2 Tekstong Prosidyural Ikalawang Modyul 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PPTTP – Grade 12

Unang Markahan
Ikalawang Linggo
Aralin 2: Tekstong Prosidyural
PPTTP_ (F11PS – IIIb-91)/(F11PU-IIIb-89)

Mga Inaasahan

Sa paksang ito, matututuhan mo ang kahulugan,layunin, iba’t ibang uri at halimbawa ng tekstong
prosidyural. Malalaman mo rin ang apat na pangunahing bahagi ng tekstong prosidyural maging ang
karaniwang pagkakaayos o pagkakabuo nito at ang mga dapat isaalang alang sa pagbuo nito.

Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahan na malinang sa iyo ang kasanayang:

1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa


(F11PS – IIIb-91).
2. Nakakasulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
(F11PU-IIIb-89).

Halina’t alamin ang tekstong prosidyural at matutong gumawa ng sarili mong prosidyur.

Para sa mga mag-aaral

Bago mo simulan ang pag-aaral sa paksang ito isantabi ang bagay na sa tingin mo ay makasasagabal
sa pag-aaaral. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Paunang Pagsubok bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
7. Sumangguni sa iyong gurong tagagabay, sakaling may malabong detalyeng hindi maunawaan.

Paunang Pagsubok

A. Tama o Mali

Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag. Sa puwang bago ang bilang, isulat ang T kung tama
ang mga pahayag ayon sa binasa at kung mali naman ay isulat ang M.

_________________1. Mahalagang detalyado at tiyak ang deskripsyon ng isang proseso upang


matagumpay na maisagawa ng mambabasa ang nais niyang gawin.
_________________2. Ang antas ng wikang ginagamit ng mambabasa ay hindi mahalagang salik sa
pagsulat ng isang tekstong prosidyural.
_________________3. Mas madaling maunawaan ng mambabasa ang isang tekstong prosidyural kung
ito ay mayroong ilustrasyon o larawan.

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias
1

_________________4. Ang wastong pag unawa sa prosidyur ay nakakatulong upang maging maganda
ang resulta ng gagawin.
_________________5. Sa pagsulat ng hakbang o proseso ay mahalaga lamang na ito ay nakaaliw kahit
na ito ay di wasto ay masusundan na ito ng mambabasa.

B. Tukuyin

Tukuyin kung ang mga pahayag na nasa ibaba ay sumusunod sa isang hakbang o proseso.
Lagyan ng tsek (✓) ang mga pahayag na sumusunod sa isang proseso o hakbang at ekis (x) naman
ang ilagay kung hindi.

____________1. Tamang paghugas ng kamay


____________2. Pagbibigay ng suhestiyon
____________3. Pag-aaplay ng lisensya sa pagmamaneho
____________4. Pagbuo ng bisekleta
____________5. Pagbibigay ng direksyon.

Balik-tanaw

Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay naglalarawan ng tekstong impormatibo.


Isulat sa patlang ang letrang I kung ito ay nagpapahayag ng tektong impormatibo at H naman kung
hindi.

__________1. Ang Pangulo ay may kapangyarihan sa pamamahala at pagpapatupad ng batas


samantala ang Kongreso ay may kapangyarihan sa paniningil ng buwis, pagbabadyet ng pondo at
pagdedeklara ng digmaan ng bansa.
__________2. Ang salitang computer ay nagmula sa salitang-ugat na compute. Katumbas ito ng tuos,
kuwenta o kakula kung isasalin sa Filipino.
__________3. Isang araw, di maipaliwanag ang pangyayaring nasaksihan ng lalaki sa labas ng kanilang
maliit na dampa. Namatay ang mga halaman, natuyo ang lupa at walang tubig ang batis at ilog.
__________4. Dahil sa pagsulat, napapanatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limot ang
kasaysayan ng isang bansa.
__________5. Sinabi ng Arsobispo na lubhang nababahala na ang mga tao at natatakot para sa
kanilang seguridad at kaligtasan dahil sa mga nagaganap na krimen, na ang iba ay mismong alagad
ng batas ang sangkot.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa panahon ngayon karamihan sa mga produkto ay tinatawag na DIY o do-it-yourself, at ang


ilang serbisyo ay nangangailangan ng self-service, napipilitan tayong gumawa ng mga bagay na dati
ay inaasa natin sa iba, bagamat hindi naman ganoon kahirap gawin ang mga ito dahil may
gumagabay sa ating mga instructional booklet at ilang mga paalala.

