SLP3 Fil9 KUWARTER1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/Pangkat:

___________________________________________________ _______________________
Pangalan ng Guro: Petsa ng Pagpasa:
___________________________________________________ _______________________

I. SUSING KONSEPTO

DENOTATIBONG KAHULUGAN – ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng


isang salita o mga salitang galing sa diksyunaryo ang kahulugan.
Halimbawa:
1. May isang kalbong napakaputla ng mukha.
- Kahulugan: pangharap na bahagi ng ulo
2. Nakaupo siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na nababahiran ng
itim na sangkap.
- Kahulugan: kulay
3. Umangkas sa motor si Joy kaya’t buhaghag ang kanyang buhok.
- Kahulugan: magulo
4. Tumigil dito sa bilog na palatandaan ang sabi ng pulis habang sinisita
si Ian upang mapanatili ang social distancing.
- Kahulugan: huminto o manatili
5. Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila nang mahiga ako sa
banig. Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga‟t dito sila
nakatulog gayundin, tulad ng kanilang bulsa, wala ring laman ang
kanilang tiyan.
- Kahulugan: punahin

KONOTATIBONG KAHULUGAN – ay ang pahiwatig o simbolo na ikinakabit sa


salita. Ito ay naaayon sa kung paano ito nauunawaan ng mga tao.
- Pagpapakahulugang nakabatay sa kung paano ginamit ang salita sa
pangungusap.
Halimbawa:
1. Mukhang mayaman si Neden ang kaibigan kong palaging bago ang cell
phone.
- Kahulugan: identidad, pagkatao o pagkakakilanlan ng isang tao
2. Lihim na nakangisi si Erwin at buo na ang maitim niyang balak kay
Maricris
- Kahulugan: kasawian o kasamaan
3. May isang matandang babae na maayos ang kasuotan ngunit walang
kibo’t buhaghag ang pagmumukha.
- Kahulugan: walang emosyon
4. Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari
ng bahay, kundi dahil puwede silang makalabas upang mamalimos at
makabalik upang bumili ng pagkaing inihandang may-ari.
- Kahulugan: tumira o gawing tirahan

DO_Filipino-Baitang 9_K1_LP3 Pahina 1


5. Pansinin ninyo ang nagkalat na basura sa paligid matapos ang
pagdiriwang wika ni Edward.
- Kahulugan: bigyang-atensyon

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

• Nabibigyang-kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay


sa denotatibo o konotatibong kahulugan.(F9PT-Ia-b-39)

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Panuto: Basahin at unawain ang akda. Bigyang-pansin ang mga salitang
sinalungguhitan sa akda.
Ang Ama
Mauro R. Avena
(Bahagi Lamang)
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang
lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit
napayat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung
wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang
lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang
dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng
marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa
sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila
ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang
pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y
masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong iyon, at ngayo’y hindi na
nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya’y ipinapalagay ng mga batang
mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang
ina. Kapag umuuwi ang ama na mas gabi kaysa dati at mas lasingkaysa
dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila‟y si Mui
Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas
kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib
sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang
mga patse, gayong paulit-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang
nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay
tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok
ng bahay, o namamaluktot ng paghiga sa banig kasama ang ibang mga
bata, na di-makatulog.
-Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9,17-20

DO_Filipino-Baitang 9_K1_LP3 Pahina 2


Pagsasany 1: Isagawa Mo!
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng malalim na salitang sinalungguhitan sa
binasang akda, batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan
nito. Gawin ito sa iyong sagotang papel.
Salitang may Denotatibong Konotatibong
salungguhit Kahulugan Kahulugan

1. ______________________ ____________________ _____________________


2. ______________________ ____________________ _____________________
3. ______________________ ____________________ _____________________
4. ______________________ ____________________ _____________________
5. ______________________ ____________________ _____________________
6. ______________________ ____________________ _____________________
7. ______________________ ____________________ _____________________
8. ______________________ ____________________ _____________________
9. ______________________ ____________________ _____________________
10. ______________________ ____________________ _____________________

Pagsasanay 2: Ipagpatuloy Mo!


Panuto: Ibigay ang kahulugang konotatibo o denotatibo ng mga malalim na
salitang may salungguhit na ginamit sa akdang “Ang Ama”.
Sundin ang pormat sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagotang papel.
1. Lumuhod ito at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang
inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita.
2. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa
pinagkukublihang mga halaman ang mga bata.
3. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang
mapunit anomang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang
ama.
4. Naiwan itong nakaluhod kahit bumagsak na ang ulan.
5. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa
sa yaman.

