iyong dapat
isaalang-alang sa paggawa ng pangako?
a. Gagamit ako ng mga masasakit na salita.
b. Sisiguraduhin kong masasaktan ang aking kapwa.
c. Hindi ako gagamit nga mga masasakit na salita sa pagbibiro.
d. Gagayahin ko ang mga birong aking napanood at narinig na nakakasakit ng damdamin.
10. Ano ang iyong maipapayo sa kaibigan mong gumagamit ng masasakit na salita sa pagbibiro?
a. Ipagpatuloy niya lang ito dahil nakakaaliw naman siya.
b. Kakausapin ko siya na kung maaari ba akong sumali sa pagbibiro niya.
c. Papayuhan ko siya nang mahinahon na itigil niya na ito dahil nakakasakit siya ng damdamin sa
kapwa.
d. Sasabihin ko sa kaniya na maganda itong gawain kaya lakasan niya pa ang pagpapatawa.
PREPARED BY:
ARCELLE YUAN
GURO AKO CHANNEL GURO AKO CHANNEL
ANSWER KEY:
I. II.