Pe Module 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang matulungan kang mailarawan ang mga hugis
at kilos ng katawan. Saklaw ng module na ito ay mga gawain na magagamit sa pang araw-araw
at iba’t-ibang sitwasyon sa pag-aaral. Ang mga aralin ng modyul na ito ay mga likas na
pagkilos ng katawan kung saan ito ay dapat mong malaman bilang isang mag-aaral. Ito ay
inayos at batay sa mga bagay na dapat mong matutunan.
Ang modyul ay nahahati sa apat na mga aralin:

• Aralin 1 – Introduksiyon sa Larong Pagtudla: Tumbang Preso


• Aralin 2 – Halina’t Gawin Natin
• Aralin 3 – Pagpapayaman sa Kasanayan
• Aralin 4 – Pagsasabuhay ng Natutuhan
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan:
1. Naisasagawa ang mga kakayahan ng laro. (PE5GS)-Ic-h-4)
2. Nasusuri ang paglahok at paglalaro ng Tumbang Preso batay sa Philippine Physical Activity Pyramid.
(PE5PF-Ib-h-18)
3. Natutukoy ang mga pag-iingat pangkaligtasan (Safety Precautions) sa paglalaro ng Tumbang Preso.
(PE5GS-Ib-h-3)
4. Naipamamalas ang kawilihan at pagpapahalaga sa paglalaro ng Tumbang Preso.
(PE5PF-Ib-h-20)

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang tumbang preso ay halimbawa ng larong _________.


a. Fielding game b. Invasion game
c. Lead-up game d. Target game
2. Anong mga kagamitan ang kailangan sa paglalaro ng tumbang preso?
a. bola at tsinelas b. tansan at barya
c. latang walang laman at tsinelas d. panyo at pamaypay
3. Ang mga sumusunod ay mga kagandahang-asal na nalilinang sa paglalaro ng tumbang preso MALIBAN sa
isa.
a. pagiging madaya b. pagiging patas
c. pakikiisa d. sportsmanship
4. Saan nagmula ang larong ito?
a. San Fernando, Bulacan b. San Fernando,
Tacloban
c. San Rafael, Bulacan d. San Vicente,
Pampanga
5. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng tumbang preso?
a. Matamaan ang mga manlalaro ng bola.
b. Masipa ng manlalaro ang bola sa malayo.
c. Mapalabas ang tansan sa loob ng parisukat.
d. Matumba ang lata sa pamamagitan ng paghagis ng
pamato mula sa kinatatayuan nito.
6.Ano ang Target game na may basyong lata na walang laman bilang kagamitan?
a. Tatsing b. Batuhang Bola
c. Tumbang Preso d. Agawang panyo
1
7. Alin sa mga sumusunod na lugar ang mainam paglaruan ng tumbang preso?
a. bakuran o lansangan b. loob ng bahay
c. loob ng silid-aralan d. mabato at madamong lugar
8. Alin sa mga sumusunod na skill at health-related fitness ang hindi nalilinang sa paglalaro ng tumbang
preso?
a. balance b. bilis
c. lakas ng braso d. liksi
9. Ilang metro ang layo ng lata mula sa linyang kinatatayuan ng mga manlalaro?
a. 1-2 metro b. 3-4 metro
c. 5-6 metro d. 5-7 metro
10. Nilalaro ang tumbang preso ng ______________.
a. isahan b. dalawahan
c. tatluhan d. maramihan

Aralin Introduksiyon sa Larong


Pagtudla: Tumbang Preso o
1 Tatsing
Ang tumbang preso ay isang uri ng target game na tanyag dito sa Pilipinas. Ito ay masayang nilalaro ng
mga bata. Ang larong ito ay kadalasang nilalaro sa kalye o kalsada gamit ang basyong lata bilang target at
tsinelas na pamato. May mga kakayahang nalilinang sa paglalaro nito. Nakakatulong din ito sa paghubog ng
mabuting katangian ng isang bata.