Salita Konotatibong Denotatibong


Kahulugan Kahulugan
1. Lumuhod
2. Nagmamasid
3. Madilim na ang langit
4. Ulan
5. Yaman

DO_Filipino-Baitang 9_K1_LP3 Pahina 3


Pagsasanay 3: Huling Hirit!
Panuto: Basahin at unawain ang akda. Bigyang-pansin ang mga salitang
sinalungguhitan.Ibigay ang kahulugan batay sa denotatibo o
konotatibong kahulugan nito. Gayahin ang pormat sa ibaba at
isulat ito sa iyong sagotang papel.

Ang Ama
Mauro R. Avena (Bahagi Lamang)

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla


dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng
isang mahabang halinghing at di mapatahan ng dalawang
pinakamatandang bata gayong binalaan nilang papaluin ito. Walang
anoano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata
na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-
galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang
gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina
lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa
sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo, doon sa tabi ng gulod.
Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang
makiramay. Ngayo’y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang
isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong
pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay
bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya’t
madalamhati siyang nagtatawag, “Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa
kong anak!” Nakita niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng gulod – payat,
maputla, at napakaliit – at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig
sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot
tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapitbahay, na ang iba’y lumayo na
may luha sa mga mata at bubulong-bulong, “Maaaring lasenggo nga siya at
iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata.”
-Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9,17-20

Salita Konotatibong Denotatibong


Kahulugan Kahulugan
a. nasisante
b. kamao
c. tumalsik
d. namatay
e. umiyak
f. sementeryo
g. tabi ng gulod
h. inulilang ama
i. Wala sa panahon
j. anak

DO_Filipino-Baitang 9_K1_LP3 Pahina 4


IV. SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsasanay 1: Isagawa Mo!
Salita Denotatibong Kahulugan Konotatibong Kahulugan
1. bata Paslit Kawalan ng muwang
2. ina Asawa Ilaw ng tahanan
3. maingay Malakas na tunog Pagiging agresibo
4. kaluwagang-palad Bukas ang kamay Maawain
Nagtatawanan o
5. masaya Puno ng kapayapaan
naghahagikhikan
Estado ng taong
6. lasing Nawawala sa sarili
nakainom ng alak
7. halinghing Uri ng tunog Mumunting hikbi
Sumisiksik ang mga
8. namamaluktot bahagi ng katawan na Kahirapan/pagtitiis
tila namimilipit
9. banig Uri ng higaan Kahirapan
10. di-makatulog Hindi pa inaantok Gulo ang isip

Pagsasanay 2:Ipagpatuloy Mo!


Salita Konotatibong Kahulugan Denotatibong Kahulugan
Nagdadasal/ Anyo ng pag-upo sa sahig na
1. Lumuhod
nagpapakumbaba idinidikit ang tuhod sa sahig
2. Nagmamasid Naghihintay Tinitingnang mabuti
3. Madilim na ang Makulimlim/Masungit na
Kalungkutan
langit panahon
4. Ulan Umiiyak / pag-iyak Likidong mula sa ulap
Mahalagang bagay na may
5. Yaman pagkain
kalidad
Pagsasanay 3: Huling Hirit!
Salita Konotatibong Kahulugan Denotatibong Kahulugan
Pagkatalo/ kawalan
a. nasisante natanggal sa trabaho
ng oportunidad
b. kamao Lakas / galit Bahagi ng kamay
c. tumalsik Pangmamaliit Tumilapon
Simbolo ng
d. namatay Hindi na humuhinga
kamatayan
Mga luhang bumubuhos sa
e. umiyak Kalungkutan
mga mata
f. sementeryo Kamatayan Lugar na pinaglilibingan
g. tabi ng gulod Simpleng pamumuhay Nasa tabi ng bulu-bundukin
Kawalan ng
h. inulilang ama Naiwang ama
paninindigan
i. wala sa panahon Maagang pagkamatay Hindi pa nararapat sa araw
Bunga ng
j. anak Bahagi/ miyembro ng pamilya
pagmamahalan

DO_Filipino-Baitang 9_K1_LP3 Pahina 5


V. REPLEKSIYON
Panuto: Ipaliwanag sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap, Bakit
mahalagang matukoy ang mga denotation at konotatibong
kahulugan sa pakikipagtalastasan sa realidad ng buhay?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

VI. SANGGUNIAN:

Aklat:
(1) Peralta, Romulo N.et.al. (2014) Panitikang Asyano 9. Pilipinas:
Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.pahina 17-20
Modyul:
(1) Liaño, Cristina B.“Filipino_Baitang 9 Kuwarter 1 Modyul 3:
Denotatibo at Konotatibo” Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V - Regional Center Site, Rawis Legazpi City 4500

Link mula sa Internet:


(1) https://www.slideshare.net/OliverSasutana/denotatibo-at-
konotatibong-pagpapakahulugan-ng-mga-salita Na-accessed
“Setyembre 2, 2021”

Manunulat : Vivian Z. Propogo


Editor : Adrian B. Bulalacao
Tagasuri ng Nilalaman : Sonny A. Taugan
DO_Filipino-Baitang 9_K1_LP3 Pahina 6

You might also like