Alam mo ba?

Ang DoItYourself.com ay isa sa mga nangungunang web site na tumutulong sa mga nais
magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Ang mga taong sumasanggguni nito ay
hindi na kumukuha ng mga ekspertong susuwelduhan at sa halip, sila mismo ang
gumagawa. Pinarangalan ang web site na ito ng Time Magazine bilang “One of the Top 50
Sites in the World.” Ang site na ito ay sinimulan noong 1995 na naglalayong tumulong sa
mga namimili na makakuha ng mga impormasyon sa pagkukumpini ng bahay.
Dito, nakapupulot sila ng ng mga prosidyur kung paano gawin ang mga bagay na
kailangan nilang malaman sa pagkukumpini. Pinapadali nito ang kanilang buhay dahil sa
isang klik lang ay mababasa at kung minsan ay mapapanood pa ang mga paraan kung
paano gawin ang isang bagay.
Sanggunian: http://www.doityourself.com/aboutus

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias
May mga gawain tayong nangangailangan ng gabay para maisagawa nang maayos. Kung walang
mga hakbang, maaring maging masama ang kalabasan ng ating mga proyektong gagawin. Dito
papasok ang tinatawag nating “Tekstong Prosidyural”

Tekstong Prosidyural

Larawan hango sa ;; ;
;
https://www.google.com/search?q=student doing experiment&tbm

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano
isagawa ang isang bagay o gawain. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang
gawain upang matamo ang inaasahan. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa
kronolohikal na paraan o mayroong pagkakasunod-sunod.

Ang layunin ng tekstong prosidyural ay makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon, hakbang o


impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain na ligtas, episyente at
angkop sa paraan .(Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario, 2017)

Ito rin ang sumasagot sa tanong na “Paano”, paano iluto, paano gawin, paano buuin, paano
nangyari at iba pang tanong na ikinakabit sa tanong na paano.

Ang tekstong prosidyural ay madalas nating nababasa sa mga produktong ating binibili katulad
ng mga resipe ng lutuin, tamang pagbuo at paggamit ng isang kagamitan sa bahay at mga gadget.

Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang tinatawag nilang do-it-yourself, nararapat lamang
na marunong tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga
prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay.

Uri ng Tekstong Prosidyural

Paraan ng pagluluto (Recipes) – ito ang karaniwang uri ng tekstong Prosidyural. Nagbibigay
ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan ay malinaw
ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga larawan.
Panuto (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano gawin o likhain
ang isang bagay.
Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na
dapat nilang sundin.
Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang
bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines at
appliances.
Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin alam.
Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang maisulat ito sa
madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng gawain.
Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para
makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan.

Apat na Bahagi ng Tekstong Prosidyural

Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga sumusunod:

1. Layunin – ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Nilalaman ng bahaging ito kung
ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang mga

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias
tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling
inaasahan sa isang empleyado o mag-aaral kung susundin ang mga gabay.

2. Mga Kagamitan / Sangkap – Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang


kakailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto. Nakalista ito sa pamamagitan ng
pagkakasunod-sunod kung kailan ito gagamitin. Maaaring hindi makita ang bahaging ito sa
mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anomang kasangkapan.

3. Hakbang (steps)/ Metodo (method) – Serye o pagkasunod-sunod ng mga hakbang na


isasagawa upang mabuo ang proyekto.

4. Konklusyon/Ebalwasyon – Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang


tagumpay ng prosidyur na isinagawa. Maaaring sa pamamagitan ito ng mahusay na paggana
ng isang bagay, kagamitan, o makina o di kaya ay mga pagtatasa kung nakamit ang kaayusan
na layunin ng prosidyur.

Balangkas ng Tekstong Prosidyural

1. Pamagat– ang nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin o
isasakatuparan.
2. Seksyon– ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon upang
maiwasan ang kalituhan sa mambabasa.
3. Sub-heading– Kung mayroong seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na magsasabi
kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap
ipaintindi gamit lamang ang mga salita.

