Bsit Module 1
Bsit Module 1
Sining ng Pakikipagtalastasan
Inihanda ni:
Marife R. Royo
Lecturer, RSU-Cajidiocan
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Pangkalahatang Ideya
Sa bagong kurikulum, kinikilala rin ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan. Dahil dito, ang
modyul na ito ay may layuning; makatulong sa mga guro at mag-aaral sa paglinang ng kakayahan at
kasanayan sa bihasa at may pagkaunawaang pagbasa, mabisang pagsasalita at wastong pagsulat.
Ang kurso ding ito ay naglalaman ng limang modyul na kung saan ito ay ang mga sumusunod:
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Talaan ng Nilalaman
PAMAGAT
PANGKALAHATANG IDEYA
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
MODYUL 1
Aralin 1:
Malaman ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan sa buhay ng tao.
Makapagpaliwanag batay sa sariling opinyon tungkol sa pakikipagtalastasan.
Aralin 2:
Mabigkas ng maayos at may kabuluhan ang mga tunog o punto ng artikulasyon na mabisang
paraan para sa Pagpapahayag
Maisagawa ng maayos ang mga aktibidad batay sa modyul.
Aralin 3:
Maunawaan ang kahulugan ng ponema
Matukoy ang pagkakaiba ng ponemang katinig sa ponemang patinig at diptonggo
Aralin 4:
Makapagbigay ng ilang halimbawa ng klaster na ginagamit sa pangungusap
Maipaliwanag ang kahulugan ng pagpapantig sa isang salita
Aralin 5:
PAKIKIPAGTALASTASAN
Matukoy ang mga klaster na ginamit batay sa mga larawan
Makagawa ng isang halimbawa ng salita sa pangungusap na mayroong klaster
Layunin:
Introduksyon
Tatalakayin sa kursong ito ang mga salitang kaalaman sa wikang Filipino at mga paksang may
kinalaman sa kursong pinag-aralan na nasa anyong artikulo, sanaysay, balita, tudling, anekdota,
salaysay, maikling kwento, isyu, karanasan, atbp, na magiging lunsaran sa pagtalakay ng mga
pagsasanay na lilinang sa apat na kasanayang pangwika na ang diin ay nasa paglinang na gamitin ang
Filipino sa paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay at pangangatuwiran, at kasama ang pahapyaw na
pag-aaral ng Balarila, Ponolohiya at Morpolohiya.
Pagganyak
Pagpapakita ng larawan
Panuto: Pansinin ang nasa ibabang larawan at lumikha ng isang pangungusap kung ano ang
mapapansin o ginagawa ng mga nasa larawan.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagsusuri
Batay sa inyong mga sagot sa larawan, ano ang inyong mahihinuha bakit mahalaga ang
pakikipagtalastasan?
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Anu-ano ang mga posibleng dahilan kung bakit tayo nakikipagtalastasan sa ating kapwa tao?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Pagtalakay
Kahalagahan ng Pakikipagtalastasan
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
3. Ito’y mahalaga sa alinmang propesyon. Kadalasang masususkat ang tagumpay o kabiguan ng isang
tao sa kahusayan niyang makipagtalastasan. Ang guro ay nangangailangan ng kasanayang
pagpapaliwanag sa aralin; ang doktor ay kailangang makapagpahayag ng malinaw na tagubiling
mauunawaan ng pasyente; ang abogado ay bumibigkas ng mabisang pangangatuwiran sa
pagtatanggol sa kanyang kliyente; ang tinder ay nagsasalita nang may pang-akit sa kaniyang mga
mamimili; ang pari ay nagbibigay ng mahusay at kapakipakinabang na sermon. Anumang propesyon,
upang maging matagumpay ay nangangailangan ng mabisang pakikipagtalastasan.
Mahalagang Tandaan:
Aplikasyon
Pagsasara
ARALIN 2: PONOLOHIYA
Layunin:
Introduksiyon
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Magandang buhay mga mag-aaral! Kalakip ng modyul na ito ang mga dapat na matutunan sa
asignaturang Filipino na kung saan dito masusukat ang inyong kaalaman at pagsagot sa mga
aktibidad.
Mahalagang maunawaan ng sinumang mag-aaral kung bakit dapat pag-aralan ang wika na
kanyang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa, pangkat o institusyong kanyang
kinabibilanganat maging sa pakikipag-uganayan sa Dakilang Lumikha.
