Q1 Filipino 8 Module 2 Edited
Q1 Filipino 8 Module 2 Edited
Q1 Filipino 8 Module 2 Edited
Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 2:
Epiko
Filipino – Ikawalong Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 2: Epiko
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Filipino
Unang Markahan – Sariling
Linangan Kit 2:
Epiko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa iyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!
ii
Alamin Natin
Subukin Natin
Bago ka tumungo sa mga gawain, kailangang maipakita mo muna kung ano
na ang mga taglay mong kaalaman. Sagutan ang paunang pagsusulit sa
ibaba.
Panuto: Suriin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagpapahayag ng
kawastuhan hinggil sa epiko. Isulat sa inyong sagutang papel ang TAMA
kung ito’y wasto at MALI kung ito’y nagpapahayag ng kamalian.
1. Ang epiko ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao sa mga kaaway.
2. Ito ay pinapahayag nang pasalita, patula, o paawit.
3. Karamihan ng mga rehiyon sa ating bansa ay may maipagmamalaking
epiko.
1
4. Punong-puno ng mahihiwagang bagay, kababalaghan at mga pangyayaring
makatotohanan ang epiko.
5. Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang mga epiko sapagkat ito ay
nagbibigay aliw at nagsisilbing pagkakilanlang panrehiyon at pangkultura.
Aralin Natin
2
naisin ninyo ay mapapasainyo.” Magmula nga noon, naging masagana na
ang buhay ng magkakapatid.
Sa kabila ng kanilang kasaganaan, nanatili pa ring masipag ang
magkakapatid. Umunlad ang kanilang buhay at napabalita iyon sa buong
kapuluan. Maraming tao mula sa iba’t ibang tribu ang nagtungo sa
kanilang tahanan upang pumailalim sa kanilang kapangyarihan.
Pagkalipas ng maraming taon, ipinasiya ng magkakapatid na manirahan sa
palasyo. Napakalaki ng palasyo. Ang trono ay napapalamutian ng mga
ginto, pilak, at iba pang mamahaling bato. Walang tigil ang mga alipin sa
pagtugtog ng magagandang musika kaya ang mga naninirahan sa paligid
ng palasyo ay naaliw rin.
May isang sinturong damak (maliit na dahon) si Tulalang na
naipupulupot niya nang pitong ulit sa kaniyang baywang. Puting-puti ang
kaniyang damit na may mahabang manggas. Hanggang tuhod lang ang
kaniyang pantalon. Nagkikislapan ang mga singsing na ginto sa kaniyang
mga daliri. May balaraw siya sa baywang at may turban sa ulo na ginagamit
niya sa paligid. Lagi siyang nakayapak.
May kaniya-kaniyang silid sa palasyo ang magkakapatid maliban sa
kaisa-isa nilang kapatid na babae. Hiyas siya ng magkakapatid na dapat
ingatan. Inilagay nila ang kapatid sa pinakailalim ng pitong patong na
basket na nakabitin sa silid ni Tulalang. May taglay na kapangyarihan ang
dalaga na mag-iba-iba ng hugis at anyo ayon sa nais niya. Naroon lamang
siya sa loob ng basket kung walang ginagawa.
Nagtanim ang kapatid nilang babae ng mahiwagang rosas.
Namumulaklak ito tuwing umaga at bago magtanghali. May kakaiba itong
katangian. Kapag nalanta agad ang mga bulaklak, babala itong may
darating na kaaway. Isang araw, biglang nalanta ang bulaklak ng rosas.
Dumating si Agio at sinalakay ang kaharian nina Tulalang. Hindi man lang
nabahala si Tulalang. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa.
Hinamon ng mayabang na si Agio si Tulalang. Pinayuhan siya ng isa
sa kaniyang mga singsing na labanan ang mga kaaway. Inalis niya ang
singsing sa daliri at inutusan itong lumaban. Sa isang iglap, naging sundalo
ang singsing. Lumaban ito at marami siyang napatay na kaaway.
Natuklasan ni Agio ang lihim. Ibinunyag niya sa kaniyang mga kabig na
ang sundalo ay isang singsing lamang. Kaagad na pinaghahampas ng sibat
ang sundalo kaya muli itong naging singsing.
Muling hinamon ni Agio si Tulalang. Sa pagkakataong iyon, inutusan
naman niya ang kanyang balaraw na makipagtunggali. Noon din, naging
sundalo ito at pumuksa ng maraming kaaway. Muling natuklasan ito ni
Agio. Ibinunyag niyang muli na ang sundalo ay isa lamang balaraw.
Hinawakan niya sa leeg ang sundalo at bumalik ito sa dating anyo.