Mga Konsiderasyon sa Pagbuo ng Tekstong Prosidyural

Ilarawan nang malinaw ang mga dapat isakatuparan. Ilahad ang detalyadong deskripsyon.
Mahalagang alamin kung sino ang awdiyens ng teksto upang mapagdesisyunan kung anong
uri at antas ng wikang gagamitin.
Ilista ang mga gagamitin.
Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person point of view)
Kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin.
Malinaw ang pagkasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa
nito.
Nakakatulong din ang paglalakip ng larawan o ilustrasyon kasama ang paliwanag upang higit
na maunawaan ng taong gagawa nito.

Katangian at Kalikasan ng Tekstong Prosidyural

Nasusulat sa kasalukuyang panahunan (gawin ito);


Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang;
Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon;
Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang pagkakasunod-
sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto; at
Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, at dami).

Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding
magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawan ng lahat. Sa pagsusulat
ng tekstong prosidyural, kailangan malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding
malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin, upang hindi malito o magkamali ang
gagawa nito. Dapat ding tandaan na ang paggamit ng mga payak ngunit angkop na salitang madaling
maunawaan ng sinumang gagawa. Nakatutulong din ang paglalakip ng larawan o ilustrasyon kasama
ng mga paliwanag upang higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa mga hakbang. Matutuhan ng
mambabasa kung paano ang wastong magagawa ang isang bagay sa tulong ng isang malinaw na
pagpapaliwanag. Kailangan maging klaro sa teksto ang tamang pagkasunod-sunod upang makamit ng
mambabasa ang inaasahang bunga. Dapat pakaisiping layunin ng tekstong prosidyural na
maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain upang maisagawa ito nang maayos at tumpak, kaya
nararapat lamang na maisulat ito sa paraang simple, malinaw at mauunawaan ng lahat. (Alma M.
Dayag at Mary Grace G. Del Rosario, 2017

Tunghayan ang mga halimbawa ng tekstong prosidyural at suriin kung madali bang unawain ang
mga ito.

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias
Unang halimbawa:

Paggawa ng Parol

Mga kakailanganin:

10 patpat ng kawayan (1/4 pulgada ang lapad at 10 pulgada ang


haba)
4 na patpat ng kawayan (/4 pulgada lapad at 3 ½ pulgada ang haba)
Papel de hapon o cellophane
Pandikit
Tali
1
Paraan ng pagsasagawa

Unang hakbang, Markahan ang mga gilid para makita ang mga gild ng
bawat sulok.
2
Pangalawang hakbang, Ikabit ang mga dulo ng kawayan gamit ang
inihandang tali. Itali sa pangalawang balangkas ng bituin. Balutan ang
dalawang dulo ng maliit na kahoy hanggang maging matibay ito. Talian ang
mga dulo pero mag-iwan ng mga 3 pulgada ng tali (Ang dalawang tali ay
dapat nakabitin mula sa bawat dulo ng mahaba’t makitid na piraso) 3
Pangatlong hakbang, Pagdikitin ang dalawang balangkas ng bituin at talian
ang bawat dulo ng mga ito upang hindi kumalas.

Pang-apat na hakbang, Ilagay ang maliit na kahoy sa pagitan ng dalawang


balangkas ng bituin. Talian ang mga dulo hanggang sa dugtong sa 4
pamamagitan ng paggamit sa 3 pulgada na tali.

Panglimang hakbang, Tapusin ang pagkagawa ng hugis bituin. Kailangan


dikit ang dalawang balangkas ng bituin na may namamagitan na maliit na
kahoy sa gitna ng mga ito. Gumamit ng iba pang tali kung kinakailangan. 5
Pang-anim na hakbang , Balutin ng papel de hapon o cellophane ang
balangkas ng parol. Gamitin ang iyong imahinasyon at pagiging malikhain
para mapaganda ang iyong parol. Maaring lagyan ng pabitin sa baba ng
iyong parol bilang palamuti upang maging mas kaayang ayang tingnan.
6
Larawan hango sa https://www.google.com/search?q=paggawa+ng+parol&client