Lahat ng tao ay may kani-kaniyang wikang kinagisnan at natutuhan. Wika ang kasangkapan na
kanyang ginagamit upang ipahayag ang kanyang iniiisip at nararamdaman – pasulat man o pasalita.
Naipadarama ng wika ang lawak at lalim ng isip. Sa wika naipahayag ang halaga at
pagkakakilanlan ng bawat pangkat ng kultura. Wika ang nagsisiwalat sa katotohanan ng isang
intension. Wika ang naghahatid ng damdamin ng kagalakan, lungkot, pag-asa kabiguan. Sa wika
makikita at maririnig ang kagandahan ng pasasalamat, paghanga at maging ang pag-ibig na nais
iparating ninuman.
Wika pa rin ang nagpapatatag o nagpapahina sa mga relasyong pandiplomatiko, pampulitika,
pamamahala, panlipunan at maging pang-ispiritwal
Samakatuwid, wika ang behikulo ng lahat-lahat n gating ekspresyon at komunikasyon na
epektibong magagamit.
Pagganyak
Panuto: Tingnan ang mga nakalagay na larawan na nasa ibaba at suriin kung anu-ano
ang mga tunog ng bawat hayop o bagay na nasa larawan. Ang sagot ay isulat sa kanang bahagi ng
larawan.
Pagsusuri
Batay sa inyong mga sagot sa itaas, ano ang inyong nahihinuha, saan nga ba nagmula
ang ating wika? Paano tayo nakapagsalita?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Anu-ano ang mga posibleng dahilan kung bakit mayroon tayong wikang ginagamit?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Pagtalakay
Tulad ng alinmang wika, ang Filipino ay binubuo ng iba’t ibang tunog na nalilikha sa pamamagitan
ng pagsasalita. Fonetiks ang tawag sa sangay na ito ng linggwistiks.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng fonetiks makikita natin kung papaano nabubuo ang mga tunog sa
pagsasalita. Dahil mga pinagsama-samang mga tunog ang ginagamit sa pagsasalita, dapat mabatid
ang mekanismong bumubuo rito. May tatlong salik na kinakailangan para makapagprodyus ng tunog.
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Habang dumadaloy ang hangin mula sa baga paakyat sa lalamunan o trakeya, dumaraan ito sa
laringks mula sa vocal-kords. Mula sa laringks, dumadaloy ang hangin sa faringks. Maaari itong
pumasok sa bibig lamang, o di kaya’y sa ilong o neysal-kaviti depende sa kalagayan ng velum, ang
malambot na bahagi ng ngalangala. Kapag nakaangat at hinihila nang patalikud ang velum at sa bibig
lamang pwedeng pumasok ang palabas na hangin, mga tunog na oral ang malilikha. (Mga tunog na
sa bibig lamang nanggagaling ang hangin). Kapag nakababa naman ang velum at pumapasok ang
palabas na hangin sa ilong, ang mga tunog na neysal ang nalilikha, gaya ng mga tunog na m, n, ň
Samantala, nasa bibig ang apat na mahalagang sangkap sa pagbigkas ng mga tunog.
1. Dila at panga (sa ibaba) 3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
2. Ngipin at labi (sa unahan) 4. Malambot na ngalangala (sa likod)
Nagbabagu-bago ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil sa panga at sa dila na kapwa
malayang naigagalaw. Ang dila ay napapahaba, napapaikli, napapalapad, napapalapag, naitutukod sa
ngipin o sa ngalangala, naikukukob, naliliyad o naiaarko ayon sa tunog na gusting bigkasin. Nabibigkas
ang mga patinig sa pamamagitan ng pagtaas at pagbaba ng alinman sa tatlong bahagi ng dila – harap,
sentral, likod – at sa pamamagitan ng pagbabagu-bago ng hugis ng espasyo ng bibig, kasama na ang
mga labi na dinaraanan ng tinig. At dahil sa pagbabagu-bagong ito ay napag-iiba-iba rin ng nagsasalita
ang uri ng mga tunog na lumalabas sa kanyang bibig.
Aplikasyon
Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na blangko sa bawat bilang.
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
5. Ang mga filter naman ay mga organg nasa itaas ng laringks, (a) ang faringks, bahagi ng lalamunan
sa pagitan ng laringks at ng oral-kaviti, (b) ang oral-kaviti at (c) ang ____________ na daanan ng
hangin sa loob ng ilong.