Balikan
Panuto: Lagyan ng tsek (✔) ang mga larong paborito mong laruin.
_____ 1. Patintero _____ 6. Syato
_____ 2. Sipa _____ 7. Holen/Jolens
_____ 3. Trumpo _____ 8. Luksong Tinik
_____ 4. Piko _____ 9. Taguan
_____ 5. Luksong Lubid _____ 10. Tiyakad o Kadang-
Kang

Tuklasin
Bahagi na ng libangan nating mga Pilipino ang mga laro. Kabilang sa mga larong ito ang ibat-ibang
target games na nilalaro ng mga bata nang may kawilihan.

Pagmasdan ang larawan sa taas. Alam mo ba ang larong ito? Ikaw ba ay nakapaglaro na nito? Ito ay
isang halimbawa ng larong pagtudla o target games. Ito ay ang larong tumbang preso.

2
Suriin
Larong Pagtudla
Ang target game o larong pagtudla ay isang uri ng laro kung saan ang manlalaro ay sumusubok na ihagis,
i-slide o i-swing ang pamato upang maabot o matamaan at madala o makuha ang target sa isang itinalagang
lugar. Ang target games ay maaring isahan o pangmaramihan. Ilan sa mga kilalalang target games na isahan
ay palo sebo, luksong baka, sipa, billiards, bowling, golf, tatsing at batuhang bola. Ang tumbang preso, Bati-
Cobra, Luksong Tinik, Ubusan ng Lahi, Siyato, Football, Soccer, Baseball at frisbee naman ay mga
halimbawa ng target games na pangmaramihan.

Activity Pyramid Guide

Ang mga larong kabilang sa target games ay maaaring isagawa ng 3 – 5 beses sa isang linggo batay sa
Philippine Physical Activity Pyramid. Ito ay nasa ikalawang antas (level) ng pyramid guide. Ang Philippine
Physical Activity Pyramid Guide ay nahahati sa apat na antas kung saan ang bawat antas ay tumutukoy sa
rekomendadong dalas (frequency) ng paggawa sa iba’t – ibang gawaing pisikal. Bukod sa masayang laruin
ang mga target games, may mga kakayahang nalilinang din ang madalas na paglalaro nito at marami ring
magandang naidudulot ito sa kalusugan.

Tumbang Preso

Ang tumbang preso ay isang halimbawa ng larong pagtudla o target games na palasak laruin ng mga
bata. Unang lumaganap sa San Rafael, Bulacan, ang tumbang preso ay isang larong Pinoy kung saan ang
isang taya ay may binabantayang lata na nasa loob ng isang bilog.
Ito ang “preso” na tinatawag. Ang ibang manlalaro naman ay mga tagahagis ng tsinelas na ang layunin ay
mapatumba at maalis ang “preso” (lata) sa loob ng bilog. Ang layunin ng taya ay makataga (makataya) ng
isang tagahagis habang ang mga ito ay kumukuha ng mga tsinelas sa palaruan. Ang natagang (natayang)
tagahagis ang magiging susunod na taya.

Mga kagamitan:
• Tsinelas
• Lata
• Yeso o chalk pangmarka

Paraan ng Paglalaro:
1. Itayo ang lata sa loob ng bilog na guhit na may diyametrong isang talampakan.
2. Ang manuhan o pamulang guhit ay lima hanggang pitong metro ang layo sa lata.

3
3. Magmanuhan upang piliin ang taya. Isa-isang tumayo sa tabi ng lata at ihagis sa manuhang-guhit ang
tsinelas. Ang may tsinelas na pinakamalayo sa guhit ang magiging taya.
4. Ang taya ay tatayo malapit sa lata (maaaring sa likod o gilid ng bilog ngunit hindi niya maaring
harangan ng kahit ano mang bahagi ng kanyang katawan ang lata). Ang mga tagahagis naman ay nasa
manuhang-guhit.
5. Isa-isang pupukulin ang lata gamit ang tsinelas upang maalis o tumilapon ito palayo sa bilog.
6. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng bilog.
7. Kung tumilapon ang lata ngunit nakatayo pa rin ito saan mang dako ng lugar na pinaglaruan, patuloy
na babantayan ito ng taya. Hindi kailangang ibalik ito sa bilog.
8. Kapag natumba naman ang lata, ito ang pagkakataon para kunin ng mga tagahagis ang kanilang
tsinelas at bumalik sa manuhang-guhit.
9. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga (nataya) ang magiging bagong
taya.
10. Hindi maaring tagain ang manlalarong nasa manuhang-guhit. Hindi rin maaaring managa ang taya
kung nakatumba ang lata.
11. Kapag nanghahabol ang taya, maaring sipain ng ibang manlalaro ang lata upang tumumba ito.

