Modyul 4 Komunikasyon Pagsasanay at Pagtataya

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE, INC.

Ninoy Aquino Road, Brgy. Lanao, KidapawanCity


Tel. No: (064) 521-3830
www.kdci.edu.ph/fbpage: KdciKidapawan

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Modyul 4- Mga Konseptong Pangwika: Register/Barayti ng wika

Pangalan: __TRISHA CORTEZ_________________ Petsa:__10-21-21____________


Grado at Seksyon: __STEM 11-B____________________________

Pangkalahatang Panuto: Isulat o ilagay ang iyong mga sagot sa long bond paper o yellow paper.
Maaaring kuhanan ng larawan ang mga sagot at maaaring ilagay sa Microsoft Word.

Gawain 1

Panuto: Gamit ang teknolohiya nagsaliksik ako ng iba’t ibang larawan kung kaya’t
unawain ang pahayag. Linggo ng umaga habang ika’y papunta ng simbahan, maraming
tao kang nakasalubong at nakausap. Paano mo sila kakausapin
at babatiin? Isulat sa patlang ang sasabihin.

Ano ang sasabihin mo sa isa sa mga guro mo?_________.


Magandang araw po Gng. Reyes

Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong bakla ?_________.


Uy bestie happy Sunday! Let’s make kain later, I’ll wait you nalang make sure
At exact 12:00 you’ll be there ok? we gonna make pila pa .

Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong probinsyano? __________.


Magandang araw, kamusta kana?

1. Ano ang napansin ninyo sa inyong naging kasagutan? Naging pareho ba ang paraan ng iyong
pagbati para sa tatlong taong iyong nakasalubong?
_ Hindi, sapagkat ang paraan ng ating pagbati o pakikipag-usap sa taong aking nakasalubong
ay magkakaiba dahil nakaka depende ito sa taong iyong kausap.

2. Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging paraan mo ng pagbati o
pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?
1
KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE, INC.
Ninoy Aquino Road, Brgy. Lanao, KidapawanCity
Tel. No: (064) 521-3830
www.kdci.edu.ph/fbpage: KdciKidapawan

_ Magkapareho man ang sitwasyon, dahil sa iba't ibang salik sa lipunan tulad ng edad,
hanapbuhay o trabaho, edukasyon, kasarian, katayuan sa lipunan, rehiyon o lugar, iba't ibang
wika ang ating ginagamit ,at ang barayti ng wikang nabuo dahil sa impluwensiyang sosyal, gaya
ng idyolek, sosyolek, wikang pormal at impirmal, rehistro, at mga salitang jargon at balbal. kaya
ang paraan ng ating pagbati o pakikipag-usap sa taong nabanggit ay magkaiba.

ASSESSMENT:

Panuto: Ilarawan ang barayti ng wika batay sa teksto na ibinigay. Piliin ang tamang sagot
mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titk o letra ng mapipili mong
sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

D. 1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag
sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek

A. 2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga
taga- Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek

B. 3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah,
ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a.Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek d. Dayalek

C. 4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng
wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a.Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole

A. 5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang
taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang
naging unang wika ng mga naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek

D. 6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a. “Dana” ang mga
salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek

D. 7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan.
Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y
alam niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
a. Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register

C. 8. Habang nakahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakatatawa ang
ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-
ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal na paraan nila ng pa
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek

B. 9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes.
Saan man siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang
2
KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE, INC.
Ninoy Aquino Road, Brgy. Lanao, KidapawanCity
Tel. No: (064) 521-3830
www.kdci.edu.ph/fbpage: KdciKidapawan

salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
a. Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek

A. 10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang
programang Rated K.
a. Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole

You might also like