6. Kapag nakaangat at hinihila nang patalikud ang velum at sa bibig lamang pwedeng pumasok ang
palabas na hangin, mga _________________ ang malilikha
7. Kapag nakababa naman ang velum at pumapasok ang palabas na hangin sa ilong, ang mga
__________________ ang nalilikha
8. Ang mga tunog na ito sa lalamunan at bibig ay fown o mga _______________ na ginagamit sa
pagsasalita
9. _______________ ang tawag sa malambot na bahagi ng ngalangala
10. Nabibigkas ang mga patinig sa pamamagitan ng _____________ ng alinman sa tatlong bahagi ng
dila – harap, sentral, likod
Pagsasara
ARALIN 3: PONEMA
e source: https://prezi.com/rohvgb71ieqi/ponema-filipino/
Layunin:
Introduksyon
Samakatuwid, ang mga tunog na patinig ay tinatawag din nating ponemang patinig at ang mga tunog
na katinig naman ay tinatawag na ponemang katinig.
Pagganyak
(4Pics1Word)
Panuto: Pansinin ang mga larawan sa baba at isulat kung ano ang mapapansin at mabubuong salita sa
pamamagitan ng mga larawan
1.
B ___ S ___ A
2.
___ A ___ A
3.
L U ___ ___
Pagsusuri
2. Magbigay ng tatlong dahilan kung bakit mahalaga ang paglalagay ng diin sa bawat salita sa
isang pangungusap.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pagtalakay
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Ponolohiya ng Wikang Filipino
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
1. Ang Ponema
Ito ang tawag sa pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang wika. Ang bawat wika ay may
kaniya-kaniyang tiyak na dami o bilang ng mga makabuluhang tunog.
Makikilala ang katuturan ng ponema kung makikita ang mga ito sa mga salitang binubuo ng mga
magkakatulad na tunog liban sa isang tunog na maaaring magpabago ng kanilang kahulugan sa
magkaparehong kaligiran. Halimbawa ang pit ‘hukay,’ bit ‘kinagat’, cap ‘sombrero’, cab ‘taxi’ magkaiba
ang mga kahulugan ng mga ito dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ sa ibinigay na mga halimbawa ay
maituturing na signifikant na mga set ng tunog.
Ang Filipino ay may 21 ponema – 16 sa mga ito ang katinig (consonants) at 5 patinig (vowels) mga
katinig – p, t, k, (glottal) / b, d, g, m, n, y, h, s, l, r, w, y / mga patinig - / I, e, a, o, u /
Sapagkat konsistent ang palabaybayang Filipino na ang ibig sabihin ay may isa-sa-isang
pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng simbolong ginagamit
upang magreprisinta ng ponema ay siya na ring ginagamit na mga letra sa palabaybayan, matangi
sa /,/ at /ŋ/. Sa ating palabaybayan ang /,/ ay hindi binigyan ng katumbas na letra. Sa halip, ito’y
isinama sa palatuldikan at tinumbasan ng tuldik na paiwa (`) at ng gitling (-), sa dahilang ito’y hindi
normal na tulad ng ibang ponema. Ang /ŋ/ naman ay tinumbasan ng digrapo o dalawang letra ng “ng”.
Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o pinaka prominenteng bahagi ng pantig. Walang
pantig sa Filipino na walang patinig.
A. Mga Katinig/Konsonant. Ang mga katinig sa Filipino ay maiaayos ayon sa punto at paraan ng
artikulasyon at kung ang mga ito ay bibigkasin nang may tinig (m. t) o walang tinig (w. t), gaya
ng makikita sa tsart.
May pagkakataong nahaharang ang daloy ng hangin o pagkaminsa’y ipinipilit itong idaan sa makipot
na labasan kaya nagkakaroon ng ingay habang dumaraan ang hangin sa ganoong kontribusyon.
Karaniwang nalilikha ang mga may tunog (voice).
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Ang patinig o vawel ay karaniwang may tunog na nagaganap na walang sagabal sa ating vocal-trak,
kaya mas matunog o sumurous ang mga patinig kaysa sa mga katinig o consonant na mas may
kahabaan ang tunog na naririnig sa mga patinig kaysa sa mga katinig. Dahil ditto, ang mga vawel ang
ginagamit na batayan sa mga silabol.