May mga kasanayan na napapaunlad ng larong tumbang preso. Ito ay ang sumusunod:
• pagtudla o pagtarget
• pagtakbo
• pag-ilag upang hindi mataya
• paghagis ng pamato • pagdampot ng tsinelas.

Bukod sa kaayusang pisikal na naidudulot ng paglalaro ng tumbang preso, ito rin ay nag-papaunlad ng
mga sumusunod na katangian:
• pakiki-isa
• sariling disiplina
• determinasyon
• pagiging patas
• pagpapakita ng magandang saloobin sa pagiging isports.

Pagyamanin
Sa tulong ng mga magulang, nakatatandang kapatid, o kamag-anak, isagawa ang mga sumusunod na
kasanayan sa larong Tumbang Preso ng walong beses at punan ang talahanayan sa baba.
Naisagawa ng Mahusay Hindi naisagawa ng Kailangan pang
(6-7 beses na naisagawa mahusay linangin
Mga Kasanayan sa larong
ang (4-5 beses na (1-3 beses na
Tumbang Preso
kasanayan ng tama) naisagawa ang naisagawa ang
kasanayan ng tama) kasanayan ng tama)
1. Pagtudla o pagtarget sa lata

2. Pagtakbo sa palibot ng bahay

3. Pag-ilag sa pagtaya
4. Paghagis sa tsinelas
5. Pagdampot ng
tsinelas

4
Karagdagang Gawain

Halina’t pasulungin pa natin ang iyong mga kasanayan. Isagawa ang mga sumusunod na Gawain.

Mga Kasanayan sa larong Tumbang Preso Isagawa ito ng 10 beses

1. Pagtudla o pagtarget sa lata


2. Pagtakbo sa palibot ng bahay
3. Pag-ilag sa pagtaya
4. Paghagis sa tsinelas
5. Pagdampot ng tsinelas

Aralin

2 Halina’t Gawin Natin!


Matapos matutunan ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa larong pagtudla o target games at
ang halimbawa nito na Tumbang Preso, mahalaga din na malinang ang mga kasanayan na nakapaloob dito. Sa
aralin na ito, mas lalong madadagdagan ang mga impormasyon na natutunan sa unang aralin at mas lalong
mapapaunlad ang mga kasanayan ng laro.

Balikan
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung hindi.

_________ 1. Ang tumbang preso ay halimbawa ng target games o larong pagtudla.


_________ 2. Ang mga kagamitan sa tumbang preso ay tsinelas, lata at yeso.
_________ 3. Unang lumaganap sa San Jose, Bulacan ang larong tumbang preso.
_________ 4. Ang larong pagtudla ay isang uri ng laro kung saan ang manlalaro ay sumusubok na ihagis ang
pamato upang matamaan o makuha ang target sa isang itinalagang lugar.
_________ 5. Ang larong pagtudla ay nasa ikalimang antas ng Philippine Physical Activity
Pyramid Guide.

Tuklasin
Hindi lang sapat na alam natin ang kahulugan ng tumbang preso, ang pinagmulan, mga
kagamitan at mga paraan sa paglalaro nito. Mahalaga din na malaman natin ang mga karampatang gawain na
dapat isagawa upang masiguro na maayos at ligtas ang paglalaro nito. Alam mo ba ang mga pampasiglang
Gawain (Warm-Up Activities) at ehersisyong pampalamig (Cool Down Exercise) na dapat isagawa bago at
pagkatapos maglaro ng Tumbang Preso? May ideya ka ba kung anu-ano ang mga Pag-iingat Pangkaligtasan
(Safety Precautions) sa larong ito? Bakit kaya mahalaga ang pampasigla, ehersisyong pampalamig at ang
mga pag-iingat pangkaligtasan sa paglalaro ng tumbang preso?