Pangalawang halimbawa:

Ang Pagluluto ng Adobong Baboy


Mga Sangkap:
500 grams ng karne ng baboy, hiwaan ng naaayon sa gustong lake
3 piraso ng bawang na pinitpit
1 kutsaritang pamintang buo
3 dahon ng laurel
1/2 tasa ng toyo
1/3 tasa ng suka
1 kutsarang asukal
asin
mantika

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias
Paraan ng pagluto
1. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero at i-marinate
ng 30 minuto.
2. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang lumambot ang
karne. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
3. Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
4. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.
5. Hanguin ang karne at itabi muna ang sabaw o sauce.
6. Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.
7. Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.
8. Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan.

Naunawaan mo ba ang mga tekstong iyong binasa? Kaya mo bang gawin ang mga bagay na
ipinagagawa sa tulong ng mga binasa mo? Ano-anong salita ang naging hudyat upang malaman natin
ang susunod na mga dapat gawin?

Ang tawag sa salitang ito ay mga panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkasunod sunod.
Ang ilan sa halimbawa na naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ay pagkatapos, sa huli, ang susunod
at kasunod.

Ako ay umaasa na naunawaan mo ang talakayan natin sa linggong ito. Upang lalong mahasa ang
iyong kaalaman sa natutunan mo ngayon, maari mo ng sagutan ang mga sumusunod na gawain sa
kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagbibigay komento at suhestiyon

Balikan ang mga binasang halimbawa ng tekstongs prosidyural. Magbigay ng puna o komento sa
paraan ng pagkakasulat ng teksto nito o kung ito ay nagtataglay ng katangian ng isang tekstong
prosidyural. Suriin kung ito ay malinaw, madaling maunawaan at maayos ang pagkasunod sunod ng
mga hakbang sa paggawa nito. Isulat din ang iyong suhestiyon upang lalo itong mapaganda.

1. Paggawa ng parol

Komento o puna
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________

Suhestiyon

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Paano magluto ng adobong baboy

Komento o puna
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________

Suhestiyon
____________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias
__________________________________________________________________________________________________
________________________________________________

Gawain 1.2 Pagsulat

Sa kasalukuyang panahon ay maari na tayong makipagkaibigan at makipagtalastasan kanino man,


saan mang panig ng mundo basta’t mayroong koneksiyon ng internet sa pamamagitan ng
pagbubukas ng account sa mga social network site. Paano ba ang magbukas ng account sa mga ito?
Turuan nating gumamit ng social media networking site ang mga tinaguriang technophobic at mga
taong hindi pa sanay gumamit ng teknolohiya. Pumili ng isang social networking site at dagdagan ng
tamang mga salita o parirala ang sumusunod upang mabuo ang tekstong prosidyural na gagamitin
nilang gabay.

“Ganito ang paraan upang makapagbukas ng account sa __________________________________________.

Magpunta sa ___________________________________________site.

I-click ang ________________________________________________.

I-type ang __________________________________________________.

Pagkatapos ay umisip ng _____________________________________ at i-type sa kinauukulang kahon.

I-type ang araw ng iyong kapanganakan.

Ang sumunod ay ang pagpili ng iyong _________________________________.

Sa huli ay ____________________________________________________

Hayan, maari ka nang gumamit ng _________________________________.

Tandaan
Pagkatapos nating talakayin ang tekstong prosidyural narito ang mga dapat mong tandaan:

Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain
upang matamo ang inaasahan.
Ang layunin nito ay makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon, hakbang o impormasyon sa
mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain na ligtas, episyente at angkop sa
paraan.
May iba’t ibang uri ang tekstong prosidyural katulad ng paraan ng pagluluto, panuto,
panuntunan sa mga laro, manwal, mga eksperimento at pagbibigay direksyon.
Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, ito ay ang layunin, mga
kagamitan, hakbang o metodo at ebalwasyon.
Ang tekstong prosidyural ay kailangang malinaw, detalyado at maayos ang pagkasunod sunod
ng mga hakbang nito upang madaling maunawaan ng taong magbabasa nito.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Sa araw na ito ay gagamitin mo ang iyong imahinasyon bilang isang imbentor at magpapakilala ka ng
iyong imbensyon.