B. Mga Patinig/Vawel. Ang patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart ayon naman sa kung aling
bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig – unahan, sentral, likod – at kung
ano ang posisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas – mataas, nasa gitna o mababa.
Giliw bahay
Kami’y (dinaglat na kami at ay) aruy
Reyna kahoy
Kalabaw
Aplikasyon
A. Pagbibigay Kahulugan
1. Ano ang Ponema?
2. Ano ang pagkakaiba ng Ponemang Katinig sa Ponemang Patinig? Ipaliwanag.
B. Pagbasa ng Teksto
Tindero at Tindera
“Siopao, bili na kayo, ale at mama,” sigaw ng tindero.
“Gulay, bili na kayo ng mga sariwang gulay at marami pang mga bagay. Lapit na po
kayo,” sigaw naman ng tinder.
Si Aling Nita ay namili ng mga sangkap para sa paksiw nab angus, okoy, at mga lutuing
may sabaw.
Nag-uwi rin siya ng mga gamit sa bahay tulad ng suklay, kahoy na gagamitin bilang
panggatong, at saklay na ipapadala sa Leyte.
Bumili rin siya ng aklat para kay Liza. Ang aklat ay tungkol sa mga alamat at ng mga
hari at reyna.
Mga Diptonggo:
1. __________ 6. __________
2. __________ 7. __________
3. __________ 8. __________
4. __________ 9. __________
5. __________ 10. __________
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Pagsasara
Layunin:
Introduksyon
Makabuluhan ang isang tunog kapag nagagawa nitong baguhin ang kahulugan ng isang
kaligiran sa sandaling ito’y alisin o palitan. Ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pares ng mga
salita o mas kilala bilang Pares Minimal.
Karaniwang ginagamit ang Pares Minimal sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng
magkakahawig ngunit magkakaibang ponema.
Ang pag-aaral ng mahalagang yunit ng tunog o ponema ay binubuo ng mga segmental o
suprasegmental. Sa Ponemang Suprasegmental, ang diin, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Pagganyak
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na nakasalulat sa ibabang kahon (kaliwa). Sa kanang bahagi
ng kahon naman, isulat ang mga salitang pareho ang baybay ngunit mayroong isang letrang nag-iba sa
pangungusap at salungguhitan ang letrang nag iba sa isang salita.
Pagsusuri
Batay sa inyong mga naging sagot sa itaas na bahagi ng modyul na ito (Pagganyak),
isulat ang mga kahulugan ng bawat isang pangungusap sa mga blangkong nasa ibaba at kung ano ang
pagkakaiba nito.
Pagtalakay
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Ang pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang
ponema na magkatulad na magkatulad sa isang ponema sa magkatulad na posisyon ay tinatawag na
pares minimal. Karaniwang ginagamit ang pares minimal sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog
ng magkakahawig ngunit magkakaibang ponema. Kung gagamiting halimbawa ang mga ponemang ito
ay magkatulad sap unto ng artikulasyon sapagkat kapwa istap o pasara. Ngunit ang /p/ ay binibigkas
nang walang tinig samantalang ang /b/ ay mayroon. Dahil sa magkakaibang ito, ang kahulugan ng
isang salita ay nababago sa sandaling ang isa ay ipalit sa isa. Ang salitang paso ‘burn;, hal., ay
magbabago ng kahulugan sa sandaling ang /p/ ay palitan ng /b/ - baso ‘glass’.
Ang tono, lakas, at haba sa pagsasalita ay may malaking ginagampanan sa aming pakikipamuhay.
a. Tono
Ang pagtaas at pagbaba ng tono ng boses ay depende kung gaano kabilis magbaybreyt an gating
vocal-kord. Mabilis na vaybresyon, mas mataas ang tono ng boses, kung di gaano ang vaybresyon,
mas mababa naman ito.
