Nahihinuha Ang Katangian NG Tauhan Sa Napakinggang Epiko (F10PN Ie F 65)
Nahihinuha Ang Katangian NG Tauhan Sa Napakinggang Epiko (F10PN Ie F 65)
Nahihinuha Ang Katangian NG Tauhan Sa Napakinggang Epiko (F10PN Ie F 65)
Iliad ni Homer
Odyssey ni Homer
Ito’y isa pang epikong isinulat ni Homer at naging bantog din sa mga Griyego at sa buong mundo. Ang
epikong ito ay masasabing karugtong ng Iliad dahil maraming tauhan sa Iliad ang nabanggit at nagpatuloy pa
rin sa epikong Odyssey. Ito’y tumalakay sa mahabang panahon ng pagkawala at muling pagbabalik sa Ithaca ng
pangunahing tauhang si Odysseus pagkatapos ng pagbagsak ng kaharian ng Troy. Inabot ng sampung taon at
maraming pakikipagsapalaran bago siya muling nakabalik sa Ithaca kung saan siya nagpanggap muna bilang
isang pulubi upang maláman kung ano-ano na ang kalagayan ng kanyang tahanan. Naging tampok din ang mga
pangyayari sa búhay ng kanyang asawang si Penelope at sa kanilang anak na si Telemachus at kung paano
nagtulungan ang dalawa upang makaiwas sa mg manliligaw ni Penelopeng nag-aakalang patay na si Odyysseus.
Metamorphoses ni Ovid
Ito’y isang Tulang pasalaysay patungkol sa paglikha at kasaysayan ng mundo. Isinalaysay dito ang paglikha
sa tao, ang apat na panahon ng sinaunang kabihasnan, ang malawakang pagbaha na kumitil salahat ng nilikha
maliban sa isang Griyegong nagngangalang Deucalion at sa kanyang asawang si Pyrrha. Sa kanila nagmula ang
muling pagdami ng tao sa mundo. Maraming nabanggit na hindi pangkaraniwanng pangyayaring
kinasasangkutan ng mga diyos at mortal.
Beowulf
Hindi matukoy kung sino ang manunulat ng epikong ito na pinaniniwalaang nasulat sa pagitan ng ikawalo
hanggang ikalabing-isang siglo sa tagpuang maaaring nasa bahagi ng Denmark at Sweden. Tinalakay ng epiko
ang búhay at pakikipagsapalaran ni Beowulf, ang bayani ng mga Geat at tumalo sa tatlong malalaking kalaban:
una, kay Grendel, ang halimaw na nagpahirap sa mga nasasakupan ni Haring Hrothgar; pangalawa, sa ina ni
Grendel na naghiganti dahil sa pagkakapaslang sa kanyang anak; at pangatlo, sa dragon na kanyang nakalaban
nang maging hari na siya. Sa huling labang ito, natalo niya ang dragon subalit si Beowulf man ay malubha ring
nasugatan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Buoin Natin
Magbigay ng paghihinuha kung bakit itinuring na bayani sa kani-kanilang lugar at kapanahunan ang
sumusunod na mga tauhan ng mga epiko.