Sa pangatlong hamon, lumaban na si Tulalang. Marami siyang
napatay na tauhan ni Agio. Nang mapagod, umakyat siya sa palasyo upang
3
magpahinga. Pumalit sa kanya si Mangampitan, ang ikalawa sa
magkakapatid. Napatay ni Mangampitan ang kalahati ng kalaban. Nang
mapagod, namahinga rin siya sa palasyo.
4
Nagising ang higante at sumigaw, “Sino ang nariyan? Nakaaamoy ako ng
baboy, tamang-tama sa aking pananghalian.”
Hindi ako baboy, tao rin akong kagaya mo,” sagot ni Tulalang.
5
Muling sumalakay ang mga kaaway nang minsang wala si Tulalang.
Sa pagkakataong iyon, si Bagyo ang pinuno ng kalaban. Pinakamalakas at
pinakamahirap niyang kaaway si Bagyo sapagkat hindi niya ito nakikita.
Nagapi ng pangkat ni Bagyo ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Kaagad
nilang itinakas ang kaniyang kapatid na babae. Nang tumangging pakasal
sa kaniya ang babae, nilaslas ni Bagyo ang mga kamay ng dalaga.
Nang malaman ni Tulalang ang mga pangyayari, kaagad niyang
sinundan ang kapatid. Nag-anyo siyang sibat upang makapasok sa kuweba
ngunit wala roon ang hari. Gumawa siya ng paraan upang mapasok ang
kaharian. Nag-anyo siyang bata at pumasok bilang alila sa palasyo.
Nagtrabaho siya sa kusina. Doon niya nakita ang kapatid na babae.
Isang gabi, tumakas silang dalawa. Naghinala ang hari na si
Tulalang ang mismong batang alila. Ipinasiya niyang lusubing muli ang
Kulaman. Bago umalis ang haring Bagyo at kaniyang mga tauhan sa
kanilang kaharian, pinahinga muna niya ang lahat ng isang mahiwagang
bote. Tinakpan niya ito nang mahigpit at ibinitin sa loob ng palasyo. Doon
nakalagak ang mga kaluluwa nila.
Nang maglaban ang dalawang pangkat, napansin ni Tulalang na
kapag may napatay sa isang kalaban, napapalitan kaagad ito ng dalawa pa
mula sa dugo ng namatay. Lalong dumarami ang mga kaaway habang may
napapatay. Naghinala siya at nag-anyong ibong kulasisi. Tinungo niya ang
palasyo ni Bagyo. Gumawa siya ng paraang makuha ang boteng pinag-
iwanan ng kaluluwa ng hari ng mga kawal nito.
Kinabukasan, tumungo siya sa beranda ng kaniyang palasyo at
hinarap ang mga kaaway.
“Kung hindi kayo susuko, babasagin ko ang boteng ito upang
mangamatay ang inyong mga kaluluwa,” babala niya.
Nagulumihanan at natakot ang lahat kaya napilitang sumuko ang
hari. Nagpaalipin silang lahat kay Tulalang.
Isang araw, pinabatid ni Tulalang sa kaniyang mga nasasakupan
na darating ang sarimbaw na galing sa langit upang sunduin sila. Hiniling
niya sa mga tao na manalangin sa loob ng apat na buwan upang pagdating
sa langit maging katolosan o kaluluwa silang walang kamatayan.
Pagkaraan ng apat na buwang pananalangin, biglang umihip ang
malakas na hangin. Nagdala ito ng balita na isang malaking baboy-ramo
ang manggagaling sa silangan ang paparating upang silain ang mga tao ng
Kulaman. Ayon din sa hangin, isang higante ang darating upang harangin
ang sarimbaw na magmumula sa langit. Dahil sa taglay na lakas, napatay
ni Tulalang ang baboy-ramo at ang higante.
Katanghaliang tapat nang dumating ang sarimbaw na nakasabit sa
kadenang ginto. Hugis-bangka ito ngunit yari sa bato. Isa-isang sumakay
ang mga tao upang umakyat sa langit. Isa pang higante ang nagtangkang
6
pumutol ng kadena ng sarimbaw bago ito pumaitaas ngunit napatay rin
siya ni Tulalang.
Sa kalangitan, muling nagtagpo sina Tulalang at ang kaniyang mga
kapatid. Kasama ng mga mamamayan, naging maligaya silang lahat sa
kalangitan at nagtamo ng buhay na walang hanggan.
7
EPIKO AT ANG MGA ELEMENTO NG TAUHAN AT TAGPUAN NITO
8
pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan. Bagama’t may ilang epikong ang mga
tauhan ay karaniwan lamang ngunit dahil sa kaniyang pamumuno ng isang
kapuluan, ang tungkulin niyang ipagtanggol ito ay kadakilaan, at ang
kaniyang pagtatagumpay laban sa sinumang kaaway ay kabayanihan at
siya’y bayaning tatanghalin at kikilalanin. Samakatuwid ang pangunahing
tauhan sa epiko ay itinuturing na bayaning may kakayahang kalabanin ang
mga hamon sa buhay para sa patuloy na pag-unlad ng komunidad na
kanilang kinabibilangan.
