Filipino 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Q1 Module 3: Panimulang Pananaliksik

Ganilyn D. Ponciano. STEM 12 – A FILIPINO

Paunang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit

1. T 1. A
2. M 2. C
3. T 3. B
4. M 4. A
5. T 5. D
6. M 6. C
7. T 7. C
8. M 8. D
9. T 9. A
10. M 10. C

Balik-tanaw

Humanap ng isang maka-Pilipinong pananaliksik na batay sa iyong interes. Basahin ang abstrak ng
pag-aaral. Sagutan ang hinihingi ng bawat bilang. Basahin nang mabuti ang mga tanong, maingat at
tapat na isulat ang mga sagot. Maaaring maghanap sa website na www.jstor.org.

a. Pamagat ng pananaliksik na napili.

“Pare mahal mo raw ako”: Isang sikolohikal na pag-aaral tungkol sa mga baklang nakaranas na tanggihan
ng kanilang kaibigang lalaki”

b. Pangalan ng (mga) mananaliksik.

Karen Jane P. Montero

c. Disiplina kung saan nabibilang ang pananaliksik. (Hal. Humanidades, Agham Panlipunan, Siyensa at
Teknolohiya, at iba pang disiplina.)

Humanidades, Agham Panlipunan

d. Ilahad ang mga layunin ng pananaliksik.

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga naging kwentong buhay ng mga
baklang nakaranas na tanggihan ng kanilang kaibigang lalaki.

Sa pag-aaral na ito ipinapakita na bagamat nasaktan ang mga kalahok ay natanggap pa din nila ang
nagyaring pagtanggi.

e. Ilahad ang naging resulta ng pananaliksik.

Mga Karanasan na Naramdaman ng mga Kalahok sa Panahon na Sila ay Natanggihan


Kalahok: Richard

Pisikal:

 Nawalan ng ganang kumain, at naging matamlayin.

Emosyonal:

 Nakaramdam ng lungkot at naging maramdamin.

Pag-iisip:

 Nawalan ng konsentrasyon sa mga gawain.


 Naisip niya na hindi madali ang maging member ng LGBT.
 ang tiwala sa kanyang sarili.
 Di malaman ang pipiliin kung pagkakaibigan o pagkakaroon ng relasyon.
 Naisip niya na ang lalaki ay para talaga sa babae.
 Nabawasan ang tiwala sa sarili.

Sosyal:

 Naging mapag-isa at tahimik

Kalahok: Jamie

Pisikal:

 Hindi makatulog.

Emosyonal:

 Nagkaroon ng inis at galit.


 Nasaktan, nalungkot at naiyak.

Pag-iisip:

 Nawala sa konsentrasyon sa pag-aaral.


 Natatakot masaktang muli.
 Minsan inaalala ang kanilang naging alaala

Sosyal:

 Nagkaroon ng distansya ang relasyon.


 Nalimitahan ang pakikitungo sa ibang tao.
 Nanlamig ang pakikitungo sa mga kaibigan.

Kalahok: Nathan

Pisikal:

 Nakaramdamn siya ng lungkot at pighati.


 Pinipigilan ang kayang nararamdaman para sa isang tao.

Emosyonal:

 Naaalala niya ang nangyaring pagtanggi bago siya matulog.


 Napabayaan niya ang kanyang pag-aaral.
 Nalaman niya kung ano ang pagkakaiba ng love at lust.

Pag-iisip:

 Naging mas mapili na siya sa tao.


 Nakaranas ng diskriminsayon.

Sosyal:

 Tinanong niya ang Diyos kung bakit nangyari sa kanya ang bagay na iyon.

Espiritwal:

 Tinanong niya ang Diyos kung bakit nangyari sa kanya ang bagay na iyon.

f. Ibigay ang mga suhestiyon ng (mga) manunulat.