5
Suriin
Masayang maglaro pero kailangan nating mag-ingat para maiwasan ang sakuna at sakit ng
katawan. Narito ang mga gawaing pangkaligtasan sa paglalaro ng Tumbang Preso.
1. Sundin ang mga patakaran o regulasyon ng isang laro.
2. Pumili ng isang ligtas na lugar kung saan kayo maglalaro. Kailangan din na may malawak na espasyo.
3. Kunin ang mga matutulis na bagay o sagabal sa paglalaro.
4. Gumamit ng tamang kasuotan sa paglalaro.
5. Mag warm-up at mag cool down bago at pagkatapos ng laro. Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang
pagkakaroon ng pinsala sa ating kalamnan.
6. Iwasang maglaro kung may sakit o di maganda ang pakiramdam.
7. Iwasang matamaan ng pamato o tsinelas ang kalaro.
8. Maging isports sa paglalaro upang maiwasan ang away at tampuhan.
Pampasiglang Gawain bago laruin ang Tumbang Preso
1. Pagjogging ng limang ikot sa palaruan.
2. Head Twist
Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa at ang mga kamay ay nasa baywang.
a. Ipaling ang ulo sa kanan at bumilang ng 1-8.
b. Ipaling ang ulo sa kaliwa at bumilang ng 1-8.
c. Balik sa posisyon.
d. Ulitin mula a-c.
3. Shoulder Rotation
Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa, nakapatong sa balikat ang mga kamay at tuwid ang ulo.
a. Paikutin ang balikat paharap at bumilang 1-8.
b. Paikutin ang balikat patalikod at bumilang ng 1-8.
c. Ulitin ang (a) at (b).
4. Arm Circles
Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa at nakataas ang mga braso.
a. I-unat ang braso sa gilid na pantay sa balikat at paikutin paharap at bumilang ng 1-8.
b. Paikutin pabalik at bumilang 1-8.
c. Ulitin ang (a) ngunit gawing Malaki ang bilog.
d. Paikutin ng pabalik katulad ng (c).
5. Half-knee Bend
Tumayo nang tuwid at nasa baywang ang mga kamay.
a. Dahan-dahang ibaluktot ang tuhod at bumilang ng 1-4.
b. Iunat ang tuhod at bumilang ng 1-4.
c. Ulitin ang (a) at (b) ng tatlong beses.
6. Jumping Jack
Tumayo na magkadikit ang mga paa at nasa gilid ang mga kamay.
a. Tumalon at ibuka ang paa kasabay ng pagpalakpak ng kamay sa ibabaw ng ulo at bumilang ng
isa.
b. Bumalik sa panimulang posisyon at bumilang ng dalawa.
c. Ulitin ang (a) at (b) ng 3 beses.
Cool Down Activities pagkatapos laruin ang tumbang preso
1. Paglalakad pa-ikot sa palaruan
2. Pag-unat ng kamay at braso
3. Pagpapaikot ng braso
4. Pagtaas-baa ng binti
6
5. Pagpapaikot ng paa

Pagyamanin
Sa gabay ng mga magulang o nakatatandang kapatid, isagawa ang sumusunod na kasanayan at punan
ang talahanayan sa baba.

Gawain 1. Isagawa ang mga sumusunod na mga Pampasiglang Gawain. Hayaan na tulungan ka ng iyong
magulang o ibang miyembro ng pamilya sa pagsasagawa ng mga gawaing ito.
Pampasiglang Gawain Naisagawa ng Mahusay Hindi Naisagawa ng Mahusay
1. Jogging
2. Head Twist (8 beses)
3. Shoulder Rotation (8
beses)
4. Arm Circles (8 beses)
5. Half-knee Bend (8 beses)
6. Jumping Jack (8 beses)
Gawain 2. Pagkatapos isagawa ang pampasiglang gawain, isagawa ang mga sumusunod na kasanayan ng
pitong beses at punan ang talahanayan sa baba. Hayaan na tulungan ka ng iyong magulang o ibang miyembro
ng pamilya sa pagsasagawa ng mga gawaing ito.