Pinagyamang Pluma, Ang Binagong Baitang 8 pp. 56-57
9
PAGSULAT NG TALATANG NAGLALAHAD NG SARILING PANANAW
Sa pagsulat ng isang talata, tandaang mahalagang unawaing mabuti
ang paksang tatalakayin. Sa bahaging ito, susulat ka ng talatang
naglalahad ng iyong sariling pananaw. May tatlong bahagi ang talata na
dapat na pag-isipang mabuti:
1. Simula
Ang unang pangungusap ay dapat na maglahad ng paksang
tatalakayin. Ang panig na paninindigan ay linawin kaagad sa ikalawang
pangungusap.
2. Gitna
Ang sumusunod na pangungusap ay para sa mga katawan at
paliwanag na magpapatibay ng panig na sinasang-ayunan. Maglahad ng
tatlo o higit pang pahayag na kaugnay nito.
3. Wakas
Ibuod ang mga inilahad na katwiran. Muling ilahad ang iyong panig
sa pamamagitan ng isang matibay at madamdaming pahayag.
Gawin Natin
10
Sanayin Natin
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang upang mabuo ang crossword
puzzle.
PAHALANG
2 ang pagkakatulad nina Bagyo at Tulalang bilang mga pinuno
3 ang pangunahing katangian ng tauhan sa epiko kaya ito ay
naiiba sa iba pang panitikan
5 ang elemento ng epiko na lumutang sa:
“Pagkalipas ng maraming taon, ipinasiya ng magkakapatid na
manirahan sa palasyo. Napakalaki ng palasyo. Ang trono ay
napapalamutian ng mga ginto, pilak, at iba pang mamahaling
bato.”
PABABA
1 kasingkahulugan ng salitang ipinabatid
4 ang salitang katulad ng kahulugan ng salitang katulosan
1. 4.
P A
5. A N
W
3. Y I
2. T G
Tandaan Natin
11
Suriin Natin
Panuto: Sagutin ang sumusunod. Isulat mo sa sagutang papel ang titik na
may tamang sagot. Para sa bilang 1-2, piliin ang angkop na hudyat ng sanhi
at bunga sa pangungusap.
A. 3-1-4-2 C. 3-2-4-1
B. 3-4-2-1 D. 3-2-1-4
12
Para sa bilang 5-7.
(1) Si Baltog ang unang taong nakarating sa Bikol. Siya ay anak ng
hari ng Samar. (2) Nagtungo si Baltog sa Bikol at nagtatag ng kaharian niya
sa kagubatan ng Ibalon. (3) Ngunit nanganib ang kaharian sa isang
malaking baboy na kumakain ng tao at namiminsala ng mga pananim. (4)
Nilabanan ni Baltog ang baboy at dahil sa taglay niyang lakas at talino,
natalo niya ang hayop.
13
Payabungin Natin
Sanhi Bunga
1.
2.
14
Pagnilayan Natin
Interpretasyon:
9-12 Napakahusay 5-8 Mahusay 1-4 Katamtaman
15
16
Pagnilayan Payabungin Natin Suriin
Natin Natin
1. Ang layunin ng binasang teksto ay
Markahan paglalahad ng kaugnayan ng epiko sa 1. C
ang binuong pagmamahal ng pamilya bilang isa sa mga 2. A.
talata ng kulturang Pilipino. 3. D.
mag-aaral 4. C
batay sa 2. 5. D
pamantayang 6. A
inilahad sa Sanhi Bunga 7. B
rubrics. nalaman niyang natigil ang labanan 8. D
magpipinsan pala nila Agio 9. C
sila 10. C
mahal niya ang pinahahalagahan niya
mga ito ang kakayahan ng
kaniyang dalawang
kapatid
3. Hayaan ang mga mag-aaral na bumuo ng
kanilang sariling pagpapaliwanag batay sa
kanilang karanasan.
Sanayin Natin Gawin Aralin Subukin
4.
Natin Natin Natin
1.I
K 1. dahil 1. C 1. TAMA
P A 2. bunga 2. C 2. TAMA
I L nito 3. A 3. TAMA
3. upang 4. B
N U 4. MALI
4. dahilan 5. C
5. sapagkat 5. TAMA
A L
5. A G P U A N U
T
L W
3. A Y A N I A
B
2. A T A P A N G
M
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Julian, Ailene Baisa, Del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S.
Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8 (2015),
Phoenix Publishing House, Inc. Philippine Education Publisher
Association, 927 Quezon Ave., Quezon City
17
For inquiries or feedback, please write or call: