LAS Module 3 AP 10
LAS Module 3 AP 10
LAS Module 3 AP 10
Pangalan: Petsa
Antas at Pangkat: Contact No:
MODYUL 3:
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction
and Management Plan
Gawain 1: Tingnan ang talahanayan at tukuyin kung anong yugto nabibilang ang mga
nakalista sa ikalawang kolum. Isulat ikatlong kolum ang tamang sagot.
Bilang Mga Hakbang Yugto Bilang Mga Hakbang Yugto
1 To inform 6 Disaster prevention
2 Needs assessment 7 To advise
3 Disaster response 8 Disaster preparedness
4 To instruct 9 Hazard assessment
5 Loss assessment 10 Disaster rehabilitation
Gawain 2: Punan ang patlang ng tamang kasagutan.
1. Ang ____________________________ ay bahagi ng disaster management plan, na kung saan ay
tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang
maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
2. Sinusuri ng _______________________________ ang kapasidad ng komunidad na harapin ang
anomang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-
uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.
3. Ang ________________________________ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa
panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
4. Tinataya ng ________________________________ kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang
kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong
batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na
nakaranas ng kalamidad.
5. Ang________________________________ ay mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng
mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang
komunidad.
6. Ang __________________________________-ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago
ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
Gawain 3: Napanood mo sa telebisyon na may paparating na isang super typhoon sa
ating bansa at direktang tatamaan ang inyong bayan, Ano ang iyong gagawin; Piliin ang
iyong mga kasagutan sa nilalaman ng papel na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
Bago ang disaster Habang may disaster Pagkatapos ng disaster
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
Mga Pagpipilian
a. Hintayin ang abiso ng kinauukulan na ligtas ng bumalik sa tahanan
b. Ihanda ang GO BAG na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya
c. Manatili sa bahay at pumanatag
d. I-monitor ang mga ulat o balita sa telebisyon at radio
e. Alamin ang palno ng komunidad sa pagbibigay babala at paglikas
f. Siguraduhing walang basa o nakababad na outlet o kagamitan bago buksan ang linya ng
kuryente
g. Tutulong sa pagsasaayos ng mga nasirang bahagi ng bahay
h. Patayin ang main switch ng kuryente at valve ng tubig
i. Gumamit ng flashlight o emergency lamp, maging maingat sa paggamit ng kandila o gasera
Gawain 4: Bilugan ang titik ng tamang kasagutan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Nakapaloob dito ang tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment, Damage Assessment, at Loss
Assessment.
a. Disaster prevention and mitigation c. Disaster Preparedness
b. Disaster Response d. Disaster Rehabilitation and Recover
2. Bakit mahalaga ang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran?
a. Dahil ito ay makatutulong sa atin upang magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang anumang
suliranin at hamong pangkapaligiran.
b. Makakatulong ito upang maging maunlad ang ating pamumuhay sa panahon ng kalamidad
c. kailangan ito upang mabilis nating matanggap ang epekto ng mga sakuna o trahedya na
maaring dumating sa ating buhay
d. Mahalaga ito sa pagtanggap ng tulong mula sa pamahalaan sa panhon ng kalamidad.
3. Bilis ng pagtama ng isang hazard.
a. Forewarning b. Speed c. Intensity d. Frequency
4. Nakapaloob dito ang Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment.
a. Disaster prevention and mitigation
b. Disaster Response
c. Disaster Preparedness
d. Disaster Rehabilitation and Recovery
5. Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard.
a. Forewarning b. Speed c. Intensity d. Frequency
6. Magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad.
a. To instruct b. To advise c. To inform d. To manage
7. Tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad.
a. Damage b. Predictability c. Intensity d. Frequency
8. Bilang isang mag- aaral, ano ang pwede mong gawin upang makatulong ka sa inyong pamayanan sa
paghahanda sa mga posibleng epekto ng kalamidad na maaaring tumama sa inyong lugar?
a. Matulog ng maaga at antayin na lamang na dumating ang kalamidad
b. Makipagkwentuhan sa mga kapitbahay upang malibang habang inaantay ang kalamidad
c. Dumalo sa mga pagpupulong sa inyong barangay na may kaugnayan sa paghahanda sa
kalamidad at maging aktibong katuwang ng pamunuan nito sa pagbibigay babala o paalala sa
pamamagitan ng pamamahagi ng flyers o pagdidikit ng mga poster na may kinalaman sa
paghahanda laban sa kalamidad.
d. Magpost sa social media ng mga nakakatakot na epekto ng kalamidad.
9. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad,
sakuna o hazard. Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa
komunidad, at maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o
kalamidad.
a. Disaster prevention and mitigation c. Disaster Preparedness
b. Disaster Response d. Disaster Rehabilitation and Recovery
10. Bakit mahalaga ang pagbuo ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
a. Dahil napagsasanib nito ang oras, lakas, pondo, at kakayahan ng pamahalaan at ng mga
mamamayan upang maging handa sa iba’t- ibang suliranin at hamong pangkapaligiran.
b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang bago, habang at pagkatapos ng kalamidad
c. Nagkakaroon ang bawat isa ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga
hamong pangkapaligiran.
d. Lahat ng nabanggit
11. Ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura
at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy
ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
a. Disaster prevention and mitigation c. Disaster Preparedness
b. Disaster Response d. Disaster Rehabilitation and Recovery
12. Ito ay ang ikalawang yugto ng CBDRRM plan.
a. Disaster prevention and mitigation c. Disaster Preparedness
b. Disaster Response d. Disaster Rehabilitation and Recovery
13. Nakapaloob sa yugtong ito ang tatlong pangunahing layunin; ang to inform, to advise at to
instruct.
a. Unang yugto b. Ikalawang yugto c. Ikatlong yugto d. Ikaapat na yugto
14. Sinusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na
maaaring maranasan sa kanilang lugar.
a. Risk assessment c. Vulnerability at capacity assessment
b. Hazard assessment d. Disaster assessment
15. Sa yugtong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga
ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging
epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
a. Unang yugto b. Ikalawang yugto c. Ikatlong yugto d. Ikaapat na yugto