Maari kang pumili sa alin man sa mga paksang nakalahad sa ibaba sa paglikha ng iyong imbensiyon:

1. Isang bagay na magagamit ng mga tao upang mapagaan ang kanilang mga gawaing bahay,
2. Isang gadget o makina na makakatulong sa pagsugpo ng anumang klase ng krimen
3. Isang bagay na tutulong masolusyunan ang epekto ng global warming

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias
4. Iba pang imbensiyong naiisip mo na makakatulong sa kasalukuyang problema ng iyong
pamayanan.

Sa malinis na short bond paper ay ipapakilala mo ang iyong imbensiyon at kalakip nito ay isusulat mo
rin ang isang instructional booklet o manwal kung saan nakasulat ang mga hakbang o proseso sa
paggamit nito. Siguraduhing maging malinaw ang iyong paraan at wasto ang pagkasunod-sunod
upang maunawaan ng taong gagamit nito.

Gawing gabay ang rubrik sa ibaba para sa iyong isusulat na tekstong prosidyural at gabay sa
pagmamarka ng iyong gawain.

Pamantayan Puntos

Kaangkupan ng nilalaman sa paksa 10

Malinaw, maayos, detalyado ang sangkap at madaling maunawaan ang mga


10
hakbang.

Gumamit ng wastong salita, bantas at gramatika. 10

Kabuuan 30

Pangwakas na Pagsusulit

A. Tama o Mali

Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi wasto ang ipinahihiwatig
nito.
_____________1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye ng gawain upang matamo ang
inaasahan.
_____________2. Hindi mahalagang malinaw ang pagkakalahad ng mga hakbang na ito basta’t
nasusundan.
_____________3. Layunin ng tekstong prosidyural na maialok ang produktong itinitinda.
_____________4. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman ng
sumusulat tungkol sa ipagagawa.
_____________5. Kailangang maayos at wasto ang pagkasunod-sunod ng mga hakbang nito upang sa
tulong lamang ng pagbabasa, kahit walang aktuwal na demonstrasyon ay maisagawa ito.

B. Pagtukoy

Tukuyin kung ano ang ipinapahiwatig ng mga pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_________________________1. Ang tawag sa salita na naghuhudyat ng pagkasunod sunod ng isang


hakbang o proseso.
_________________________2. Ito ay isang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang
matamo ang inaasahan.
_________________________3. Pangunahing bahagi ng tekstong propsidyural na kung saan ito ay
naglalahad ng kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
_________________________4. Ito ang nagbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang
gagawin o isasakatuparan.
_________________________5. Ito ay pangunahing bahagi ng tekstong prosidyural na naglalaman ng
mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.

Pagninilay

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias
Sumulat ng isang talata na tumatalakay sa paksang “Sa paanong paraan nakakatulong ang
mahusay na pag-unawa at pagsunod sa mga tekstong prosidyural sa pang araw-araw nating
pamumuhay?” Kailangan ang iyong talata ay hindi bababa sa sampung pangungusap.

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Pamantayan sa pagsulat

Pamantayan Puntos
Malikahing nailahad ang nilalaman ng talata/sulat. Maayos ang
Nilalaman daloy. Malakas ang tinig ng paglahahad. Nauunawaan ang nilalaman 30
talata/sulat
Kumpleto Kumpleto at komprehensibo ang nilalaman ng sulat/talata. 20
Kabuuang puntos 50

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias
Sanggunian

Dayag, Alma M. (Awtor-Koordinator) at del Rosario, Mary Grace G., Pinagyamang Pluma 11 (K to 12):
Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Phoenix Publishing House, Inc.,
2017, mula sa pahina 71
Magpile, Christine Marie. LIRIP: Pagbasa at Pagsusuri sa Filipino tungo sa Pananaliksik. The
Intelligence Publishing, Inc., 2017 mula sa pahina 31
https://www.slideshare.net/RainierAmparado/tekstong-prosijural
http://www.literacyideas.com/procedural-texts/
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-prosidyural/
https://www.wattpad.com/349238591-paggawa-ng-parol
https://paano.ph/paano-magluto-ng-adobong-baboy/

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias

You might also like