Naisagawa ng Hindi naisagawa ng Kailangan pang


Mahusay mahusay linangin
Mga Kasanayan sa larong (6-7 beses na (4-5 beses na (1-3 beses na
Tumbang Preso naisagawa ang naisagawa ang naisagawa ang
kasanayan ng tama) kasanayan ng tama) kasanayan ng tama)
1. Pagtudla o pagtarget sa lata
2. Pagtakbo sa palibot ng bahay
3. Pag-ilag sa pagtaya ng isang
miyembro ng pamilya
4. Paghagis sa tsinelas
5. Pagdampot ng tsinelas
Gawain 3. Cool Down Exercise. Isagawa ang mga sumusunod na mga ehersisyong pampalamig. Hayaan na
tulungan ka ng iyong magulang o ibang miyembro ng pamilya sa pagsasagawa ng mga gawaing ito.
Pampasiglang Gawain Naisagawa ng Mahusay Hindi Naisagawa ng Mahusay
1. Paglalakad pa-ikot sa palaruan
2. Pag-unat ng kamay at braso (8 beses)
3. Pagpapa-ikot ng braso (8 beses)
4. Pagtaas-baba ng binti (8 beses)
5. Pagpapaikot ng paa

7
Karagdagang Gawain
Halina’t pasulungin pa natin ang iyong mga kasanayan. Isagawa ang mga sumusunod na Gawain.

Mga Kasanayan sa larong Tumbang Preso Isagawa ito ng 15 beses


1. Pagtudla o pagtarget sa lata
2. Pagtakbo sa palibot ng bahay
3. Pag-ilag sa pagtaya ng isang miyembro ng pamilya
4. Paghagis sa tsinelas
5. Pagdampot ng tsinelas

Aralin
Pagpapayaman sa Kasanayan
3
Ang mga kasanayan na natutunan ay dapat na palaguin at pagyamanin. Hindi lang sapat na malaman
ang mga ito, ang palagiang paggamit at pagsasagawa nito ay makakatulong upang lalo itong mapaghusay. Sa
aralin na ito, ikaw ay inaasahan na lalo pang mapauunlad ang mga kasanayan sa larong Tumbang Preso sa
pamamagitan ng iba’t-ibang gawain na kailangan mong isagawa.

Balikan

Gawain 1. HANAPIN MO AKO! Bilugan ang mga salitang may kinalaman sa larong Tumbang Preso na mabubuo at
makikita sa ibaba.

B U L A C A N H J K
Y B N E R P J Y H U
A T Y B H A M O B T
N O S T R G T J H S
Y E S O T T G T G I
U I V G Y A Y G F N
T O R Y G K H C T E
J A T C T B W X Y L
E S N X R O E R M A
P I P A G H A G I S

Tuklasin
Panuto: Isagawa ang sumusunod na mga Pampasiglang Gawain bago laruin ang Tumbang
Preso.
1. Pagjogging ng limang ikot sa palaruan.
2. Head Twist
3. Shoulder Rotation
8
4. Arm Circles
5. Half-knee Bend
6. Jumping Jack