 Batay sa kinalabasan at konklusyon, ang mananaliksik ay nagbigay ng mga nagmungkahi na sa


mga susunod na mananaliksik, maaring magsagawa ng kaugnay na pag-aaral kung saan ang
magiging kalahok ay ang mga lalaking nakaranas na tumanggi sa kanilang kaibigang lalaki upang
malaman ang kanilang dahilan sa ginawang pagtanggi. Iminumungkahi rin na magsagawa ng mas
malalim na pananaliksik ang mga susunod na mananaliksik at gumamit ng triangulation upang
mas mapagtibay pa ang mga datos na makukuha.
 Sa mga bakla na maaring makaranas na umibig sa kanilang kaibigang lalaki, batay sa kinalabasan
ng pag-aaral, maaring pag-isipin ng mabuti bago sabihin ang tunay na nararamdaman at huwag
tahasang bigyan ng kahulugan ang mga bagay na ginagawa ng mga kaibigang lalaki upang hindi
makaranas na tanggihan, o mawala ang pagkakaibigan gaya ng mga naging kalahok sa pag-aaral
na ito.

Gawain 1.1
Paglinang ng talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at bumuo ng pangungusap.

1. Empirikal
Kahulugan: Ang empirikal ay isang pamamaraan na siyentipiko na nakabatay sa katotohanan
base sa mga karanasan.
Pangungusap: Ang empirikal na obserbasyon ay umaasang mapapatunayan ang resulta base sa
mga tunay na nangyayari sa paligid at hindi teorya lamang o konsepto.

2. Akademiko
Kahulugan: Ang kahulugan ng Akademiko o Academic ay may kaugnayan sa, o nauugnay sa isang
akademya o paaralan lalo na ng mas mataas na pag-aaral.
Pangungusap: Ang pananaliksik ay isang halimbawa ng akademikong pag sulat.

3. Obhetibo
Kahulugan: Hindi ginagamitan ng sariling emosyon at ang pagbibigay ng interpretasyon ay batay
sa mga nakuhang impormasyon at datos.
Pangungusap: Ang obhetibo ay tiyak na pagbibigay detalye sa isang tao, bagay, lugar ayon sa
totoong buhay.

4. Sistematiko
Kahulugan: Tumutukoy sa maayos at makabuluhang proseso.
Pangungusap: Ang pagsulat sa kanyang talambuhay ay dumaan sa sistematikong pag sulat.

5. Kritikal
Kahulugan: Kritikal na pag-iisip o tinatawag ding pagsusuring kritikal ay ang malinaw at
makatuwirang pag-iisip na kinasasangkutan ng pagpuna.
Pangungusap: Ginamitan nya ng kritikal na pag-iisip ang pag sagot sa mga tanong ng kanyang
kaklase.

Gawain 1.2 Panimulang Pagsulat ng Pananaliksik Basahin ang mga paksa sa unang kolum at gumawa
ng tatlong (3) tanong tungkol sa paksa.
Paksa Mga Tanong
1. Paggamit ng social media sa pag-aaral. a. Nakatutulong ba talaga ang social media sa
pag-aaral lalo sa panahon ngayong new normal?

b. Ano ang mga hindi magandang dulot ng social


media sa mga mag-aaral?

c. Ilang taon ang nirerekomenda sa dapat pag


gamit ng social media?
2. COVID-19 sa Pilipinas a. Ano ang naging dulot ng COVID-19 sa
ekonomiya ng Pilipinas?

b. May maganda bang naidulot ang COVID-19?

c. Paano sinosolusyunan ng gobyerno ang patuloy


na pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas?
3. Anti-Terrorism Bill/Act sa Pilipinas a. Ano ang laman ng Anti-Terrorism Bill?

b. Gaano kahalaga ang Anti-Terrorism Bill?

c. Terorismo ba ang Anti-Terrorism Bill?

Gawain 1.3 Pagsagot sa mga tanong.

Sagutin nang mahusay ang bawat tanong.


1. Paano nakatutulong ang pananaliksik sa paglutas ng suliranin sa isang bagay o sa lipunan?
Ang pananaliksik ay resulta ng paghahanap ng impormasyon, kritikal na pag-iisip ng tao, at
paghahanap ng mga solusyon sa mga problema sa ating lipunan. Ang mga layunin ng
pananaliksik ay paglutas sa suliranin, pagbigay ng bagong interpretasyon, pagbibigay-linaw,
maging basehan ng mga susunod pang pananaliksik, at tumuklas ng bagong kaisipan o bagay.
Ang pananaliksik ay pwedeng ma hati sa iba’t-ibang klase depende sa kung paano ito gagawin.
May pananaliksik na ginagamitan ng “social science” may iba naman na gumagamit ng
quantitative o qualitative na impormasyon.