Kapag tayo’y nagsasalita, naipapahayag natin ang iba’t ibang kahulugan at damdamin sa
pamamagitan ng pagbabago-bagong tono na tinatawag na intonasyon. Ang intonasyon o ang pagtaas
o pagbaba ng tinig. Sinasabing tonal ang isang wika kung nababago ang kahulugan ng isang salita o
pahayag sa sandaling binago ang tono nito. May gamit ang tono sa mga wikang tonal gaya ng
Mandarin. Nababago ang anyong Mandarin na ma sa kahulugan depende sa lebel ng tono . kapag
mataas na lebel ang tono ng (ma1), ang ibig sabihin nito ay ‘nanay’, kung mababa-pataas (ma2 ¿ , ang
kahulugan nito ay ‘abaka’, kapag pababa-pataas ang bigkas sa (ma3 ¿, ang ibig sabihin nito ay
‘kabayo’, at kung mataas-pababa (ma4 ¿ naman bibigkasin, ang pakahulugan dito ay ‘kagalitan o
pagsabihan’.
Ang Tagalog bilang isang wikang hindi tonal ay maari ring magpakita ng pagbabago ng taas o baba
ng tinig/tono na maaaring nakapagbigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan:
Halimbawa:
a. na3 ka 2 ¿1 b. ka 3 ¿2 na1
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Hubog ng Tono
1. / / ganap ang buong pagbaba
2. // kalahating pagbaba-kulang sa isang antas
3. // pagpapanatili sa antas ng ono
4. / / pagtaas ng tono mula sa pangwakas nap unto ng tono
Mga halimbawa:
Mga utos na walang diin
Lumapit ka
Tanong na humuhingi ng impormasyon
Nasaan siya
Paksa na simula ng isang Oo o Hindi ng tanong na pasalungat
Nandiyan ba
Tanong na papili
Kakain ka ba o hindi
4.2.1. Haba
Ang paghahaba ay bahagyang paghinto sa binibigkas na pantig o silabol ng salita nang hindi naman
pinuputol ang paglikha ng tunog sa nasabing pantig. May mga salita na binibigkas nang mas mahaba o
mas maikli.
Ang paggamit ng kolon (:) ay nagpapakilala ng haba ng pagbigkas na magpapabago ng kahulugan
ng isang salita. Pansinin ang salitang kasama (companion), salitang malumanay na ang diin ay nasa
hulihang pantig.
Ang patinig na /a/ sa pantig na – sa – ay higit na mahaba ang nagiging bigkas kaysa dalawang
patinig na /a/ sa mga pantig na k- at ma-. Subuking alisin ang haba ng patinig sa pantig na – sa- at
mababago ang kahulugan ng salita- hindi na ‘companion’ kundi ‘tenant’ na. sa ibang salita:
/kasa.ma/* = ‘companion’
/kasama/ = ‘tenant’
/magnana.kaw/ = ‘thief’
/magna.na.kaw/ = ‘will steal’
/magna.nakaw/ = ‘will go on stealing'
4.2.2. Antala
Sa ating pagsasalita o pakikipag-usap, saglit tayong humihinto o tumitigil upang bigyang diin o linaw
ang mensaheng nais iparating sa ating kausap. Tinatawag natin itong antala o hinto.
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Pangungusap:
“Hindi puti,” Na ang ibig sabihin sa Ingles ay “It’s not white”, ngunit kung lalagyan ng antala ang
pagitan ng “hindi” at “puti” makikita ang pagkakaiba ng mensahe. ‘Hindi Puti”. Na ang ibig sabihin sa
Ingles ay “no, it’s white.”
Sa makatuwid, sa tulong ng mga suprasegmental na ito – ang tono, haba at antala ay
mahahalagang pantulong sa pagpapakahulugan n gating mga sinasabi o ipinahahayag.
Aplikasyon
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na gawain na nasa ibaba.
Pagsasara
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Layunin:
Introduksyon
Sa Linguistika, ang klaster ay dalawa o higit pang magkakatabing katinig sa loob ng isang
salita. Katulad ito sa kambal-katinig sa Tagalog (mula sa salitang KAMBAL o dalawa at KATINIG).
Subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol lamang ang ikinokonsider
na ganito sa (Tagalog). Walang kasing higit sa tatlong magkakatabing consonant sa isang silabol sa
Tagalog hindi tulad sa Filipino na posible ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat.
Pagganyak
tt
ps
://
ki
dz
on
ic.
co
m
/2
02
1/
Pagsusuri
04
/0
2/
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Kapag wala tayong mga kambal katinig sa isang salita sa pagbuo ng pangungusap, ano ang
magiging baybay nito? Magbigay ng halimbawa ng isang salitang may kambal katinig at ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pagtalakay
Aplikasyon
I. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at salungguhitan ang salitang may klaster.