Suriin
Sa hangarin na maging matagumpay ang paglalaro ng tumbang preso, kailangan na lubusang maintindihan
ang mga pamamaraan at mekaniks sa paglalaro nito. Narito ulit ang mga paraan sa paglalaro ng Tumbang
Preso.
1. Itayo ang lata sa loob ng bilog na guhit na may diyametrong isang talampakan.
2. Ang manuhan o pamulang guhit ay lima hanggang pitong metro ang layo sa lata.
3. Magmanuhan upang piliin ang taya. Isa-isang tumayo sa tabi ng lata at ihagis sa manuhang-guhit ang
tsinelas. Ang may tsinelas na pinakamalayo sa guhit ang magiging taya.
4. Ang taya ay tatayo malapit sa lata (maaaring sa likod o gilid ng bilog ngunit hindi niya maaring
harangan ng kahit ano mang bahagi ng kanyang katawan ang lata). Ang mga tagahagis naman ay nasa
manuhang-guhit.
5. Isa-isang pupukulin ang lata gamit ang tsinelas upang maalis o tumilapon ito palayo sa bilog.
6. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng bilog.
7. Kung tumilapon ang lata ngunit nakatayo pa rin ito saan mang dako ng lugar na pinaglaruan, patuloy
na babantayan ito ng taya. Hindi kailangang ibalik ito sa bilog.
8. Kapag natumba naman ang lata, ito ang pagkakataon para kunin ng mga tagahagis ang kanilang
tsinelas at bumalik sa manuhang-guhit.
9. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga (nataya) ang magiging bagong
taya.
10. Hindi maaring tagain ang manlalarong nasa manuhang-guhit. Hindi rin maaaring managa ang taya
kung nakatumba ang lata.
11. Kapag nanghahabol ang taya, maaring sipain ng ibang manlalaro ang lata upang tumumba ito.

Pagyamanin
Gawain 1. AKO ANG TAYA. Maglaro ng tumbang preso sa tulong ng mga magulang, kapatid at
pinsan at punan ang sumusunod na talahanayan. Sa gawaing ito, ikaw ay ang taya.
Mga Tanong OO HINDI
1. Nakasunod ka ba sa alituntunin ng laro?
2. Isinagawa mo ba ang warm-up activity bago ang laro?
3. Isinagawa mo ba ang cool-down exercise pagkatapos ng laro?
4. Nasunod mo ba ang kasanayan sa laro?
5. Nasunod mo ba ang mga hakbang pangkaligtasan sa paglalaro?
6. Nagampanan ko ba ng mabuti ang pagiging taya?
7. Naisagawa ko ba ang mga kasanayan na magagamit bilang taya?

Gawain 2. AKO ANG MANLALARO. Maglaro ng tumbang preso sa tulong ng mga magulang, kapatid at pinsan at
punan ang sumusunod na talahanayan. Sa gawaing ito, ikaw ay ang manlalaro o taga-target.
Mga Tanong OO HINDI
1. Nakasunod ka ba sa alituntunin ng laro?
2. Isinagawa mo ba ang warm-up activity bago ang laro?
3. Isinagawa mo ba ang cool-down exercise pagkatapos ng laro?
4. Nasunod mo ba ang kasanayan sa laro?

9
5. Nasunod mo ba ang mga hakbang pangkaligtasan sa paglalaro?
6. Nagampanan ko ba ng mabuti ang pagiging manlalaro?
7. Naisagawa ko ba ang mga kasanayan na magagamit bilang manlalaro?

Gawain 3. Cool Down Exercise. Isagawa ang mga sumusunod na mga ehersisyong pampalamig. Hayaan na
tulungan ka ng iyong magulang o ibang miyembro ng pamilya sa pagsasagawa ng mga gawaing ito.
1. Paglalakad pa-ikot sa palaruan
2. Pag-unat ng kamay at braso
3. Pagpapaikot ng braso
4. Pagtaas-baa ng binti
5. Pagpapaikot ng paa

Karagdagang Gawain
Halina’t pasulungin pa natin ang iyong mga kasanayan. Isagawa ang mga sumusunod na
Gawain.

Mga Kasanayan sa larong Tumbang Preso Isagawa ito ng 20 beses


1. Pagtudla o pagtarget sa lata
2. Pagtakbo sa palibot ng bahay
3. Pag-ilag sa pagtaya ng isang miyembro ng pamilya
4. Paghagis sa tsinelas
5. Pagdampot ng tsinelas

Aralin
Pagsasabuhay ng Natutuhan
4
Isa sa sukatan ng pagkatuto ng isang mag-aaral ay kung ang mga kasanayan ay naisasabuhay sa pang-
araw-araw na gawain. Matapos matutunan ang lahat ng mga impormasyon sa larong pagtudla lalo na ang
larong Tumbang Preso at malinang ang mga kasanayan nito, mahalaga na ito ay pagyamanin pa sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ito.