2. Gaano kaimportante na malaman ang mga katangian, kalikasan, at kahulugan ng panimulang


pananaliksik?
Mahalaga ang pagkaalam ng mga hakbang sa pagbuo ng isang panimula at makabuluhang
pananaliksik sa bansa upang maiwasan ang maling pagdedesisyon. Ang panimula at
makabuluhang pananaliksik ay tutulong upang maging patas at walang kinikilingan ang mga
nagsasaliksik. Makakatulong ito upang wag bumatay sa mga impormasyon na waring totoo
ngunit wala naman matibay na saligan.

3. Bakit kailangan obhetibo ang pagsulat ng isang pananaliksik?


Upang maiwasan ang pagka-bias.

4. Paano nahahasa ang kritikal na pag-iisip ng mga mananaliksik sa pagsulat ng pananaliksik?


Nakakatulong ang pagkakaroon ng isang kritikal na pag-iisip sa pagsusulat ng pananaliksik dahil
dito mas mabibihasa mo kung paano mo iintindihin ang mga nakasulat at makakuha ng mga
karagdagang impormasyong makakatulong sa iyung hinahanap na sagot sa iyong mga
katanungan, dito mo rin lubos mauunawaan kung ano ang malaking pinagkaiba ng iba't ibang
pagbabago o namayani sa magkaibang panahon. Ang mga pananaliksik na babasahin ay
naglalaman ng iba't ibang impormasyong tungkol sa pinagmulan at kung paano ito nabuo.

5. Bakit kinakailangan na organisado o may sinusunod na metodo sa paggawa ng pananaliksik?


Upang maipahayag ng maayos at oranisado ang pananaliksik na maiintindihan ng lahat at hindi
sila maguguluhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Gawin ang hinihingi sa bawat bilang at isulat ito sa bagong papel. Gumamit ng pormal na wika,
maging mapanuri, at malikhain. Matapos magawa ito ay ipawasto at ipasuri sa iyong guro.

1. Pumili ng paksang nais pag-aralan. Tandaan na magkaroon lang ng pokus sa isang paksa.
 New Normal na Pag-aaral

2. Gawan ito ng tatlong paglalahad ng suliranin. Ito dapat ay may kaugnayan sa paksa.
 Isa sa pinakamalaking salik na siyang nagiging hadlang sa epektibong pag-aaral ay ang
problema sa internet o data connection.
 Hindi lahat ay may kakayahang maka-bili ng mga gadgets na gagamitin sa new normal.
 Ayon sa DepEd Information, Communications and Technology Service Director na si Aida
Yuvienco, nasa 26% lamang ang bilang ng mga pampublikong paaralan ang may internet
connection. Sa kalagayan at laganap na kahirapan, mahihirapan ang mga pam[ublikong
paaralan sa pagpapatuloy ng klase lalo na at ika-83 lamang ang Pilipinas sa loob ng 183
na bansa pagdating sa kahandaan para sa online learning ayon sa Department of Science
and Technology (DOST).

3. Maghanap ng mga impormasyon na may kinalaman sa paksa. Gamitin itong basehan ng


inyong pagsulat.

Magsisimula na sa Lunes ang klase sa mga pampublikong paaralan, na magpapatupad ng distance


learning dahil ipinagbabawal pa rin ang face-to-face classes bunsod ng patuloy na banta ng COVID-19.
Bagaman oras na lang ang binibilang bago mag-umpisa ang klase, wala pa ring gadget na gagamitin sa
online class ang ilang estudyante, tulad ng Grade 10 student na si Rhealyn del Rosario. Sinubukan umano
nila itong pag-ipunan pero hindi talaga kinaya ng barya-baryang kinikita ng mga magulang sa
pangangalakal. Ayon kay Loida, ina ni Rhealyn, hindi niya alam kung paano susuportahan ang pag-aaral
ng anak.