1. Naiwag tumutulo ang tubig sa gripo.
2. Masaya kaming naglalaro ng aking mga kaklase.
3. Kumain tayo ng prutas upang tayo ay sumigla.
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
II. Panuto: Pumili sa panaklong ng angkop na klaster na kukumpleto sa salita. Isulat ang sagot sa
patlang.
1. Mga (ts,tr)_____okolate at damit ang pasalubong ni kuya.
2. Ito ang (gr, pr) _____emyo nila sa mga nanalo sa laro.
3. Masisipag kasing mag-aral ang mga bata kaya mataas ang mga (ts, gr) _____ nila.
4. Sumakay ako sa (dr, dy) _____ip ni Mang Lito.
5. Magdala ka ng makapal na (dy, by) _____aket dahil malamig sa Baguio.
Pagsasara
Maligayang pagtatapos sa ikaapat na aralin! Natapos mo ang kabuuan ng nilalaman ng
ikaapat na aralin na kung saan kayo nakagawa at natuto sa isang makabuluhang talakayan sa loob ng
isang linggo. Kayo ngayon ay naatasang magsanay muli ng inyong mga sarili upang mas lubos na
maunawaan at hindi makalimutang ang mahahalagang pinag-aralan.
Ang susunod na talakayan o ikalawang modyul ay patungkol sa Morpolohiya o Palabuuan, kaya
maging handa para sa mga susunod na gawain upang higit na magkaroon ng mas mataas na puntos
sa asignaturang Filipino.
Paglalahat
Ang layunin ng Ponolohiya ay upang matuklasan ang mga prinsipyo na namamahala sa paraan ng
pag-aayos ng mga tunog sa mga wika at upang ipaliwanag ang mga pagkakaiba-iba na nagaganap.
Makikilala ang katuturan ng ponema kung makikita ang mga ito sa mga salitang binubuo ng mga
magkakatulad na tunog liban sa isang tunog na maaaring magpabago ng kanilang kahulugan sa
magkaparehong kaligiran
Ang ponemiko naman ay ang pag-aaral ng mga ponema sa iba’t-ibang aspeto . ang ponema ay
nabibilang sa dalawang kategorya, segmental o suprasegmental. Karaniwang ginagamit ang Pares
Minimal sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng magkakahawig ngunit magkakaibang
ponema.
Ang pag-aaral ng mahalagang yunit ng tunog o ponema ay binubuo ng mga segmental o
suprasegmental. Sa Ponemang Suprasegmental, ang diin, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Ang klaster o cluster sa Filipino ay tinatawag na kambal katinig. Ang klaster o kambal katinig ay
binubuo ng dalawa o higit pang magkakatabing consonant o katinig na magkasama ang isang patinig o
higit pa. Ang kambal katinig ay maaaring Makita sa unahan, sa gitna, o sa hulihang pantig ng isang
salita.
Mga Aklat/Sanggunian
Sining ng Pakikipagtalastasan
Republic of the Philippines
Romblon State University
Romblon, Philippines
Deogrcia c. (2015). Masining na Pagpapahayag. Recoletos St., Cabildo Streets, Intrmuros Manila.
MINSHPERS Co., Inc.
Remedios A. (2014). Filipino 2 Masusing Pagbasa at Malikhaing Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Cabildo Streets, Intrmuros Manila. Library services and Publishing Inc.
Lalic E. (2004). Ang Ating Panitikang Filipino. Trinitas Complex, Pantoc Road, Trinitas Publishing Inc.
Dolores S. (2003). Retorika Mabisang Pagpapahayag sa Kolehiyo. Trinitas Complex, Pantoc Road,
Trinitas Publishing Inc.
https://tl.m.wikipidia.org/wiki/Ponolohiya
https://Maestroaeious.blogspot.com/2015/05/paglalahad-ekspositori.html?m=l
https://pinoycollection.com/sanaysay
https://www.scribd.com/doc/61963410/Mga-Uri-Ng-Pagbasang Teksto/
https://www.tagaloglang.com/ponema/
https://filipino.gigs.blogspot.com/2008/11/mga-dapat-islng-lng-s-.html%3Fm&3Dved=2ahUKEwjlw-
nfmoHjA
Sining ng Pakikipagtalastasan