Balikan
Alin sa mga sumusunod ang mga kagamitang ginagamit sa larong tumbang preso?
Lagyan ng tsek (✔) sa iyong sagutang papel ang iyong sagot.

10
1.___________ 2. ___________

3.___________ 4. ___________ 5.___________

Pagyamanin
Sa tulong ng mga magulang, nakatatandang kapatid, o kamag-anak, isagawa ang mga
sumusunod na kasanayan sa larong Tumbang Preso ng walong beses at punan ang talahanayan sa baba.

Naisagawa ng Hindi naisagawa ng Kailangan pang


Mahusay mahusay linangin
Mga Kasanayan sa larong (6-7 beses na (4-5 beses na (1-3 beses na naisagawa
Tumbang Preso naisagawa ang naisagawa ang ang
kasanayan ng tama) kasanayan ng tama) kasanayan ng tama)

1. Pagtudla o pagtarget
2. Pagtakbo sa palaruan
3. Pag-ilag sa pagtaya ng
kapamilya/kalaro
4. Paghagis sa tsinelas
5. Pagdampot ng tsinelas

Isaisip
Kompletuhin ang sumusunod na pahayag.

Ang target games ay _________________________________________________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ang tumbang preso ay _______________________________________________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ang mga bagay na natutunan ko sa paglalaro ay _________________________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isagawa
Gawain 1. Itala ang mga gawaing pang-araw-araw na nakakatulong sa pagpapaunlad ng mga kasanayan sa
larong tumbang preso.
Mga Kasanayan sa larong Ano-ano ang mga gawaing pang-araw-araw ang iyong
Tumbang Preso ginawa upang mapaunlad ang mga kasanayan sa Tumbang
Preso?

11
Unang Ikalawan Ikatlong Ikaapat na Ikalimang
Araw g Araw Araw Araw Araw
1. Pagtudla o pagtarget
2. Pagtakbo
3. Pag-ilag
4. Paghagis
5. Pagdampot

Gawain 2. Lagyan ng tsek (✔) ang bawat gawain na makatutulong upang mapaunlad ang mga kakayahan sa
paglalaro ng tumbang preso.
Makatutulong sa Hindi makakatulong sa
Gawain pagpapaunlad ng kasanayan pagpapaunlad ng kasanayan
1. Paglalakad (papunta ng paaralan,
plaza, palengke)
2. Pag-jojogging
3. Paglalaro ng habulan
4. Pagluluto
5. Pagguhit
6. Pamumulot ng basura (sa paligid
ng bahay, paralan)
7. Pagtugtog ng instrumento
8. Pagtulong sa mga gawaing bahay
9. Panonood ng tv
10. Pagwawalis sa bakuran

Tayahin
Panuto: Isulat ang malaking titik T kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at M naman kung
mali.
_____ 1. Ang mga manlalaro sa tumbang preso ay kailangang may hawak na pamato o tsinelas.
_____ 2. Ang larong tumbang preso ay para lamang sa mga batang lalaki.
_____ 3. Ang manuhan o pamulang guhit ay lima hanggang pitong metro ang layo sa lata.
_____ 4. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng bilog.
_____ 5. Kapag nanghahabol ang taya, hindi maaring sipain ng ibang manlalaro ang lata upang tumumba ito.
_____ 6. Ang target games ay nasa unang antas ng Physical Activity Pyramid Guide.
_____ 7. Hindi mahalaga ang warm up at cool down exercises sa paglalaro ng tumbang preso.
_____ 8. Mahalang masunod ang mga pag-iingat pangkaligtasan (safety precautions) upang maging maayos at
ligtas ang paglalaro.
_____ 9. Ang mga larong pagtudla o target games ay maaring isahan o pangmaramihan.
_____10. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga (nataya) ang
magiging bagong taya.

12

You might also like