"Kahit marami akong anak, patatapusin ko sila ng pag-aaral. Ayokong maghirap sila tulad ko," ani Loida.
May gadget man ang ilan, tulad ni Dustine Kim Ragas, pero wala namang access sa internet. "Mas madali
po sana ang pag-aaral kung may internet po kami," ani Ragas. Higit 24 milyong estudyante ang nag-
enroll ngayong taon: aabot sa 22 milyon sa public schools at higit 2 milyon sa private schools. Tiniyak
ngayong Linggo ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na handa ang kanilang ahenisya.
"Handang-handa po, at ito po ay galing sa ulat ng aming regional directors. 'Pag sinabi naming handang-
handa, pinaghahandaan din ang contingencies para mabigyan ng tugon yung mga magiging hamon,"

ani San Antonio. Kung walang gadget, mayroon naman modules, ayon kay San Antonio. "Hindi kailangan
mag-invest sa gadget para tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga bata. Naihanda na rin ng mga paaralan ang
self-learning modules," aniya. Pero hindi lamang mga estudyante ang maninibago ang setup dahil
malaking ajdustment din ang distance learning para sa mga guro. Bagaman may puwesto na sa bahay
para pagtrabahuhan, aminado ang gurong si Hannah Dionela na maninibago siya. "Kung kami ang
tatanungin, teacher, mas gusto namin face-to-face kaya lang dahil may pandemya tayo, delikado talaga
'yon," ani Dionela.
"Napipilitan kami na maglabas talaga sa sarili naming bulsa," dagdag niya. Para sa grupo ng mga guro,
walang silang magagawa kundi gampanan ang sinumpaang tungkulin. "Hanggang sa kasalukuyan ay
kinakaharap natin ang usapin ng kahandaan, usapin ng kaligtasan na masakit man sabihin, napabayaan
ng pamahalaan," ani Alliance of Concerned Teachers Secretary General Raymond Basilio. "Bagaman
mahirap talaga, ang mga teacher natin magtitiis, magtitiyaga, gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya,"
sabi naman ni Benjo Basas, chairperson ng Teachers' Dignity Coalition.

Sa ilalim ng bagong porma ng edukasyon, mag-aaral ang mga estudyante mula sa kanilang mga tahanan
sa pamamagitan ng printed at digital modules, online classes, telebisyon at radyo.

4. Sumulat ng isang pahina ng introduksyon tungkol sa paksa.

Itinuturing na 21st century learners ang mga mag-aaral sa henerasyong ito dahil umano sa kanilang
adaptive abilities, at ang pagkaangkla ng kanilang pamamaraan ng pagkatuto sa teknolohiya. Noong
araw, nasubukan nating pag-aralan ang mga paksa kasama ang matinding gabay ng ating mga guro sa
loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Ngunit sa panahon ngayon, ang mga magaaral ang siyang
nagsisilbing kani-kanilang mga personal na guro sa apat na sulok ng kanilang mga tahanan. Ito ang
kinalalagyan ng mga estudyante sa pagsibol ng new normal at sa pagbukas ng panibagong akademikong
taon. Sa kalagitnaan ng krisis na dulot ng COVID-19, isiniwalat ng Department of Education (DepEd) ang
kanilang plano sa pagpapatuloy ng klase sa pamamagitan ng blended learning na binubuo ng online
learning kasabay ng pagbibigay ng mga modyul o CAPSLET (Capsulized Self-Learning Empowerment
Toolkit). Isang kadahilanan dito ang mithiin na maibigay pa rin ang karapatan ng mga kabataan sa libreng
edukasyon sa kabila ng pandemya.

Subalit, kasabay nito ang mga pagsubok na siyang kinakaharap sa mga pampublikong paaralan. Nang
mapagdesisyunan ng DepEd na simulan ang akademikong taon noong ika-24 ng Agosto, ipinangako ng
ahensya ang matinding preparasyon at ang pagsasaalang-alang ng mga estudyanteng walang kakayahan
sa online learning—kabilang dito ang paggamit ng telebisyon at radyo sa pagtuturo. Sa kabila ng
pagsisikap ng ahensya, patuloy pa rin ang mga bumubuhos na problema nang magsimula ang klase.
Dahil dito, nag-isyu ang Malacañang ng memorandum na nakaayon sa R.A. 11418 na nag-usad ng klase
sa ika-5 ng Oktubre. Ang ilang sa mga suliranin na kinakaharap ng DepEd ay ang sumusunod: kahinaan
ng internet connection, kakulangan ng mga modyul sa proseso ng pag-aaral, at kawalan ng
kasiguraduhan sa pag-unlad ng karunungan ng mag-aaral.

Sa gitna ng mga pasulpot-sulpot na problemang hatid ng new normal sa mga pampublikong paaralan,
patuloy pa ring kinakaharap ng mga mag-aaral ang mga epektong dulot nito sa kanilang edukasyon.
Bagama’t nagsusulong ng solusyon ang DepEd, hindi maipagkakaila ang kakulangan sa preparasyon o
kahandaan para sa online learning. Ayon sa isang pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones noong
Agosto, nais nilang iwasan ang pagkawala ng interes at pagkahuli ng mga Pilipinong mag-aaral pagdating
sa edukasyon. Kaya naman ang pangunahing misyon nito ay patuloy na maibahagi ang serbisyong
edukasyon para sa mga kabataan. Sa kabila ng mga patong-patong na reklamo at problema na
kinahaharap ng mga mag-aaral, pinipili pa ring maging bingi ng ahensya sa isinisigaw ng mga kabataan
na tumatawag ng academic freeze. Nakababahalang isipin na mithiin ng ahensiya ang pagtibayin ang
kaalaman ng mga mag-aaral, ngunit may pag-unlad nga ba talagang nakikita sa mithiing ito?
Nakababahalang isipin na mahigpit ang paniniwala ng ahensya sa kanilang misyon na magbahagi ng
maayos na kalidad ng edukasyon nang walang solusyon sa mga suliraning ito. Kinakailangan bang
magdusa ng mga Pilipinong mag-aaral para lamang makamit ang hinahangad ng DepEd? Talaga bang
naghahatid-serbisyo ang ahensiya sa mga magaaral kung ang “serbisyo” ay siyang nakikitaan ng
problema? Ang “new normal” ba ay nagsilbing solusyon upang muling makapag-aral o naging sanhi
lamang ito ng panibagong balakid sa karunungan? Kung ang mga mag-aaral noon ay lubusang
nagabayan ng mga guro, ang pinakamalaking ambisyon sa panahong ito ay maibalik ang dating kalidad
at sistema ng pag-aaral. Maaaring mas mabuti ang maghintay na mayroong kasiguraduhang kaunlaran
sa pagkatuto kaysa ang ipagpilitan ang mga kondisyong hindi naaangkop sa kapasidad na mayroon ang
ahensiya, pati na rin ang mga mag-aaral. Oo, itunuturing 21st century learners ang henerasyong ito
ngunit wala itong magandang idudulot kung ang mismong sistema ang siyang problema.

5. Isulat ang mga ginamit na sanggunian.


 https://news.abs-cbn.com/news/10/04/20/distance-learning-sa-mga-pampublikong-paaralan-
simula-na-sa-lunes
 https://issuu.com/beaconpublications/docs/sinag_2020_updated/s/11376120
 https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/10/06/2047452/editoryal-
malaking-hamon-sa-deped-magulang
 https://www.dilg.gov.ph/news/DILG-inatasan-ang-mga-LGUS-na-tulungang-masanay-ang-mga-
public-schools-sa-new-normal/NC-2020-1222
 https://teachforthephilippines.com/tuloy-ang-pagkatuto/

6. Magkaroon ng mungkahing pamagat sa paksa.


 Ang Katotohanan sa New Normal na Pag-aaral

Pagninilay

Sa napag-aralang panimulang pananaliksik, sa tingin ko malaki ang kalakasan ko sa bahaging pag sulat ng
panimulang pananaliksik dahil alam ko ang kahulugan, layunin, at mga katangian at kalikasan ng
pananaliksik.

Ang naging kahinaan ko naman ay ang bahaging paghahanap ng impormasyon na totoo at hindi bias
dahil sa panahon ngayon ay nagkalat na ang hindi mga totoong impormasyon sa internet o kilala sa
termino na “fake news”.

At para mapagtagumpayan ko ang aking kahinaan ay ito ang aking gagawin motibasyon upang mag
praktis at linangin lalo ang aking kakayahan at talento sa paghahanap ng impormasyon.

You might also like